Masyadong matindi ang labanan sa may arena. Buong pwersang nakikipaglaban ang dalawang panig. Sa sandaling iyon ay parehas silang pawis na pawis. Basang basa ng pawis ang damit ni Dennis. "Ah!" Biglang sumigaw si Dennis at nag-flex, dahil dito ay napunit at tumalsik ang damit niya. Mayroong ilang nakakagimbal na mga pilat sa kanyang likod at dibdib. "Galing 'yan sa bala ng baril!" "Mukhang nabaril si Dennis noon sa giyera!" "Hindi lang 'yun isang beses. Ito ang mga sundalong nagbuwis ng kanilang buhay para sa'tin!" Nabagbag ang damdamin ng mga tao nang makita nila ang mga pilat sa dibdib at tiyan ni Dennis. Ang ilan pa sa mga kababaihan ay napaluha at halos umiyak! Kumunot ang noo ni Fane at lumingon sa paligid. Luhaan ang babaeng manager at sumisinghot-singhot. "Marami palang pilat ang idol ko. Isa siyang bayani. Ito ang tunay na bayani!" "Manager, di ba sabi mo ang idol mo ay yung lalaking nagligtas kay Little Jake na tumalon papasok sa tiger viewing zone at hinaw
Ngunit kahit sa sitwasyong ito, nanatiling nakatingin si Dennis kay O'Neal, ang Amerikanong kalaban. "Ah!" Muling tumayo si Dennis at nagngingit ang kanyang mga ngipin. Nabasag ang buto sa isa niyang binti at nanginginig ito. "Haha, katapusan mo na. Basag ang ilan sa mga buto mo. Ano na? Hindi ka pa rin aamin ng pagkatalo?" Tumawa si O'Neal habang nakatingin kay Dennis. "Nakakamangha ka rin para makatayo nang may matinding mga sugat. Wala sa ganitong lebel ang sampu na nauna sayo. Umamin sila ng pagkatalo habang nakahiga sa lapag!" Pagkasabi niya nito, huminto saglit si O'Neal bago nagpatuloy, "Yun nga lang, di ko pinakinggan ang pag-amin nila ng pagkatalo at pagmamakaawa nila dahil nangako ako na basta't nakatayo ako, papatayin ko ang lahat ng lalaban sa'kin!" "Put*ngina mo!" "Hayop!" Nagalit ang maraming tao. "Anong problema? Hindi niyo matanggap? Pirmahan niyo ang consent form at labanan niyo ko sa arena! Tutuparin ko ang hiling niyo!" Aroganteng binuka ni O'Neal
"Haha, hindi ko inaasahan na may magkukusa na mamatay nang ganun-ganun lang!" Tumawa nang malakas si O'Neal. Nagsalita siya, "Bata, tatapusin ko muna ang buhay ng marshal na 'to bago ako magpunta sa'yo. 'Wag kang magmadali. Kung gusto mong mamatay, pumila ka!" "Hindi siya pwedeng mamatay sa kamay ng basurang kagaya mo!" Sumipa si Fane gamit ng tungki ng kanyang sapatos at madaling nakatalon sa tuktok ng arena na mas matangkad pa sa isang tao. Kasunod nito, tumayo siya roon nang nasa kanyang likuran ang kanyang kamay. Hinarangan ni Fane si Dennis na nakahiga kanina sa lapag. "Magaling rin ang lalaking ito. Nagawa niyang tumalon papunta roon!" Lumitaw ang gulat sa mga mata ng babaeng manager. "Sayang naman at mamamatay pa rin siya. Masyadong malakas ang O'Neal na 'yun. Kahit si Dennis na isang marshal ay walang laban sa kanya!" sabi ng supervisor. "Hehe, Selena Taylor, hahayaan mo talagang sumali ang asawa mo sa laban? Kahit ang marshal ay muntik nang mamatay. Hindi ba ma
"Mukhang magaling ka!" Nabigla si O'Neal. Ngumiti siya at nakita ang kanyang mapuputing ngipin. "Magaling. Halos patay na ang marshal mo, pero pumunta ka pa rin? Mukhang isa ka sa mga makatarungang patriot na sinasabi ng mga alamat, eh? Puno siguro ng patriotismo ang utak mo na umabot na sa katangahan at plano mong mamatay para sa bansa?" "Hehe, ikaw ang bahala kung anong iisipin mo!" Tumawa si Fane bago kalmadong nagsalita, "Nagawa mo lang makasampu, hindi pala, makalabing-isang panalo kasi di mo pa ko nakikilala. Ngayon, tatapusin ko ang panalo no pati na ang buhay mo!" "Tch tch tch, ang yabang mo!" "Wag kang maihi sa pantalon mo mamaya pag nakita mo ang kamao ko! Hahaha!" Nagpatuloy na tumawa si O'Neal. Pagkasabi nito ay tumingin siya sa emcee. "Emcee, anong nangyayari? Di ba isang laban lang ngayong gabi? Bakit naging dalawa?" May halong ngiwi ang ngiti ng emcee bago lumapit. "Naklaro ko na sa kanila. Nag-register nga ang ginoong ito at pinirmahan ang consent form.
"Hahaha, nagbibiro ka ba? Yan pala ang dahilan mo kung bakit mo ko lalabanan!" Tumawa pang muli si O'Neal. "Bata, ito na ba ang huli mong magagawa? Sa kagipitan mo, pinili mo na labanan na lang ako para maging marangal ang pagkamatay mo?" "Tama! Iniisip niya siguro kung mamamatay na lang rin siya, bakit di na lang mamatay para ipaglaban ang Cathysia? Baka nga maging idolo pa siya ng iba!" Tumawa ng muli si Ken. "Nalaman na rin natin ang balak niya! Yan pala ang intensyon niya!" Sa puntong ito, sumama ang tingin sa kanya ng ilan sa mga manonood at sumali rin sa pangungutya. "Bata, dahil nasa stage ka na at pinirmahan mo na ang consent form, dadalhin na kita sa hantungan mo!" Mayroong malarong ekspresyon si O'Neal si kanyang mukha. Pagkatapos niyang sabihin iyon gamit ng kanyang garalgal na boses, nilapit niya ang kanyang malaking katawan papunta kay Fane. "Saglit lang!" Sa sandaling iyon, nagmamadaling lumapit ang general manager ng Lotus Bar and Lounge, hinahabol niya a
Walang masabi si Ken. Kung ganoon, ibig sabihin ba nito ay hindi mamamatay si Fane?"Sayang ang pagkakataon, paano ba…" Namroblema rin si Neil. Pero, kaagad na nagliwanag ang mga mata niya at tinignan si Ken habang nagsuhestiyon, "Bakit hindi tayo maglabas ng tig-six million bucks? Kapag namatay siya, tayo na lang ang magbabayad ng bill para sa kanya. Sa ganoon, ipagpapatuloy pa rin ng general manager ang laban!" Nabigla si Ken at kaagad na natuwa. "Syempre! Hindi naman malaki ang six million. Kapag namatay si Fane ay malaki ang kikitain natin. Grabe, ang mahal naman pala ng buhay ng lalaking 'to!" Pagkasabi nito, mabilis na tinaas ni Ken ang kanyang kamay at malakas na nagsalita sa general manager, "General manager, pinag-isipan ko 'to. Kilala ko sina Fane at ang kanyang asawa. Masasabi na magkakilala kami. Kapag nanalo sila sa laban, 'wag niyo silang pagbayarin!"Nabigla si Fane. Hindi niya inaasahan na magsasalita si Ken para sa kanya. Sa susunod na segundo ay muling nags
Mayroong malarong ekspresyon si O'Neal sa kanyang mukha. Sa itsura ng katawan ni Fane, mas maliit pa siya kumpara kay Dennis. Dahil dito ay hindi niya maseryoso si Fane. Ngunit nang isang metro na lang ang layo ni O'Neal kay Fane at bigla siyang kumilos. Tumalon siya sa isang iglap at tinaas ang kanyang kanang binti. Malakas niyang sinipa ang leeg ni O'Neal. Ang hindi nila nakita ay ang maikling kislap ng ilaw na kaagad ring nawala. Mukhang nabigla siya sa atake ni Fane. Hindi ganoon kabilis si O'Neal para makakilos. Natamaan na siya ng sipa sa sandaling iniunat niya ang kanyang mga kamay. Kasabay nito, marahang lumapag si Fane sa kung saan siya unang nakatayo, nasa likod niya ang kanyang kamay. Mukhang kalmado siya at walang pakialam. "Ikaw…" Naramdaman ito ni O'Neal. Kaagad na nabasag ang kanyang cervical vertebrae sa isang sipa. Ngunit hindi iyon ang pinakanakakatakot. Iyon ay ang hindi nakikitang kuryente na dumaloy papasok sa kanyang katawan mula sa kanyang leeg.
Kahit na anong mangyari, ngayon na nanalo si Fane sa laban, hindi na kailangan ni Young Master Clark na tumulong para bayaran ang bill. Sa katotohanan, base sa patakaran na nakasaad dito, kailangan nilang gawing libre ang bill ni Fane at bayaran pa siya ng tatlong milyon bilang pabuya. "General manager, tungkol dito… Hindi namin inaasahan na mananalo siya. Mukhang nakatipid kami ng pera!" Nakangiting sabi ni Ken kahit na naiinis siya sa loob-loob niya. Simpleng ngumiti si Fane at kumaway kay Ken. "Salamat Young Master Clark sa pagsuporta sa'kin kaya nagawa kong lumaban nang walang inaalala!" "Hahaha, wala 'yun. Magkakakilala tayo at kaibigan ko pa si Selena!" Nakitawa si Ken na para bang maganda ang samahan nila ni Fane. Malamig ang ekspresyon sa mukha ni Selena habang nananatili siyang tahimik. Noon, isang matinong lalaki si Ken. Tinuring pa nga niya ito bilang isang tunay na kaibigan. Ngunit, simula noong nagpunta ang taong ito sa kanilang bahay at binalak na sapilitan