"Haha, 'wag kang mag-alala, ma. Tutuparin ko ang mga sinabi ko! Kunin niyo itong pera para sa pang-grocery ni Selena at iparehistro si Kylie sa kindergarten!" sabi ni Fane habang tumatawa. Suminghal si Fiona. "Hmph, mabuti nang alam mo!" Bago pulutin ni Fiona ang pera, isang binata ang hindi inaasahang lumapit kasama ang isang dalaga na may tato sa kanyang braso. Pareho silang mukhang nasa 18 o 19 taong gulang. Ang binata ay blonde ang buhok at mayroong mga hikaw. Isa itong ear stud. "Wow, ang daming pera!" Tumakbo palapit ang binata nang makita niya ang pera. Pinulot niya ito at masayang nagsalita, "Grabe, ang dami nito! Meron din sa loob ng sako. Mga nasa isang milyon siguro ito, 'no? Ang tagal ko nang hindi nakakakita ng ganito karaming pera!" "Sino ka? Bitawan mo yan!" Nagalit si Fane nang makita niya ang pagmumukha ng binata. Tinitigan niya ng diretso ang lalaki at galit na nagsalita. "Ikaw, sino ka?" Lumingon ang binata kay Fane at sa sobrang gulat niya sa mat
"Bukod pa dun, si Fane ang dahilan kung bakit ganito ang sitwasyon mo ngayon pero siya pa rin ang kinakampihan mo. Hindi talaga kita maintindihan," pagpapatuloy ni Ben. "Kahit na anong mangyari, May marriage certificate kami. Legal kaming mag-asawa kaya isa kaming pamilya! Ikaw na mismo ang nagsabi, hindi pa kayo kasal ni Xena. Magiging pamilya lang tayo kapag kasal na kayo, hindi ngayon. Kaya hindi siya dapat sumasabat sa usapan ng pamilya natin!" Nagagalit pa rin si Selena tungkol dito. Mukhang masama ang pagkakakilala niya kay Xena. "Wala akong pake, buhay mo na naman 'yan. Kung gusto mong magpakasal sa isang sundalo, sa isang walang kwentang lalaki, wala na kaming magagawa!" "Hindi ba ikaw ang dahilan bakit ganyan ang kalagayan mo ngayon? Kung hindi ka sana nagpakatanga dati, sana ikaw na ang chairman ng Taylor Group ngayon! Hindi na ikaw ang dating magandang chairman, sayang naman!" sabi ni Xena habang nakahalukipkip ang kanyang mga braso. "Kung wala kang pake edi manah
"Oo nga ma, saan galing yung pera?" Lumapit si Xena at malambing na tinawag si Fiona na "ma". Napahinto saglit si Fiona, pagkatapos ay natuwa siya. "Iha, ano ulit ang tawag mo sa'kin? 'Di ba tita ang tawag mo sa'kin dati?" Biglang nahiya si Xena at sinabing, "Tita, sorry po. Matagal na kitang gustong tawagin na 'mama', pero nahihiya po talaga ako. Hindi ko sinasadyang matawag kang mama!" "Maganda yan, iha. Tawagin mo na lang akong 'mama' kesa 'tita'. Gusto ka naming pareho ng tatay mo, kaya tawagin mo na lang akong 'mama' mula ngayon. Seryoso ang relasyon ninyo ni Ben at balak niyo rin namang magpakasal balang araw, hindi ba?" Sa sobrang saya ni Fiona, napakalaki ng ngiti sa kanyang mukha. "Ma, hindi mo pa nasabi sa'kin, kung saan galing yung pera? Bakit ang dami? May mayamang Master ba na gustong pakasalan ang ate ko at binigay niya 'to bilang regalo?" nasasabik na tanong ni Ben. Tila gusto talaga niyang magpakasal ang ate niya sa isang mayamang lalaki para muling makapamuha
Muling naglabas ng limampung libo si Fiona habang nakangiti. "Salamat mama!" Masayang pinasalamatan ni Xena si Fiona. Hindi sila pinansin ni Fane at lumapit kay Andrew. "Pa, kaya kong pagalingin ang binti mo!" "Kaya mo ba talagang gawin 'yon?" Syempre, hinihiling ni Andrew na gumaling na ang kanyang binti. Ngayon na sinabi ito ni Fane, nagningning ang madidilim niyang mga mata. "Seryoso ka ba? Kahit na ang head ng orthopedic hospital na tumingin sa binti ng tatay ko ay nagsabing wala na silang magagawa. Paano mo 'to mapapagaling?" Lumapit si Ben at nagsabing, "Naaalala ko na dati kang delivery boy bago ka sumali sa militar. Pagkatapos mong maging sundalo ng limang taon, alam mo na ngayon kung paano magpagaling ng kung tao? Hindi kaya sumali ka sa medical team para pagalingin ang mga sugatan?" "Kaya naman pala nabuhay pa siya pagkatapos ng limang taon sa digmaan, hindi pala siya sumama sa labanan, nagpapagaling lang pala siya ng mga sugatan!" Humalukipkip si Xena at mapa
"Dorsett Hotel? Yung kilalang Dorsett Hotel sa gitna ng siyudad? Yung five-star hotel kung saan 100 libong dolyar ang pinakamababang magagastos mo?" Nananabik na nagtanong si Xena noong marinig niya ang tungkol dito. "Oo naman, may iba pa bang Dorsett Hotel dito?" Puno ng pagmamalaki ang mukha ni Fiona. "Sa wakas natauhan na ang old master at iniimbita niya tayong kumain kasama nila. Hindi niya tayo sinasabihan kapag may mga pagdiriwang sila dati!" "Ayos yan, mukhang unti-unti na kayong natatanggap ni Old Master Taylor!"Ngumiti si Xena at nagtanong, "Ma, pwede ba akong sumama?" Masayang-masaya si Fiona nang tawagin siyang 'ma' ni Xena. Tumango siya, "Syempre naman, girlfriend ka ng anak ko at magiging asawa ka ng anak ko. Pwedeng-pwede kang kumain kasama namin, huwag kang mag-alala!" "Ayos yan!" Nag-isip si Fiona at sinabing, "Tama, maaga pa. Ben, samahan mong magshopping si Xena, sasama siya satin mamaya!" "Sige! Tara, magshopping tayo!" Kinuha ni Ben ang limampung
"Hoy lalaki, pangatawanan mo yang sinabi mo. Kapag hindi siya gumaling sa loob ng isang linggo, palalayasin ka namin!" Ang sabi ni Fiona kasabay ng paghablot niya kay Fane. Masaya din siya sa kanyang narinig. "Malalaman mo kung gumagana yan sa loob ng dalawang araw, Ma!" Ang nakangiting sinabi ni Fane. "Sige, titingnan natin!" Pagkatapos niyang sabihin yun, tiningnan ni Fiona ang sako ng pera at itinago ito sa loob ng bahay. Tanghali na noong makabalik sila Ben at Xena dala ang ilang pares ng mga damit. Tila mas gumanda si Xena kaysa dati. Sinuot ni Kylie ang damit na ibinili sa kanya ni Fane kahapon. Mas maayos siyang tingnan kaysa dati. Pagkatapos niyang patuyuin ang mga damit na nilabhan niya kahapon, sinuot ni Selena ang isang bestida at agad na natabunan ng kanyang kagandahan si Xena. "Ate, ang ganda mo at dapat ka talagang tawagin na pinaka magandang babae sa Middle Province. Ilang taon na ang anak mo pero ang ganda pa rin ng katawan mo. Hindi halatang may asawa ka
"Hoy, hoy, anong problema? Master Wilson, bakit mo pinunit? Di ba napag-usapan natin na ngayon natin pipirmahan yung kontrata?" Natameme si Ivan sa nangyari. Sumakit ang ulo niya at hinihintay siya ng Taylor family na makauwi at magdiwang. Masisira ba ang lahat ng ito? "Pirmahan mong mukha mo!" Umupo sa sofa si Master Wilson at galit na nagsalita. "Hindi ko nainom ang kape ko at hindi ko rin nagawa ang gusto ko kagabi. Hindi lang ang reputasyon ko ang nasira, pati ang restaurant ko nasira at wala man lang akong nasabi sa nangyari!" "Paanong nagkaganun? Ano bang nangyari?" "Alam ko na, si Fane ba? Yung bastardong yun yung nanira ng restaurant mo?" "Teka, paano nangyari yun, nasaan yung mga tauhan mo? Di ba marami kang tauhan? Wala ba silang laban kay Fane?" Huminga ng malalim si Ivan. Akala niya matagumpay si Michael sa balak niya kay Selena kagabi at hindi niya inasahan na kabaligtaran ang nangyari. Hindi niya maintindihan kung paano nangyari 'to kahit na napapayag nila
"Ayos, pati yung champagne nakalabas na. Talagang ginastusan ng malaki ng Old Master ngayon, nagbayad siya ng isang milyon sa kada mesa, grabe!" "Siguradong matutuwa ang tatay ni Ivan ngayon. Nasa 300 milyon ang kikitain sa proyektong 'to. Mukhang malaki ang proyektong 'to!" Pinag-uusapan ng Taylor family si Ivan at mukhang nagustuhan naman ito ni Theodore. Sa mga sandaling ito, bumukas ang pinto ng private room. Pumasok si Fiona at Andrew kasama si Selena at ang iba pa. "Ang lakas naman ng loob mo na paghintayin kami Fiona!" Pagpasok pa lang nila sa silid, ngumisi at isinigaw agad yun ng isang kamag-anak nila. Nahihiyang ngumiti si Fiona at sinabing, "Wala akong magagawa, medyo maraming sasakyan sa daan papunta dito!" Tiningnan ni Cecilia ang international brand na suot ni Selena at sinabing, "Tsk, hindi ka talaga marunong mahiya 'no, Selena? Sinuot mo talaga yang peke na yan? Kung ako ikaw, hindi ako mangangahas na isuot yan. Nakakahiya. Kung malalaman ng iba na peke ya
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin