Kanina pa nakauwi ng bahay si Fane. Pagkatapos niyang iparada ang kanyang kotse, pumasok siya. Ang hindi niya inaasahan ay ang maririnig niya ang boses ni Ken at Neil na nanggagaling sa loon nang lumapit siya sa pinto. "Auntie," Sinimulan ni Ken habang may ngiti sa kanyang mukha nang sabihin niya, "Alam mo namang noon pa maganda ang relasyon namin ni Selena kaya ang lahat ng ginagawa ko ay para kay Selena!" Nang magsalita siya, kaagad niyang sinabi, "Tignan mo, imposibleng pagkakamali ang mga larawang ito. Siguradong napakayaman ng babaeng ito. Ang luminous pearl, napanalunan niya yun sa auction sa halagang 500 milyong dolyar! Siguradong si Fane ay isang sugarbaby dahil kasama niya ang mayamang babae na ito!" Kumirot ang mga sulok ng bibih ni Fane nang makinig siya sa pinto. Ito ang sinabi ni Michael kay Fiona noon ay si Fiona at Selena ay parehong nagalit dahil dito. Tapat niyang ipinaliwanag na ang taong ito talaga ay ang Goddess of War at ang kanyang kaibigan. Sa kanyang
Ipinaliwanag ni Fiona ang sitwasyon. Si Ken at Neil ay mukhang may bumbilyang kumislap sa kanilang mga mata. "Anong pagkakataon?" Sabay silang nagtanong. "Nangako si Fane sa akin na bibigyan niya ako ng 20 milyong dolyar sa kaarawan ng old master. Atsaka, dahil binugbog niya si Ivan, kailangan niyang bayaran ito ng 10 milyong dolyar na dagdag sa regalo sa old master na higit sa 10 milyon!" Tumawa si Fiona. "Ayun ang buong sitwasyon." "Talaga? Magaling. Walang-dudang papalpak ang mokong na yun. Tapos palalayasin siya ni Selena. Talagang magaling!" "Oo. 20 araw na lang bago ang kaarawan ng old master, at dadalo ang aming Hugo family. Gudto kong makita kung paano ipapahiya ni Fane ang sarili niya!" Mukhang natuwa ang dalawang young master. Nagkaroon na sila ng pag-asa sa wakas. Maswerte si Fane noon. Hindi siya napatay ni O'Neal at sa halip ay nasa panig niya ang swerte! Dahil dito kaya halos masuka na silang dalawa ng dugo. Hindi nila inakalang makakahanap sila ng pag-a
Nanlaki ang mata ni Fiona nang marinig niya na may 100 milyon dito at tila ba malalaglag na ang mga mata niya sa sahig. Maging ang paghinga niya ay lumakas. Ito ay 100 milyon. Para sa Taylor family, malaking pera na ito. Kung siya lang ang gagastos nito, di na niya kailangang mag-alala sa buong buhay niya. Magkakaroon ng magandang buhay ang pamilya niya at di na mahalaga kung makabalik pa sila sa Taylor family o hindi. Natuwa si Ken at Neil sa reaksyon ni Fiona. Ibig-sabihin nito na di na nila kailangang kumilos para alisin si Fane. Atsaka, kapag si Selena mismo ang nanghingi ng divorce, wala nang magagawa si Fane kundi sundin ito sa kabila ng pagiging matapang niya. Hindi nila inasahan na hindi tatalab ang paraang ito dahil kailangan pa nilang maghintay ng 20 araw. Higit pa rito, pagkatapos makinig sa sinabi ni Fiona, baka makapaglabas nga si Fane ng 40 milyon sa araw na iyon. Nasira ang kanilang unang plano. Kaya kailangan nilang dumiretso sa ikalawa nilang plano. Dah
Si Fane na nasa pinto ay medyo nabagabag. Malaking halaga talaga ang 100 milyon at akala niya na tatanggapin ito ni Fiona dahil mahal niya ang pera. Hindi niya alam na mapipigilan ni Fiona ang tukso at tatanggihan ang mga ito. Pinag-isipan ito ni Fane at kumatok siya sa pinto na kunwaring walang alam. "Sino yan?" Nabigla ang tatlo sa kwarto. Kaagad na itinabi ni Neil at Ken ang gamot at card. "Biyenan, nakauwi na ako. Nakauwi na ba si Selena?" Sumigaw si Fane sa kwarto nang pakunwari. "Oh, hindi pa! Malapit na siguro siyang umuwi, bakit di mo siya sunduin?" Nakonsensya si Fiona at gustong paalisin si Fane. "Sige, susunduin ko siya." Di nagtagal ay umalis si Fane habang nakasakay sa kanyang kotse. Nakahinga na nang maluwag sa wakas si Fiona nang makaalis si Fane. Tinapik niya ang kanyang dibdib at nagpapasalamat na sinabi, "Diyos ko, takot na takot ako. Kapag nakita niya kayong dalawa baka bugbugin niya kayo. Makinig kayo sa akin, mainitin ang ulo ng lalaking ito at minsa
"Maghiwalay? Bakit mo gustong makipaghiwalay? Di ba maayos naman tayo at papakasalan mo ako?" Hindi matanggap ni Ben ang katotohanan. Napaatras siya nang dalawang hakbang at pakiramdam niya ay tinamaan siya ng kidlat. "Haha, bakit? Pera. Sinong mag-aakalang napakahirap mo!" Labis na nagalit si Xena nang maisip kung paano siya muntik patayin ni Fane ng hapon na iyon. Mukhang walang alam si Ben sa nangyari ngayong umaga. "Pera?" Nabigla si Ben nang marinig niya ito. Nagmakaawa siya, "Xena, wag kang mag-alala, yayaman tayo. Kailangan mo ba ng pera? May pera ang nanay ko. Pwede ko itong hingiin kay mama kapag kailangan mo!" Naramdaman ni Xena na tumalon ang puso niya nang mapagtanto niyang nagtiwala sa kanya si Ben. Ang kapatid nito ay may mataas na sahod, at higit na mas mataas ang sahod ni Fane. Wala siyang ipon at wala na din siyang pupuntahan dahil nagastos na niya ang lahat ng pera niya. Kapag nakipaghiwalay siya kay Ben, magiging mahirap na makahanap ng isa pang mayaman
Nakabangon si Shauna nang itulak ng lalaki si Kylie. Nang bumagsak si Kylie sa sahig, kaagad na tumalon si Shauna, humiga at sinalo si Kylie gamit ng kanyang katawan. "Di mo ba naiintindihan? Di pwedeng mangialam ang mga bata sa mga gawain ng matatanda!" Mayabang na sinabi ng isang batang lalaking nakatayo sa tabi ng lalaki. "Kita mo, nakakaunawa ang batang ito!" Tumawa ang lalaki at nakita ang isang butones na nalaglag mula sa puting damit ni Shauna sa kalagitnaan ng kanilang away. Tinignan niya ang loob mula sa taas ay kumislap ang mata niya. Napalunok siya, "Sabihin mo sa akin, paano mo ako mababayaran dito? Wag kang umasang makakaalis ka kung wala kang dalawang libong dolyar!" "Dalawang libo!" Natakot nang sobra si Shauna. Tumayo siya kasama ni Kylie at galit na sinabi, "Di ito makatarungan. Sumasakay lang kami sa scooter at wala kaming ginawang mali. Ikaw ang bumangga sa amin nang pinapaatras mo ang kotse mo. Ngayon, ang kapal naman ng mukha mo na pagbayarin kami?" "Tama.
Kaagad na nataranta ang payat na lalaki at malumanay na kinausap ang kanyang kapatid, "Kapatid, anong gagawin natin? Nakasakay ang lalaking ito sa isang Porsche 911. P*ta, mukhang nakagawa tayo ng gulo. Ang kotse na yun ay nagkakahalagang dalawang milyon!" Narinug siya ng kapatid niya at walang pakeng ngumiti. "Kuya, masyado kang matatakutin. Bakit tayo matatakot? Wala ka masyadong karanasan sa pakikisalamuha kaya natatakot ka sa kanya. Nagsisinungaling ang taong ito!" "Anong nangyayari?" Nagtataka ang payat na lalaki. "Hoy, tignan mo siya. Napakasimple niyang manamit. Mukha ba siyang isang taong may pambili ng kotse?" Ngumiti ang lalaking may tattoo at nagpatuloy, "Sigurado akong driver lang siya para sa ibang tao! Di mukhang yaya ang babaeng ito. Asawa niya siguro ito!" "Oh, ganon pala!" Biglang naunawaan ng payat na lalaki ang lahat at sinabi, "Bata, ang kapal ng mukha mong ilarawan ako nang ganyan. Haha, wag kang umasang makakaalis ka nang wala kang tatlong libong dolyar!"
Nagsalita si Fane pagkatapos itong pag-isipan. "Oo nga pala, kapag may nagtanong sa'yo tungkol dito, wag mong sabihin na ako ang bumili nito. Sabihin mo lang na bigay ito sa'yo ng boyfriend mo okay?" "Pero… sobrang mahal nito! Di ba kailangan niyo munang pag-usapan ito ni Ms. Selena bago mong ito ibigay sa akin?" Nahihiyang sinabi ni Shauna. Sobrang nagulat siya dahil hindi mura ang isang Audi A6. Talagang sinabi ni Fane na ibibigay niya ito sa kanya at sa kanya na ito sa hinaharap. Isa lang siyang yaya at di niya inakalang magagawa niyang sakyan ang ganitong kotse. Ang nagpatulala sa kanya ay nang sabihin ni Fane na gusto nitong ibigay sa kanya ang Porsche. Muntik na siyang himatayin dito. "Bakit kailangan pa naming pag-usapan yun? Di naman ito mahal. Wag mo lang sabihin sa kanya ang tungkol dito okay?" Ngumiti si Fane at ipinaalala sa kanya. "Oh, okay!" Tumango si Shauna. Naramdaman niya na lalong nagiging misteryoso ang kanyang amo. Tila ba hindi siya isang ordinaryong ma