"Manager Taylor, m-m-magpapakilala ako. Ako si Janet. Ang pamilya namin… paano nga ba to sasabihin? Wag niyo sana akong pagtawanan, pero isa lang kaming ordinaryong kumpanya. Hindi man lang kami isang third-class aristocratic family!""Pero, maganda talaga ang Jacob's Construction Materials. Disente ang quality namin. Oo nga pala, mayroon akong mga dokumento rito. Mayroon ring mga review ang aming mga kliyente pagkatapos makipagtrabaho sa'min!" Mukhang kinakabahan si Janet pero matapang pa rin niyang pinakilala ang kanyang sarili kay Selena. Sa kanyang harapan, si Selena ay isa nang matagumpay na babaeng propesyonal na may mataas na posisyon. Narinig niya na binabayaran siya ng Drake family ng buwanang sahod na isang milyon. Sa ganoong klaseng sahod, maikukumpara siya sa ilang mga director. "Mayroon ka pang reviews?" Nagulat at nagkainteres si Selena. Pagkatapos niya itong tingnan nang maigi ay sinabi niya kay Janet, "Mukhang maganda ang kumpanya ninyo. Disente rin ang reput
Sobrang saya ni Janet at kaagad siyang umalis. "Ang babaeng to!"Tumawa si Selena bago tumayo at umalis na rin. Pero, hindi niya inaasahan na may isang balingkinitan at mapang-akit na babaeng nakasuot ng shades at nakaupo sa malapit ang kanina pa sila inoobserbahan. Noong makaalis lang si Selena ay doon lamang tumayo ang babae at binayaran ng kanyang bill bago lumabas. "Ang ibig kong sabihin ay ibibigay ko sa'yo ang natitirang fifteen percent…" Ngumiti siya nang nakakapangilabot. Ang boses na kanyang ginamit ay parehong pareho ng kay Selena. Ang babaeng iyon ay walang iba kundi ang hitman na panglima sa southwestern hitman leaderboard, si Shadow!Kasabay nito ay masaya ring umuwi si Ivan. Pagkarating niya sa bahay, kaagad niyang tinawag si Cecilia at ang iba pa nilang mga kamag-anak. "Master Ivan, anong meron? Mukhang masaya ka. May nangyari bang maganda?"Nagtanong ang isang binata mula sa Taylor family habang tumatawa. "Magaling! Talagang magandang balita!"Amoy
"Ang galing ng nagawa mo ngayon, anak!" Ngumisi si Theodore habang tinaas niya ang kanyang hinlalaki kay Ivan. Wala siyang interes sa negosyo at ginagamit niya ang kanyang oras sa pag-inom ng tsaa at pangingisda. Pero, umaasa siya na na magiging matagumpay ang kanyang anak. Sa pagkakataong ito, napahanga na siya ni Ivan sa wakas. "Hehe, pa, hindi yan maiiwasan. Para itong lahat sa ating Taylor family. Para lang umangat tayo papunta sa ranggo ng isang second-class aristocratic family. Handa ko itong gawin kahit na pagdaanan ko pa ang matitinding mga pagsubok!" Mayabang na hinampas ni Ivan ang kanyang dibdib sa kanyang kalasingan. Ang kanyang kayabangan ay nakikita kahit hindi sila magsalita. Samantala, hindi na nakatiis si Zeus. Naging seryoso ang kanyang mukha at nagtanong, "Bakit di mo na rin ibigay ang buhay mo?" Pagkasabi nito ay kumumpas siya. "Lumalalim na ang gabi. Magpahinga na kayo. Ikaw rin, Ivan, magpahinga ka na. Pirmahan mo ang kontrata bukas ng umaga. Wag mo ka
Sumagot ang babae, "Well… Maganda ka at mabait. Pero hindi nito mababago ang katotohanan na may nagbayad sa'kin para pumatay at kailangan kong tapusin ang misyon ko.""Nagbayad? Isa kang hitman! Asan tayo?" Nagulat at natakot si Selena nang sabay. Mukhang luma na ang sira-sirang bahay na kinaroroonan nila. Maliban roon, nakasalubong siya ng isang hitman. Sino ang magbabayad sa isang hitman at gusto siyang patayin? "Ivan?" Siya kaagad ang kanyang naisip dahil si Ivan ay isang mapaghiganting tao at binasag ni Fane ang kanyang buto. Dito pa lang ay malaki na ang posibilidad na siya ang gumawa nito. Kaagad niyang isinantabi ang ideya. 'Imposible. Gusto ni Ivan na makuha ang kontrata. Kahit na gusto niya akong mamatay, gagawin niya iyon pagkatapos ng kontrata, hindi bago yun.' "Wag kang mag-alala, hindi ikaw and target ko," sabi ng babae. "Kung hindi ako ang target mo, bakit mo ko dinakip?" Naiintindihan na ni Selena. "Alam ko na, nagpapanggap ka bilang ako… Ang target mo ay ang as
Kahit na isa siyang hitman, tiwala si Selena na magaling rin si Fane sa pakikipaglaban. Kaya medyo kampante siya kay Fane. Baka si Fane ang taong pumapatay ng hitman at hindi ang kabaliktaran nito. Ngunit, nag-alala siya sa mga salita ni Shadow. Napakagaling niya kung kaya niyang matalo ang isang marshal. Kung gayon, magiging malaki ang problema ni Fane. Higit pa roon, nagpanggap ang hitman bilang si Selena. Paano kung mahuli si Fane sa ganon? Malaking problema… Madali lang patayin si Fane kung hindi siya alerto. Parang sa isang laban sa pagitan ng isang taong may normal na paningin at isang taong bulag, malamang na dehado ang bulag. "Natatakot ka na ba ngayon? Nag-aalala ka na ba ngayon?" Pinaglaruan ni Shadow ang isang patalim at tinapik ito sa mukha ni Selena. "Alam mo kung bakit gusto kong magpanggap bilang asawa ng target ko? Gusto kong makita ang mga mukha nila kapag namatay na sila, hindi sila makapaniwala!" Tumalikod at tumawa si Shadow pagkasabi nito. "Hanggang sa
Walang magawa si Selena. Sinubukan niya pang pilitin si Shadow pero binusalan siya ng towel sa kanyang bibig. "Tignan mo, nakikita mo tong butas na to? Bubuksan ko to nang kaunti lang, sapat lang para makita mo ang mesang yun sa labas. Dadalhin ko ang asawa mo sa mesang yun at papatayin siya doon. Manonood ka lang." "Ughh!" Masyadong kinakabahan si Selena. Umiling siya at sinubukan niyang magsalita––hindi niya magawa. "Hehe, tigilan mo na yan. Maghintay ka lang dito at panoorin mo ang palabas." Ngumisi si Shadow habang kinuha niya ang phone ni Selena para tawagan si Fane. Biglang may napagtanto si Selena––kahit na kamukha siya ni Shadow, imposibleng maging magkaboses sila. Hindi tanga si Fane, makikita niya rin kaagad ang nasa likod ng panlolokong ito!Ang sumunod na pangyayari ay nagpagulat kay Selena. Sa sandaling may sumagot ng tawag ay nagbago ang boses ni Shadow. Kaboses niya si Selena! Kahit si Selena ay naisip ang ganito. Imposible na matukoy ni Fane kung sino ang totoo
Hindi ganoon kalayo ang burol mula sa siyudad. Hindi nagtagal, nakarating si Shadow sa labas ng siyudad. Huminto siya, sumandal siya sa kotse habang naghihintay na dumating si Fane. Kagaya ng inaasahan, dumating si Fane sakay ng kanyang kotse sa sumunod na limang minuto. "Anong meron, honey? Mayroon kang oras na umalis ng office ngayon?" Huminto si Fane at nginitian ang babae. "Inisip ko lang na baka pwede tayong magsaya! Kahit na medyo luma na, payapa ang lugar na yun ay mayroong magandang tanawin." Ngumiti si Shadow at pumasok ng kanyang kotse. "Manatili ka sa kotse mo at sundan mo ko." "Sige!" Ginawa ni Fane ang sinabi sa kanya. Hindi siya mapalagay. Nagdududa si Fane kung ang 'Selena' na ito ang Selena na kilala niya. Ang kanyang mga malalanding mga mata ang nagpaduda sa kanya. Hindi ganoon ang mga mata ng tunay na Selena. Ang mga matang ito ay mapang-akit. "Nakakatawa naman, bakit niya ko dadalhin sa labas ngayon?" Tanong ni Fane habang nagmamaneho. Hindi mukhang
Mabilis na hinila ni Shadow si Fane papunta sa kanya at kinagat ang kanyang mapupulang mga labi. "Honey, tungkol nga pala diyan… ang tagal na simula noong nagsilbi ka sa militar… At walang tao rito…" sabi niya habang tinapik ang kanyang mga daliri sa dibdib ni Fane, sinusubukan niyang akitin siya. "Selena… Huwag dito… ang aga-aga pa?" Kumunot ang noo ni Fane at tumingin sa labas. "Ayy, sinara ko ang pinto pagkatapos nating pumasok. At saka na gitna tayo ng kawalan, walang ibang taong pupunta rito! Sa tingin ko pwede nating gawin kahit ano rito…" Tumingkayad siya at hinalikan ang leeg ni Fane habang nagpatuloy siya. Habang nakatingin sa 'Selena' na nasa kanyang harapan, mas dumami ang dahilan para magduda siya. Mabilis siyang nag-isip at niyakap siya. "Tignan mo ang sarili mo… Hindi ko alam na magpaplano ka ng ganito. Ang dominante mo!" "Wag mo na akong asarin. Gusto ko lang magsaya." Palihim na natuwa si Shadow sa katotohanan na ang mga kalalakihan ay simple lang mag-isip n
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin