"Paanong magiging posible na mabawasan ng fifty kilos ang timbang ko sa loob ng tatlong araw? Hindi ba masyadong mabilis yun? Gagana ba ang silver needles mo? Ito ang unang beses na nakita ko ang ganitong paraan!" Sobrang nasabik si Sharon. Kung hindi nagsisinungaling si Fane sa kanya, bababa ang kanyang timbang papuntang 50 kilo. Kung ganoon ay magiging mapayat nga siya. Lalo na, nasa 170 sentimetro ang taas niya at perpekto ang anyo kung ang timbang niya ay nasa 50 kilo. "Haha, ang mga silver needle at gagamitin para tanggalin ang mga toxin sa katawan mo. Kahit na hindi nag-react ang katawan mo rito, may dalang mga toxin ang gamot na yun! Naiiwan sa katawan mo ang mga toxin at mawawala rin yan pagkatapos mong sumuka. Hindi mo na hahanap-hanapin ang tea leaves pagkatapos at mawawala na ang pagkaadik mo!" "Itapon mo na ang mga tea leaves pag-uwi mo. Para naman sa pagpapapayat, bibigyan kita ng tatlong pill para roon mamaya. Ako mismo ang gumawa nito at napakamahal nito. Inumin mo
"Ginagamot?" Natulala sina Selena at ang bodyguard sa sagot niya. Kayang manggamot ng lalaking ito? Ngunit, dahil binalaan sila ni Sharon na huwag manggulo, nanahimik sila at nagawa na lang na maghintay nang tahimik sa isang tabi. Ilang saglit lang ay mayroon nang nasa isang dosenang karayom sa ulo ni Sharon. Bahagyang pinihit ni Fane ang mga karayom nang may buong atensyon at pokus. Isa-isa niyang tinanggal ang mga karayom pagkatapos ng ilang sandali. Nakahinga nang maluwag ang bodyguard nang makita niya na ayos lang si Sharon pagkatapos maalis ng mga karayom. Bigla na lang, sumuka ng dugo si Sharon at namutla ang kanyang mukha. "Anong nangyayari? Binata, anong problema kay Ms. Sharon? Patay ka pag may nangyaring masama sa kanya!" Natakot ang bodyguard nang makita niya ang nangyari. Hinigpitan niya ang kanyang kamao habang galit niyang tinitigan si Fane at susuntukin na sana niya."Ito ay dugo na may lason. Pinalabas ko ang lahat ng toxin mula sa katawan niya!" Simpleng
"Imposible. Pwede ka niyang kunin mula sa'kin, walang may pake. Lalo na, hindi ka na mag-aalala tungkol sa pera kapag sumama ka sa kanya! Maganda para sa'yo na magkaroon ng matabang asawa!" Natuwa si Selena sa loob-loob niya pero hindi niya ito gustong aminin. Tumalikod siya at naglakad papunta sa bahay. Wala siyang ideya kung paanong magtatapat ang isang babae kay Fane pagkatapos lang ng ilang araw ng kanyang pagbalik. Noong una, akala ni Selena ay siya ang mayaman na babae na nakasuot ng mask at may magandang katawan. Kung magkakarelasyon si Fane sa babaeng iyon, iiwanan ba niya siya at ang kanyang anak? Siya ang magiging pinakamalaking katatawanan sa buong mundo. Hindi niya inaasahan na ito pala ang matabang babae na si Sharon George. "Kahit na mataba siya, meron siyang magandang anyo. Isang magandang balita kapag naging isang magandang babae si Sharon pagkatapos ng tatlong araw!" Ngumiti si Fane at biglang may naalala. Sinampal niya ang sarili niyang ulo at nagsabi, "Ay p*t
"Sumunod ka sa'min sa loob!"Sabi ni Master George nang may madilim na mukha. Hindi nagtagal, dumating sina Sharon at ang iba pa sa isang napakalaking sala. *Narinig ko na nagtapat ka sa isang tao ngayong araw. Ang taong iyon ay isang lalaki na kinasal sa pamilya ng babae at isang veteran, hindi ba? Hindi lang sa nagmula siya sa isang mahirap na pamilya, mayroon rin siyang asawa at anak, di ba?" Galit na galit si Mr. George. Nadismaya siya sa kanyang anak at isa itong dumi sa reputasyon ng George family. Kahit na nakakahiya ito, mapapatawad ang lahat kung nagtagumpay siya. Kahit papaano ay may asawa ang kanyang anak. Pero, hindi kilala ni Fane si Sharon kaya malaki ang posibilidad na hindi magtagumpay si Sharon. Mawawalan ng mukha ang kanilang pamilya kung mabigo siya. "Dad, hindi ko alam na nag-aalala ka pa rin sa'kin. Alam mo lahat ng detalye!" Yumuko si Sharon at palihim na ngumiti. "Ikaw…" galit na galit si Mr. George nang makita niyang ngumiti ang kanyang anak. Tiniti
"Sinungaling? Imposible, may tiwala ako sa kanya!" Ngumiti si Sharon at nagpatuloy, "Aakyat ako, maliligo, tapos matutulog. Bukas ng umaga, pagkatapos kong kumain ng agahan, makikita niyo kung paano ako papayat!" Naglakad siya papunta sa villa na kanyang tinitirhan pagkatapos niyang magsalita. "Hinanda namin ang paborito mo, hita ng manok, cake, at iba pang masasarap na pagkain. Hindi mo gustong maghapunan?" Tignan ni Mr. George ang kanyang anak at hindi makapaniwala. Ilang araw lang ang nakakaraan, sasabihin ni Sharon na nagugutom siya at magsisimulang kumain at uminom hangga't sa gusto niya. Sinabi niya talaga na gusto niya lang maligo at matulog. Lumingon si Sharon at kumunot ang noo. "Kakaiba to ah. Hindi ako nagugutom ngayon. Parang wala akong gana!" Mag-isa siyang lumabas pagkatapos niyang magsalita. Naiintindihan niyang maigi na ito ang epekto ng pagtanggal ni Fane sa mga toxin sa kanyang katawan. "Hindi siya gutom!" Nanlaki ang mga mata ng bawat isang miyembro ng Geor
"May tiwala ako kay Fane!" Tinignan ni Sharon ang iba at nagsabing, "Naniniwala ako sa kanya at kaya kong pumayat! Aray, ang sakit ng tiyan ko! Kailangan kong mag anyo!" Kaagad na hinawakan ni Sharon ang tiyan niya at pumunta sa banyo pagkatapos magsalita. "Paanong nangyari yun? Sakit ng tiyan? Oh hindi, dahil ba yun sa gamot? Paanong gumana kaagad ang gamot na yun?!" Natakot si Mr. George. "Oh Diyos ko, malamang may mali sa mga pill na yun. Kung hindi, bakit sasakit ang tiyan ng anak ko? Anong gagawin natin, anong gagawin natin?!" "Obserbahan natin, baka wala lang yun!" Pinag-isipan ito ni Madam George at ang lahat ay naghintay sa labas ng banyo. "Oh, sa wakas!" Lumabas si Sharon mula sa banyo pagkatapos ng ilang sandali. Ngunit hinawakan niyang muli ang tiyan niya. "Bakit umulit? Bakit parang tubig ang dinudumi ko? Nagtatae ba ako?" Bumalik ulit sa banyo si Sharon habang nakasandal sa pader. "G*go, paanong naging gamot to? Baka croton to!" Sobrang nagalit si Mr. George n
"Niloloko nila ako? Anong ginawa nilang kasama sa'yo?" Kumunot ang noo ni Fiona at nagdududang nagtanong. Kinaway ni Xena ang kanyang kamay at nagsabing, "Hindi, hindi sa ganun. Sinasadya nila akong pagbintangan. Hindi nila ako kasabwat. Ganito ang nangyari, dahil kilala namin ang isa't-isa, tinanong nila ang sitwasyon ng boyfriend ko nang makainom kami at sinabi nila na mahirap na lalaki lang ang naganap ko!" Mabilis itong naisip ni Xena. "Hindi ako natuwa na sinabi nila yun at sumagot ako na hindi kami mahirap. Sinabi ko na mayaman kayo at maglalagay kayo sa bangko ng higit sa tatlong milyon bukas! Medyo nakainom ako nun at di ko namalayan na sinabi ko ang lahat sa kanila, kaya…" Kaagad na nagsalita si Ben nang nakangiti, "Pa, ma, makinig kayo. Tama ako nang sinabi ko na hindi niyo lang nauunawaan si Xena pero di kayo naniniwala sa'kin!" "Imposible, sabi ni Fane nakita ka niya nang sinundan niya sila. Higit pa roon, sinabi sa'min ng mga motor robber na twenty percent ang nak
Huminto si Xena at bumuntong hininga bago siya nagpatuloy na magsalita, "Hay, napakabayolente talaga ni Fane. Pinatay niya ang mga taong yun dahil lang sa pera. Anong mangyayari sa'tin kung may magawa tayong mali sa kanya sa hinaharap? Ganoon din kaya…" hindi na nagpatuloy si Xena pero malinaw sa iba ang ibig sabihin nito. Nagkatinginan sina Fiona at Ben at kinilabutan silang dalawa. Totoo na pumatay nga si Fane ng tao para sa pera at sumobra na siya. Kung sinaktan siya ng mga ito, dapat turuan lang niya sila ng leksyon. Ngunit, kung alam lang nila ang tunay na sitwasyon na may tumutok ng baril kay Fane ay hindi sila mag-iisip ng ganito. "Totoo na mainitin ang ulo ni Fane, sinaktan niya rin si Young Master Clark nang walang paliwanag! Buti na lang walang sinabi si Young Master Clark dahil natatakot siya na mawala ang kanyang dangal pag sinabi niya sa pamilya niya ang tungkol doon!" Kumunot ang noo ni Ben at humithit ng sigarilyo. "Kailangang kontrolin ni Fane ang galit niya. Lalo