"Magbabayad ka ng 400 libong dolyar?" Naiinis na tumawa si Fiona nang marinig niya iyon. "Sige lang magpanggap ka. Tingnan mo nga ang sarili mo, duda akong mayroon kang ganon karaming pera." May isa pang pumasok sa isipan niya nang sabihin niya iyon. Pagkatapos ay sinabi niya kay Selena, "Oo nga pala, Selena, nasa construction material industry ang Taylor family. Noon ka pa naninilbihan sa kanila, pero sayang na hindi mo ito magawa ngayon. Hindi ka man lang makahanap ng trabaho. Maraming kompanya ang ayaw kang tanggapin dahil kay Ivan!" "Tama ka. Ah, wala akong magagawa. Sinabi na ni Ivan na tatantanan niya lang ako pag naging basurera ako! Kung hindi, gagawa siya ng gulo kahit saan ako magtrabaho. Kaya walang nangangahas na galitin siya dahil gusto nilang umiwas sa gulo." Napabuntong-hininga si Selena. "Ngayong nakabalik na si Fane, mas makakabuti kung pareho kaming nagtatrabaho!" "Tama. Kahit na mahirap, hindi tayo masyadong magiging miserable ngayon pag nakahanap tayo ng t
Tungkol doon, napahinto sandali si Fiona at sinabi, "Syempre hindi niya magagawa yun. Kung hindi niya mabibigay yung betrothal gift samin, haha, baka maging si Young Master Wilson o si Young Master Clark pa ang maging manugang ko!" Hinila ni Fane si Selena nang makita niyang makikipagtalo ito kay Fiona. "Kalimutan mo na yun Selena. Tama si Mama. Isa kang pambihirang babae. Hindi kita bibiguin sa kaarawan ni lolo! Asawa kita at walang pwedeng umagaw sa'yo!" Nang makita niya ang mga mata ni Fane na puno ng determinasyon, nawala ang galit ni Selena at napalitan ito ng saya. Nahihiya siyang tumango at sinabi, "Mm-hmm, may tiwala ako sayo. Balita ko na nakapamapanganib ng digmaan at maraming namatay, pero nakaligtas ka sa loob ng limang taon. Siguradong mas magaling ka sa iba." Nangasim ang mukha ni Fiona nang marinig ang matatamis na salitang iyon. Mabilis niyang pinaalalahanan si Selena, "Selena, sinabi ko na sa iyo na huwag kang magpapadala sa pambobola niya. Hindi siya magiging
Hindi nagtagal, nakatulog si Kylie pagkatapos niyang makinig sa kwento ni Fane. Sa sandaling iyon, nakarating na si Tanya sa tahanan ng Drake family. Pinuntahan niya agad ang kanyang ama. "Kumusta? Nakita mo ba yung lalaking nagngangalang Fane?" Agad na tinanong ni James si Tanya sa sandaling makita niya ito. Nagsalin ng isang baso ng wine si Tanya para sa kanyang sarili. Hinalo niya ito bago inumin. Tapos ay sinabi niya, "Opo, nakita ko siya. Medyo may itsura siya at matipuno din!" Walang masabi si James. "Sinabi ko ba sayong hangaan mo yung mukha niya? Ang sabi ko sayo kaibiganin mo siya. Isipin mo na kunwari nagkaroon ka ng bagong kaibigan. Kahit na hindi siya kasing galing ni God of War Lana, may pagkakatulad sila. Ang mahalaga ay siya at si Lana ay matalik na magkaibigan. Kung magiging kaibigan natin siya parang nakuha na din natin ang kalooban ng God of War." Muling uminom si Tanya. Inilapag niya ang kanyang baso sa mesa at malumanay na sinabi, "Dad, hindi ko maintindihan
"Ivan, anong problema? Ang aga-aga pa pinatawag mo na kaming lahat dito. May importanteng bagay ka bang sasabihin?" Si Theodore, ang pinuno ng Taylor family, ay naguguluhang nagtanong sa kanyang anak. "May magandang balita ako para sa lahat. Nakatanggap ako ng malaking proyekto ngayon. Ang pinaka importante pa dito, hindi pa tayo nagkaroon ng ganito kalaking proyekto noon. Tantya ko kikita tayo ng di bababa sa 300 milyong dolyar mula sa proyektong ito." Nagmamalaking ngumiti si Ivan nang sabihin niya ito. Naniniwala siya na tutuparin ni Michael ang mga sinabi niya, kaya hindi mapigilan ni Ivan ang matuwa. Habang nanginginig ang kanyang mga kamay, tinipon niya ang lahat at sinabi sa kanila ang tungkol dito. "Magaling, mukhang napakalaki ng proyekto na yan!" "Tama. Napakagaling talaga ni Young Master Ivan. Nakakuha siya ng ganito kalaking proyekto. Bukod pa dun, napakalaki ng kikitain natin!" Namangha ang ilang miyembro ng Taylor family sa ibinalita ni Ivan. "Talaga? Napi
"Balak mong imbitahan ang mga palaboy na yon? Young Master Ivan, gusto mo lang magyabang, tama ba?" Sa hindi inaasahan, lumapit si Cecilia at ibinunyag ang intensyon ni Ivan. Agad na ipinaliwanag ni Ivan ang kanyang sarili, "Anong kalokohan ang sinasabi mo? Tingin mo ba ganun klaseng tao ako?" Huminto sandali si Ivan bago nagpatuloy, "Parte pa rin ng Taylor family si Selena. Apo siya ni lolo. Isa itong malaking kaganapan para sa Taylor family. Makakabuti rin para satin na imbitahan siya sa ganito kalaking selebrasyon. Kung hindi natin gagawin yun, baka tawagin tayong maramot ng ibang maimpluwensyang tao kapag hindi natin siya inimbitahan. Tsaka, hindi naman malaki ang mawawala satin kapag nag-imbita tayo ng ilang tao, di ba?" Kuntentong tumango si Old Master Taylor. "Tama, malaki na si Ivan. Mas maayos ka nang mag-isip ngayon. Dapat panatilihin mo ang ganitong pag-iisip kung gusto mong malayo ang marating mo sa buhay! Tsaka, limang taon na ang nakalipas at marami nang nakalimot
"Haha, para sa'yo 'to, kunin mo na!" Tumawa si Fane at inilagay ang pera sa mga kamay ni Joan. Kumislap ang mga mata ni Fiona nang makita niya ang hawak ni Joan. Nagmadali siyang lumapit at sinabing, "Ikaw peste ka, nanay mo lang ang bibigyan mo ng pera? Inalagaan namin ang anak mo at ang tagal naming nagdusa, bakit hindi mo kami binibigyan ng kahit magkano? Hindi ba't dapat lang na bigyan mo rin kami ng pera para sa lahat ng ginastos namin sa anak mo?" Hindi na nakapagtimpi ang katulong na si Shauna. Bumulong siya, "Hindi ka nga nagtrabaho nitong mga nakalipas na taon at wala kang pera. Pinalaki ni Miss Selena si Kylie at yung panggastos nila ay galing sa pangongolekta ng basura ni Miss Selena at pati na rin sa sweldo ni Joan sa kanyang trabaho. Wala kang ginastos kahit singko, ang kapal ng mukha mo na maningil!" Noong marinig niya ang mga sinabi ni Shauna, galit na nagsalita si Fiona, "Hoy, ikaw babae ka, anong pinagsasabi mo? Katulong ka lang, ano bang pakialam mo?" "Ma, k
"Haha, 'wag kang mag-alala, ma. Tutuparin ko ang mga sinabi ko! Kunin niyo itong pera para sa pang-grocery ni Selena at iparehistro si Kylie sa kindergarten!" sabi ni Fane habang tumatawa. Suminghal si Fiona. "Hmph, mabuti nang alam mo!" Bago pulutin ni Fiona ang pera, isang binata ang hindi inaasahang lumapit kasama ang isang dalaga na may tato sa kanyang braso. Pareho silang mukhang nasa 18 o 19 taong gulang. Ang binata ay blonde ang buhok at mayroong mga hikaw. Isa itong ear stud. "Wow, ang daming pera!" Tumakbo palapit ang binata nang makita niya ang pera. Pinulot niya ito at masayang nagsalita, "Grabe, ang dami nito! Meron din sa loob ng sako. Mga nasa isang milyon siguro ito, 'no? Ang tagal ko nang hindi nakakakita ng ganito karaming pera!" "Sino ka? Bitawan mo yan!" Nagalit si Fane nang makita niya ang pagmumukha ng binata. Tinitigan niya ng diretso ang lalaki at galit na nagsalita. "Ikaw, sino ka?" Lumingon ang binata kay Fane at sa sobrang gulat niya sa mat
"Bukod pa dun, si Fane ang dahilan kung bakit ganito ang sitwasyon mo ngayon pero siya pa rin ang kinakampihan mo. Hindi talaga kita maintindihan," pagpapatuloy ni Ben. "Kahit na anong mangyari, May marriage certificate kami. Legal kaming mag-asawa kaya isa kaming pamilya! Ikaw na mismo ang nagsabi, hindi pa kayo kasal ni Xena. Magiging pamilya lang tayo kapag kasal na kayo, hindi ngayon. Kaya hindi siya dapat sumasabat sa usapan ng pamilya natin!" Nagagalit pa rin si Selena tungkol dito. Mukhang masama ang pagkakakilala niya kay Xena. "Wala akong pake, buhay mo na naman 'yan. Kung gusto mong magpakasal sa isang sundalo, sa isang walang kwentang lalaki, wala na kaming magagawa!" "Hindi ba ikaw ang dahilan bakit ganyan ang kalagayan mo ngayon? Kung hindi ka sana nagpakatanga dati, sana ikaw na ang chairman ng Taylor Group ngayon! Hindi na ikaw ang dating magandang chairman, sayang naman!" sabi ni Xena habang nakahalukipkip ang kanyang mga braso. "Kung wala kang pake edi manah