Higit sa lahat, hindi pa siya ganito kagaling. Sa martial world, ang malalakas ang laging nananalo. Ayaw niyang gumawa ng problema sa ngayon. Nang maisip ito, nagpasya si Fane.Gumawa siya ng mga seal gamit ng kanyang kamay habang ang pill body ay nagsimulang umikot. Sa isang kumpas ng kanyang kanang kamay, ang mga golden pill rune na nasa ere ay umikot nang mabilis sa paligid ng pill body.Sa sandaling humalo ito sa pill body, ang mga golden pill rune ay umilaw ng ginto. Pagkatapos nito, humalo ito sa pill body.Mayroong kabuuang 830 pill rune. Pinagalaw ni Fane ang mga ito at isa-isang ihinalo sa pill body. Habang humahalo ang mga pill rune sa pill body, nanginig saglit ang kamay ni Fane, habang may ginagawa sa pill body.Dahil dito ang pill na dapat magkakaroon ng walompung porsyentong refinement ay nagkaroon lamang ng limampung pursyento! Sinadya ni Fane na bagalan ang proseso bago niya ihalo ang mga pill rune sa pill body.Isang Energy Breaking Pill na umiilaw nang kulay gint
Sinabi ito ni Grayson na dahil ayaw niyang magbago ang tingin ng mga tao sa kanya pagkatapos niyang ipakita ang kanyang husay. Gusto niyang mas gumanda ang tingin ni Elder Horst sa kanya kaysa kay Fane.Natawa si Fane at sinabi, “Kahit na gusto mo akong hilahin pababa, kahit paano naman gamitin mo ang utak mo. kung sinabi ko kaninang mahusay ako, anong iisipin niyo?“Sinasabi mo lang ‘yan kasi naagaw ko ang eksena mo. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay mga taong tulad mo na sobrang taas ng tingin sa kakayahan nila. Ang alam niyo lang naman gawin ay itulak pababa ang iba mula sa napakataas niyong bangko!”Halos masuka ng dugo si Grayson sa mga salitang iyon. Kasinggaling ng batang ito ang bibig niya.Sumigaw si Grayson nang nakatikom ang kanyang kamao, “Huwag mong akalaing matatalo mo ako dahil lang nagawa mong makabuo ng isang sixth-grade pill!“Sasabihin ko sa’yo, nasa ganitong lebel lang ako ngayon dahil sandali ko pa lang natututunan ang Way of the Pill. Kapag binigyan mo ako ng ora
Nang matingnan ang ngiting ito, halos tumigil ang paghinga ng vice treasurer. Kampanteng sinabi ni Elder Horst, “Lagpas sa fifty percent refinement! Kahit na wala pa ito sa sixty percent, malapit na ito dito. Napakagaling! Magmula ngayon, isa ka nang sixth-grade alchemist.”Nang sabihin niya ito, nagkaroon ng bahagyang ngiti sa mukha ni Elder Horst nang tingnan niya si Fane nang mukhang nagiginhawaan. Ang mga salita ni Elder Horst ay isang patunay.Sa sandaling iyon, magkakaibang emosyon ang nabuo sa puso ng lahat. Marami sa kanila ang nabigla. Malapit na si Fane na makarating sa animnapung porsyentong refinement. Ibig-sabihin nito na mas magaling na si Fane sa mga karaniwang sixth-grade alchemist.Masyado pa silang malayo sa pagiging isang sixth-grade alchemist, ngunit nagsisimula na si Fane sa kanyang hakbang patungo sa pagiging isang seventh-grade alchemist. Sobrang laki ng agwat sa kanilang husay at napilitan silang umamin ng pagkatalo!Huminga nang malalim si Rudy. Gumewang an
Mukhang mabait si Elder Horst, ngunit hindi ignoratne si Fane. Hindi siya basta maniniwala sa kahit sino.Kahit na sinabi ni Elder Horst na may nangyari sa alyansa kaya nagbago ang pagkuha nito, gusto pa rin malaman ni Fane kung paano ito makakaapekto sa kanya.Nagagalak na lumapit ang vice treasurer kay Fane. Hindi niya mapigilan ang ngiti sa kanyang mukha. “Napakagaling mo!” malakas niyang papuri.Maling tumango nang bahagya si Fane. Wala siyang masyadong naging reaksyon. Matagal na niyang alam ang kanyang kakayahan at potensyal, kaya natural na hindi siya masasabik tulad ng iba.“Huwag kang mag-alala, siguradong hindi sasayangin ng Heavenly Pills ang talento mo. Sisiguruhin naming palalakihin ka namin nang maayos, basta manatili kang matapat sa amin!” may ibang kahulugan sa sinabi ng vice treasurer, ngunit nanatiling nagagalak ang kanyang mukha. Hindi mapigilan ni Fane na matawa. Talagang mas interesado ang vice treasurer sa mga huli niyang sinabi. Gusto niyang manatiling mata
Masyadong makamandag ang sinabi ni Fane. Ibinaling niya ang sisi kay Rudy kung bakit hindi siya sasama ng Golden Pills.Kapag mas gumaling pa si Fane, baka talagang maisip ng Golden Pills na palayasin si Rudy para gawing isang pormal na estudyante si Fane!Talaga nga nang matapos si Fane, nag-isip nang malalim si Constance. Para bang iniisip na niya talaga ang posibilidad na ito. Bago pa magwala ang vice treasurer, kaagad na lumingon si Fane at kinindatan ang vice treasurer.Kaagad na naintindihan ng vice treasurer ang ginagawa ni Fane. Pinigilan niya ang kanyang galit at hindi na siya nagsalita.Sa sandaling iyon, narinig bigla ang isang malakas na tunog sa likuran nila. Ilan sa kanila ang napalingon at nakitang nagkaroon ng maliit na pagsabog sa pugon ni Rudy. Kumalat ang mga medisina sa paligid.Ang unang pagtatangka ni Rudy ay isang malaking palpak! Ngumisi si Fane. Sa totoo, ang unang hakbang dapat ang pinakamadali. Hindi dapat magkamali sa hakbang na ito.Sumabog ang mga me
Dinala si Fane sa isang silid, na may mga magagandang muwebles at may eleganteng disenyo sa loob. May iba’t ibang klase pa nga ng pampalamig sa lamesa; at maamoy ang halimuyak ng bulaklak sa loob ng kwarto. Inimbitahan ng alipin si Fane na maupo bago nito sinabi, “Pakiusap at maghintay lang kayo dito. Pagkatapos ng pagsusulit, saka ito aasikasuhin ni Elder Horst. Tawagin mo lang ako kung may iba ka pang kailangan; nasa labas lang ako ng pinto.” Yumuko ang alipin kay Fane bago ito umikot at umalis ng silid, at iniwan si Fane sa loob. Napabuntong hininga na lang si Fane habang binulong niya sa kanyang sarili, “Kailangan kong pagbutihin ang pagkontrol ko sa aking emosyon sa susunod…”Kung hindi ito napansin ni Elder Horst, magagawa sana ni Fane na manatili doon at magawa ang kanyang balak, na magpapahirap sa dalawa. Tanging si Rudy lamang ang naapektuhan sa mga sandaling iyon, habang si Grayson naman ay hindi naapektuhan ng husto. Iyon ang pinagsisihan ni Fane, ngunit wala rin
"Espesyal kayong tatlo, at ang kagustuhan ng higher-ups ay ang ipadala kayo sa Phoenix Valley. Ang Phoenix Valley ay isang napaka-espesyal na lugar para sa Middle Province Alchemist Alliance. Ang daming nangyayari ngayon kaya hindi mabuti para sa inyong manatili rito." Huminga nang malalim si Elder Horst. Para bang may hindi siya pwedeng sabihin, isang sikretong nakabaon sa isipan niya. Kumunot ang noo ni Fane. Mukhang hindi naman mapanganib ang lokasyon ng Phoenix Valley at walang masasamang bagay ang dapat na naglalagi roon. Ang hindi niya lang alam ay kung nasa inner o outer region ba ang Phoenix Valley. Habang pinag-isipan ni Fane ang bagay na ito, nagsalita ulit si Elder Horst, "Sige, wag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Naihanda ko na ang spirit vessel. Hindi niyo na rin kailangang magpaalam; ipapaalam ko to sa kanila. "Isang magandang lugar ang Phoenix Valley. Siguraduhin niyong maayos kayong magsasanay ng alchemy pagdating niyo roon. Magiging maliwanag ang kinabukasan niy
Para bang hindi huminto ang labanan mula sa sandaling lumabas si Martin. Nanatiling nakatayo sina Fane, Grayson, at Rudy nang may naninigas na ekspresyon. Wala sa kanila ang talagang kalmado. May nangyari sa labas at hindi ito dapat gawing biro. Hindi sila mga master o mga malalakas sa pakikipaglaban. Kapag may nangyari sa labas, baka mabawian sila ng buhay doon. Kahit papaano, para bang may kontrol si Fane sa sarili niya. Kahit na maraming umiikot sa isipan niya sa sandaling iyon, nagawa niya pa ring makontrol ang sarili niya habang sinusuri ang sitwasyon. Nagpaplano siya kung anong gagawin niya kung may masamang mangyari. Hindi man lang kayang manatiling kalmado ng dalawa, lalo na si Grayson na mukhang maputlang-maputla. Nanginginig ang mga kamay niya pati ang bibig niya. Halatang malapit nang magwala si Grayson. Ang tunog ng labanang nangyayari sa labas ay nahahaluan ng sigawan at mga hiyawan, at palakas din ito nang palakas. Parehong nagsasalita sina Martin at Aston, pero
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin