Bumangga ang lobo sa vessel at napatalon ang mga lalaki sa loob ng vessel. Mabuti na lang, sumara ang pinto ng vessel sa tamang oras at nakaligtas sila sa kamatayan. Sa sobrang takot ni Rudy ay hindi siya nakapagsalita. Nanigas siya at nanantiling nakatayo. Sa kabilang banda, hindi rin naiiba si Grayson, hawak niya ang dibdib niya habang tumambol ang puso niya sa ribcage niya. Kung bumilis pa ang tibok ng puso niya, baka tumalon ito sa lalamunan niya. Huminga nang malalim si Fane. Siya ang pinakakalmado sa kanilang tatlo, pero nabigla pa rin siya sa nangyari. Lalo na't muntik na silang mapahamak. Kampante si Fane sa sarili niyang kakayahan, pero maski siya ay hindi sigurado kung kaya niyang tumakas sa isang spring solidifying realm beast. "Nakakatakot yun! Muntik na talaga tayo! Kapag nagpatuloy tayo nang ganito, baka atakihin ako sa puso kung hindi ako makain ng halimaw! sigaw ni Rudy habang bumagsak siya sa lapag. Huminga nang malalim si Grayson para pakalmahin ang sarili
Talagang hindi magandang balita para sa kanila kung nanatili sa labas at hindi umalis ang one-eyed frost wolf. Ibig sabihin nito ay hindi sila makakalabas pansamantala. Habang mas matagal sila sa loob, mas sumasama ito para sa kanila. Nagpaplano pa lang sila ng paraan para makatakas bato nangyari ang buong problema, ngunit naharap na sila kaagad sa isang balakid. Ang isang halimaw na nasa spring solidifying realm ay isang nilalang na hindi nila kayang talunin. Isa itong bangungot kapag nagpatuloy ang halimaw na maghintay para sa kanila sa labas ng vessel. Lumingon si Rudy kay Fane. "Kung ganun, anong susunod nating gagawin? Kahit na kayang maghintay ng halimaw sa labas na parang isang mangangaso, kailangan pa rin nitong kumain. Imposibleng maghintay to sa labas buong araw…" Alam ni Fane kung anong gustong sabihin ni Rudy at tumango lang siya nang nakangiti. "Hindi ito mananatili sa labas magdamag, pero kahit na umalis to para kumain, hindi siya magtatagal doon. Ang mas mahalag
Basta't magagawa niyang makipagpalitan ng atake sa one-eyed frost wolf, magkakaroon ng pagkakataon si Fane na makatakas. Lumitaw ang ideya sa isipan niya nang bigla siyang may naalala. Hindi niya napigilang tumingin sa walang malay na lalaking nasa lapag. Isang metro mula sa lalaki ay isang pulang crystal. Ang crystal na iyon mismo ang initsa sa loob ng vessel sa unang pag-atake sa kanila. Nang inisip niya ang sitwasyon sa sandaling iyon, hindi pangkaraniwang bato ang pulang crystal. Hindi napigilan ni Fane na lumapit sa pulang crystal at hawakan ito. Para bang may enerhiyang dumadaloy sa loob nito, pero hindi niya alam kung para saan ito ginagamit. "Bakit hawak mo ang crystal na yan?" maingat na sabi ni Rudy. Kahit ang isang tanga ay maiintindihan na napakahalaga ng crystal na iyon at para bang aangkinin ito ni Fane. Ayaw itong mangyari ni Rudy. Lalo na't ibinato ang crystal sa kanilang tatlo kaya may karapatan din siya para sa crystal. Kaagad na naintindihan ni Fane
Lalo na't pagdating sa martial prowess niya sa Rosefinch Pavilion, isa lang siyang runner disciple. Nang naisip niya ito, biglang nagmukhang bolang walang hangin si Grayson. Nanlumo ang mukha niya at hindi na siya nagtangkang makipagtalo. Naramdaman pa rin ni Rudy ang lakas ng aura ni Fane kahit wala siya sa harapan nito. Sa sandaling iyon, napansin niyang wala na rin sa kanya ang katayuang masasandalan niya. Ang aasahan na lang niya ay ang kakayahan niya para lumaban kay Fane, pero mukhang wala siyang laban sa kanya. Kung talagang maglaban sila, baka makipagtulungan si Rudy kay Grayson, pero baka traydurin siya nito. Mahirap malaman kung anong iniisip ng kahit na sino kaya biglang hindi na nagtangkang kumilos si Rudy. Sa isang tingin lang sa dalawa, alam ni Fane na natakot niya sila. Pagkatapos ay hindi niya sila pinansin at bumalik sa pulang crystal. Balak niyang mag-eksperimento rito para makita kung magagamit niya ang crystal para lumakas siya. Nang walang tulong mula sa
Diretsong sinabi ni Rudy sa nakasuot ng puti na nawawala sila. Hindi nila alam kung nasaan sila!Gulat na napatingin sa kanila ang lalaking nakasuot ng puti.Umubo muna siya nang kaunti bago ipakilala ang kanyang sarili, “Ako si Hansel Brown, at isa akong disciple ng Seven Absolutes Pavilion.”Pagkatapos ipakilala ni Hansel Brown ang kanyang sarili, biglang napadiretso ng tayo si Rudy. "Seven Absolutes Pavilion, tama? Sinasabi mo bang nasa teritoryo kami ng Seven Absolutes Pavilion ngayon? Saan ang lugar na ito? Bakit hindi pa ako nakakarinig ng ganito kalaking gubat sa Seven Absolutes Pavilion?" Tiningnan ni Hansel nang maigi si Rudy. Sa kabilang banda, walang masabi si Fane, nagtataka siya kung nasiraan ba talaga ng utak si Rudy. Kung hindi, hindi sana ibubunyag ni Rudy nang sobra ang kanyang sarili. Mukhang matalino si Hansel. Kahit na siya ay nagtataka, hindi ito makikita sa kanyang mukha. Nagpipigil pa siya, kaya lalong naging maingat si Fane kay Hansel. Si Hansel ay mu
Ito ang pinakakilalang lugar kung saan nagtitipon ang mga fiend sa buong Hestia Continent. Isa rin itong lugar kung saan naglalaban ang mga tao at fiend. Madalas magpunta ang mga tao sa Grand Yorn Mountain para pumaslang ng mga fiend. Ang mga fiend ay nanghahabol rin ng mga tao doon, at madalas may namamatay dito. Nanlulumong pinaalala ni Fane sa kanila, "Ang Grand Yorn Mountain ay hindi isang pasyalan. Hindi ito kilala dahil sa mga tanawin. "Kilala ito bilang isang lugar kung saan nagtitipon ang mga high-level fiend. Hindi natin matalo ang isang one-eyed frost wolf, kaya paano niyo nagagawang magalak…" Umubo si Hansel habang tumatango, "Tama si Fane. Ang Grand Yorn Mountain ay hindi isang lugar kung saan pwede tayong magtagal. Mapanganib ang lugar na ito. Napilitan lang ako, kung hindi ay hindi sana ako nagpunta dito." Nabigla si Fane sa sinabi niya. Kaagad na nagtanong si Fane, "Anong ibig-sabihin mo niyan? Ito ba ang loob na bahagi ng Grand Yorn Mountain?" Habang nagtata
Kahit na gusto niyang mabawian, hindi dapat niya ito pinahalata masyado. Ngunit kahit na gusto pang isalba ni Fane ang sitwasyon, masyado nang huli. Hindi siya makapaniwalang nasa spring solidifying realm na si Hansel. Higit pa rito, siya rin ay isang disipulo ng isang fifth-grade clan. Ibig-sabihin nito na siguro isa siyang chosen disciple sa Seven Absolutes Pavilion, kaya nagtaka si Fane kung paano siya napilit pumunta ng Grand Yorn Mountain. Matapat na sinabi ni Hansel, "Alam ko kung paano makaalis. Kapag magaling na ako, ilalabas ko kayo. "Hindi masyadong mapanganib ang lugar na ito kumpara sa iba, pero hindi rin ito ligtas. Basta mag-ingat tayo, hindi magiging mahirap na makalabas." Nagkaroon ng pag-asa si Grayson at Rudy sa sinabi ni Hansel. Biglang nagkaroon ng kulay ang maputla nilang mukha. Ang kagipitan nila kanina ay naglaho at muli silang nagkaroon ng kumpyansa na makakaraos sila. Ngunit may napansin si Grayson na nakakapagtaka. "Kung nasa initial stage ka na ng s
Kumulo ang dugo ni Rudy dito. Galit niyang sinabi, "Anong ibig-sabihin mo niyan, Fane?! Huwag mong akalain na pwede mo nang gawin ang kahit anong gusto mo dahil lang pinalagpas kita kanina!" Natawa si Fane. Anong ibig-sabihin niya ng pinalagpas siya nito kanina? Malinaw na natakot lang si Rudy sa lakas ni Fane. Ayaw nang sumagot ni Fane at humarap siya kay Hansel. Tanong niya, "Paano mo nakalaban ang one-eyed frost wolf?" Diretso ang tanong ni Fane. Malalaman rin niya kung gaano katapat si Hansel mula sa kanyang sagot. Nakadepende ito sa kung anong itatago ni Hansel mula sa kanya.Higit sa lahat, kahit na sinagip nilang tatlo si Hansel, imposibleng malaman kung babawi ito sa kanila. Hindi uto-uto si Fane tulad ni Rudy at Grayson para maniwala agad kahit kanino.Natahimik si Hansel sandali sa tanong ni Fane. Nagkaroon na kahit paano ng kulay ang kanyang mukha, at hindi na dumudugo ang kanyang mga sugat.Huminga siya nang malalim bago sabihin, “Ninakaw ko ang Crimson Blood Fruit