"Hoy lalaki, pangatawanan mo yang sinabi mo. Kapag hindi siya gumaling sa loob ng isang linggo, palalayasin ka namin!" Ang sabi ni Fiona kasabay ng paghablot niya kay Fane. Masaya din siya sa kanyang narinig. "Malalaman mo kung gumagana yan sa loob ng dalawang araw, Ma!" Ang nakangiting sinabi ni Fane. "Sige, titingnan natin!" Pagkatapos niyang sabihin yun, tiningnan ni Fiona ang sako ng pera at itinago ito sa loob ng bahay. Tanghali na noong makabalik sila Ben at Xena dala ang ilang pares ng mga damit. Tila mas gumanda si Xena kaysa dati. Sinuot ni Kylie ang damit na ibinili sa kanya ni Fane kahapon. Mas maayos siyang tingnan kaysa dati. Pagkatapos niyang patuyuin ang mga damit na nilabhan niya kahapon, sinuot ni Selena ang isang bestida at agad na natabunan ng kanyang kagandahan si Xena. "Ate, ang ganda mo at dapat ka talagang tawagin na pinaka magandang babae sa Middle Province. Ilang taon na ang anak mo pero ang ganda pa rin ng katawan mo. Hindi halatang may asawa ka
"Hoy, hoy, anong problema? Master Wilson, bakit mo pinunit? Di ba napag-usapan natin na ngayon natin pipirmahan yung kontrata?" Natameme si Ivan sa nangyari. Sumakit ang ulo niya at hinihintay siya ng Taylor family na makauwi at magdiwang. Masisira ba ang lahat ng ito? "Pirmahan mong mukha mo!" Umupo sa sofa si Master Wilson at galit na nagsalita. "Hindi ko nainom ang kape ko at hindi ko rin nagawa ang gusto ko kagabi. Hindi lang ang reputasyon ko ang nasira, pati ang restaurant ko nasira at wala man lang akong nasabi sa nangyari!" "Paanong nagkaganun? Ano bang nangyari?" "Alam ko na, si Fane ba? Yung bastardong yun yung nanira ng restaurant mo?" "Teka, paano nangyari yun, nasaan yung mga tauhan mo? Di ba marami kang tauhan? Wala ba silang laban kay Fane?" Huminga ng malalim si Ivan. Akala niya matagumpay si Michael sa balak niya kay Selena kagabi at hindi niya inasahan na kabaligtaran ang nangyari. Hindi niya maintindihan kung paano nangyari 'to kahit na napapayag nila
"Ayos, pati yung champagne nakalabas na. Talagang ginastusan ng malaki ng Old Master ngayon, nagbayad siya ng isang milyon sa kada mesa, grabe!" "Siguradong matutuwa ang tatay ni Ivan ngayon. Nasa 300 milyon ang kikitain sa proyektong 'to. Mukhang malaki ang proyektong 'to!" Pinag-uusapan ng Taylor family si Ivan at mukhang nagustuhan naman ito ni Theodore. Sa mga sandaling ito, bumukas ang pinto ng private room. Pumasok si Fiona at Andrew kasama si Selena at ang iba pa. "Ang lakas naman ng loob mo na paghintayin kami Fiona!" Pagpasok pa lang nila sa silid, ngumisi at isinigaw agad yun ng isang kamag-anak nila. Nahihiyang ngumiti si Fiona at sinabing, "Wala akong magagawa, medyo maraming sasakyan sa daan papunta dito!" Tiningnan ni Cecilia ang international brand na suot ni Selena at sinabing, "Tsk, hindi ka talaga marunong mahiya 'no, Selena? Sinuot mo talaga yang peke na yan? Kung ako ikaw, hindi ako mangangahas na isuot yan. Nakakahiya. Kung malalaman ng iba na peke ya
Dumilim ang ekspresyon ni Old Master Taylor. "Fane, tingin mo ba nakikipagbiruan ako sa'yo?" ang sabi ng Old Master."Fane, ganyan ka ba kaisip bata? Ang lakas ng loob mo na magsinungaling sa Old Master!" "Tama yun, nasaan ang respeto mo para sa Old Master? Baka nakakalimutan mo, kung hindi ka binigyan ng isang milyon ng Old Master noon, baka patay na ang nanay mo ngayon!" Nagsimulang magsalita ng hindi maganda ang ilang miyembro ng Taylor family laban kay Fane. "Old Master, totoo ang sinasabi ko. Hayy, kung ayaw niyong maniwala, bahala kayo!" Nagkibit balikat na lamang si Fane. Ayaw na niyang magpaliwanag pa. Kung hindi dahil sa nag-aalala siya na baka pagkaisahan nila si Selena ngayon, hindi sana siya pupunta dito. "Teka, sino yung babaeng 'to?" Balak sana ni Cecilia na ipahiya si Selena, subalit hindi niya inasahan na may nakamit na karangalan si Fane. Maaaring tunay ang mga damit ni Selena kaya sumuko na lang si Cecilia sa balak niya. Di kalaunan, napansin niya na
Sumimangot si Selena nang lumapit siya para magtanong. "Oo nga, may nangyari bang maganda, ama? Ang dami niyong hinandang champagne!" Nagtaka din si Andrew. Hindi niya maintindihan kung bakit nagdiriwang sila sa katanghalian! "Mayroon ngang dapat ipagdiwang. May pipirmahang malaking proyekto si Ivan ngayon. Sabi ni Ivan na maaaring umabot sa 300 milyong dolyar ang kikitain sa proyektong ito! Halos kasing laki na ng kabuuang kita natin yun sa loob ng isang taon!"Ngumiti ang Old Master at nagmamalaking nagsalita. "Totoo yun, sa wakas ay may ginawang maganda ang Ivan na yun. Nakuha niya ang ganun kalaking proyekto!" Tumango si Theodore bago niya iniangat ang kanyang ulo. Tila masaya siya sa ginawa ng kanyang anak. "Hindi nga lang ako sigurado kung kaninong pamilya siya nakipag-usap tungkol sa proyektong 'to." Napasimangot si Selena dahil pakiramdam niya ay hindi kapani-paniwala na may nakuhang ganito kalaking proyekto si Ivan. "Ang mga Wilson ang kausap niya. Pumunta siy
"Paano nagawa ni Michael yun? Ibig sabihin nagbago lang ang isip niya ng walang dahilan pagkatapos niyong magkasundo kahapon?!" "Tama, napakasama ng ginawa niya. Ang lakas naman ng loob niya na paglaruan ang isang ganun kalaking proyekto?" Nagalit ang lahat ng miyembro ng Taylor family at sinisi nilang lahat si Michael. Nakahinga ng maluwag si Ivan nang mapansin niya na walang naninisi sa kanya. Napasimangot si Fane na nakatayo sa isang tabi. Pakiramdam niya ay hindi ganun kasimple ang nangyari. Hindi madali para kay Fiona na makahanap ng pagkakataon, kaya natural lang na susunggaban niya ito. Agad niyang sinabi, "Hayy, Young Master Ivan, hinintay ng pamilya namin yung mabuting balita mo, alam mo ba yun? Akala namin may makukuha kang proyekto na nagkakahalagang 300 milyon para sa Taylor family. Hindi namin inasahan na mauuwi lang ito sa wala!" Noong sabihin iyon ni Fiona, agad na sumama ang ekspresyon ng mukha ni Ivan. Binalak niyang ipagyabang kanila Fiona ang tagumpay niy
Ngumiti si Fane. Yung totoo, noong magreretiro na siya sa pagiging sundalo, hindi mabilang ang mga taong palihim na kumausap sa kanya at nag-alok ng malaking halaga. Subalit, tinanggihan niya silang lahat. Dahil dito, imposibleng tanggapin ni Fane ang alok ni Ivan na apat na libong dolyar kada buwan na sahod at maging security guard. Lubhang napakaliit ng halagang ito para sa kanya. "Tama, tama. Ikaw ang boss, malaki ang naging kontribusyon mo sa bansa kaya malamang malaki ang binigay nila sayo, tama ba? Heheh, mukhang hindi ka naman namin dapat alalahanin!" Nang-iinisultong nagsalita si Ivan. Hindi siya pinansin ni Fane at sa halip, ay ibinaling ni Fane ang kanyang atensyon sa nakahandang champagne sa mesa. Pagkatapos ay sinabi niyang, "Old Master Taylor, hindi na ba tayo magdiriwang? Kung hindi pa tayo kakain, lalamig na ang pagkain!" Kumibot ang mga labi ni Old Master Taylor dahil hindi man lang nagdahan-dahan si Fane sa kanyang pananalita. May mga sinasabi siyang mga baga
Ang unang pag-inom nila ay para sa naging kontribusyon ni Fane sa pagprotekta sa bansa. Ang ikalawa ay pagbibigay basbas sa kasal ni Fane at Selena. Ang mga ito ang dahilan kung bakit hindi makatanggi si Fane. Bukod dito, mas nakatatanda ang taong iyon. Kapag tinanggihan ni Fane ang alok niya, magmumukha siyang bastos. Kaya naman, ang tanging nagawa lang ni Fane ay ngumiti at tanggapin ang alok ng lalaki. Yun nga lang, hindi inasahan ni Fane na kahit tatlong beses na silang uminom, ay hindi umalis ang lalaki at may dumating pang isa na may dalang mas maraming alak. Hindi mapigilang sumimangot ni Fane dahil parang kakaiba na ang nangyayari. Lagi siyang minamaliit ng mga taong 'to, tapos ngayon gusto nilang makipag-inuman sa kanya? Dahil dito, napansin agad ni Fane na may kakaiba sa kanilang kinikilos at halatang balak nilang lasingin siya. Subalit, kahit na ilang beses pa silang magbalak ng masama sa kanya, hindi niya ito dinamdam. Naging napakalakas ng katawan ni Fane dah
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin