Pagkatapos tumawa ni Grayson, umubo siya at sinabi, “Kung may alam ka talagang ultimate god rank technique, sa’yo na itong Scarlet Blood Crystal. Hindi namin ito kukunin sa’yo!”Nang sabihin niya ito, mukhang nanghahamak si Grayson. Sa loob niya, kahit na mabugbog pa nang husto si Fane, hindi matututo si Fane ng isang ultimate god rank technique.Suminghal si Fane habang umiiling, “Ang inaaral ko ay siguradong hindi isang ultimate god rank technique.”Sigurado si Fane dito. Ang technique na natutunan niya ay nasa taas ng Divine Void World. Hindi niya alam kung anong ranggo ba ng Divine Void Heavenly Path.Higit sa lahat, ang isang first-grade world ay ibang-iba sa isang third-grade world. Hindi niya matukoy kung anong ranggo ba ng Divine Void Heavenly Path. Ngunit sigurado siyang maraming beses na mas maganda ang Divine Void Heavenly Path kaysa sa mga ultimate god rank na technique.Habang nakatingin kay Fane na umiiling, hindi na mapigilan ni Grayson at Rudy na matawa. Tiningnan
Parehong nakatingin dito si Grayson at Rudy. Nabigla silang dalawa. Akala nila nagyayabang lamang si Fane sa mga sinasabi niya, pero seryoso pala talaga siya.Talagang sinisimulan na nitong higupin ang Scarlet Blood Crystal. Hindi na kayang tumunganga ni Rudy at manood. Kaagad siyang tumayo at sinigawan si Fane nang nanlalaki ang mga mata, “Talaga bang nababaliw ka na?! Sinabi na namin. Bukod na lang kung isa ‘yang ultimate god rank technique, hindi mo mahihigop ang Scarlet Blood Crystal. Sasabog ka lang at mamamatay kapag hinigop mo ‘yan ngayon, masisira mo pa ang kristal at mawawala ang halaga nito. Hindi mo lamang hihilahin ang sarili mo pababa, madadamay mo rin kami!”Kumunot ang noo ni Fane, nandidiri nang sobra sa taong ito. Pinipigilan lamang siya ni Rudy dahil gusto nitong ibenta ang kristal.Tumayo rin si Grayson. Dahil pareho sila ng sitwasyon, pinag-initan nila si Fane.Kumunot ang noo ni Hansel, gustong tulungan si Fane na magsalita. Higit sa lahat, kahit paano nagustuh
Naramdaman nila sa kanilang dibdib ang bugso ng sakit. Pagkatapos itong maawa ni Fane sa kanila at hindi masyadong gumamit ng lakas. Kung hindi naawa si Fane, patay na siguro silang dalawa!Tumalsik silang dalawa sa silangang bahagi ng vessel pagkatapos matamaan ni Fane. Bumagsak sila sa silangang bahagi ng vessel nang may kalabog.Pagkatapos nito, bumagsak sila sa sahig. Humiga silang dalawa sa sahig pagkatapos mabugbog habang nahihilo.Nang makita ni Hansel ang eksena, bigla siyang napalingon kay Fane nang nagtataka. Dahil sa sugat ni Fane, hindi makita ni Hansel kung anong lebel ba talaga ni Fane.Akala niya nasa lebel lamang ng dalawa si Fane, ngunit talagang mas malakas pala si Fane. Sa isang hawi lamang, natalo ni Fane si Rudy at Grayson at tumalsik ang dalawang ito.Hinawakan ni Rudy ang kanyang dibdb habang sumisigaw, “Ano ‘to?! Bakit sobrang sakit?! Fane, anong klaseng atake ang ginamit mo? Bakit pakiramdam ko daan-daang mga langgam ang kumakagat sa dibdib ko?!”Nangingi
Masyadong bayolente ang kapangyarihan sa loob ng Scarlet Blood Crystal. Mapapahina lang ang kapangyarihang ito gamit ng technique na may sapat na lakas. Kung hindi, sasabog ang isang tao pagkatapos itong higupin papunta sa katawan niya. Dominante at mabigat ang kapangyarihang ito. Kahit na tinutulungan si Fane ng Divine Void Heavenly Path, hindi siya nagtangkang magpadalos-dalos. Dahan-dahan niyang hinigop ang enerhiya mula sa Scarlet Bloody Crystal papunta sa katawan niya. Dahan-dahang lumipas ang oras. Pagsapit ng tanghali sa pangalang araw, nahigop na ni Fane ang enerhiya ng Scarlet Blood Crystal. Sa sandaling iyon, maputla ang mukha niya habang tumulo ang pawis sa noo niya. Kahapon, nasaktan sina Grayson at Rudy ng atake ni Fane. Naging sobrang masunurin ng dalawa pagkatapos malamang hindi dapat binabangga si Fane. Nang lumipas ang oras, napansin ng dalawa na pasama nang pasama ang kondisyon ni Fane. Tumulo ang mga butil ng pawis sa noo ni Fane. Sa sandaling iyon, mukha siy
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a