Sa sobrang pagkataranta nina Fane, Grayson, at Rudy nang bumagsak ang vessel ay nawalan sila ng oras para isipin kung nasaan sila. Sa sandaling ito, sa wakas ay nakita na nila ito nang maayos, at naubos ang pag-asa sa mga katawan nila. Base sa paligid nila, tiyak ay nasa looban sila ng mga bundok na iyon na walang kahit na sinong nakakalabas. Walang duda ring may panganib sa bawat isang sulok nito. Ang kawalan ng kahit na anong bakas ng sibilisasyon rito ay nangangahulugang hindi naaayon ang lugar na ito para sa mga martial artist. Magiging napakahirap para sa kanilang makabalik nang mapayapa. Tumingin si Rudy sa isang malaking ugat sa silangan. "Ano yun?" Mabilis siyang sumugod papunta sa direksyong tinitigan niya. Lumingon sina Fane at Grayson at nakita nila si Rudy na nakaluhod sa tabi ng isang ugat habang dinampot niya ang isang hibla ng puting buhok. Kaagad na lumapit sina Fane at Grayson at tinitigan ang puting hibla ng buhok. Hinipan ni Rudy ang buhok. Isang nakaka
Tumaas ang isang kilay ni Fane nang bigla niyang tinanong si Rudy, "Nakikita mo ba kung nasa anong realm ang lakas ko?"Sandaling nabigla si Rudy bago siya tumingala. Ginamit niya ang pakiramdam niya para sukatin ang lakas ni Fane nang ilang sandali, bago sa huli ay naiilang na nanginig ang mga labi niya. "Hindi mo kaya! Pero ano naman ngayon?" mayabang na singhal ni Rudy. "Kahit gaano ka pa kalakas, malamang ay nasa middle-stage ka pa lang ng innate level!" Natatawang ngumiti si Fane nang hindi nagsasalita. Kumunot ang noo ni Grayson at nagtanong, "May natutunan ka bang skill na nagtatago sa lakas mo? Bakit di ko rin malaman kung nasaang realm ka na?" Umiling si Fane; hindi siya nag-aral ng mga ganitong skill. Ang pinsalang natamo niya noon ang dahilan kung bakit parang nakatago ang lakas niya. Nagpasya si Fane na gamitin ang sitwasyon niya sa sandaling napansin niya ito. Sinadya niyang hindi pagalingin ang ilan sa mga sugat niya sa kagustuhang pigilan ang iba na suriin siy
Ganun na nga, humilera ang malalaking puno sa paningin niya kahit saan tumingin si Fane, at hindi man lang niya matukoy ang kardinal na direksyon, lalo na ang maglakad palabas ng gubat. Bumuntong-hininga siya nang mahaba. Nang binabalak na niya ang susunod niyang gagawin, biglang nakarinig ng ingay si Fane. Nang nakakunot ang noo, sinigawan niya sina Grayson at Rudy, "Manahimik na kayo, ngayon din! May paparating!" Nanginig pareho sina Grayson at Rudy sa babala ni Fane at kaagad na huminto ang mga hikbi nila. Sa ginawa ng dalawa kanina, hindi nila inisip ang katotohanang makakatawag ang pag-iyak nila ng mga malalapit na halimaw. Hindi nagtangkang ibuga ng dalawa ang hingang pinigilan nila pagkatapos ng babala ni Fane. Tumaas ang isang kilay ni Fane habang tumalas ang tainga niya para marinig ang mga tunog sa paligid nila. Sinubukan niyang obserbahan ang paligid niya habang ginamit niya ang pakiramdam para maramdaman ang lahat ng nasa paligid niya. Nasa isang dayuhang lugar s
Walang magagawa ang pag-iyak at kailangan nilang maghanap ng daan palabas. Nang naisip ito ni Grayson, isang kaisipan ang lumitaw sa utak niya. Bigla siyang tumalikod at nagsabing, "Pero, may magagawa tayo ngayon!" Sandaling napahinto sina Fane at Rudy. Pagkatapos ay lumingon sila at nakita nila si Grayson na nakaharap sa spiritual vessel. Nakaturo siya sa pinto habang siguradong-sigurado siyang nagsabing, "Hindi pa sira ang pinto! Pwede pa nating magamit ang pinto!" Nagmadaling nagtanong si Fane, "Hindi ba to sira? Masasara pa ba ito?" Huminga nang malalim si Grayson habang pinunasan niya ang mukha niya gamit ng kamay niya. Pagkatapos pakalmahin ang sarili niya, nagsabi si Grayson, "Nakalimutan ko ang tungkol dun. May maliit na spirit vessel ang master ko noon na kagaya nito, pero sa huli, binenta niya ito para sa mas malaking spirit vessel." "Kahit na maraming problema sa mga spiritual vessel kagaya nito at mura lang ito, may ilan pa rin itong praktikal na gamit. May higit
Talagang naunawaan ng isipan ni Grayson ang sitwasyon nila. Naiisip lang ni Fane ang lahat ng iyon nang binanggit ito ni Grayson. Tama si Grayson. Pwede nilang gamitin ang pagkakahiwalay ng mahina at malakas para matukoy kung saan sila tatakbo patakas. Ang mga mas malalakas na halimaw ay madalas na nasa mas liblib na parte ng kahit na anong kagubatan. Habang mas mahina ang mga halimaw, mas matagal silang mananatili sa labasan. Gamit ng taktikang ito, makakaalis pa rin sila sa lugar na ito. Gayunpaman, kailangan muna nilang makahanap ng lugar na magiging ligtas sila bago iyon. Nasira man ang spiritual vessel, kaya pa ring sumalo ang matigas nitong panlabas ng ilang lebel ng mga atake. Basta't hindi masyadong malakas ang halimaw, makakapagtago pa rin sila sa loob ng pansamantalang pananggalang kapag may dumating na panganib sa kanila. Gamit ng spiritual vessel bilang pansamantalang pananggalang, pwede silang dahan-dahang maglakbay palabas. Huminga nang malalim si Grayson. "Sigu
Kumibot ang labi ni Fane habang nakatingin siya kay Grayson nang walang magawa. Kakapuri lang niya kay Grayson sa pagiging matalino nito nang muli na namang ipakita ni Grayson ang katangahan nito. "Tingin mo ba may mga kalabang hahabol sa kanya sa gubat nang ganito kalalim?" sagot ni Fane nang naiinis. "Bago pa 'yan, bakit hindi mo tingnan ang mga sugat sa katawan niya? Hindi 'yan gawa ng sandata. Siguro mga sugat ito mula sa mga kuko at pangil ng mga halimaw.Nabigla si Grayson sa sinabi ni Fane. Kaagad siyang tumingin sa mga sugat ng lalaking nakaputi. Talagang mukhang mula sa mga pangil ng isang halimaw ang mga sugat nito. Bago pa mailaban ni Grayson ang kanyang ideya, idinagdag ni Fane, "Siguro hinabol ito ng mga halimaw. Natural, mas mabuting huwag na lang makialam, pero iba ang sitwasyong ito. Dahil nandito siya ibig-sabihin alam niya kung paano makakaalis dito. Diba kailangan natin ng gagabay sa atin ngayon?" Tumama sa kanila ang mga salita ni Fane sa kung saan sila dapat
Bumangga ang lobo sa vessel at napatalon ang mga lalaki sa loob ng vessel. Mabuti na lang, sumara ang pinto ng vessel sa tamang oras at nakaligtas sila sa kamatayan. Sa sobrang takot ni Rudy ay hindi siya nakapagsalita. Nanigas siya at nanantiling nakatayo. Sa kabilang banda, hindi rin naiiba si Grayson, hawak niya ang dibdib niya habang tumambol ang puso niya sa ribcage niya. Kung bumilis pa ang tibok ng puso niya, baka tumalon ito sa lalamunan niya. Huminga nang malalim si Fane. Siya ang pinakakalmado sa kanilang tatlo, pero nabigla pa rin siya sa nangyari. Lalo na't muntik na silang mapahamak. Kampante si Fane sa sarili niyang kakayahan, pero maski siya ay hindi sigurado kung kaya niyang tumakas sa isang spring solidifying realm beast. "Nakakatakot yun! Muntik na talaga tayo! Kapag nagpatuloy tayo nang ganito, baka atakihin ako sa puso kung hindi ako makain ng halimaw! sigaw ni Rudy habang bumagsak siya sa lapag. Huminga nang malalim si Grayson para pakalmahin ang sarili
Talagang hindi magandang balita para sa kanila kung nanatili sa labas at hindi umalis ang one-eyed frost wolf. Ibig sabihin nito ay hindi sila makakalabas pansamantala. Habang mas matagal sila sa loob, mas sumasama ito para sa kanila. Nagpaplano pa lang sila ng paraan para makatakas bato nangyari ang buong problema, ngunit naharap na sila kaagad sa isang balakid. Ang isang halimaw na nasa spring solidifying realm ay isang nilalang na hindi nila kayang talunin. Isa itong bangungot kapag nagpatuloy ang halimaw na maghintay para sa kanila sa labas ng vessel. Lumingon si Rudy kay Fane. "Kung ganun, anong susunod nating gagawin? Kahit na kayang maghintay ng halimaw sa labas na parang isang mangangaso, kailangan pa rin nitong kumain. Imposibleng maghintay to sa labas buong araw…" Alam ni Fane kung anong gustong sabihin ni Rudy at tumango lang siya nang nakangiti. "Hindi ito mananatili sa labas magdamag, pero kahit na umalis to para kumain, hindi siya magtatagal doon. Ang mas mahalag