Nagsalita si Fane pagkatapos itong pag-isipan. "Oo nga pala, kapag may nagtanong sa'yo tungkol dito, wag mong sabihin na ako ang bumili nito. Sabihin mo lang na bigay ito sa'yo ng boyfriend mo okay?" "Pero… sobrang mahal nito! Di ba kailangan niyo munang pag-usapan ito ni Ms. Selena bago mong ito ibigay sa akin?" Nahihiyang sinabi ni Shauna. Sobrang nagulat siya dahil hindi mura ang isang Audi A6. Talagang sinabi ni Fane na ibibigay niya ito sa kanya at sa kanya na ito sa hinaharap. Isa lang siyang yaya at di niya inakalang magagawa niyang sakyan ang ganitong kotse. Ang nagpatulala sa kanya ay nang sabihin ni Fane na gusto nitong ibigay sa kanya ang Porsche. Muntik na siyang himatayin dito. "Bakit kailangan pa naming pag-usapan yun? Di naman ito mahal. Wag mo lang sabihin sa kanya ang tungkol dito okay?" Ngumiti si Fane at ipinaalala sa kanya. "Oh, okay!" Tumango si Shauna. Naramdaman niya na lalong nagiging misteryoso ang kanyang amo. Tila ba hindi siya isang ordinaryong ma
Hindi nagtagal, sinundo ni Shauna si Kylie pauwi sakay ng isang bagong biling Audi. Si Fane naman sa kabilang banda, ay nagmaneho papunta sa kumpanya at naghintay para kay Selena. Sumakay sila sa kani-kanilang kotse pauwi pagkatapos ni Selena sa trabaho. "Wow, bago ba 'tong kotse na 'to? Ang ganda!" Nang makabalik si Selena sa bahay, nakita niya ang kotse na nakaparada sa labas. "Kanino 'to? Binili mo ba to para kay Ben gamit ng pera mo?" "Hindi. Saan ako kukuha ng oras para bilhan ng kotse ang kapatid mo? At saka, di pa nakakauwi ang kapatid mo!" "Hindi ba nangako si Fane na bibilhan niya ng kotse sa halagang isang milyon ang kapatid mo pag nakuha niya na ang sahod niya? Bakit ko gagamitin ang pera ko kung may iba namang magbabayad!" Kaagad na sabi ni Fiona at tumingin kay Fane pagkatapos niyang magsalita. Halatang naghihintay siya na bilhan ni Fane ng kotse ang anak niya. "Ms. Selena, akin po ito!" Lumapit si Shauna at nahihiyang nagsabi. "Sa'yo 'to? Ang ganda! Saan ka
"Yung binti ni Kylie!" Nabigla si Shauna nang makita niya ang binti ni Kylie. Kanina lang ay may dugo at sugat dito!" Pero ngayon, wala nang kahit na ano sa binti niya na nagpapakita na nadapa siya. "Anong meron sa binti niya?" Lumingon si Selena at nagtakang tumingin. "Ah, wala lang. Nadapa lang si Kylie!" Nakangiting sabi ni Fane. "Pumasok na tayo at maghapunan!" "Shauna, sumabay ka na sa'min. Umuwi ka na lang pagkatapos mong kumain ng hapunan kasama namin!" Hinila ni Selena si Shauna papasok sa bahay para sa hapunan. "Fane, anong nangyari pagkatapos mo silang sundan? Nakuha mo na ba ang pera ng nanay mo? Si Xena ba ang may gawa nito? Nakita mo ba siya?" Sa umaga, nagpunta si Selena sa trabaho pagkatapos niyang ihatid pauwi sina Fiona at ang iba pa. Aligaga siya sa opisina buong araw at hindi siya sigurado sa kung anong nangyari pagkatapos. "Oo, nakita ko siya kasama ng mga magnanakaw at nabawi ko ang pera!" Tumango si Fane at hindi niya binanggit na ang pinuno ng motor
"Maraming mga sports car?" Kumunot ang noo nina Fane at nagulat sila. Ngunit isang boses ang narinig mula sa isang amplifier sa labas. "Lahat kayo na nasa loob, makinig kayo sa'min. Napapaligiran namin kayo!" … "Ay mali. Fane, makinig ka sa'kin. Andito ako para pakasalan ka! Sumuko ka na at lumabas kaagad. Sundan mo ko pauwi at pakasalan mo ko!" Mas lalong nagulat sila Fane nang marinig nila ito. Sino ang babaeng ito? Wala silang ideya kung sino ito nang marinig nila ang boses mula sa speakers. "Pakasalan ka?" Sobrang naguguluhan at nabigla si Selena. Isang babaeng nakasakay ng sports car ang pumunta rito para pakasalan ang asawa niya? Isa ba itong teleserye?! "Hi… Hindi ko sila kilala!" Nahiya si Fane. "Wala akong masyadong kakilala sa Middle Province. Kababalik ko pa lang ng ilang araw mula sa army!" "Alam ko!" Nagdilim ang mukha ni Fiona sa sandaling ito at galit na tinignan si Fane. "Fane, ba't di ka pa umamin na isa ka talagang toy boy? Maliban sa mayamang babae na gum
Sobrang nagalit si Fiona na nagsimula siyang magwala at gumawa ng eksena. Umupo siya direkta sa lapag. Nahiya si Fane. Kinausap niya si Selena, "Selena, maniwala ka sa'kin. Hindi ko talaga alam kung sino yung babaeng nasa labas. Lumabas tayo at tignan natin. Baka nasa maling lugar lang siya at maling tao ang napuntahan niya." "Paanong mangyayari yun? Tinawag niya ang pangalan mo. Sinasabi mo ba na hindi Fane ang pangalan mo?" Tinitigan nang masama ni Selena si Fane bago naglakad palabas. "Lalabas ako. Gusto kong makita kung sino ang nanggugulo sa bahay natin!" Bahagyang nagulat si Fane bago nakaramdam ng saya nang makita niya ang sitwasyon na ito. Nagseselos ang asawa niya! Nakakasilaw ang mga ilaw habang tumingin siya sa labas ng pinto. Nasanay na ang kanyang mga mata sa liwanag pagkatapos ng ilang segundo bago niya makita nang malinaw ang sitwasyon sa labas. "Uy, lumabas na sila!" Sa sandaling iyon, isang matabang babae ang tumalon pababa. Masaya niyang tinignan si Fane. "A
"Sandali!" Nang tatanggihan pa lang ni Fane si Sharon ay biglang nagsalita si Fiona. Nanahimik ang lahat at tumingin sa kanya.Tumingin si Fiona kay Sharon at nagsabi, "Ms. George, hindi ito isang biro. Napag-isipan mo na ba tong maigi? Gusto mo ba talagang pakasalan si Fane sa pamilya ninyo?" "Pi… Pinag-isipan ko tong mabuti!" Sagot ni Sharon. "Bigyan mo kami ng oras!" Sagot ni Fiona habang tuso siyang ngumiti. "Sige. Lalo na, isa itong importanteng bagay sa buhay at bigla lang akong sumulpot, patas lang na magkaroon kayo ng oras para pag-usapan muna ito! Pero, gustong-gusto ko talaga si Fane at seryoso ako dito! Ayos lang sa'kin na maging pangalawang asawa!" sabi ni Sharon. "Sige, naiintindihan ko. Pumasok tayo at mag-usap. Bibigyan ka namin ng sagot mamaya!" Tumango si Fiona habang nagsalita. "Ano pa bang pag-uusapan? Hindi na kailangan yun!" Nagdilim ang mukha ni Fane at nagsabing, "Si Selena ang asawa ko at mahal ko siya. Higit pa roon, mayroon akong cute na anak at w
"Gusto mong ikasal si Fane sa kanyang nang dahil dito?" Galit na galit si Selena at hindi siya makapaniwala sa sinabi ng kanyang ina. "Hoy, pwede ba patapusin mo muna ako?!" Mapait na ngumiti si Fiona at nagpatuloy, "Sino siya? Siya ang anak ng George family. Gumawa siya ng malaking eksena ngayon at dinala ang mga kaibigan niya rito. Sa tingin mo ba gagana yun kung tinanggihan siya ni Fane sa harapan ng lahat?" Huminto si Fiona, dinampot ang tasa sa isang tabi, at uminom ng tsaa bago nagpatuloy, "Ang 'mukha' ay napakaimportante para sa isang tao. Nakakahiya para sa kanya kung diretso siyang tatanggihan ni Fane. Pag ginawa natin yun ay masasaktan lang siya. At saka, matinding tapang ang kailangan para magawa ng isang babae ang ganito!" Hindi mapigilan ni Selena na tumango nang marinig niya ang sinabi ng kanyang ina. "Tama ka. Narinig ko na mabait na tao si Sharon at marami siyang ginawang charity work. Nahumaling siya sa pagkain ngayon at hindi na niya makontrol ang kanyang gana s
Nakatayo sa labas si Sharon at sobrang kinakabahan. Hindi niya mapigilan na higpitan ang kanyang mga kamao at iyuko ang kanyang ulo sa takot. Alam na alam niya na masyado siyang mataba. Pero, hindi niya mapigilan ang sarili niya pagdating sa pagkain––lalo na sa mga matatamis. Dahil dito ay mas lalo siyang tumaba nang tumaba. May malaking posibilidad na tatanggihan siya ni Fane dahil sa laki ng kanyang katawan. "Sasa, wag kang mag-alala. Naniniwala kami sa'yo! Ang babaeng may tiwala sa sarili ang pinakamaganda sa mundo at tiyak na magtatagumpay ka! At saka, kailangan mong magtapat sa kanya para malaman kung ganoon rin ang nararamdaman niya sa'yo. Paano niya malalaman? Hindi ka magtatagumpay kung hindi ka magtatapat, pero merong kang tyansa kung ginawa mo. Mas magandang subukan mo kahit na ano pang maging kalalabasan!" Isang balingkinitang babae na nakasuot ng leather na palda at may mahabang mga binti ang ngumiti kay Sharon at mukhang maganda ang kanilang relasyon sa isa't-isa.
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin