Lalo na't pagdating sa martial prowess niya sa Rosefinch Pavilion, isa lang siyang runner disciple. Nang naisip niya ito, biglang nagmukhang bolang walang hangin si Grayson. Nanlumo ang mukha niya at hindi na siya nagtangkang makipagtalo. Naramdaman pa rin ni Rudy ang lakas ng aura ni Fane kahit wala siya sa harapan nito. Sa sandaling iyon, napansin niyang wala na rin sa kanya ang katayuang masasandalan niya. Ang aasahan na lang niya ay ang kakayahan niya para lumaban kay Fane, pero mukhang wala siyang laban sa kanya. Kung talagang maglaban sila, baka makipagtulungan si Rudy kay Grayson, pero baka traydurin siya nito. Mahirap malaman kung anong iniisip ng kahit na sino kaya biglang hindi na nagtangkang kumilos si Rudy. Sa isang tingin lang sa dalawa, alam ni Fane na natakot niya sila. Pagkatapos ay hindi niya sila pinansin at bumalik sa pulang crystal. Balak niyang mag-eksperimento rito para makita kung magagamit niya ang crystal para lumakas siya. Nang walang tulong mula sa
Diretsong sinabi ni Rudy sa nakasuot ng puti na nawawala sila. Hindi nila alam kung nasaan sila!Gulat na napatingin sa kanila ang lalaking nakasuot ng puti.Umubo muna siya nang kaunti bago ipakilala ang kanyang sarili, “Ako si Hansel Brown, at isa akong disciple ng Seven Absolutes Pavilion.”Pagkatapos ipakilala ni Hansel Brown ang kanyang sarili, biglang napadiretso ng tayo si Rudy. "Seven Absolutes Pavilion, tama? Sinasabi mo bang nasa teritoryo kami ng Seven Absolutes Pavilion ngayon? Saan ang lugar na ito? Bakit hindi pa ako nakakarinig ng ganito kalaking gubat sa Seven Absolutes Pavilion?" Tiningnan ni Hansel nang maigi si Rudy. Sa kabilang banda, walang masabi si Fane, nagtataka siya kung nasiraan ba talaga ng utak si Rudy. Kung hindi, hindi sana ibubunyag ni Rudy nang sobra ang kanyang sarili. Mukhang matalino si Hansel. Kahit na siya ay nagtataka, hindi ito makikita sa kanyang mukha. Nagpipigil pa siya, kaya lalong naging maingat si Fane kay Hansel. Si Hansel ay mu
Ito ang pinakakilalang lugar kung saan nagtitipon ang mga fiend sa buong Hestia Continent. Isa rin itong lugar kung saan naglalaban ang mga tao at fiend. Madalas magpunta ang mga tao sa Grand Yorn Mountain para pumaslang ng mga fiend. Ang mga fiend ay nanghahabol rin ng mga tao doon, at madalas may namamatay dito. Nanlulumong pinaalala ni Fane sa kanila, "Ang Grand Yorn Mountain ay hindi isang pasyalan. Hindi ito kilala dahil sa mga tanawin. "Kilala ito bilang isang lugar kung saan nagtitipon ang mga high-level fiend. Hindi natin matalo ang isang one-eyed frost wolf, kaya paano niyo nagagawang magalak…" Umubo si Hansel habang tumatango, "Tama si Fane. Ang Grand Yorn Mountain ay hindi isang lugar kung saan pwede tayong magtagal. Mapanganib ang lugar na ito. Napilitan lang ako, kung hindi ay hindi sana ako nagpunta dito." Nabigla si Fane sa sinabi niya. Kaagad na nagtanong si Fane, "Anong ibig-sabihin mo niyan? Ito ba ang loob na bahagi ng Grand Yorn Mountain?" Habang nagtata
Kahit na gusto niyang mabawian, hindi dapat niya ito pinahalata masyado. Ngunit kahit na gusto pang isalba ni Fane ang sitwasyon, masyado nang huli. Hindi siya makapaniwalang nasa spring solidifying realm na si Hansel. Higit pa rito, siya rin ay isang disipulo ng isang fifth-grade clan. Ibig-sabihin nito na siguro isa siyang chosen disciple sa Seven Absolutes Pavilion, kaya nagtaka si Fane kung paano siya napilit pumunta ng Grand Yorn Mountain. Matapat na sinabi ni Hansel, "Alam ko kung paano makaalis. Kapag magaling na ako, ilalabas ko kayo. "Hindi masyadong mapanganib ang lugar na ito kumpara sa iba, pero hindi rin ito ligtas. Basta mag-ingat tayo, hindi magiging mahirap na makalabas." Nagkaroon ng pag-asa si Grayson at Rudy sa sinabi ni Hansel. Biglang nagkaroon ng kulay ang maputla nilang mukha. Ang kagipitan nila kanina ay naglaho at muli silang nagkaroon ng kumpyansa na makakaraos sila. Ngunit may napansin si Grayson na nakakapagtaka. "Kung nasa initial stage ka na ng s
Kumulo ang dugo ni Rudy dito. Galit niyang sinabi, "Anong ibig-sabihin mo niyan, Fane?! Huwag mong akalain na pwede mo nang gawin ang kahit anong gusto mo dahil lang pinalagpas kita kanina!" Natawa si Fane. Anong ibig-sabihin niya ng pinalagpas siya nito kanina? Malinaw na natakot lang si Rudy sa lakas ni Fane. Ayaw nang sumagot ni Fane at humarap siya kay Hansel. Tanong niya, "Paano mo nakalaban ang one-eyed frost wolf?" Diretso ang tanong ni Fane. Malalaman rin niya kung gaano katapat si Hansel mula sa kanyang sagot. Nakadepende ito sa kung anong itatago ni Hansel mula sa kanya.Higit sa lahat, kahit na sinagip nilang tatlo si Hansel, imposibleng malaman kung babawi ito sa kanila. Hindi uto-uto si Fane tulad ni Rudy at Grayson para maniwala agad kahit kanino.Natahimik si Hansel sandali sa tanong ni Fane. Nagkaroon na kahit paano ng kulay ang kanyang mukha, at hindi na dumudugo ang kanyang mga sugat.Huminga siya nang malalim bago sabihin, “Ninakaw ko ang Crimson Blood Fruit
Tingin ni Hansel wala siyang ginawang mali. Natural naman na magkalaban ang mga fiend at tao.Kumunot ang noo ni Grayson, “Tingin mo ba nakaalis na ang one-eyed wolf?”Kumalma nang pansamantala ang mabigat na ihip ng hangin kanina dahil sa tanong. Walang makasagot sa tanong ni Grayson. Kahit makalipas ang ilang sandali, walang nagsalita.Napilitang magsalita si Grayson, “Tingin ko nakaalis na siya. Makakaalis na siguro tayo. Kahit na galit ang lobong iyon dahil kinain ni Hansel ang Crimson Blood Fruit, hindi ibig-sabihin nito na maghihintay ito sa labas. Sobrang tagal na natin dito at hindi tayo kumikilos, kaya siguradong nakaalis na ito…”Sa sandaling matapos siya sa pagsasalita, sumulyap siya kay Fane. Kumirot ang labi ni Fane sa inis, hindi alam ang kanyang sasabihin.Malinaw nang sinabi ni Fane kanina na ang one-eyed wolf ay isa pa ring lobo kahit anong mangyari. Ang mga lobo ay masugid mangaso. Basta matutukan ng isang lobo ang isang bagay, hindi ito titigil hanggat hindi niy
”Ano ‘yang nasa kamay mo?” sa sandaling iyon, biglang sinabi ni Hansel habang nakatingin siya sa kaliwang kamay ni Fane.Tumaas ang kilay ni Fane habang nakatingin siya sa pulang kristal sa kaliwa niyang kamay. Binuksan niya ang kanyang palad at ipinakita ang kristal kay Hansel. Bago niya malaman kung ano ba talagang nagagawa ng kristal, wala siyang balak na itago ito. Higit sa lahat, nakita na ng dalawa ang kristal. Gusto pa nila itong kunin para sa sarili nila. Nang ipakita ni Fane ang kristal, kumunot ang noo ni Hansel habang nakatingin siya sa kristal sa kamay ni Fane.Pagkatapos itong tingnan nang matagal, bigla siyang napatingin kay Fane at sumigaw, “Talagang mayroon kang Scarlet Blood Crystal!”Umalingawngaw ang mga salitang iyon sa isipan ni Fane. Nagulat dito si Fane, ngunit mas naguguluhan siya. Ano ang Scarlet Blood Crystal? Bakit hindi pa niya ito naririnig?Saan ba magagamit ang Scarlet Blood Crystal? Pagkatapos mapansin na alam ni Hansel kung ano ito, hindi mapigila
Walang pake si Hansel sa anumang nararamdaman ni Rudy. Nagpatuloy siya, “Para mahigop ang Scarlet Blood Crystal, kailangan mo ng napakalakas na technique kasabay nito. Ang technique na ginagamit ko ay hindi pa sapat para mahigop ang Scarlet Blood Crystal.”Pagkatapos itong sabihin ni Hansel, napuno ng panghihinayang ang kanyang mukha. Higit sa lahat, ang Scarlet Blood Crystal ay isang kayamanan na nakikita lamang niya sa mga sinaunang teksto noon.Malilinis ng paghigop ng Scarlet Blood Crystal ang katawan ng isang tao, at lalo itong lalakas. Kaya pa nitong makalagpas sa mga harang, nakakatulong na makarating sa susunod na realm. Para sa mga karaniwang martial artist, ito ay sobrang mahalaga.Pagkatapos marinig ni Grayson ang sinabi ni Hansel, hindi niya mapigilang mabigla. Kumunot ang noo niya habang sinasabi niya, “Isa kang disciple ng isang fifth-grade clan. Sa husay mo, siguradong isa kang chosen disciple sa clan mo. Madala dapat sa’yo na matuto ng mga high-level technique.“Kun