"Fane? Kakabalik lang niya galing sa militar, pero may lakas na siya ng loob na kalaban in ang pamilya natin at gawan ng masama ang anak ko? Hmph! Ako, si David Wilson, ay sisiguraduhin na pagsisisihan niya ang ginawa niya!" Agad na binaling ni David ang lahat ng galit niya kay Fane dahil sa sinabi ng bodyguard. "Tama yun. Napakasama ni Fane, Master. Wala ring pagpipilian si Ivan. maraming tao doon, at nanonood ang Goddess of War kaya kailangan niyang gamitin ang lahat ng lakas niya. Kung hindi, sasabihin nila na hindi bilang ang sampal na yun at kakailanganin niyang umulit sa simula. Kaya…"Alam ng bodyguard na maganda ang samahan nila Michael at Ivan. Alam niya na ayaw nila kay Fane, kaya pinaganda niya ang imahe ni Ivan. "Sige. Naiintindihan ko!" Tumango si David. "Siguro nga nailigtas ni Fane ang buhay ng Goddess of War, pero binigyan niya siya ng luminous pearl na nagkakahalaga ng 5 billion, at pinagmalaki pa siya ng Goddess of War sa birthday party ni Old Master Taylor.
"Sige. Hahayaan muna nating mabuhay si Fane sa ngayon!" Ngumiti lang si Quil. Pinag-isipan muna itong maigi ni Quil bago siya nagsalita ulit. "Heh. Napansin ko na napakaganda ng asawa niya. Ayos lang ba kung makipaglaro ako sa kanya pagkatapos mong patayin si Fane?" Nagbago ang ekspresyon ng lalaki, nawalan ng emosyon ang kanyang mukha. Tumingin siya kay Quil na nasa tabi niya, "Problema mo na yun. Wala yang kinalaman sakin. Ang gusto ko lang ay patayin ang lalaking yun!" Pagkatapos niyang sabihin yun, tumalikod ang lalaki at umalis. Naghintay muna si Quil na makaalis ang lalaki bago siya nagsalita ulit. "Bwisit. Head commander ka lang. Ang lakas ng loob mo na magmalaki sakin araw-araw habang naghihintay ka ng pagkain at inumin na maihain sayo. At sinampal mo pa ako. Shit. Ang taas talaga ng tingin mo sa sarili mo." Kakaiba ang ekspresyon ng mga bodyguard na nakapaligid sa kanya. Wala silang masasabi tungkol dito. Kahit na isang head commander lang ang lalaking iyon, hindi
Alam ni Zeus na maaari silang maging isang second-class aristocratic family dahil sa mga regalong natanggap nila at sa mga koneksyon nabuo nila ngayon. Dagdag pa dito, ang deal na pinirmahan ng South Hill Real Estate ay nagbigay sa kanila ng pagkakataon para mapanghawakan ang titulo bilang isang second-class aristocratic family sa loob ng dalawang taon. Pwede pa nga na maging mas malakas pa sila sa iba pang pamilya na mula sa parehong class nila. Lahat sila'y uminom ng marami, at halos mga bandang Ala una o alas kwarto na ng hapon nagsimulang mabawasan ang kanilang mga bisita. Pagkatapos ihatid sila Lana at ang iba pa, nilapitan ni Fane si Selena. "Tara na, Honey. Tara na at tignan natin ang bago nating tahanan!" Kumanta siya ng may malambot at banayad na ngiti sa kanyang mukha. "Sige, puntahan na natin at tignan ito ng maigi! Pagkatapos ay pwede na tayo mag-impake at lumipat ngayong hapon na to mismo!" Sumagot si Selena pagkatapos pag-isipan ng mabuti ang kanyang suhes
Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Ivan dahil sa sinabi ni Ken. Ang mga salita na nagmula sa bibig ni Ken ay parang mga karayom na tumagos sa mga tainga ni Ivan—brutal at napakasakit, ngunit, totoo at makatwiran. "Sigurado ka ba? Mabait at mahinahon si Selena mula pa noong mga bata kami. Hindi naman siguro siya makikipagkumpitensya sakin para maging tagapagmana, di ba? Kung nangyari 'to noon, posible siguro yun, pero malaki ang sahod ni Fane, at pati na rin si Selena. Makakapamuhay ng maayos ang pamilya nila ng walang gaanong inaalala." Ang sabi ni Ivan. "Haha, Young Master Taylor, mali na isipin mo yan! Hindi mo ba nakikita kung gaano karaming asset at properties ang hawak ng Taylor family ngayon? Pwede na silang ituring na isang second-class aristocratic family! Sa dami ng mga pagmamay-ari ng Taylor family ngayon, sa tingin mo ba mananatili pa ring gaya ng dati si Selena? Galing din siya sa henerasyon mo. Parehong henerasyon, parehong pag-iisip, di ba? Tsaka, walang may ayaw
Isang magarbong ward ang nakita nila. tinignan niya ang lalaking nakahiga sa kama, pagkatapos ay tumingin siya sa bintana. Bumuntong hininga ng malalim si Ken. "Pinsan, tawagan mo ang tatay ko. Kailangan kong mapatay ang b*stardong yun!" Nagkaskasan ang mga ipin ni Flynn habang naaalala nito ang mga nangyari sa mall. Gusto niyang lapit an si Miss Tanya at, baka maging babae niya ito. Pero, ang nangyari ay dinurog ni Fane ang kanyang braso. Sabi ng doktor ay imposible nang mailigtas ang kanyang kaliwang braso at ang tanging paraan na lang para mailigtas ang kanyang buhay ay ang putulin ang kanyang braso. Bumugso ang galit sa kanyang mga ugat noong makita niya ang kalagayan niya ngayon—isang imbalido. Hindi sinabi ni Ken sa tatay Flynn ang tungkol dito. Kung sabagay, pumunta ang pinsan niya sa Middle Province para makipagkita sa kanya. Dahil dito, may pananagutan siya sa nangyari sa pinsan niya. Tinawagan niya ang mga magulang ni Flynn, ngunit hindi niya magawang sabihin
"Sigurado ka ba na mapagkakatiwalaan to? Malupit ang taong to. Hindi magiging madali makipag-usap sa taong to!" Nakita ni Flynn na sa wakas ay ipaghihiganti na siya ng kanyang pinsan at gumaan ang kanyang pakiramdam. Pakiramdam niya ay mas gusto na lang niyang mamatay kung hindi rin lang siya maipaghihiganti. Anak siya ng siang second-class aristocratic family sa Lone City. Nagmula siya sa isang maharlikang angkan! Paano ang isang bodyguard ang dumurog sa kanyang braso habang bumisita siya sa Middle Province—isang lugar na hindi maikukumpara sa Lone City. Magiging isang malaking kahihiyan kung babalik siya sa Lone City ng ganito ang kanyang kalagayan! Bukod dun, ano na lang ang iisipin ng mga mayayaman na tao mula sa Lone City? Na halos isa na siyang imbalido! "Huwag kang mag-isip masyado. Ang pill na ito ay talagang maaasahan. Ang totoo nyan ganito kasi…" Sinabi ni Ken kay Flynn ang kanilang plano simula sa simula hanggang sa dulo. "Hindi namin kaagad ginawa ito kasi
Inirapan ni Fiona si Selena at lumingon para harapin si Fane. Nakikita sa kanyang ekspresyon na talagang naiinis siya. "Fane, may isang bagay na kailangan kong sabihin ngayon. Hindi ko to binanggit kanina dahil gusto kong protektahan ang imahe mo sa harap ng maraming tao. Ngayon, isang bagay lang ang gusto kong sabihin!" Sigaw niya. Kumunot ang noo ni Fane sa isang sandali bago bumalik sa kanyang mukha ang kanyang malumanay na ngiti. Kalmado siyang nagsalita, "Ina, sa tingin ko alam ko na ang sasabihin mo!" "Oh, alam mo? Sabihin mo pala sa'kin kung bakit ako galit na galit!" Pinagkrus ni Fiona ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib. "Heh. Iniisip mo ba ang nangyari kanina? Nang sinabi sa'kin ng Goddess of War na turuan si Micheal ng leksyon, tingin mo masyadong mabigat ang parusang iyon, tama ba? Natatakot ka na baka magtanim ng galit si Michael at guguluhin tayo ng Wilson family sa hinaharap?" Tumawa si Fane at nagpatuloy. "Wag kang mag-alala tungkol doon. Kahit na hind
"Hmph! Huwag mo kong lokohin! Wala na ang pearl dito, ibinigay na ito sa iba! Kahit na gusto mong bawiin ito pagnamatay na si Grandpa, sa tingin mo ba ay magiging madali lang yin? Sa panahon na yun, nakay Theodore na yun at hindi niya bibitawan yun hanggang sa mamatay sita! Ibinigay mo na ang perlas na to, hindi mo lang ipinahiram ito!" Hindi hangal si Fiona. Tumawa ito at sonabi kay Fane, "Hindi na bale. Papalampasin ko na lang to ngayon dahil sa villa, pero sa susunod na may nakasalubong ka na mamahalin na bagay, ipaalam mo muna ito sa akin. Sabihin mo muna sa amin, naiintindihan mo ba?" "Opo, nauunawaan ko!" Tumango si Fane, napakurba ng bahagya ang labi nito. "Pumasok na tayo sa loob at ipapasyal ko kayo, pagkatapos ay pwede na tayong pumili ng mga kwarto natin. Pero kung hahayaan niyo ako na magmungkahi, Mother, mas mainam na dito ka sa unang palapag kumuha ng kwarto para mas madali kang makakilos. Kami nola Selena, Ben, at ako, na mga bata pa, ay sa pangalawang palapag."
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin