Share

Kabanata 322

Author: Moneto
Nakatayo sa labas si Sharon at sobrang kinakabahan. Hindi niya mapigilan na higpitan ang kanyang mga kamao at iyuko ang kanyang ulo sa takot.

Alam na alam niya na masyado siyang mataba.

Pero, hindi niya mapigilan ang sarili niya pagdating sa pagkain––lalo na sa mga matatamis. Dahil dito ay mas lalo siyang tumaba nang tumaba.

May malaking posibilidad na tatanggihan siya ni Fane dahil sa laki ng kanyang katawan.

"Sasa, wag kang mag-alala. Naniniwala kami sa'yo! Ang babaeng may tiwala sa sarili ang pinakamaganda sa mundo at tiyak na magtatagumpay ka! At saka, kailangan mong magtapat sa kanya para malaman kung ganoon rin ang nararamdaman niya sa'yo. Paano niya malalaman? Hindi ka magtatagumpay kung hindi ka magtatapat, pero merong kang tyansa kung ginawa mo. Mas magandang subukan mo kahit na ano pang maging kalalabasan!" Isang balingkinitang babae na nakasuot ng leather na palda at may mahabang mga binti ang ngumiti kay Sharon at mukhang maganda ang kanilang relasyon sa isa't-isa.
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 323

    "Mauna na kayong lahat na umalis. Howard, maiwan ka at ihatid mo ko pauwi mamaya. Gusto kong makipag-usap kay Fane!" Tumalikod si Sharon at ngumiti. Kahit na mataba siya, ang kanyang ngiti ay matamis at nakakatulala. "A… Aalis na kami!" Nadismaya si Serene na hindi niya masasaksihan si Sharon na tanggihan. Alam niya na hindi interesado ang lalaking ito kay Sharon. Kung hindi, siguro kakaiba ang kanyang tipo. Nang maisip ni Serene kung paano pinigilan ni Fiona si Fane para sa isang pag-uusap nang balak niyang tanggihan si Sharon, pakiramdam niya ay baka nakumbinsi ni Fiona si Fane. Lalo na, ang George family ay napakayaman at baka pumayag siya nang dahil sa pera. Kaagad na pakiramdam ni Serene ay masaya siya habang tinignan niya ang bahay. Mawawalan siya ng pagkakataon na gawing katatawanan si Sharon kung talagang pumayag si Fane. "Oo, pwede na kayong umalis!" Kinaway ni Sharon ang kanyang kamay at nagsabing, "Pinapasalamatan ko ang lahat ng mga kaibigan ko na sumama sa'kin dito

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 324

    Hindi makapaniwala si Sharon nang marinig niya ang sinabi ni Fane. Ngumiti siya at nagsabing, "Paanong… Paanong mangyayari yun? Ang mga kaibigan ko ba na kasama ko kanina ang tinutukoy mo?" "Oo, ang tinutukoy ko ay yung huling kumausap sa'kin!" Tumango si Fane. Naniniwala siya na magaling siyang manghusga ng ugali ng tao dahil sa kanyang karanasan sa militar at sa dami ng taong kanyang nakilala. "Serene Smith? Paanong mangyayari yun? Siya ang pinakamabait sa'kin sa mga kaibigan ko! Hindi niya ako kinaayawan at lagi niya akong iniisip. Siya ang nagkusa na pagplanuhan ang pagtatapat ko!" Halatang hindi makapaniwala si Sharon. Ngunit sumagot si Fane. "Kung ganoon, siya nga. Sa tingin mo ba ginagawa niya to para sa'yo? Siya ang may gustong gawin kang isang katatawanan!" "Imposible… Isang beses mo pa lang siyang nakikita at hindi mo siya kilala. Isa siyang napakabait na tao!" Umiling si Sharon. Gusto niyang maniwala na ibang tao iyon at hindi si Serene. "Ikaw ang hindi nakakaintin

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 325

    Matagal itong pinag-isipan ni Sharon bago nagulat. "Alam ko na. Hindi yun pagkain, binibigyan niya ko ng tea leaves. Sinabi niya sa'kin na maganda ang kalidad nito at nanggaling sa hometown niya. Para sa'kin mabango ang amoy ng tsaa kaya madalas ko tong iniinom!" Napahinto si Sharon at huminga na naman nang mabilis. "Sinabi pa niya na mahal at bihira ang tsaang ito kaya dapat ako lang daw ang gumamit nito! Hindi ko yun masyadong pinansin pero pinapadalhan niya ko nito bawat buwan at madalas akong tinatanong kung naubos ko na ba yung tsaa!" Napalunok si Sharon at nagimbal na tumingin kay Fane pagkatapos niyang mapagtagpi ang lahat. "Sinasabi mo na mayroong mali sa mga tea leaves!" Tumango si Fane. "Malamang ganun na nga. May ginawa siya sa tea leaves na yun!" "Paano niya nagawa yun? Ang bait ng trato ko kay Serene, bakit niya ginawa sa'kin to?" Nadismaya si Sharon. Napaatras siya ng ilang hakbang at hindi niya matanggap ang katotohanan. Ngunit, naiintindihan niya ang sinabi ni F

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 326

    "Paanong magiging posible na mabawasan ng fifty kilos ang timbang ko sa loob ng tatlong araw? Hindi ba masyadong mabilis yun? Gagana ba ang silver needles mo? Ito ang unang beses na nakita ko ang ganitong paraan!" Sobrang nasabik si Sharon. Kung hindi nagsisinungaling si Fane sa kanya, bababa ang kanyang timbang papuntang 50 kilo. Kung ganoon ay magiging mapayat nga siya. Lalo na, nasa 170 sentimetro ang taas niya at perpekto ang anyo kung ang timbang niya ay nasa 50 kilo. "Haha, ang mga silver needle at gagamitin para tanggalin ang mga toxin sa katawan mo. Kahit na hindi nag-react ang katawan mo rito, may dalang mga toxin ang gamot na yun! Naiiwan sa katawan mo ang mga toxin at mawawala rin yan pagkatapos mong sumuka. Hindi mo na hahanap-hanapin ang tea leaves pagkatapos at mawawala na ang pagkaadik mo!" "Itapon mo na ang mga tea leaves pag-uwi mo. Para naman sa pagpapapayat, bibigyan kita ng tatlong pill para roon mamaya. Ako mismo ang gumawa nito at napakamahal nito. Inumin mo

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 327

    "Ginagamot?" Natulala sina Selena at ang bodyguard sa sagot niya. Kayang manggamot ng lalaking ito? Ngunit, dahil binalaan sila ni Sharon na huwag manggulo, nanahimik sila at nagawa na lang na maghintay nang tahimik sa isang tabi. Ilang saglit lang ay mayroon nang nasa isang dosenang karayom sa ulo ni Sharon. Bahagyang pinihit ni Fane ang mga karayom nang may buong atensyon at pokus. Isa-isa niyang tinanggal ang mga karayom pagkatapos ng ilang sandali. Nakahinga nang maluwag ang bodyguard nang makita niya na ayos lang si Sharon pagkatapos maalis ng mga karayom. Bigla na lang, sumuka ng dugo si Sharon at namutla ang kanyang mukha. "Anong nangyayari? Binata, anong problema kay Ms. Sharon? Patay ka pag may nangyaring masama sa kanya!" Natakot ang bodyguard nang makita niya ang nangyari. Hinigpitan niya ang kanyang kamao habang galit niyang tinitigan si Fane at susuntukin na sana niya."Ito ay dugo na may lason. Pinalabas ko ang lahat ng toxin mula sa katawan niya!" Simpleng

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 328

    "Imposible. Pwede ka niyang kunin mula sa'kin, walang may pake. Lalo na, hindi ka na mag-aalala tungkol sa pera kapag sumama ka sa kanya! Maganda para sa'yo na magkaroon ng matabang asawa!" Natuwa si Selena sa loob-loob niya pero hindi niya ito gustong aminin. Tumalikod siya at naglakad papunta sa bahay. Wala siyang ideya kung paanong magtatapat ang isang babae kay Fane pagkatapos lang ng ilang araw ng kanyang pagbalik. Noong una, akala ni Selena ay siya ang mayaman na babae na nakasuot ng mask at may magandang katawan. Kung magkakarelasyon si Fane sa babaeng iyon, iiwanan ba niya siya at ang kanyang anak? Siya ang magiging pinakamalaking katatawanan sa buong mundo. Hindi niya inaasahan na ito pala ang matabang babae na si Sharon George. "Kahit na mataba siya, meron siyang magandang anyo. Isang magandang balita kapag naging isang magandang babae si Sharon pagkatapos ng tatlong araw!" Ngumiti si Fane at biglang may naalala. Sinampal niya ang sarili niyang ulo at nagsabi, "Ay p*t

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 329

    "Sumunod ka sa'min sa loob!"Sabi ni Master George nang may madilim na mukha. Hindi nagtagal, dumating sina Sharon at ang iba pa sa isang napakalaking sala. *Narinig ko na nagtapat ka sa isang tao ngayong araw. Ang taong iyon ay isang lalaki na kinasal sa pamilya ng babae at isang veteran, hindi ba? Hindi lang sa nagmula siya sa isang mahirap na pamilya, mayroon rin siyang asawa at anak, di ba?" Galit na galit si Mr. George. Nadismaya siya sa kanyang anak at isa itong dumi sa reputasyon ng George family. Kahit na nakakahiya ito, mapapatawad ang lahat kung nagtagumpay siya. Kahit papaano ay may asawa ang kanyang anak. Pero, hindi kilala ni Fane si Sharon kaya malaki ang posibilidad na hindi magtagumpay si Sharon. Mawawalan ng mukha ang kanilang pamilya kung mabigo siya. "Dad, hindi ko alam na nag-aalala ka pa rin sa'kin. Alam mo lahat ng detalye!" Yumuko si Sharon at palihim na ngumiti. "Ikaw…" galit na galit si Mr. George nang makita niyang ngumiti ang kanyang anak. Tiniti

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 330

    "Sinungaling? Imposible, may tiwala ako sa kanya!" Ngumiti si Sharon at nagpatuloy, "Aakyat ako, maliligo, tapos matutulog. Bukas ng umaga, pagkatapos kong kumain ng agahan, makikita niyo kung paano ako papayat!" Naglakad siya papunta sa villa na kanyang tinitirhan pagkatapos niyang magsalita. "Hinanda namin ang paborito mo, hita ng manok, cake, at iba pang masasarap na pagkain. Hindi mo gustong maghapunan?" Tignan ni Mr. George ang kanyang anak at hindi makapaniwala. Ilang araw lang ang nakakaraan, sasabihin ni Sharon na nagugutom siya at magsisimulang kumain at uminom hangga't sa gusto niya. Sinabi niya talaga na gusto niya lang maligo at matulog. Lumingon si Sharon at kumunot ang noo. "Kakaiba to ah. Hindi ako nagugutom ngayon. Parang wala akong gana!" Mag-isa siyang lumabas pagkatapos niyang magsalita. Naiintindihan niyang maigi na ito ang epekto ng pagtanggal ni Fane sa mga toxin sa kanyang katawan. "Hindi siya gutom!" Nanlaki ang mga mata ng bawat isang miyembro ng Geor

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status