Kumunot ang noo ni Fane habang nagsisimula siyang umatras, sinusubukan ang kanyang makakaya na sumiksik sa kanyang sulok. Wala siyang ideya kung sinong nagbukas ng pinto, at hindi rin niya alam kung para saan binuksan ang pinto.Napagpasyahan niyang ito ang pinakamagandang gawin sa ngayon, para lang makaiwas sa anumang panganib.“Ayos, bukas na. Tandaan niyo: wala kayong iiwang buhay!” narinig ang boses mula sa labas, malinaw na isa itong utos.Ang mga salitang iyon ay parang hatol ng kamatayan para sa lahat ng nasa loob ng vessel. Muntik nang maihi sila Grayson at Rudy sa sobrang takot. “Huwag mo akong patayin!” tili ni Rudy. “Wala akong alam; isa lang akong estudyante! Huwag mo akong patayin!”Hindi pa nila nakikita ang taong papatay sa kanila at nagmakaawa na si Rudy. Pakiramdam ni Fane baka himatayin pa si Rudy dito. Siya, na isang tunay na duwag sa huli, ay umasta na parang ang galing niya.Si Rudy ay isang malaking kalokohan. Si Rudy na nasa ganitong nakakaawang kalagaya
Muling bumalik ang mga tanong sa isipan ni Fane. Anong nangyari? Bakit nagkaroon ng pananambang? Isa itong pulang kristal, na may baku-bakong hugis. Kung titingan ito nang maigi, dumadaloy ang enerhiya dito.Dahil ibinato ito sa loob ng vessel sa huling sandali ibig-sabihin nito na hindi ito pangkaraniwang kristal, ngunit… ano ba ito? Anong kinalaman nito sa pananambang? Sobrang kulang ang impormasyon, kaya hindi ito mawari ni Fane. “Huwag ka lang tumayo diyan! Saan ka pupunta?! May dalawang taong nagmamaneho sa vessel kanina, at alam nila kung saan pupunta. Saan… ano nang gagawin natin?!” sinabi ni Rudy habang umiiyak.Kumunot ang noo ni Fane paglingon niya. Naubos na ni Aston ang kanyang lakas para mag-utos, at muling pinagana ang vessel. Subalit, hindi alam ng tatlo kung gaano ito tatagal, o kung saan patungo ang vessel.“Ang bawat spirit vessel ay nangangailangan ng maraming spirit crystal bilang mapagkukunan ng enerhiya,” paliwanag ni Grayson, kahit na nababahala. “Kailan
Ganito rin ang pakiramdam ni Rudy. Ang Phoenix Valley ay hindi na isang lugar na gusto niyang puntahan. Ayaw na rin niyang maging disipulo ng alyansa. Mas gusto niyang mabuhay at magsikap para palakasin ang kanyang sarili!Tinikom ni Fane ang kanyang bibig, walang masabi sa kanyang nakikita.Si Rudy ay mukhang nagkaroon ng pekeng tapang habang nagpapatuloy, “Basta makahanap tayo ng kahit sino o lugar na may bakas ng sibilisasyon, makakahanap tayo ng isang transport array. Kapag natukoy natin kung saan tayo dapat magpunta, makakauwi na tayo. Hindi tayo pwedeng mataranta sa ganitong oras!”Parang kalmado ang pananalita ni Rudy para kay Grayson habang naiisip niya na totoo ang sinasabi ni Rudy. Basta makahanap sila ng sibilisasyon, matutukoy nila kung nasaan na sila at kung paano sila magpapatuloy.Napagpasyahan niyang huwag muna pumunta sa ibang lugar pagkatapos niyang makauwi nang ligtas. Siya ay mananatili sa Rosefinch Pavilion, ang pinakaligtas na lugar na napuntahan niya. Mamumuh
Sa sobrang pagkataranta nina Fane, Grayson, at Rudy nang bumagsak ang vessel ay nawalan sila ng oras para isipin kung nasaan sila. Sa sandaling ito, sa wakas ay nakita na nila ito nang maayos, at naubos ang pag-asa sa mga katawan nila. Base sa paligid nila, tiyak ay nasa looban sila ng mga bundok na iyon na walang kahit na sinong nakakalabas. Walang duda ring may panganib sa bawat isang sulok nito. Ang kawalan ng kahit na anong bakas ng sibilisasyon rito ay nangangahulugang hindi naaayon ang lugar na ito para sa mga martial artist. Magiging napakahirap para sa kanilang makabalik nang mapayapa. Tumingin si Rudy sa isang malaking ugat sa silangan. "Ano yun?" Mabilis siyang sumugod papunta sa direksyong tinitigan niya. Lumingon sina Fane at Grayson at nakita nila si Rudy na nakaluhod sa tabi ng isang ugat habang dinampot niya ang isang hibla ng puting buhok. Kaagad na lumapit sina Fane at Grayson at tinitigan ang puting hibla ng buhok. Hinipan ni Rudy ang buhok. Isang nakaka
Tumaas ang isang kilay ni Fane nang bigla niyang tinanong si Rudy, "Nakikita mo ba kung nasa anong realm ang lakas ko?"Sandaling nabigla si Rudy bago siya tumingala. Ginamit niya ang pakiramdam niya para sukatin ang lakas ni Fane nang ilang sandali, bago sa huli ay naiilang na nanginig ang mga labi niya. "Hindi mo kaya! Pero ano naman ngayon?" mayabang na singhal ni Rudy. "Kahit gaano ka pa kalakas, malamang ay nasa middle-stage ka pa lang ng innate level!" Natatawang ngumiti si Fane nang hindi nagsasalita. Kumunot ang noo ni Grayson at nagtanong, "May natutunan ka bang skill na nagtatago sa lakas mo? Bakit di ko rin malaman kung nasaang realm ka na?" Umiling si Fane; hindi siya nag-aral ng mga ganitong skill. Ang pinsalang natamo niya noon ang dahilan kung bakit parang nakatago ang lakas niya. Nagpasya si Fane na gamitin ang sitwasyon niya sa sandaling napansin niya ito. Sinadya niyang hindi pagalingin ang ilan sa mga sugat niya sa kagustuhang pigilan ang iba na suriin siy
Ganun na nga, humilera ang malalaking puno sa paningin niya kahit saan tumingin si Fane, at hindi man lang niya matukoy ang kardinal na direksyon, lalo na ang maglakad palabas ng gubat. Bumuntong-hininga siya nang mahaba. Nang binabalak na niya ang susunod niyang gagawin, biglang nakarinig ng ingay si Fane. Nang nakakunot ang noo, sinigawan niya sina Grayson at Rudy, "Manahimik na kayo, ngayon din! May paparating!" Nanginig pareho sina Grayson at Rudy sa babala ni Fane at kaagad na huminto ang mga hikbi nila. Sa ginawa ng dalawa kanina, hindi nila inisip ang katotohanang makakatawag ang pag-iyak nila ng mga malalapit na halimaw. Hindi nagtangkang ibuga ng dalawa ang hingang pinigilan nila pagkatapos ng babala ni Fane. Tumaas ang isang kilay ni Fane habang tumalas ang tainga niya para marinig ang mga tunog sa paligid nila. Sinubukan niyang obserbahan ang paligid niya habang ginamit niya ang pakiramdam para maramdaman ang lahat ng nasa paligid niya. Nasa isang dayuhang lugar s
Walang magagawa ang pag-iyak at kailangan nilang maghanap ng daan palabas. Nang naisip ito ni Grayson, isang kaisipan ang lumitaw sa utak niya. Bigla siyang tumalikod at nagsabing, "Pero, may magagawa tayo ngayon!" Sandaling napahinto sina Fane at Rudy. Pagkatapos ay lumingon sila at nakita nila si Grayson na nakaharap sa spiritual vessel. Nakaturo siya sa pinto habang siguradong-sigurado siyang nagsabing, "Hindi pa sira ang pinto! Pwede pa nating magamit ang pinto!" Nagmadaling nagtanong si Fane, "Hindi ba to sira? Masasara pa ba ito?" Huminga nang malalim si Grayson habang pinunasan niya ang mukha niya gamit ng kamay niya. Pagkatapos pakalmahin ang sarili niya, nagsabi si Grayson, "Nakalimutan ko ang tungkol dun. May maliit na spirit vessel ang master ko noon na kagaya nito, pero sa huli, binenta niya ito para sa mas malaking spirit vessel." "Kahit na maraming problema sa mga spiritual vessel kagaya nito at mura lang ito, may ilan pa rin itong praktikal na gamit. May higit
Talagang naunawaan ng isipan ni Grayson ang sitwasyon nila. Naiisip lang ni Fane ang lahat ng iyon nang binanggit ito ni Grayson. Tama si Grayson. Pwede nilang gamitin ang pagkakahiwalay ng mahina at malakas para matukoy kung saan sila tatakbo patakas. Ang mga mas malalakas na halimaw ay madalas na nasa mas liblib na parte ng kahit na anong kagubatan. Habang mas mahina ang mga halimaw, mas matagal silang mananatili sa labasan. Gamit ng taktikang ito, makakaalis pa rin sila sa lugar na ito. Gayunpaman, kailangan muna nilang makahanap ng lugar na magiging ligtas sila bago iyon. Nasira man ang spiritual vessel, kaya pa ring sumalo ang matigas nitong panlabas ng ilang lebel ng mga atake. Basta't hindi masyadong malakas ang halimaw, makakapagtago pa rin sila sa loob ng pansamantalang pananggalang kapag may dumating na panganib sa kanila. Gamit ng spiritual vessel bilang pansamantalang pananggalang, pwede silang dahan-dahang maglakbay palabas. Huminga nang malalim si Grayson. "Sigu