Dinala si Fane sa isang silid, na may mga magagandang muwebles at may eleganteng disenyo sa loob. May iba’t ibang klase pa nga ng pampalamig sa lamesa; at maamoy ang halimuyak ng bulaklak sa loob ng kwarto. Inimbitahan ng alipin si Fane na maupo bago nito sinabi, “Pakiusap at maghintay lang kayo dito. Pagkatapos ng pagsusulit, saka ito aasikasuhin ni Elder Horst. Tawagin mo lang ako kung may iba ka pang kailangan; nasa labas lang ako ng pinto.” Yumuko ang alipin kay Fane bago ito umikot at umalis ng silid, at iniwan si Fane sa loob. Napabuntong hininga na lang si Fane habang binulong niya sa kanyang sarili, “Kailangan kong pagbutihin ang pagkontrol ko sa aking emosyon sa susunod…”Kung hindi ito napansin ni Elder Horst, magagawa sana ni Fane na manatili doon at magawa ang kanyang balak, na magpapahirap sa dalawa. Tanging si Rudy lamang ang naapektuhan sa mga sandaling iyon, habang si Grayson naman ay hindi naapektuhan ng husto. Iyon ang pinagsisihan ni Fane, ngunit wala rin
"Espesyal kayong tatlo, at ang kagustuhan ng higher-ups ay ang ipadala kayo sa Phoenix Valley. Ang Phoenix Valley ay isang napaka-espesyal na lugar para sa Middle Province Alchemist Alliance. Ang daming nangyayari ngayon kaya hindi mabuti para sa inyong manatili rito." Huminga nang malalim si Elder Horst. Para bang may hindi siya pwedeng sabihin, isang sikretong nakabaon sa isipan niya. Kumunot ang noo ni Fane. Mukhang hindi naman mapanganib ang lokasyon ng Phoenix Valley at walang masasamang bagay ang dapat na naglalagi roon. Ang hindi niya lang alam ay kung nasa inner o outer region ba ang Phoenix Valley. Habang pinag-isipan ni Fane ang bagay na ito, nagsalita ulit si Elder Horst, "Sige, wag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Naihanda ko na ang spirit vessel. Hindi niyo na rin kailangang magpaalam; ipapaalam ko to sa kanila. "Isang magandang lugar ang Phoenix Valley. Siguraduhin niyong maayos kayong magsasanay ng alchemy pagdating niyo roon. Magiging maliwanag ang kinabukasan niy
Para bang hindi huminto ang labanan mula sa sandaling lumabas si Martin. Nanatiling nakatayo sina Fane, Grayson, at Rudy nang may naninigas na ekspresyon. Wala sa kanila ang talagang kalmado. May nangyari sa labas at hindi ito dapat gawing biro. Hindi sila mga master o mga malalakas sa pakikipaglaban. Kapag may nangyari sa labas, baka mabawian sila ng buhay doon. Kahit papaano, para bang may kontrol si Fane sa sarili niya. Kahit na maraming umiikot sa isipan niya sa sandaling iyon, nagawa niya pa ring makontrol ang sarili niya habang sinusuri ang sitwasyon. Nagpaplano siya kung anong gagawin niya kung may masamang mangyari. Hindi man lang kayang manatiling kalmado ng dalawa, lalo na si Grayson na mukhang maputlang-maputla. Nanginginig ang mga kamay niya pati ang bibig niya. Halatang malapit nang magwala si Grayson. Ang tunog ng labanang nangyayari sa labas ay nahahaluan ng sigawan at mga hiyawan, at palakas din ito nang palakas. Parehong nagsasalita sina Martin at Aston, pero
Habang lalo itong inisip ni Rudy, mas lalo siyang nagalit. Naniniwala siyang tama ang hula niya. Hindi niya napigilang magtaas ng boses habang nanginginig ang mga kamay niya, "Sinasabi ko sa inyong dalawa: Kahit sino pa sa inyo ang nagtawag sa mga assassin, pagbayaran niyo dapat ang kahihinatnan nito! Wag niyo kong idamay dito! "Sobrang maingat ako sa ginagawa ko, hindi ako nagkakamali." Nagsimulang bumilis ang paghinga ni Rudy habang nagsalita siya, "Hindi ko kailanman ginalit ang kahit na sinong malakas noon, kaya ayaw kong madamay sa kahit na sino sa inyo!"Namula sa galit ang mukha ni Grayson nang narinig niya ang mga salita ni Rudy. Kung pwede lang, sumugod na siya kay Rudy at sumigaw. "Wag kang basta-basta mag-iisip nang masama tungkol sa'min! Hindi ka pa nakagalit ng kahit na sino, ibig sabihin ba nun nagawa namin yun? Wag kang magsalita tungjol sa sarili mo na para bang isa kang santo, naiintindihan mo?"Sa pag-uugali mo, wala ka ba talagang nagalit na kahit na sino? Ma
Walang pake si Fane kay Rudy at Grayson, siya mismo ay natataranta. Gusto niyang malaman ang nangyayari sa labas ng vessel, ngunit wala siyang marinig sa sobrang ingay ng dalawang ito. Pagkatapos ay lumingon si Fane kay Grayson at Rudy. “Pwede bang manahimik kayo?! Para saan pa at pinag-aawayan niyo ito? Sabihin niyo sa akin, anong magagawa niyo? Siguradong mamamatay kayong dalawa kapag lumabas kayo. Hindi niyo mababago ang nangyayari ngayon! Ang magagawa niyo lang ay maghintay dito!”Namutla si Rudy sa sinabi ni Fane. “At sino namang nagbigay sa’yo ng karapatang leksyunan ako, Fane? Sinong nagbigay sa’yo ng karapatang sigawan ako?! Itigil mo ang pagpapanggap na kalmado. Hindi ka ba natatakot?!”“Pwede bang tumahimik ka na lang?!” ayaw nang makipagtalo ni Fane sa dalawang ito.Nagpakahirap na bumangon ang nanggigigil na si Rudy nang may sumabog na naman pagtayo niya.Nayanig ang lugar pagkatapos nito. Mula ito sa labas, at umalog nang husto ang buong vessel sa lakas nito.Si Rud
Maaaring ibig-sabihin nito na dehado si Aston at Martin. Dahil isa itong pananambang, nakapaghanda rin ang mga kalaban. Kahit hindi pa sila mapatay ng mga kalaban sa ngayon, sandali lamang ito kapag nakapaghanda ang mga kalaban.Narinig ang isang mahinang sagot, parang mula ito kay Martin. Ngunit hindi ito marinig ng tatlong nasa loob ng vessel.Bumilis ang tibok ng puso nila sa sinabi ni Martin. Hindi sila makapagsalita sa sobrang pag-aalala.Nasa mapanganib silang sitwasyon. Natutukoy rin nilang wala silang kinalaman sa pananambang. Ang alyansa mismo ang pakay nito.Mukhang nakalunok ng langaw si Grayson. “Kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi na sana ako nagpumilit na sumama sa Middle Province Alchemist Alliance. Kung hindi ko sinabing gusto kong sumama, hindi sana ito nangyari!“Sino bang nakabangga ng alliance? Bakit ito nangyayari? Inaatake pa nila ang napakaliit na vessel na tulad nito!”Nahirapan nang husto si Grayson sa mga tanong niya. Maaaring naguguluhan siya
Kumunot ang noo ni Fane habang nagsisimula siyang umatras, sinusubukan ang kanyang makakaya na sumiksik sa kanyang sulok. Wala siyang ideya kung sinong nagbukas ng pinto, at hindi rin niya alam kung para saan binuksan ang pinto.Napagpasyahan niyang ito ang pinakamagandang gawin sa ngayon, para lang makaiwas sa anumang panganib.“Ayos, bukas na. Tandaan niyo: wala kayong iiwang buhay!” narinig ang boses mula sa labas, malinaw na isa itong utos.Ang mga salitang iyon ay parang hatol ng kamatayan para sa lahat ng nasa loob ng vessel. Muntik nang maihi sila Grayson at Rudy sa sobrang takot. “Huwag mo akong patayin!” tili ni Rudy. “Wala akong alam; isa lang akong estudyante! Huwag mo akong patayin!”Hindi pa nila nakikita ang taong papatay sa kanila at nagmakaawa na si Rudy. Pakiramdam ni Fane baka himatayin pa si Rudy dito. Siya, na isang tunay na duwag sa huli, ay umasta na parang ang galing niya.Si Rudy ay isang malaking kalokohan. Si Rudy na nasa ganitong nakakaawang kalagaya
Muling bumalik ang mga tanong sa isipan ni Fane. Anong nangyari? Bakit nagkaroon ng pananambang? Isa itong pulang kristal, na may baku-bakong hugis. Kung titingan ito nang maigi, dumadaloy ang enerhiya dito.Dahil ibinato ito sa loob ng vessel sa huling sandali ibig-sabihin nito na hindi ito pangkaraniwang kristal, ngunit… ano ba ito? Anong kinalaman nito sa pananambang? Sobrang kulang ang impormasyon, kaya hindi ito mawari ni Fane. “Huwag ka lang tumayo diyan! Saan ka pupunta?! May dalawang taong nagmamaneho sa vessel kanina, at alam nila kung saan pupunta. Saan… ano nang gagawin natin?!” sinabi ni Rudy habang umiiyak.Kumunot ang noo ni Fane paglingon niya. Naubos na ni Aston ang kanyang lakas para mag-utos, at muling pinagana ang vessel. Subalit, hindi alam ng tatlo kung gaano ito tatagal, o kung saan patungo ang vessel.“Ang bawat spirit vessel ay nangangailangan ng maraming spirit crystal bilang mapagkukunan ng enerhiya,” paliwanag ni Grayson, kahit na nababahala. “Kailan