Hindi na nakapagtimpi si Fane pagkatapos niyang makita ang mukha ni Selena. Lumapit siya at sinampal nang dalawang beses si Britney. "Pak, pak!" Sa sobrang lakas ng tunog ay kaagad na nanahimik ang silid. "Nananaginip ka ba? Handa kami ng asawa ko na bilhan layo ng inumin kaya dapat magpasalamat ka. Tapos, sasabihan mo kami na lumuhod sa harapan mo? Haha, nananaginip ka pa rin na prinsesa ka, tama ba?" Malamig ang ekspresyon ni Fane. Ang kanyang titig ay puno nang nakakatakot na aura. Napahinto si Britney. Hindi pa siya nasampal sa buong buhay niya. Siya ang nag-iisang anak na babae ng Lee Family kaya siya ang paborito ng kanyang mga magulang at matagal na siyang tinatrato bilang hiyas ng kanilang pamilya. Hindi niya inaasahan na masasampal siya ng isang bodyguard ngayon. "Matt, anong tinatayo-tayo mo diyan?" Nainis si Britney nang makita niyang natakot rin si Matt. "Bw*sit ka, anong klaseng lalaki ang nananakit ng babae?" Tinaas ni Matt ang kanyang kamao at sumugod
"Bata, kung sasali ka, haha, magpapakamatay ka lang. Para ka lang langgam sa kanya!" "Tama, ang laki at ang lakas ng Amerikanong 'yon. Halos dalawang metro ang taas niya at ang kanyang mga braso ay mas malaki pa sa hita mo. Sa katawan mong 'yan, haha…" Ngumisi ang mga lalaki pagkatapos nilang makita ang katawan ni Fane. "Tsk tsk, Sampung professional ang sunod-sunod na namatay? Ang lakas naman ng Amerikanong 'yon!" Sabi ni Hugh, "Pero dati binubugbog lang ng dating mga competitor ang kanilang mga kalaban, di ba? Pumatay talaga ang lalaking ito?" "Maraming taon nang magkalaban sa giyera ang America at Cathysia. Kahit na tapos na ang giyera, mayroon pa ring poot sa pagitan ng dalawa!" "Kahit na nagsasagawa ngayon ng diplomatic relations ang dalawang bansa, mayroon pa ring tensyon sa pagitan nila!" Pilit na ngumiti si Rosa at nagsabing, Dahil isa 'tong competition at mayroong mga consent forms, malamang ay magiging brutal ang kalaban!" Pagkatapos niya itong sabihin, tuming
"Tama, pipicturan pa kita bilang alaala kapag nangyari 'yon!" Galit na galit si Matt na sinabi niya ito nang may nagliliyab na poot. "Bawal gumamit ng cellphone dito…" Nagpaalala ang manager sa grupo. "Sige, maswerte ang batang 'to!" Bahagyang nadismaya si Matt. Hindi nagtagal ay nakarating ang grupo sa pangatlong palapag. Ang pangatlong palapag ay isang malaking, hugis globong court; may mga larawan sa paligid at sa gitna ng lahat ng ito ay isang boxing ring na maraming nakatutok na ilaw. "Fane, anong ginagawa niya rito?" Sa kabilang bahagi ng silid, papanoorin sana nina Young Master Clark at ni Neil ang competition kasama ng ilang mayayamang mga lalaki. Simula noong araw na nalaman ni Ken na ayaw ni Neil kay Fane ay nagsimulang magkausap ang dalawa. Talagang naguguluhan si Ken kay Fane. Ito ang dahilan kung bakit niya niyaya si Neil na lumabas ngayong gabi para pag-usapan kung paano nila tatapusin si Fane o paano sila paghihiwalayin ni Selena. Hindi nila inaas
"Dennis, bakit siya nandito?" Nabigla si Ken nang marinig niya ang pangalan na iyon. Hindi niya inasahan na sasali sa laban ang kanyang mabuting kaibigan ngayong gabi. "P*ta, kilala mo si Dennis?" Napahinto si Neil bago nagsalitang muli, "Isa siyang marshal, yung tipo na may malakas na kakayahan sa pakikipaglaban!" "Syempre kilala ko siya, magkaibigan kami!" "Kung ganoon, mamamatay ang Amerikanong 'to!" Medyo nasabik si Ken. "Haha, mukha ngang magiging maganda ang laban ngayon!" "Wala akong pakialam kung maganda o hindi, andito tayo para manood!" Tumawa si Neil bago bumulong kay Ken, "Kung sabi mo kaibigan mo si Dennis, bakit di mo siya utusan na patayin si Fane? Basta't mamatay siya ay magkakaroon tayo ng pagkakataon, hindi ba?" Nagdilim ang ekspresyon ni Ken nang marinig niya ito. "Sa tingin mo ba hindi ko pa naisip 'yan? Inutusan ko na siya na bugbugin ang batang 'yon pero sa kung anong dahilan, sinabihan ako ni Dennis na 'wag manggulo kay Fane. Sa totoo lang, sina
Nag-uusap ang dalawang waitress. May naisip ang babaeng manager. Lumingon siya at nagsabi sa mga lalaking nakaitim, "Bantayan niyo ang batang 'yan. 'Wag niyo siyang patatakasin, naririnig niyo ba ko? Mukhang hindi siya papasok sa ring ngayong gabi. Hmph, Kung hindi pa siya makakapagbayad pagdating ng ala una, kamatayan ang naghihintay sa kanya!" "Sige, salubungin natin ang ating challenger, Dennis Howard!" Malakas na sabi ng host sa ring. Sa sandaling ito, isang lalaki na may malaking katawan ang lumabas mula sa pinto. Kalmado ang kanyang ekspresyon. Tinignan niya ang mga tao bago tumayo sa isang gilid para hintayin ang kanyang kalaban. "Magaling, narito na rin sa ring ang pinakamalakas sa Cathysia. P*ta, tiyak na mapapatay niya ang pesteng Amerikanong 'yon!" "Tama, isang marshal naman ngayon. Talagang mamamatay na ang lalaking 'yun!" "Baka hindi ganoon ang mangyari, ang Amerikanong 'to ay matangkad at malaki at mayroon rin siyang matinding lakas. Mukha siyang isang halim
"Napakabilis!" Sabi ni Britney at ng mga tao. Lahat sila ay nakatingin sa mga pangyayari sa loob ng ring. Mabilis si Dennis; sumugod siya sa isang kurap na para bang isang leopard. Bago mapansin ng lahat ay nasa harapan na siya ni O'Neal. "Bang!" Lumapag ang kamao ni Dennis sa dibdib ng kalaban. Malakas ang suntok na iyon. "Ano, tinamaan siya?!" "Diyos ko, hindi pa 'yun nangyayari!" "Ang galing, haha. Minamaliit ng O'Neal na 'to ang Cathysia. Lakasan mo!" Umingay ang mga tao! Pagkatapos ng kanyang suntok, natulak si Dennis ng pwersa. Umatras siya ng ilang hakbang at tinitigan ang kanyang kalaban nang may seryosong mukha. Hindi niya binaba ang kanyang depensa. Napaatras lang ng isang hakbang si O'Neal at isang masamang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. "Haha, hindi na masama. Isa kang marshal ng Cathysia kaya mas malakas ka kumpara sa ibang walang kwentang mga bata!" "Ang lahat ng lumaban sa'yo ay mga bayani!" Tinititigan nang masama ni Dennis ang kanyang k
Pilit na ngumiti si Fane habang tinitignan ang manager. "Malamang, nagmula siya sa Cathysia. Marami nang napatay ang pesteng O'Neal na 'yun, kaya syempre gusto ko rin siyang mamatay kaagad." "Sumobra ang aming boss sa pag-arkila sa defending champion na 'to at binibigyan siya ng dalawang milyon sa bawat isang laban na mapapanalunan niya." Galit na sabi ng babaeng manager. Bumuntong hininga si Fane. "Umaasa rin ako na manalo si Dennis. Kung ganoon, hindi na ako gagawa 'nun." Sa sandaling iyon, huminto si Fane back nagpatuloy, "Pero nakikita ko na mukhang walang laban si Dennis kay O'Neal!" "Anong sinasabi mo? Si Dennis ang idol ng lahat!" "Tama, isa siyang marshal. Paano mo nasabing wala siyang laban kay O'Neal?!" "Bata, bubugbugin kita!" Pinagalitan si Fane ng ilang mga manonood. Tinitigan rin nang masama ng babaeng manager si Fane. Kung nakakamatay lang ang tingin, baka nagkapunit-punit na si Fane sa ngayon. "Hubby, bakit di ka na lang sumuko? Kung walang laban
Masyadong matindi ang labanan sa may arena. Buong pwersang nakikipaglaban ang dalawang panig. Sa sandaling iyon ay parehas silang pawis na pawis. Basang basa ng pawis ang damit ni Dennis. "Ah!" Biglang sumigaw si Dennis at nag-flex, dahil dito ay napunit at tumalsik ang damit niya. Mayroong ilang nakakagimbal na mga pilat sa kanyang likod at dibdib. "Galing 'yan sa bala ng baril!" "Mukhang nabaril si Dennis noon sa giyera!" "Hindi lang 'yun isang beses. Ito ang mga sundalong nagbuwis ng kanilang buhay para sa'tin!" Nabagbag ang damdamin ng mga tao nang makita nila ang mga pilat sa dibdib at tiyan ni Dennis. Ang ilan pa sa mga kababaihan ay napaluha at halos umiyak! Kumunot ang noo ni Fane at lumingon sa paligid. Luhaan ang babaeng manager at sumisinghot-singhot. "Marami palang pilat ang idol ko. Isa siyang bayani. Ito ang tunay na bayani!" "Manager, di ba sabi mo ang idol mo ay yung lalaking nagligtas kay Little Jake na tumalon papasok sa tiger viewing zone at hinaw