"Ang bilis tumakas ng bwisit na yun ah!" Tumawa si Fane habang nakatingin siya sa sasakyan ng lalaki. "Grabe ka! Kung si Harvey ang nasa posisyon mo, hindi niya mapapabagsak agad ng ganun kabilis ang mga lalaking yun kahit na mahusay siya sa pakikipaglaban!" Pagkatapos ilabas ni Tanya ang lahat ng galit niya, agad na bumuti ang pakiramdam niya. Tumawa si Fane. "Magiging ganito ba ako kung hindi niyo ako binabayaran ng malaki?" Pagkatapos ay binuksan niya ang pinto ng sasakyan at sinabing, "Tara, Ms. Tanya, ipagpatuloy natin ang pagshoshopping mo. Huwag kang papaapekto sa mga basurang yun!" Umalis sila at nagshopping pagkatapos nito. Di nagtagal ay nakarating sa bahay ni Ken ang lalaking nakasuot ng bulaklaking damit. "Kailangan mo 'kong tulungan, pinsan!" Umiyak ang lalaking naka bulaklaking damit at nagsumbong noong makita niya si Ken. "Nagpunta ako dito para magbakasyon sa Middle Province, pero hindi ko inasahan na may mang-aapi sakin bago pa ako makarating sa bahay m
Natawa si Ken bago siya muling nag-usisa. Naiilang na tumawa si Flynn bago siya nagpatuloy, "Kaya naman, sinabi ko sa mga bodyguard ko na hulihin nila yung babae para mahalikan ko siya bilang kabayaran sa nasira niya. Para sakin maliit na bagay lang yun. Kaso, hindi ko inasahan na ganun kalakas yung bodyguard niya, at ang dali niyang napabagsak yung mga bodyguard ko.""Sino nga pala yung babaeng yun? Alam mo ba yung pangalan niya?" Pagkatapos mag-isip ng maigi ni Ken, nagtanong siya. Dahil nagbabakasyon sa Middle Province ang pinsan niya at may nangyari sa kanya sa siyudad na ito, natakot siya na baka sumama ang loob ng mga magulang ng kanyang pinsan kapag wala siyang ginawa. "Well, hindi ko alam. Hindi ko tinanong!" Natawa lamang si Young Master Flynn. "Kung ganun, paano kita tutulungan?" Tiningnan siya ng masama ni Ken. "Wala akong ideya kung sino yung taong yun, sigurado akong wala na sila. Tingin mo ba hihintayin ka pa nila dun? Isipin mo na lang na minalas ka. Mas mabut
Hindi inasahan ni Fane na may lalabas na babaeng naka hubad na nakatapis lamang ng tuwalya. Pinapatuyo niya ang buhok niya gamit ng tuwalya bago siya lumabas.Natulala siya sandali noong makita niya si Fane. "Ah! Bastos!" Ang malakas na sigaw ng babae. Nakita niya na tumalikod si Fane, at sinamantala niya ang pagkakataon na 'to para pumasok sa kwarto niya at isara ito. "Mukhang nakauwi na yung pinsan ni Ms. Tanya na si Yvonne!"Natawa na lamang si Fane; hindi niya inakala na makikita niya na nakahubad si Yvonne. Inaamin niya na maganda ang katawan ni Yvonne. Tila mas matanda lang siya ng dalawa o tatlong taon kay Tanya, mas-mature siyang tingnan kaysa sa malaprinsesang si Tanya. Bumalik na lamang si Fane sa kwarto niya, nakakunot ang kanyang noo dahil sa sobrang hiya. Hindi sigurado kung mamasamain yun ng babae o hindi. Ngayon lang ito nangyari kay Fane. Wala siyang takot noong sumugod siya sa mga kalaban noong panahon ng digmaan, pero ito? Wala siyang ideya kung paano
Naiilang na tumawa si Fane bago siya nagsalita, "Kaso, may napansin akong problema nung nakita kita kanina!" "Anong problema yung nakita mo, manyak?!" Pakiramdam ni Yvonne na mahihimatay siya sa sobrang galit. Ituturo kaya ng bwisit na 'to yung mga mali sa katawan niya? Hindi naman siya ganun kapangit; hindi siya masyadong mataba o payat. "Oo, may problema…" Pagkatapos niyang mag-isip, tumango si Fane. "Ahh! Papatayin kita!" Hindi makapagpigil pa si Yvonne. Kung sinabi lang ng lalaki na 'to na wala siyang nakita, magpapanggap na lang sana siya na walang nangyari dahil alam ni Fane na magpanggap at kalimutan na lang ito. Hindi niya inasahan na masyadong tapat ang bwisit na 'to. Mas matigas pa siya kaysa sa bakal! Bigla siyang tumalon kay Fane habang hawak ang gunting. Sa isip niya, parang pumatay lang siya ng isang bodyguard na walang pangalan kapag pinatay niya si Fane, at ang pamilya niya—kahit na ang pinsan niya—ay walang sasabihin tungkol dito. Paano naman tatapatan
"Isara mo ang sarili mong pinto mo! Anong kalokohan ang sinasabi mo, Tanya? Mukha ba akong ganung klase ng tao?" Halos mabaliw na sa sobrang galit si Yvonne. "Hindi na mahalaga kahit na gaano pa siya kagwapo," ang sabi niya, "Hindi ako makikipagtalik sa kanya lalo na ngayon lang kami nagkita. Hindi ako ganun klaseng tao!" "Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. May tiwala ako sa nakita ko, at nakita ko na nakapatong ka sa kanya. Imposible namang peke yun, di ba?" Humagikhik si Tanya at sinabing, "Naku, Pinsan, nagmumura ka na siguro dahil mali ang oras ng pagpasok ko, at kung medyo nagpahuli pa sana ako ng dating." "Ms. Tanya, nagkakamali ka talaga ng iniisip. Walang nangyari saming dalawa, at alam mo naman na may asawa na ako!" Nagpaliwanag si Fane. Naisip niya na baka magkaroon ng mental breakdown si Yvonne kapag hindi niya inayos ang gulong ito. "Tama, tama, tama! Paano naman ako magkakagusto sa kanya? Hindi ko nga alam yung pangalan niya!" Nakahinga ng maluwag si Yvonne a
Ayaw ni Yvonne na tumira dito si Fane dahil ayaw niyang makita si Fane. Nagulat siya sa mga sumunod na sinabi ni Fane. "Huwag kang mag-alala. Hindi ako interesado sayo. Tsaka, mas maganda ng sampung beses kaysa sayo yung asawa ko, kaya sa tingin mo ba may gagawin ako sayo? Magagawa ba ng isang beterano, na gaya ko, ang manggahasa ng isang babae?" "Ikaw!" Nagalit si Yvonne sa sinabi ni Fane. Bukod sa nakita ng hambog na yun ang lahat ng mayroon siya, sinabi pa niya na hindi siya kasing ganda ng asawa niya. Sinong hindi mapapatingin sa kanya sa tuwing lalabas siya para magshopping? Dapat niyang malaman yun. Kampante si Yvonne sa itsura niya dahil magaganda ang mahahaba niyang binti. "Ganun ba? Interesado akong malaman kung sino yung asawa mo. Kapag nagkaroon ng pagkakataon, gusto kong makita kung gaano talaga siya kaganda para maging sampung beses siyang mas maganda kaysa sakin!" Ang sabi ni Yvonne habang nakahalukipkip ang kanyang mga kamay. Halatang nagyayabang lang ang lalak
"Isang laban?" Nang marinig nila ito, nagtitigan si Tanya at Yvonne bago magmadaling bumaba. Sa sandaling makalabas sila ng main entrance, nakita nila ang isang maskuladong lalaki na nakatitig nang masama kay Fane. "Yun ang head commander na si Kyle Jones!" "Kasiyahan niya ang pakikipaglaban, at sa sandaling malaman niya ang isang taong mas malakas sa kanya na pumasok sa Drake family, gugustuhin niyang makipaglaban dito. Kung hindi, bubulabugin niya ito nang husto!" Walang magawa si Tanya nang mapansin niya ang head commander na si Kyle. Si Fane ay isang tao na itinuturing ng Drake family na mahalaga, pero di nila ito pwedeng ipahalata. Sasaktan ba ni Kyle si Fane? Kapag nangyari yun, di ito maganda. Syempre, ang bagay tungkol sa pagkuha ng loob ni Fane ay dapat ilihim sa lahat ng oras at ang mga miyembro ng pamilya lang ang nakakaalam. "Sige Kyle. Balita ko mukhang malakas ang batang ito. Pwede kang magwala sa kanya!" Kumislap ang mata ni Yvonne nang mabalot siya ng
Nagulat at nadismaya si Yvonne nang mapagtanto niyang wala itong laban kay Fane. Akala niya na matuturuan nito ng leksyon ang mokong na ito, pero simong mag-aakalang… "Talo ka na." Habang tumatawa nang masaya, sinabi ni Fane, "Kung alam mo ang makabubuti para sa'yo, di ka na haharang sa daan ko. Kailangan kong magmadali pauwi!" Gulat na gulat si Kyle dahil ang lakas ng batang ito ay di pantao. Di lang sa mas malakas ito sa kanya pero napakabilis din nito! Nararamdaman niya kung gaano kabilis si Fane noong ilabas niya ang kanyang atake. Kaya binastos siya ni Fane sa pagsabing talo na siya nang malugi siya kanina. "Masyado kang mayabang, bata!" Sa kanyang naiinis na sigaw, yumabag siya sa sahig ulit bago tumalon. Pinisil niya ang kanyang kamay nang magkasama at bumuo ng isang malaking kamao bago sumugod kay Fane. Pagtingala ni Fane, parehong mga kamao ni Kyle ang nakapormang martilyo na hahampas sa ulo niya. "Mukha kang tumatalon na palaka!" Hindi mapigilan ni Fane an
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin