Kahit na gusto niyang mabawian, hindi dapat niya ito pinahalata masyado. Ngunit kahit na gusto pang isalba ni Fane ang sitwasyon, masyado nang huli. Hindi siya makapaniwalang nasa spring solidifying realm na si Hansel. Higit pa rito, siya rin ay isang disipulo ng isang fifth-grade clan. Ibig-sabihin nito na siguro isa siyang chosen disciple sa Seven Absolutes Pavilion, kaya nagtaka si Fane kung paano siya napilit pumunta ng Grand Yorn Mountain. Matapat na sinabi ni Hansel, "Alam ko kung paano makaalis. Kapag magaling na ako, ilalabas ko kayo. "Hindi masyadong mapanganib ang lugar na ito kumpara sa iba, pero hindi rin ito ligtas. Basta mag-ingat tayo, hindi magiging mahirap na makalabas." Nagkaroon ng pag-asa si Grayson at Rudy sa sinabi ni Hansel. Biglang nagkaroon ng kulay ang maputla nilang mukha. Ang kagipitan nila kanina ay naglaho at muli silang nagkaroon ng kumpyansa na makakaraos sila. Ngunit may napansin si Grayson na nakakapagtaka. "Kung nasa initial stage ka na ng s
Kumulo ang dugo ni Rudy dito. Galit niyang sinabi, "Anong ibig-sabihin mo niyan, Fane?! Huwag mong akalain na pwede mo nang gawin ang kahit anong gusto mo dahil lang pinalagpas kita kanina!" Natawa si Fane. Anong ibig-sabihin niya ng pinalagpas siya nito kanina? Malinaw na natakot lang si Rudy sa lakas ni Fane. Ayaw nang sumagot ni Fane at humarap siya kay Hansel. Tanong niya, "Paano mo nakalaban ang one-eyed frost wolf?" Diretso ang tanong ni Fane. Malalaman rin niya kung gaano katapat si Hansel mula sa kanyang sagot. Nakadepende ito sa kung anong itatago ni Hansel mula sa kanya.Higit sa lahat, kahit na sinagip nilang tatlo si Hansel, imposibleng malaman kung babawi ito sa kanila. Hindi uto-uto si Fane tulad ni Rudy at Grayson para maniwala agad kahit kanino.Natahimik si Hansel sandali sa tanong ni Fane. Nagkaroon na kahit paano ng kulay ang kanyang mukha, at hindi na dumudugo ang kanyang mga sugat.Huminga siya nang malalim bago sabihin, “Ninakaw ko ang Crimson Blood Fruit
Tingin ni Hansel wala siyang ginawang mali. Natural naman na magkalaban ang mga fiend at tao.Kumunot ang noo ni Grayson, “Tingin mo ba nakaalis na ang one-eyed wolf?”Kumalma nang pansamantala ang mabigat na ihip ng hangin kanina dahil sa tanong. Walang makasagot sa tanong ni Grayson. Kahit makalipas ang ilang sandali, walang nagsalita.Napilitang magsalita si Grayson, “Tingin ko nakaalis na siya. Makakaalis na siguro tayo. Kahit na galit ang lobong iyon dahil kinain ni Hansel ang Crimson Blood Fruit, hindi ibig-sabihin nito na maghihintay ito sa labas. Sobrang tagal na natin dito at hindi tayo kumikilos, kaya siguradong nakaalis na ito…”Sa sandaling matapos siya sa pagsasalita, sumulyap siya kay Fane. Kumirot ang labi ni Fane sa inis, hindi alam ang kanyang sasabihin.Malinaw nang sinabi ni Fane kanina na ang one-eyed wolf ay isa pa ring lobo kahit anong mangyari. Ang mga lobo ay masugid mangaso. Basta matutukan ng isang lobo ang isang bagay, hindi ito titigil hanggat hindi niy
”Ano ‘yang nasa kamay mo?” sa sandaling iyon, biglang sinabi ni Hansel habang nakatingin siya sa kaliwang kamay ni Fane.Tumaas ang kilay ni Fane habang nakatingin siya sa pulang kristal sa kaliwa niyang kamay. Binuksan niya ang kanyang palad at ipinakita ang kristal kay Hansel. Bago niya malaman kung ano ba talagang nagagawa ng kristal, wala siyang balak na itago ito. Higit sa lahat, nakita na ng dalawa ang kristal. Gusto pa nila itong kunin para sa sarili nila. Nang ipakita ni Fane ang kristal, kumunot ang noo ni Hansel habang nakatingin siya sa kristal sa kamay ni Fane.Pagkatapos itong tingnan nang matagal, bigla siyang napatingin kay Fane at sumigaw, “Talagang mayroon kang Scarlet Blood Crystal!”Umalingawngaw ang mga salitang iyon sa isipan ni Fane. Nagulat dito si Fane, ngunit mas naguguluhan siya. Ano ang Scarlet Blood Crystal? Bakit hindi pa niya ito naririnig?Saan ba magagamit ang Scarlet Blood Crystal? Pagkatapos mapansin na alam ni Hansel kung ano ito, hindi mapigila
Walang pake si Hansel sa anumang nararamdaman ni Rudy. Nagpatuloy siya, “Para mahigop ang Scarlet Blood Crystal, kailangan mo ng napakalakas na technique kasabay nito. Ang technique na ginagamit ko ay hindi pa sapat para mahigop ang Scarlet Blood Crystal.”Pagkatapos itong sabihin ni Hansel, napuno ng panghihinayang ang kanyang mukha. Higit sa lahat, ang Scarlet Blood Crystal ay isang kayamanan na nakikita lamang niya sa mga sinaunang teksto noon.Malilinis ng paghigop ng Scarlet Blood Crystal ang katawan ng isang tao, at lalo itong lalakas. Kaya pa nitong makalagpas sa mga harang, nakakatulong na makarating sa susunod na realm. Para sa mga karaniwang martial artist, ito ay sobrang mahalaga.Pagkatapos marinig ni Grayson ang sinabi ni Hansel, hindi niya mapigilang mabigla. Kumunot ang noo niya habang sinasabi niya, “Isa kang disciple ng isang fifth-grade clan. Sa husay mo, siguradong isa kang chosen disciple sa clan mo. Madala dapat sa’yo na matuto ng mga high-level technique.“Kun
Binalewala na ito ni Rudy at sinabi, “Mukhang sadyang malas lang ako, pero siguro malaki ang kikitain natin kapag binenta natin ito.”Nang marinig niya ito, ngumiti si Fane, “Tingin mo ba sa’yo ito?”Kinilabutan si Rudy dito. Kahit na walang ginawa si Fane sa kanya, muling inilabas ni Fane ang kanyang aura para itulak si Rudy pababa.Namula sa galit ang mukha ni Rudy at sumagot, “Sumosobra ka na! Ang Scarlet Blood Crystal ay binato sa loob ng dalawang deacon bago sila mamatay. Pagmamay-ari dapat natin itong tatlo. Balak mo ba itong isarili?”Ngumiti si Fane nang marinig ang nakakatawang pahayag na ito, “Kapag hindi mo ito binigay sa akin, hindi tayo makakaalis sa lugar na ito. Makakaalis lang tayo sa lugar na ito kapag nahigop ko ang Scarlet Blood Crystal…”Nabigla ang lahat sa sinabi ni Fane. Nanlaki ang mata ni Grayson at Fane, nagtatakang nakatingin kay Fane. Hindi nila naintindihan ang ibig-sabihin ni Fane.Kinagat ni Hansel ang kanyang labi, “Fane, balak mo bang higupin ang
Pagkatapos tumawa ni Grayson, umubo siya at sinabi, “Kung may alam ka talagang ultimate god rank technique, sa’yo na itong Scarlet Blood Crystal. Hindi namin ito kukunin sa’yo!”Nang sabihin niya ito, mukhang nanghahamak si Grayson. Sa loob niya, kahit na mabugbog pa nang husto si Fane, hindi matututo si Fane ng isang ultimate god rank technique.Suminghal si Fane habang umiiling, “Ang inaaral ko ay siguradong hindi isang ultimate god rank technique.”Sigurado si Fane dito. Ang technique na natutunan niya ay nasa taas ng Divine Void World. Hindi niya alam kung anong ranggo ba ng Divine Void Heavenly Path.Higit sa lahat, ang isang first-grade world ay ibang-iba sa isang third-grade world. Hindi niya matukoy kung anong ranggo ba ng Divine Void Heavenly Path. Ngunit sigurado siyang maraming beses na mas maganda ang Divine Void Heavenly Path kaysa sa mga ultimate god rank na technique.Habang nakatingin kay Fane na umiiling, hindi na mapigilan ni Grayson at Rudy na matawa. Tiningnan
Parehong nakatingin dito si Grayson at Rudy. Nabigla silang dalawa. Akala nila nagyayabang lamang si Fane sa mga sinasabi niya, pero seryoso pala talaga siya.Talagang sinisimulan na nitong higupin ang Scarlet Blood Crystal. Hindi na kayang tumunganga ni Rudy at manood. Kaagad siyang tumayo at sinigawan si Fane nang nanlalaki ang mga mata, “Talaga bang nababaliw ka na?! Sinabi na namin. Bukod na lang kung isa ‘yang ultimate god rank technique, hindi mo mahihigop ang Scarlet Blood Crystal. Sasabog ka lang at mamamatay kapag hinigop mo ‘yan ngayon, masisira mo pa ang kristal at mawawala ang halaga nito. Hindi mo lamang hihilahin ang sarili mo pababa, madadamay mo rin kami!”Kumunot ang noo ni Fane, nandidiri nang sobra sa taong ito. Pinipigilan lamang siya ni Rudy dahil gusto nitong ibenta ang kristal.Tumayo rin si Grayson. Dahil pareho sila ng sitwasyon, pinag-initan nila si Fane.Kumunot ang noo ni Hansel, gustong tulungan si Fane na magsalita. Higit sa lahat, kahit paano nagustuh