Dahan dahan na naglakad si Lance papalapit sa aking kinatatayuan. Sa mga sandaling ito ay napapangiti ako habang tuloy ang pagtulo ng luha sa aking pisngi. Napapakapit ako sa aking bibig sa tuwa. Tumayo si Lance sa aking harapan kung san naruruon ang mga PWD person na nakasuot ng T-Shirt na may nakasulat na WIll You Marry Me na salita. Nagsilabasan na din ang aking mga kaibigan na isinama pala ni Lance para makasaksi ng importanteng kaganapang ito. Nagulat din ako dahil sa mga camerang nagco-coverage ng espesyal na event na ito. Kinapitan niya ang mikropono na inabot sa kaniya ng isang farmer at saka ito nagsimulang magsalita. "Hi Hon! i know (napapangiting sabi ni Lance nang pabulong sa hangin ko siyang tinanong kung ano ito. Napapalibutan na kasi kami ng mga taong nakiki-osyoso sa ngyayari). Amara, Hon. Its been two years magmula ng araw na binigay mo ang matamis mong OO sa akin and i Thank God everyday for that. Mahal kita at alam mo yun. Salamat sa pagpapakita mo sakin ng tot
LANCE POV Nang matapos ang kasiyahan ay nagkanya-kanya na kaming tungo sa aming mga silid. Sanay kami ni Amara na magkatabing matulog pero itong gabing ito ay may kakaibang kilig ang hatid sakin dahil sa ginawa kong proposal. Nauna akong matapos kay Amara'ng maligo . Sinadya ko ito para sa nais kong ihanda. Sinilip ko pa ito sa CR at siniguradong hindi pa ito tapos maligo saka ko hinanda ang aming kama. Nilagyan ko ito ng red rose petals at sa gitna nito ay pinuwesto ko ang regalong hinanda ko para sa kanya . Alam kong gustong gusto ni Amara ang Rolex Lady-Datejust 26 (69178) 18k yellow gold watch. Lagi ko itong nakikitang tumitingin online tungkol sa relong ito. Kaya lamang ay lagi siyang nanghihinayang sa pagbili nito para sa kaniyang sarili dahil mas pinipili niyang ibigay as donation sa mga orphanage ang kaniyang pera. May mga regular itong charity na tinutulungan. Palagi kasi niyang naalala ang ngyari sa kaniya noon 20 years ago ng iwanan siya ng kaniyang tunay na ina sa isang
AMARA POV THE DAY AFTER THE PROPOSAL Maaga akong nagising dahil nais kong tulungan ang mga lokal farmers na maghanda ng almusal. Hindi lang kasi ang pamilya namin ang kanilang naging bisita kundi pati mga kaibigan namin ni Lance na nakidalo sa mahalagang event na ito sa aming buhay. Lingid sa aking kaalaman na kumalat na pala sa online ang proposal ni Lance sa akin. Kaya naman ang daming messages ang natanggap ko mula sa aming mga kaibigan at kamag anak. Isa isa ko silang pinasalamatan ang iba nga ay tumatawag pa sa akin at kinakausap ko habang nagluluto kami. Matapos ang aming pakay ay agad na kaming bumalik sa Pilipinas para paghadaan ang nalalapit na kasal namin ni Lance. Naisipan naming gawin na namin ito sa lalong madaling panahon. Nais naming within 6months ay mairaos na namin ang aming kasal. Ayaw na din ni Lance patagalin na maging legal ang aming pagsasama. Masaya kaming nagsalo salo sa huling araw namin sa Thailand. Natapos na din naming i check ang mga produktong
JAMES POVNag-aalala na ako sa ngyayari. Batay sa aking nakikita ngayong mga sandaling ito mukhang alam ko na ang pupuntahan nito. Isang malaking heartbreak na naman ito para sa anak namin. Lumapit ako kay Sanjo para tanungin ito dahil padating na si Amara ay wala pa ito.“What happen Sanjo?! Bakit hanggang ngayon wala pa rin si Lance?! Nagmessage na si Amara kay Kate papunta na siya ngayon!" iritable kong tanong sa kaniya"hindi ko nga din alam kumpadre sabi naman ng mga bata bago sila umalis ng bahay ni Lance ay nakahanda na ito, pinauna lang sila at pasundo na din sana. Alam mo naman kung gano kamahal ni Lance ang anak ninyo kaya kung ano man yang nasa isip mo hindi niya yun magagawa kay Amara." sagot naman nito sa akin. Ilang minuto din akong nakatayo sa harapan ni Sanjo at mga pinsan nitong si Lance naghihintay na baka sumagot ito. Aligaga na ang mga ito sa kakapa ring lang sa cell phone ni Lance. "sumagot na ba sa inyo ELissa?" tanong ni Sanjo sa mga pamangkin ."hindi pa rin
Para akong bingi. Wala na akong marinig na kahit na anong pagsasalita nila sa aking gilid. Hindi ko na pinapansin ang mga sinasabi sa akin nila Mommy. Pakiramdam ko ay gumuho ang aking mundo sa ginawa sakin ni Lance. Napapatanong ako sa aking sarili. Ano bang nagawa kong pagkakamali?! Ano bang naging kasalanan ko at ginanito ako ni Lance?! Okay na okay naman kami kahit hanggang kahapon, hindi ko man lang nakita na mangyayari ito. Puro kabaitan at ka sweetan ang kaniyang pinapakita sa akin. Ano yun?! ibig bang sabihin puro lang kasinungalingan lahat ng iyon? Ang sakit sa dibdib. Hindi ko matanggap. Sana sinabihan na lang niya ako na ayaw niya ng ituloy ang kasal kesa pinahiya niya ang pamilya ko. Hiyang hiya ako kila Mommy sa ginawa niyang hindi pagsipot sa aming kasal. Kaya kong harapin ang kahihiyang inabot ko pero ang madamay pati ang pamilya ko ay hindi ko kaya. Habang nag-iimpake ay para akong baliw na walang tigil sa kakaiyak. Pigilan ko man ang aking mga luha ay kusa naman ito
Malalim na bumuntong hininga si Daddy bago ito nagsalita. "Amara anak , makinig ka kay Daddy. Kung ano mang ngyari ngyaong araw. Tandaan mo wala kang kasalanan dito. At hindi ka nagdala ng kahihiyan sa amin anak. Tandaan mo na si Mommy at Daddy ay laging proud sayo dahil sa lahat ng ginagawa mo ay alam naming iniisp mo kami ng Mommy mo. Ito tatandaan niyong magkakapatid, kami ng Mommy niyo ay laging nandito para sa inyo achievements man yan o failure. Magkakasama nating haharapin kung ano man ang pagsubok na pagdadaanan niyo. Anak , Amara! itong pangyayaring ito sa buhay mo alam kong masakit, walang kasing sakit. Pero anak malaki ang matutunan mo dito. Lagi mong iisipin na hindi tayo bibigyan ng pagsubok ng nasa itaas ng hindi natin kayang lagpasan. Ito anak try to think on a positive way. Bakit sa kinadami dami ng tao sa mundo ikaw ang binigyan niya ng ganitong pagsubok?" makahulugang tanong sa akin ni Daddy "Because He knows that i am strong. Kaya ko to Dad! ngayon lang ako nalulun
AT EDUARDO’s MANSION ELISSA POV Isang pagpupulong ang agad na ipinatawag ni Tito Sanjo matapos ang pagkakagulong ngyari sa simbahan dahil sa ngyaring pagkawala ni Lance sa araw mismo ng kaniyang kasal. Lahat kami ay dumiretso sa mansyon pagkagaling sa simbahan.Galit na galit ito at hindi siya naniniwalang nawawala si Lance ng walang dahilan. Lahat kami ay saksi sa matinding pagmamahal ni Lance para kay Amara. Hindi siya natakot mawalan ng mana kahit anong pagpigil ang gawin sa kaniya ni Founder .Hindi siya nagdalawang isip na sagutin ito at iwan ang lahat lahat alang-alang kay Amara. Pero dahil nga sa paborito siya ni Founder hindi niya tinotoo ang kaniyang sinabing pagtatakwil dito. Nakita namin kung paano nito pinaglaban kay Founder ang kaniyang kasal kaya kahit kami ay nagtataka kung bakit hindi ito sumipot sa kanyang kasal lalo na at ng araw na yun ay nakasama pa namin ito sa kaniyang bahay. Alam naming nakahanda na ito , sana pala ay pinilit na lang namin itong sumabay samin
JARRED POV ILANG ORAS MATAPOS MAG DISAPPEAR NI LANCE Hindi ko inaasahan na ganuon pala kabigat ang ginawang ito ni Founder. Ngayon ay nakukunsensya ako sa ginawa ko para sa buhay ng aking pinsan. Hindi ko alam na ganuon pala ang plano ni Founder. Nagulat na lang din ako ng magkagulo na sa simbahan. Hindi ko din alam kung saan niya dinala si Lance. Bago ang araw ng kasal ni Lance ay sinuhulan ako ni Founder para itago ang kaniyang ireregalo kay Amara ng sa gayon ay mapilitan itong bumalik sa kaniyang bahay mag isa. Hindi naman sinabi sakin ni Founder ang susunod nilang gagawin basta gawin ko lang ang task na iyon at bibigyan niya na ako ng pinapangarap kong sports car. Naiinggit din ako kay Lance dahil lahat ng gustuhin niya ay nakukuha niya. Bakit pag kami bawal kumontra sa sinasabi ni Founder pero bakit si Lance na sumuway na sa kaniyang kagustuhan ay binigyan niya pa rin ng napaka gandang regalo. Binigay niya kay Lance ang pinapangarap naming magpipinsan na resort property sa Si
Ngumiti siya sa akin, at naramdaman ko ang init sa puso ko. Kinuha ko ang singsing mula sa pari at marahang sinuot ito sa daliri niya. Habang ginagawa ko ito, tinignan ko siya at ngumiti. “Mahal kita, Ethan,” bulong ko Hinawakan ko ang singsing sa kamay ko, ramdam ang kabigatan ng bawat pangakong nakapaloob dito. Tumingin ako kay Ethan, at sa mga mata niya nakita ko ang pagmamahal na walang pag-aalinlangan. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “ Ethan Anderson,” sabi ko, malumanay ngunit puno ng emosyon. “Kaya naman, Please wear this ring as a sign of my love and loyalty to you. For richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part. I, Kayline Eduardo are asking you to accept me as your lawfully wife?! Sa mata ng Diyos at sa nata ng tao?” Tumango siya, at biglang nagsalita ng malakas at malinaw. “I do!” sagot ni Ethan, punong-puno ng sigla at pagmamahal. Isinuot ko ang singsing sa daliri niya nang marahan, ramdam ang init ng kamay niya habang hinahawakan n
Ngunit paano? Paano ako kakalma kung narito sa harap ko ang babae ng buhay ko, papunta sa akin? Napailing ako, pilit pinipigilan ang namumuong luha, pero huli na. Pumatak ito, at hindi ko na nagawang itago pa. “Ang ganda niya,” bulong ko ulit, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Ngumiti si Mommy, halatang naiiyak din. “Oo, anak. Ang ganda niya. At ikaw ang maswerteng lalaki na hinihintay niya sa altar. Masaya akong nakikita kang masaya” Nang magsimulang maglakad si Kayline, tumunog ang unang nota ng piano, at ramdam kong mas bumagal pa ang oras. Ang bawat hakbang niya ay parang sinadya para itatak sa isip ko ang araw na ito. Nakatingin siya sa akin, at sa mga mata niya, alam kong naroon ang parehong pagmamahal na nararamdaman ko. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, parang tumitigil ang oras. Ngumiti siya, at sa sandaling iyon, alam kong siya ang tamang desisyon. Hindi ko napigilang mapaluha ulit. Ito na iyon, sabi ko sa sarili ko. Walang
KAYLINE POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kahapon lang, napakaraming pagsubok ang pinagdaanan namin ni Ethan. Pero ngayon, ito na—ang araw na pinapangarap ko. Araw ng kasal namin. Habang nasa loob ng sasakyan, naririnig ko ang tibok ng puso ko, parang kasing lakas ng tunog ng makina. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at nginitian ako. “Congratulations, anak,” sabi niya, puno ng pagmamahal ang boses. “Finally, ito na iyon. Napakaganda mo, at sigurado akong magiging napakaganda rin ng araw na ito para sa inyo ni Ethan. Wag kang kabahan, mag-relax ka lang.” Napangiti ako kay Mommy, kahit nararamdaman kong nangingilid ang luha ko. “Salamat, Mommy. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat ng ito.” Pinisil niya ang kamay ko nang mahigpit. “Kayline, karapat-dapat kang maging masaya. Ngayon, huwag mo nang isipin ang iba. Enjoyin mo ang araw na ito.” Tumingin ako sa salamin at inayos ang belo ko. Pinipigilan kong maiyak dahil ayokong masira a
ETHAN POV Ito ang pinakahihintay na araw sa buhay ko, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko maalis ang kabang nararamdaman ko. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Kaninang umaga pa lang paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mommy ng maraming beses, pero palagi niyang binababa ang tawag ko. Hindi niya sinasagot kahit ang mga text ko. Huminga ako nang malalim at tumitig sa screen ng phone ko. Nabasa ko ang seen sa huling message ko: “Mommy, 4 PM sa St. Michael’s Church. Hihintayin kita, sana dumating ka.” Parang kinurot ang puso ko. Alam kong nasaktan siya sa mga nakaraang pangyayari, pero hindi ko maitatanggi na umaasa pa rin akong dadalo siya sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Pagdating ko sa simbahan, nauna akong bumaba ng kotse. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Madami na ding bisita ang nasa loob ng simbahan. "sir within 10 minutes magsisimula na po tayo" sabi sa akin ng
Kailangan kong protektahan si Kayline, lalo na sa mga banta ni Sofia. Pero alam ko rin na kailangan ko munang harapin ang mommy ko. Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin, pero hindi ko na rin kayang tiisin ang pananahimik niya tungkol sa mga ginagawa ni Sofia. Kinabukasan, sa bahay ng mommy ko Pagdating ko sa bahay, tahimik akong sinalubong ng kasambahay. “Sir Ethan, nasa veranda po si ma’am.” “Salamat,” sagot ko, saka ako dumiretso. Sa totoo lang, ayoko na talagang makipag-usap kay mommy tungkol sa gulong ito, pero kailangan kong malaman kung bakit tila siya kampi kay Sofia sa kabila ng lahat. Pagdating ko sa veranda, nakita ko siyang nakaupo habang iniinom ang paborito niyang tea. Napansin niya agad ang presensya ko, pero hindi siya nagsalita. “Mommy,” panimula ko, habang naupo sa harap niya. “Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy lang siyang umiinom ng tea niya, pero halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. “Bakit
ETHAN POV Sigurado ako sa sarili ko. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sofia. Wala akong ginawa sa kanya noong gabing sinasabi niya. Pero syempre, mahirap ipilit ang katotohanan kung puro kasinungalingan ang binibigay niya. Kaya heto ako, dinala siya sa kaibigan kong doktor para matapos na ang lahat ng drama niya. Pagpasok pa lang namin sa clinic, halatang aligaga si Sofia. Panay ang hawak niya sa tiyan niya na parang gusto niyang magpaniwala agad na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mommy ko, nasa tabi niya at mukhang nagdududa rin. “Ethan, ano ba to? Bakit mo pa kailangang dalhin dito? Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?” ani Sofia, halatang naiinis. “Sinong maniniwala sayo , alam ko at sigurado akong walang ngyayari satin,” sagot ko nang diretso. “Isa pa gusto ko ng kasiguraduhan. Ayokong basta basta magpadaan sa kalokohan niyo.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mommy “At ano naman ang gusto mong patunayan?” singit ni mommy, halatang kampi na kay Sofia. “Simple lang,
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang makita ko siyang dumating sa opisina. Agad niyang napansin si Sofia na nakatayo roon. Tuwang tuwa ang mukha ni Sofia ng makita niya si Ethan, ang ngiti niyang nagpapakita ng kayabangan, na parang may laban siyang napanalunan na ako lang ang hindi nakakaalam. “Hi, Ethan,” bati ni Sofia sa kanya, matamis ang tono ng boses niya. Lumapit siya kay Ethan, pero nakikita kong mayroon siyang intensyon sa bawat galaw niya. Akmang yayakapin niya ito, ngunit agad kong nakita ang pagkakaiba sa reaksyon ni Ethan. Para siyang biglang naging yelo, malamig at puno ng galit. "baby anong ngyayari dito?" tanong ni Ethan sa akin na punong puno ng pagtataka. Tinitignan kong mabuti si Ethan pero nakita kong kahit siya ay naguguluhan sa maaring ginagawa ni Sofia sa loob ng opisina ko. Lumapit si Sofia kay Ethan na ngayon nakatayo sa gilid ko. Nilingkis ni Sofia ang balikat ni Ethan "ano ka ba naman, Ethan hindi mo ako dapat ini-stress. Buntis ako. Nung gabing ma
Hindi mapigilan ni Sofia ang pagbagsak ng mga luha niya. “Please, Kayline. Alam kong ikaw ang mahal niya, pero… pero hindi ko kayang palakihin ang anak namin nang mag-isa. Kailangan ko siya. Kailangan ng bata ng ama at wag mo sanang ipagjait yun!” Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Tumingin ako kay Sofia, at sa kabila ng galit na nararamdaman ko, nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, galit ba o awa? “At bakit sakin mo sinasabi lahat ng to?” tanong ko, halos wala na akong boses pero nagpapakita pa rin ako ng katatagan. “Bakit hindi mo sabihin kay Ethan mismo? At siya ang hayaan mong magdesisyon! Hindi ko na kapit anong gagawin niya dito. Napayuko siya, hindi ko alam kung panibagong drama na naman nila to ng Mommy ni Ethan. “Sinubukan kong sabihin sa kanya… pero hindi ko kayang makita siyang nagagalit o tinatanggihan ako. Alam kong nasaktan siya sa paghihiwalay niyo dati, pero hindi ko inasahang mangyayari ito. Oo aaminin ko naging har
CURRENT TIME PAGKATAPOS NG PROPOSAL KAYLINE POV Matapos kumalat ang video ng proposal ni Ethan sa akin, hindi ko inasahan ang dami ng atensyon na natanggap namin. Nakakatuwa na madaming mga kakilala at nagtatrabaho para sa akin ang nagbigay ng kanilang mga congratulatory message. Hindi ako makapaniwalang sa lahat ng pinagdaanan namin ni Ethan ay mauuwi din kami sa totoong kasalan, this time walang pilitang ngyari. Sabik na sabik ako sa buhay na naghihintay sa akin kasama si Ethan. Ngunit sa kalagitnaan ng araw, habang abala ako sa trabaho, biglang bumukas ang pinto ng aking opisina. Nagulat ang sekretarya ko at mabilis siyang sumunod para sana pigilan si Sofia na walang pakundangang pumasok. Hindi ko alam kung paano siya nakalusot sa sekretarya ko. “Mam pasensya na po kanina ko pa po siya pinipigilan pero nagpumilit po talaga siya , hindi ko na po naawat nagwala na po kasi siya sa labas. Hinagis niya ang mga papeles na nasa lamesa ko kaya po pinulot ko muna saka ko siya sinundan.