Naiilang na tumawa si Fane bago siya nagsalita, "Kaso, may napansin akong problema nung nakita kita kanina!" "Anong problema yung nakita mo, manyak?!" Pakiramdam ni Yvonne na mahihimatay siya sa sobrang galit. Ituturo kaya ng bwisit na 'to yung mga mali sa katawan niya? Hindi naman siya ganun kapangit; hindi siya masyadong mataba o payat. "Oo, may problema…" Pagkatapos niyang mag-isip, tumango si Fane. "Ahh! Papatayin kita!" Hindi makapagpigil pa si Yvonne. Kung sinabi lang ng lalaki na 'to na wala siyang nakita, magpapanggap na lang sana siya na walang nangyari dahil alam ni Fane na magpanggap at kalimutan na lang ito. Hindi niya inasahan na masyadong tapat ang bwisit na 'to. Mas matigas pa siya kaysa sa bakal! Bigla siyang tumalon kay Fane habang hawak ang gunting. Sa isip niya, parang pumatay lang siya ng isang bodyguard na walang pangalan kapag pinatay niya si Fane, at ang pamilya niya—kahit na ang pinsan niya—ay walang sasabihin tungkol dito. Paano naman tatapatan
"Isara mo ang sarili mong pinto mo! Anong kalokohan ang sinasabi mo, Tanya? Mukha ba akong ganung klase ng tao?" Halos mabaliw na sa sobrang galit si Yvonne. "Hindi na mahalaga kahit na gaano pa siya kagwapo," ang sabi niya, "Hindi ako makikipagtalik sa kanya lalo na ngayon lang kami nagkita. Hindi ako ganun klaseng tao!" "Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. May tiwala ako sa nakita ko, at nakita ko na nakapatong ka sa kanya. Imposible namang peke yun, di ba?" Humagikhik si Tanya at sinabing, "Naku, Pinsan, nagmumura ka na siguro dahil mali ang oras ng pagpasok ko, at kung medyo nagpahuli pa sana ako ng dating." "Ms. Tanya, nagkakamali ka talaga ng iniisip. Walang nangyari saming dalawa, at alam mo naman na may asawa na ako!" Nagpaliwanag si Fane. Naisip niya na baka magkaroon ng mental breakdown si Yvonne kapag hindi niya inayos ang gulong ito. "Tama, tama, tama! Paano naman ako magkakagusto sa kanya? Hindi ko nga alam yung pangalan niya!" Nakahinga ng maluwag si Yvonne a
Ayaw ni Yvonne na tumira dito si Fane dahil ayaw niyang makita si Fane. Nagulat siya sa mga sumunod na sinabi ni Fane. "Huwag kang mag-alala. Hindi ako interesado sayo. Tsaka, mas maganda ng sampung beses kaysa sayo yung asawa ko, kaya sa tingin mo ba may gagawin ako sayo? Magagawa ba ng isang beterano, na gaya ko, ang manggahasa ng isang babae?" "Ikaw!" Nagalit si Yvonne sa sinabi ni Fane. Bukod sa nakita ng hambog na yun ang lahat ng mayroon siya, sinabi pa niya na hindi siya kasing ganda ng asawa niya. Sinong hindi mapapatingin sa kanya sa tuwing lalabas siya para magshopping? Dapat niyang malaman yun. Kampante si Yvonne sa itsura niya dahil magaganda ang mahahaba niyang binti. "Ganun ba? Interesado akong malaman kung sino yung asawa mo. Kapag nagkaroon ng pagkakataon, gusto kong makita kung gaano talaga siya kaganda para maging sampung beses siyang mas maganda kaysa sakin!" Ang sabi ni Yvonne habang nakahalukipkip ang kanyang mga kamay. Halatang nagyayabang lang ang lalak
"Isang laban?" Nang marinig nila ito, nagtitigan si Tanya at Yvonne bago magmadaling bumaba. Sa sandaling makalabas sila ng main entrance, nakita nila ang isang maskuladong lalaki na nakatitig nang masama kay Fane. "Yun ang head commander na si Kyle Jones!" "Kasiyahan niya ang pakikipaglaban, at sa sandaling malaman niya ang isang taong mas malakas sa kanya na pumasok sa Drake family, gugustuhin niyang makipaglaban dito. Kung hindi, bubulabugin niya ito nang husto!" Walang magawa si Tanya nang mapansin niya ang head commander na si Kyle. Si Fane ay isang tao na itinuturing ng Drake family na mahalaga, pero di nila ito pwedeng ipahalata. Sasaktan ba ni Kyle si Fane? Kapag nangyari yun, di ito maganda. Syempre, ang bagay tungkol sa pagkuha ng loob ni Fane ay dapat ilihim sa lahat ng oras at ang mga miyembro ng pamilya lang ang nakakaalam. "Sige Kyle. Balita ko mukhang malakas ang batang ito. Pwede kang magwala sa kanya!" Kumislap ang mata ni Yvonne nang mabalot siya ng
Nagulat at nadismaya si Yvonne nang mapagtanto niyang wala itong laban kay Fane. Akala niya na matuturuan nito ng leksyon ang mokong na ito, pero simong mag-aakalang… "Talo ka na." Habang tumatawa nang masaya, sinabi ni Fane, "Kung alam mo ang makabubuti para sa'yo, di ka na haharang sa daan ko. Kailangan kong magmadali pauwi!" Gulat na gulat si Kyle dahil ang lakas ng batang ito ay di pantao. Di lang sa mas malakas ito sa kanya pero napakabilis din nito! Nararamdaman niya kung gaano kabilis si Fane noong ilabas niya ang kanyang atake. Kaya binastos siya ni Fane sa pagsabing talo na siya nang malugi siya kanina. "Masyado kang mayabang, bata!" Sa kanyang naiinis na sigaw, yumabag siya sa sahig ulit bago tumalon. Pinisil niya ang kanyang kamay nang magkasama at bumuo ng isang malaking kamao bago sumugod kay Fane. Pagtingala ni Fane, parehong mga kamao ni Kyle ang nakapormang martilyo na hahampas sa ulo niya. "Mukha kang tumatalon na palaka!" Hindi mapigilan ni Fane an
Kanina pa nakauwi ng bahay si Fane. Pagkatapos niyang iparada ang kanyang kotse, pumasok siya. Ang hindi niya inaasahan ay ang maririnig niya ang boses ni Ken at Neil na nanggagaling sa loon nang lumapit siya sa pinto. "Auntie," Sinimulan ni Ken habang may ngiti sa kanyang mukha nang sabihin niya, "Alam mo namang noon pa maganda ang relasyon namin ni Selena kaya ang lahat ng ginagawa ko ay para kay Selena!" Nang magsalita siya, kaagad niyang sinabi, "Tignan mo, imposibleng pagkakamali ang mga larawang ito. Siguradong napakayaman ng babaeng ito. Ang luminous pearl, napanalunan niya yun sa auction sa halagang 500 milyong dolyar! Siguradong si Fane ay isang sugarbaby dahil kasama niya ang mayamang babae na ito!" Kumirot ang mga sulok ng bibih ni Fane nang makinig siya sa pinto. Ito ang sinabi ni Michael kay Fiona noon ay si Fiona at Selena ay parehong nagalit dahil dito. Tapat niyang ipinaliwanag na ang taong ito talaga ay ang Goddess of War at ang kanyang kaibigan. Sa kanyang
Ipinaliwanag ni Fiona ang sitwasyon. Si Ken at Neil ay mukhang may bumbilyang kumislap sa kanilang mga mata. "Anong pagkakataon?" Sabay silang nagtanong. "Nangako si Fane sa akin na bibigyan niya ako ng 20 milyong dolyar sa kaarawan ng old master. Atsaka, dahil binugbog niya si Ivan, kailangan niyang bayaran ito ng 10 milyong dolyar na dagdag sa regalo sa old master na higit sa 10 milyon!" Tumawa si Fiona. "Ayun ang buong sitwasyon." "Talaga? Magaling. Walang-dudang papalpak ang mokong na yun. Tapos palalayasin siya ni Selena. Talagang magaling!" "Oo. 20 araw na lang bago ang kaarawan ng old master, at dadalo ang aming Hugo family. Gudto kong makita kung paano ipapahiya ni Fane ang sarili niya!" Mukhang natuwa ang dalawang young master. Nagkaroon na sila ng pag-asa sa wakas. Maswerte si Fane noon. Hindi siya napatay ni O'Neal at sa halip ay nasa panig niya ang swerte! Dahil dito kaya halos masuka na silang dalawa ng dugo. Hindi nila inakalang makakahanap sila ng pag-a
Nanlaki ang mata ni Fiona nang marinig niya na may 100 milyon dito at tila ba malalaglag na ang mga mata niya sa sahig. Maging ang paghinga niya ay lumakas. Ito ay 100 milyon. Para sa Taylor family, malaking pera na ito. Kung siya lang ang gagastos nito, di na niya kailangang mag-alala sa buong buhay niya. Magkakaroon ng magandang buhay ang pamilya niya at di na mahalaga kung makabalik pa sila sa Taylor family o hindi. Natuwa si Ken at Neil sa reaksyon ni Fiona. Ibig-sabihin nito na di na nila kailangang kumilos para alisin si Fane. Atsaka, kapag si Selena mismo ang nanghingi ng divorce, wala nang magagawa si Fane kundi sundin ito sa kabila ng pagiging matapang niya. Hindi nila inasahan na hindi tatalab ang paraang ito dahil kailangan pa nilang maghintay ng 20 araw. Higit pa rito, pagkatapos makinig sa sinabi ni Fiona, baka makapaglabas nga si Fane ng 40 milyon sa araw na iyon. Nasira ang kanilang unang plano. Kaya kailangan nilang dumiretso sa ikalawa nilang plano. Dah