”Huwag kayong susugod!” Si Orchid, na susugod na sana, ay kaagad sinabihan sila Elaine at ang iba pa na huminto nung marinig niya ang sinabi ni Fane. Napagtanto niya na ang apat na yun ay hindi mga ordinaryong tao. Hindi sila pipigilan ni Fane na pumunta doon kung hindi ganun. Ang ibig sabihin nito ay kapag sumugod sila, hindi lang wala silang maitutulong, malamang ay mapatay pa sila. Syempre, hindi mahirap para kay Fane na patayin ang apat na yun, pero sinadya niya na bagalan ang sarili niya nang sa gayon ay magmukhang hindi niya kayang iligtas si Ivan. Malamang ay pagdududahan siya ng Taylor family kapag mabilis niyang natalo ang apat na tao na yun. Yun dahilan kung bakit kailangan niyang kontrolin ang lakas niya ngayon. Papatayin niya ang mga ito, pero pagmumukhain niya na patas ang laban—Na para bang ginagamit na niya ang lahat ng kanyang mga kakayahan. “Pagtulungan natin siya at patayin! ANg lakas ng loob niya na saktan si Snow!” Suminghal ang lalakaeng nag
Marami ang nakapanood sa madugong labanan ng mga martial artist. Malamang ay iimbestigahan ng mga tao mula sa Gin City ang tungkol sa pagkamatay ng apat sa kanilang tauhan, at malalaman nila ang mga nangyari. Malalagay sa malaking panganib ang Taylor family. Napansin ni Selena ang ekspresyon ni Old Master Taylor at sinabi, “Grandpa, bakit ka bumubuntong hininga? Mukha namang matatalo silang lahat ni Fane!” Pati si Fiona at ang lahat ay napatitig din sa matanda, nagtataka. “Masyado maraming makapangyarihan na mga organisasyon sa Gin City. Kahit na burahin niyo ang makapangyarihan na Ten Families doon, ang mga pamilya na medyo mahina kesa sa kanila ay malakas pa rin. Malalakas ang mga Lambert, at ang kanilang mga elder ay masyadong malakas. May makakalaban tayong makapangyarihan na angkan kapag namatay sila!” Bumuntong hininga si Old Master Taylor at sinabi, "Pero kailangan na silang patayin ni Fane ngayon, kung titignan ang sitwasyon natin ngayon. Wala na tayong iba pang
”Galing sila sa Gin City? Malaking problema ito… Maraming magagaling na fighters sa mga makapangyarihan na pamilya doon.” Naging seryoso ang ekspresyon ni Orchid nung marinig niya ito. “Nakakapanghinayang lang dahil hindi nila pinadala ang lahat ng kanilang mga eksperto nung sinimulan nila ang laban. Matagal na tayong nanalo kapag ganun.” “Dalian niyo, iligpit niyo na ang mga bangkay.” Inutusan ni Old Man Taylor ang kanyang mga tauhan para iligpit ang mga katawan. Kaagad na malalaman ng mga tao ang nangyaring kaguluhan dito hangga’t hindi ito naaayos. Mas magiging madali para sa Lambert family kapag pumunta sila dito para imbestigahan ang pagkamatay ni Lucas at ng mga kasamahan nito. Nag-isip muna si Old Master Taylor ng mga ilang sandali upang ayusin ang isipan nito bago nito kinausap si Theodore, “Namatay si Ivan ngayong araw na ito dahil sa ginalit niya ang mga ito limang taon na ang nakakalipas, Theodore. Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi niya sinubukan na ga
Hindi na nag-abala pa si Joan kay Fiona. Dinala niya sila Selena at Fane sa gitna mg hardin ng kanilang villa. Sinimulan ni Fane ang usapan bago pa man masimulan ito ng kanyang ina, “Mom, hinanap ka ba ng matandang lalake at ng babaeng yun? May pinapasabi ba sila sa akin?” Ngumiti si Joan. “Oo, tama ka. Tama ang hula mo bago pa man ako makapagsalita.” “Sinong matandang lalake? Sinong babae?’ Naguluhan si Selena, walang alam sa kanilang pinag-uusapan. Nilingon ni Joan si Selena at sinabi, “Selena, may kailangan kaming sabihin na hindi pa namin nasasabi sayo. Hindi pa patay ang tatay ni Fane… Buhay pa ito. Ang pangalan niya ay Nash Woods.” “Ano?!” Huminga ng malalim si Selena, gulat na gulat, at natagalan siya bago tuluyang nakabawi. “Kaya ngayon ay hinahanap niya si Fane?” Sabi ni Selena. “Matagal niyo parehong alam na buhay pa siya?” Tumango si Joan. “Paano ko ba ipapaliwanag ito…? Maraming makapangyarihan na asosasyon sa mundong ito, tulad ng Ten Noble Families
“Talaga? Hindi ko alam kung ano ang sasabihin tungkol kay Nash Woods… Totoo, nagsakripisyo siya para sa kanyang pamilya pero hindi siya isang responsableng ama!” Nakahinga ng maluwag si Selena nung marinig niya ito. “Mother, binigyan ka ba ni Nash ng pera nung sinabi niya na umalis kayo?” tanong niya kay Joan. “Alam ba niya na pinagbubuntis mo si Fane?’ Nag-aalalang ngumiti si Joan. “Hindi siya naglakas loob na sabihin kay Lily ang tungkol kay Fane, pero binigyan niya kami ng bahay. Binibisita niya kami paminsan-minsan at binibigyan niya kami ng pera, pero nang tumuntong sa edad na lima o anim si Fane, nagkaroon siya ng lakas ng loob na sabihin kay Lily ang lahat… At galit na galit si Lily. Siya, at ang mga miyembro ng Lagorio family at Woods family, ay hinabol at pinalayas kami. Sinabihan na kami na magpakalayo-layo.” Lalo naging seryoso ang ekspresyon ni Fane. “pero pagkatapos ng maraming taon, nagawa niyang makakalap ng kapangyarihan para sa sarili niya,” paliwanag ni Joan
“Ako? Magpapatakbo ng negosyo? Hindi mangyayari. Hindi papayag ang Woods family. Merong anak na lalake si Lily, at ang babaeng yun ay hindi hahayaan na mangyari ang bagay na yun kahit na ikamatay pa niya.” Muling nagulat si Fane. “Bukod dun, ano ba ang karamdaman ni Nash? Hindi ba nila pwedeng gamutin ito, kung ikokonsidera nila ang sitwasyon ngayon ng Woods family?” “Hindi ko alam kung anong klaseng sakit ito, pero ang sinabi lang sa akin ng butler ay ang ama mo ay tatlong buwan na lang itatagal. “Habang ang Woods family naman, ang mga elder at ilan sa kanilang mga kamag-anak ay gusto na bumalik ka. Ang anak na lalake nila Lily at Nash ay pumunta sa isang masukal na gubat kasama ang ilan sa mga anak na lalake ng ibang magagaling na mga pamilya, pero hindi na sila nakabalik. Sinuyod na rin ng Woods family ang buong lugar pero hindi nila nahanap ito. Marahil ay nakain na sila ng mga mababangis na hayop.” Mapait na ngumiti si Joan. “Ikaw na lang ang anak na lalake ni Nash ngay
Natuwa si Fane nang marinig niya ang sinabi ni Lana. “Seryoso ka ba? Isang dragon scale?” Paaligagang niyang tanong. “Isang totoong dragon scale?” “Syempre! Natagalan ako bago ko natunton ang mga usap-usapan, pero hindi ko alam kung sino ang nakaynino ito ngayon. Ang mahalaga ay lumitaw na ito!” tuwang tuwa rin pati si Lana. “Mas maganda kung makukuha mo ito, Master. Lalo na…” “Maraming tao ang makikipag-agawan para sa bagay na yan kapag lumitaw ito sa mataong lugar. Hindi ito magagamit ng mga pangkaraniwang tao, pero isa pa rin itong kayamanan kahit saan mo tignan. May halaga ang pagmamay-ari nito!” Nagsalita si Fane, nadala siya sa kanyang emosyon sa mga sandaling iyon. “Hindi namin alam kung nakaynino ito, pero nakatira lang sa malapit si Fernando. Pumunta na siya kaagad doon para tulungan ka na hanapin at makuha ito! Natatakot kami na baka makuha ito o kaya ay mailipat ito sa ibang lugar kapag hindi pa tayo kumilos kaagad,” komento ni Lana habang nakangiti. “Sige,
tumahimik saglit si Fane para pag-isipan ng maigi bago niya sinagot si Selena, “Swallow City.” Kaagad na nag-alala si Selena sa sagot ni Fane, nagsalubong ang kilay nito sa pag-aalala. “Hindi, hindi pwede. Swallow City? Malapit lang ito sa Gin City! Akala ko ba ay kailangan natin makalayo hangga’t maaari. Magiging delikado kapag pumunta tayo sa Swalloeew City!” “Sa tingin ko ang pinaka delikadong lugar marahil ang pinakaligtas na lugar para sa atin. Kapag nagtago tayo doon, maaari nila tayong malagpasan. Lalo na, may kailangan akong gawin sa Swallow City.” Huminto si Fane para masikmura niya ang kanyang naisip bago niya dinagdag, “At isa pa, malapit lang ito kung saan ang Woods family. Mas maganda kapag pinili natin na bumalik.” At dahil doon, unti unting napangiti si Selena. Naantig siya sa naging sagot ni fane. “Talaga? Maganda yan! Kitang kita ko na mahal pa rin ni Ina si Nash Woods. Bukod doon, anak ka niya, at mamamatay na siya. Sana ay mabisita mo siya. Pagsisisihan mo i
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin