"Diyos ko, grabe yung nangyari! Umalis na sa Middle Province yung Dragon God Clan!" Unti-unti nang kumakalat ang balita tungkol sa nangyari sa Dragon God Clan kinahapunan. Di nagtagal ay natagpuan na ang mga bangkay ng Five Tigers ng Dragon God Clan at ng anak ni Master Howard. Natakot ang ilan sa mga makapangyarihang tao sa Middle Province dahil dito. Iyon ay dahil sa alam ng lahat na nasa ilang libong tao ang kabuuang dami ng miyembro ng Dragon God Clan. Subalit, tila kahit ang isang makapangyarihang organisasyon na gaya nun ay maaari ring bumagsak. Syempre, maraming tao ang natuwa dahil puro karumaldumal na krimen ang pinaggagawa ng Dragon God Clan at matagal nang galit ang lahat sa kanila. Bilang halimbawa, noong nagsimula sila ng isang kumpanya, mayroon itong kaugnayan sa mga loan shark. Hindi mabilang ang mga pamilya at tahanang sinira nito. Talagang nakakalungkot at nakakapanlumo ito. Ngayong wala na ang Dragon God Clan, natural lang na sumaya ang lahat. Samantala,
Naiwan sa isipan ni Ms. Tanya ang imahe ni Fane na hawak ang kanyang tagapagligtas. “Ah!”Habang iniisip niya ang ikinuwento ni Fane, hindi niya napansin na biglang huminto ang ilang Audi sa unahan nila. Gulat na gulat si Ms. Tanya, nataranta siya at tinapakan niya agad ang preno. Subalit, sumagi pa rin ang sasakyan nila sa likod ng mga Audi. "Ms. Tanya, na-distract ka ba dahil sa pakikinig sa kwento ko?" Natawa si Fane habang tinitingnan niya ang nagulat na si Ms. Tanya sa tabi niya. "Kasalanan mo 'to, masyado ka kasing naging emosyonal sa pagkukwento mo. Na-distract ako nung maisip ko yung kasamahan mo na si Bro!" Inirapan ni Ms. Tanya si Fane bago siya bumaba sa kotse. Tiningnan ni Fane ang plaka ng kotse sa harap nila. B77777 ang nakasulat dito. Tila hindi kasing simple ng inaasahan nila ang taong may-ari ng sasakyan na ito! Dahil isinama siya ni Ms. Tanya bilang kanyang bodyguard, para sa kaligtasan ni Ms. Tanya, sumunod si Fane pagbaba niya ng kotse. Agad na
Walang masabi si Ms. Tanya. Hindi naman matindi ang naging sira ng sasakyan, at sapat na dapat ang isang daang libo. Hindi niya inakala na ganun ang magiging sagot sa kanya ng lalaki. Gayunpaman, nagngitngit ang kanyang mga ngipin at pinigil ang kanyang galit bago niya sinabing, "Sapat na siguro ang 500 thousand, tama? Isa lang naman 'tong R8. Huwag mong isipin na wala akong alam sa mga sasakyan." Natawa lamang ang lalaki. "Nakakatuwa ka, babae. May alam ka talaga sa mga sasakyan! Mukhang mas may alam ka kesa sa ibang mga babae." Nagsimulang humalakhak ng malakas ang lalaki bago siya nagpatuloy sa pagsasalita. "Sa tingin mo sapat na yung bayaran mo yung naging sira ng sasakyan ko? Binangga mo ang sasakyan ko at ginulat mo ako. Kailangan mong bayaran yung mental damage na binigay mo sakin, alam mo ba yun? Oo nga pala, kailangan mo rin akong bayaran dahil hindi ako makapagtrabaho sa ginawa mo. Napakahalaga ng oras ko, nasa milyon ang halaga nito!"Nagsimulang magtawanan ang mga bo
Pagkatapos ilabas ni Ms. Tanya ang kanyang galit, agad na tumalikod si Ms. Tanya upang bumalik sa kotse niya. "Tara na, Fane," sabi niya, "huwag na nating sayangin ang oras natin sa mga basurang 'to. Mga walang kwenta sila! Sobra-sobra ang hinihingi nila sa kabila ng pagbibigay natin ng respeto sa kanila!" Laging arogante si Ms. Tanya sa tuwing may gagawin siya. Dahil siya ang may nagawang kasalanan, humingi siya ng tawad sa lalaki at sinubukan niyang bayaran ang anumang naging pinsala. Hindi niya inasahan na hindi makatwiran ang taong iyon. Halos sumuka na siya ng dugo sa sobrang galit niya. "Hehe. Gusto niyong umalis? Hindi ko kayo pwedeng paalisin ng ganun kadali, di ba?" Tumawa ang lalaki at agad na kinumpas ang kanyang kamay. Sinenyasan niya ang kanyang mga tauhan na lumapit at agad nilang pinaligiran sila Fane at Ms. Tanya. "Ano ba talagang kailangan mo? Hinding-hindi ako papayag na maging girlfriend, naiintindihan mo ba yun? Mangarap ka. Hinding-hindi yun mangyayari!"
"Ang bilis tumakas ng bwisit na yun ah!" Tumawa si Fane habang nakatingin siya sa sasakyan ng lalaki. "Grabe ka! Kung si Harvey ang nasa posisyon mo, hindi niya mapapabagsak agad ng ganun kabilis ang mga lalaking yun kahit na mahusay siya sa pakikipaglaban!" Pagkatapos ilabas ni Tanya ang lahat ng galit niya, agad na bumuti ang pakiramdam niya. Tumawa si Fane. "Magiging ganito ba ako kung hindi niyo ako binabayaran ng malaki?" Pagkatapos ay binuksan niya ang pinto ng sasakyan at sinabing, "Tara, Ms. Tanya, ipagpatuloy natin ang pagshoshopping mo. Huwag kang papaapekto sa mga basurang yun!" Umalis sila at nagshopping pagkatapos nito. Di nagtagal ay nakarating sa bahay ni Ken ang lalaking nakasuot ng bulaklaking damit. "Kailangan mo 'kong tulungan, pinsan!" Umiyak ang lalaking naka bulaklaking damit at nagsumbong noong makita niya si Ken. "Nagpunta ako dito para magbakasyon sa Middle Province, pero hindi ko inasahan na may mang-aapi sakin bago pa ako makarating sa bahay m
Natawa si Ken bago siya muling nag-usisa. Naiilang na tumawa si Flynn bago siya nagpatuloy, "Kaya naman, sinabi ko sa mga bodyguard ko na hulihin nila yung babae para mahalikan ko siya bilang kabayaran sa nasira niya. Para sakin maliit na bagay lang yun. Kaso, hindi ko inasahan na ganun kalakas yung bodyguard niya, at ang dali niyang napabagsak yung mga bodyguard ko.""Sino nga pala yung babaeng yun? Alam mo ba yung pangalan niya?" Pagkatapos mag-isip ng maigi ni Ken, nagtanong siya. Dahil nagbabakasyon sa Middle Province ang pinsan niya at may nangyari sa kanya sa siyudad na ito, natakot siya na baka sumama ang loob ng mga magulang ng kanyang pinsan kapag wala siyang ginawa. "Well, hindi ko alam. Hindi ko tinanong!" Natawa lamang si Young Master Flynn. "Kung ganun, paano kita tutulungan?" Tiningnan siya ng masama ni Ken. "Wala akong ideya kung sino yung taong yun, sigurado akong wala na sila. Tingin mo ba hihintayin ka pa nila dun? Isipin mo na lang na minalas ka. Mas mabut
Hindi inasahan ni Fane na may lalabas na babaeng naka hubad na nakatapis lamang ng tuwalya. Pinapatuyo niya ang buhok niya gamit ng tuwalya bago siya lumabas.Natulala siya sandali noong makita niya si Fane. "Ah! Bastos!" Ang malakas na sigaw ng babae. Nakita niya na tumalikod si Fane, at sinamantala niya ang pagkakataon na 'to para pumasok sa kwarto niya at isara ito. "Mukhang nakauwi na yung pinsan ni Ms. Tanya na si Yvonne!"Natawa na lamang si Fane; hindi niya inakala na makikita niya na nakahubad si Yvonne. Inaamin niya na maganda ang katawan ni Yvonne. Tila mas matanda lang siya ng dalawa o tatlong taon kay Tanya, mas-mature siyang tingnan kaysa sa malaprinsesang si Tanya. Bumalik na lamang si Fane sa kwarto niya, nakakunot ang kanyang noo dahil sa sobrang hiya. Hindi sigurado kung mamasamain yun ng babae o hindi. Ngayon lang ito nangyari kay Fane. Wala siyang takot noong sumugod siya sa mga kalaban noong panahon ng digmaan, pero ito? Wala siyang ideya kung paano
Naiilang na tumawa si Fane bago siya nagsalita, "Kaso, may napansin akong problema nung nakita kita kanina!" "Anong problema yung nakita mo, manyak?!" Pakiramdam ni Yvonne na mahihimatay siya sa sobrang galit. Ituturo kaya ng bwisit na 'to yung mga mali sa katawan niya? Hindi naman siya ganun kapangit; hindi siya masyadong mataba o payat. "Oo, may problema…" Pagkatapos niyang mag-isip, tumango si Fane. "Ahh! Papatayin kita!" Hindi makapagpigil pa si Yvonne. Kung sinabi lang ng lalaki na 'to na wala siyang nakita, magpapanggap na lang sana siya na walang nangyari dahil alam ni Fane na magpanggap at kalimutan na lang ito. Hindi niya inasahan na masyadong tapat ang bwisit na 'to. Mas matigas pa siya kaysa sa bakal! Bigla siyang tumalon kay Fane habang hawak ang gunting. Sa isip niya, parang pumatay lang siya ng isang bodyguard na walang pangalan kapag pinatay niya si Fane, at ang pamilya niya—kahit na ang pinsan niya—ay walang sasabihin tungkol dito. Paano naman tatapatan