"Talaga bang doktor lang yung lalaking yun?" Naglakad si Ivan, umalis siya sa isla kasama si Xena. Pinag-isipan ito ni Xena at nagsindi siya ng apoy, sinunog nila ang buong isla. "Hindi tayo pwedeng mag-iwan ng kahit anong bakas dahil baka hanapin ako ng mga master ng Clark family at Hugo family kapag nabasa nila ang usapan namin sa mga phone ng mga anak nila!" Nag-isip si Ivan bago siya nagpatuloy sa pagsasalita, "Kapag nalaman nila na namatay ang mga anak nila pagkatapos naming maglabas ng pera para umupa ng mga assassin para ipapatay si Fane, isisisi sakin ng mga master ang pagkamatay ng mga anak nila!" "Tama yun. Lalo na ayaw ng master ng Hugo family na makipagkaibigan sayo si Neil. Baka kwestyunin ka niya kapag nalaman niya na patay na ang anak niya!" Tumango din si Xena at nagsalita. "Oo nga pala, huwag mong sasabihin sa iba ang mga nangyari ngayon. Okay?" Nag-isip si Ivan at pinaalalahanan niya si Xena noong nakabalik na sila sa kotse. "Huwag kang mag-alala. Hindi ako ta
"Hayy, masama ito. Sabi ng old master na nakokonsensya siya na napahiya ang Gold family dahil satin kaya kailangan nating pumunta dun ng maaga at maghapunan kasama nila. Ibig sabihin nito kailangan nating makipagkita sa kanila Fane at Selena ulit!" Umaga na at naiinis na nagsalita si Ivan habang palabas siya ng hotel. "Lalo na si Fiona, ang lakas ng loob niyang magyabang ngayong mayaman na ang pamilya nila. Parang takot na takot siya na hindi malaman ng mga tao kung gaano kayaman ang pamilya niya. Bumibili siya ng mga branded na bag at maraming damit araw-araw. Sa tingin niya ba masusuot niya lahat yun?"Walang masabi si Ivan nang marinig niya ang mga salita ni Xena na puno ng inggit. Kung mayaman si Xena, kikilos siya ng gaya ni Fiona. Sa mga sandaling ito, naglalakad-lakad na sila Fane at ang iba pa sa mansyon ng Taylor family. Kahit na hindi masaya ang master ng Gold family, si Kelly, at ang iba pang miyembro ng Gold family sa nangyari noong kasal ni Cecilia at Kelly, masaya
"Sino yhn? Ang lakas ng loob nila na manggulo sa mansyon ng Taylor family!" Lumapit sila Fane, Theodore, at ang iba pang mga tao na naglalakad-lakad sa may bakuran. Si Theodore ang master ng Taylor family kaya siya ang humarap sa kanila. Sumunod sa likod niya ang old master, si Fane, at ang iba pa. "Haha, ang daming tao dito!" Tumawa ang lalaki bago siya nagsalita. "Hindi ba hiniling namin noon na sumali sa digmaan ang isang lalaki na mula sa Taylor family na nasa edad na 18?" "Sino kayo? Anong kinalaman sa inyo ng mga pangyayari sa pamilya namin?" Sumimangot si Theodore noong narinig niya ito. Hindi ordinaryong tao ang apat na taong nasa harap nila ngayon. Kinabahan siya, lalo na noong nakita niya kung gaano kabilis ang lalaki na umatake sa mga bodyguard nila. "Haha, e ikaw? Sino ka ba?" Hindi sinagot ng lalaki ang tanong ni Theodore. Sa halip, ngumiti siya ng masama at sinabing, "Kung hindi ako nagkakamali, ikaw ang master ng Taylor family, tama? Hindi ko alam na nakalimutan
”Haha… Binata, hindi mo pwedeng sabihin yan. Para sa amin, si Fane ay hindi isang taga labas at itinuturing namin siyang parte ng aming pamilya dahil sa magaling siyang makisama!” Tumawa si Theodore. Medyo malakas ang loob niya nung maalala niya kung gaano kalakas at kagaling si Fane sa pakikipaglaban na kahit mga marshal ay hindi siya kayang tapatan. Kahit na wala siyang alam kung saang makapangyarihan na pamilya ang mga taong to galing, diretsahan pa rin niyang sinabi, “Binata, hindi kami gagawa ng ingay sa kung sino ang pumatay sa aming mga bodyguard ngayon lang. Pakiusap umalis ka na!” “Haha, anong klaseng biro to! Nanggaling kami sa malayong lugar at iniisip mo na basta basta na lang kami aalis ng ganun lang?” Isa pang lalake ang tumawa at humakbang ng dalawang beses. “Ngayong araw na to, kailangan niyong ibigay sa amin si Ivan Taylor at ang lalake na naglakas loob na humalili kay Ivan na sumabak sa gyera para lumuhod sa harapan namin para humingi ng tawad sa ginawa niya. Wala k
Haha, kahit na gusto ko siyang ibigay sa inyo pero hindi ko pwedeng gawin ito dahil sa may mga hindi matutuwa kapag ginawa ko yun!” Nagkibit balikat si Fane at inilahad ang kanyang mga kamay habang nagsasalita. “Ikinalulungkot ko na wala kayong pwedeng patayin sa mga tao dito. Lalo na, ang asawa at pamilya ko ay nandito. Imposible para sa akin na maupo na lang at walang gawin!” “Fane, anong sinasabi mo? Anong ibig mong sabihin na gusto mo siyang ibigay sa kanila? Paano mo naisip ang bagay na yun kung ikaw ang son-in-law na ikinasal sa loob ng pamilya, isang miyembro ng Taylor family?” Nagulat si Theodore nang marinig niya ang sinabi ni Fane na gusto nitong ibigay si Ivan sa kanila. Kung ganun, depenido an ang kamatayan ng kanyang anak. Nag-aalala pa rin si Theodore kahit na kausap na niya si Fane. Lalo na, ang apat na ito na nasa kanyang harapan ay napatunayan na ang kanilang mga kakayahan nung umatake sila. Hindi iyon madaling gawin. “Mga kasama, karamihan...karamihan sa amin
”Bakit ko kailangan tumakbo? Bakit natin kailangan mag-alala kung malakas naman si Fane? Bukod pa doon, ang ating Taylor family…” Malamig na ngumiti si Ivan at sinabi ito ng walang pakialam sa nangyayari.Wala siyang kaalam-alam kung gaano kaseryoso ang kanilang sitwasyon. “Haha, nakabalik ka na pala? Ngayon ang araw ng iyong kamatayan!” Lumingon si Lucas Lambert at malamig na tinignan si Ivan. Ang lamig ng kanyang mga mata ay nagdulot ng takot sa mga tao sa paligid. “Ikaw… Ikaw ay…” Nakangiti si Ivan kanina pero nanigas ang kanyang ngiti at napalitan ito ng takot.Kahit na nangyari iyon limang taon na ang nakakaraan at ang lalakeng ito ay bahagyang tumanda na sa loob ng mga taon na yun, nakilala pa rin siya ni Ivan. “P*ta, galing sila ng Gin City!” Sobrang natakot si Ivan. Ang mga taong ito ay malakas ang kapangyarihan matagal na panahon na, nangangahulugan ito na isa silang maimpluwensyang pamilya. Malakas marahil ang kanilang loob dahil sa nangahas silang hanapin siya. Gus
”Ano pa bang itinatayo niyo dyan? Iligatas niyo ang young master!” Kaagad na na sumigaw si Theodore. “Patay ka na!” Maraming mga bodyguard ng Taylor family ang sumigaw at sumugod sa mga kalaban. “Anong nangyayari dito?” Sa wakas, ang sampung magagandang bodyguards ng bahay ni Fane—na nasa kabilang ibayo—ay napansin ang nangyayaring kaguluhan at sumugod na rin. “Paka-pakawalan niyo ako. Nagkamali ako!” Takot na takot si Ivan. Ang kanyang mga kalaban ay masyadong malakas; wala siyang kalaban laban sa mga ito. “Mamatay ka na!” Habang hinaharangan ng kanyang magiging kabiyak si Fane, hindi nag-alala si Lucas. Winasiwas niya ang kanyang espada at pinatay si Ivan. “Hindi!” Sumigaw si Theodore nung makita niya na ang kanyang sariling anak ay namatay sa kanyang harapan. Hinimatay siya kaagad pagkatapos. “Master!” Marmi sa mga miyembro ng Taylor family ang tumulong para saluhin si Theodore at itayo ito. Tinikom ni Selena ang kanyang mga kamay. Nag-aalal
”Huwag kayong susugod!” Si Orchid, na susugod na sana, ay kaagad sinabihan sila Elaine at ang iba pa na huminto nung marinig niya ang sinabi ni Fane. Napagtanto niya na ang apat na yun ay hindi mga ordinaryong tao. Hindi sila pipigilan ni Fane na pumunta doon kung hindi ganun. Ang ibig sabihin nito ay kapag sumugod sila, hindi lang wala silang maitutulong, malamang ay mapatay pa sila. Syempre, hindi mahirap para kay Fane na patayin ang apat na yun, pero sinadya niya na bagalan ang sarili niya nang sa gayon ay magmukhang hindi niya kayang iligtas si Ivan. Malamang ay pagdududahan siya ng Taylor family kapag mabilis niyang natalo ang apat na tao na yun. Yun dahilan kung bakit kailangan niyang kontrolin ang lakas niya ngayon. Papatayin niya ang mga ito, pero pagmumukhain niya na patas ang laban—Na para bang ginagamit na niya ang lahat ng kanyang mga kakayahan. “Pagtulungan natin siya at patayin! ANg lakas ng loob niya na saktan si Snow!” Suminghal ang lalakaeng nag
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin