Pagkatapos ilabas ni Ms. Tanya ang kanyang galit, agad na tumalikod si Ms. Tanya upang bumalik sa kotse niya. "Tara na, Fane," sabi niya, "huwag na nating sayangin ang oras natin sa mga basurang 'to. Mga walang kwenta sila! Sobra-sobra ang hinihingi nila sa kabila ng pagbibigay natin ng respeto sa kanila!" Laging arogante si Ms. Tanya sa tuwing may gagawin siya. Dahil siya ang may nagawang kasalanan, humingi siya ng tawad sa lalaki at sinubukan niyang bayaran ang anumang naging pinsala. Hindi niya inasahan na hindi makatwiran ang taong iyon. Halos sumuka na siya ng dugo sa sobrang galit niya. "Hehe. Gusto niyong umalis? Hindi ko kayo pwedeng paalisin ng ganun kadali, di ba?" Tumawa ang lalaki at agad na kinumpas ang kanyang kamay. Sinenyasan niya ang kanyang mga tauhan na lumapit at agad nilang pinaligiran sila Fane at Ms. Tanya. "Ano ba talagang kailangan mo? Hinding-hindi ako papayag na maging girlfriend, naiintindihan mo ba yun? Mangarap ka. Hinding-hindi yun mangyayari!"
"Ang bilis tumakas ng bwisit na yun ah!" Tumawa si Fane habang nakatingin siya sa sasakyan ng lalaki. "Grabe ka! Kung si Harvey ang nasa posisyon mo, hindi niya mapapabagsak agad ng ganun kabilis ang mga lalaking yun kahit na mahusay siya sa pakikipaglaban!" Pagkatapos ilabas ni Tanya ang lahat ng galit niya, agad na bumuti ang pakiramdam niya. Tumawa si Fane. "Magiging ganito ba ako kung hindi niyo ako binabayaran ng malaki?" Pagkatapos ay binuksan niya ang pinto ng sasakyan at sinabing, "Tara, Ms. Tanya, ipagpatuloy natin ang pagshoshopping mo. Huwag kang papaapekto sa mga basurang yun!" Umalis sila at nagshopping pagkatapos nito. Di nagtagal ay nakarating sa bahay ni Ken ang lalaking nakasuot ng bulaklaking damit. "Kailangan mo 'kong tulungan, pinsan!" Umiyak ang lalaking naka bulaklaking damit at nagsumbong noong makita niya si Ken. "Nagpunta ako dito para magbakasyon sa Middle Province, pero hindi ko inasahan na may mang-aapi sakin bago pa ako makarating sa bahay m
Natawa si Ken bago siya muling nag-usisa. Naiilang na tumawa si Flynn bago siya nagpatuloy, "Kaya naman, sinabi ko sa mga bodyguard ko na hulihin nila yung babae para mahalikan ko siya bilang kabayaran sa nasira niya. Para sakin maliit na bagay lang yun. Kaso, hindi ko inasahan na ganun kalakas yung bodyguard niya, at ang dali niyang napabagsak yung mga bodyguard ko.""Sino nga pala yung babaeng yun? Alam mo ba yung pangalan niya?" Pagkatapos mag-isip ng maigi ni Ken, nagtanong siya. Dahil nagbabakasyon sa Middle Province ang pinsan niya at may nangyari sa kanya sa siyudad na ito, natakot siya na baka sumama ang loob ng mga magulang ng kanyang pinsan kapag wala siyang ginawa. "Well, hindi ko alam. Hindi ko tinanong!" Natawa lamang si Young Master Flynn. "Kung ganun, paano kita tutulungan?" Tiningnan siya ng masama ni Ken. "Wala akong ideya kung sino yung taong yun, sigurado akong wala na sila. Tingin mo ba hihintayin ka pa nila dun? Isipin mo na lang na minalas ka. Mas mabut
Hindi inasahan ni Fane na may lalabas na babaeng naka hubad na nakatapis lamang ng tuwalya. Pinapatuyo niya ang buhok niya gamit ng tuwalya bago siya lumabas.Natulala siya sandali noong makita niya si Fane. "Ah! Bastos!" Ang malakas na sigaw ng babae. Nakita niya na tumalikod si Fane, at sinamantala niya ang pagkakataon na 'to para pumasok sa kwarto niya at isara ito. "Mukhang nakauwi na yung pinsan ni Ms. Tanya na si Yvonne!"Natawa na lamang si Fane; hindi niya inakala na makikita niya na nakahubad si Yvonne. Inaamin niya na maganda ang katawan ni Yvonne. Tila mas matanda lang siya ng dalawa o tatlong taon kay Tanya, mas-mature siyang tingnan kaysa sa malaprinsesang si Tanya. Bumalik na lamang si Fane sa kwarto niya, nakakunot ang kanyang noo dahil sa sobrang hiya. Hindi sigurado kung mamasamain yun ng babae o hindi. Ngayon lang ito nangyari kay Fane. Wala siyang takot noong sumugod siya sa mga kalaban noong panahon ng digmaan, pero ito? Wala siyang ideya kung paano
Naiilang na tumawa si Fane bago siya nagsalita, "Kaso, may napansin akong problema nung nakita kita kanina!" "Anong problema yung nakita mo, manyak?!" Pakiramdam ni Yvonne na mahihimatay siya sa sobrang galit. Ituturo kaya ng bwisit na 'to yung mga mali sa katawan niya? Hindi naman siya ganun kapangit; hindi siya masyadong mataba o payat. "Oo, may problema…" Pagkatapos niyang mag-isip, tumango si Fane. "Ahh! Papatayin kita!" Hindi makapagpigil pa si Yvonne. Kung sinabi lang ng lalaki na 'to na wala siyang nakita, magpapanggap na lang sana siya na walang nangyari dahil alam ni Fane na magpanggap at kalimutan na lang ito. Hindi niya inasahan na masyadong tapat ang bwisit na 'to. Mas matigas pa siya kaysa sa bakal! Bigla siyang tumalon kay Fane habang hawak ang gunting. Sa isip niya, parang pumatay lang siya ng isang bodyguard na walang pangalan kapag pinatay niya si Fane, at ang pamilya niya—kahit na ang pinsan niya—ay walang sasabihin tungkol dito. Paano naman tatapatan
"Isara mo ang sarili mong pinto mo! Anong kalokohan ang sinasabi mo, Tanya? Mukha ba akong ganung klase ng tao?" Halos mabaliw na sa sobrang galit si Yvonne. "Hindi na mahalaga kahit na gaano pa siya kagwapo," ang sabi niya, "Hindi ako makikipagtalik sa kanya lalo na ngayon lang kami nagkita. Hindi ako ganun klaseng tao!" "Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. May tiwala ako sa nakita ko, at nakita ko na nakapatong ka sa kanya. Imposible namang peke yun, di ba?" Humagikhik si Tanya at sinabing, "Naku, Pinsan, nagmumura ka na siguro dahil mali ang oras ng pagpasok ko, at kung medyo nagpahuli pa sana ako ng dating." "Ms. Tanya, nagkakamali ka talaga ng iniisip. Walang nangyari saming dalawa, at alam mo naman na may asawa na ako!" Nagpaliwanag si Fane. Naisip niya na baka magkaroon ng mental breakdown si Yvonne kapag hindi niya inayos ang gulong ito. "Tama, tama, tama! Paano naman ako magkakagusto sa kanya? Hindi ko nga alam yung pangalan niya!" Nakahinga ng maluwag si Yvonne a
Ayaw ni Yvonne na tumira dito si Fane dahil ayaw niyang makita si Fane. Nagulat siya sa mga sumunod na sinabi ni Fane. "Huwag kang mag-alala. Hindi ako interesado sayo. Tsaka, mas maganda ng sampung beses kaysa sayo yung asawa ko, kaya sa tingin mo ba may gagawin ako sayo? Magagawa ba ng isang beterano, na gaya ko, ang manggahasa ng isang babae?" "Ikaw!" Nagalit si Yvonne sa sinabi ni Fane. Bukod sa nakita ng hambog na yun ang lahat ng mayroon siya, sinabi pa niya na hindi siya kasing ganda ng asawa niya. Sinong hindi mapapatingin sa kanya sa tuwing lalabas siya para magshopping? Dapat niyang malaman yun. Kampante si Yvonne sa itsura niya dahil magaganda ang mahahaba niyang binti. "Ganun ba? Interesado akong malaman kung sino yung asawa mo. Kapag nagkaroon ng pagkakataon, gusto kong makita kung gaano talaga siya kaganda para maging sampung beses siyang mas maganda kaysa sakin!" Ang sabi ni Yvonne habang nakahalukipkip ang kanyang mga kamay. Halatang nagyayabang lang ang lalak
"Isang laban?" Nang marinig nila ito, nagtitigan si Tanya at Yvonne bago magmadaling bumaba. Sa sandaling makalabas sila ng main entrance, nakita nila ang isang maskuladong lalaki na nakatitig nang masama kay Fane. "Yun ang head commander na si Kyle Jones!" "Kasiyahan niya ang pakikipaglaban, at sa sandaling malaman niya ang isang taong mas malakas sa kanya na pumasok sa Drake family, gugustuhin niyang makipaglaban dito. Kung hindi, bubulabugin niya ito nang husto!" Walang magawa si Tanya nang mapansin niya ang head commander na si Kyle. Si Fane ay isang tao na itinuturing ng Drake family na mahalaga, pero di nila ito pwedeng ipahalata. Sasaktan ba ni Kyle si Fane? Kapag nangyari yun, di ito maganda. Syempre, ang bagay tungkol sa pagkuha ng loob ni Fane ay dapat ilihim sa lahat ng oras at ang mga miyembro ng pamilya lang ang nakakaalam. "Sige Kyle. Balita ko mukhang malakas ang batang ito. Pwede kang magwala sa kanya!" Kumislap ang mata ni Yvonne nang mabalot siya ng