Saglit na nagdilim ang mukha ng general manager. Hindi ito simpleng 10 o 20 thousand bucks, kundi 12 million bucks! Higit pa roon, kung hindi sa diskwento kanina, aabot pa ito sa 14 million. Kung mawawalan ng bisa ang bill at magbabayad pa sila ng tatlong milyon, hindi lang iyon isang kawalan, kundi isang malaking lugi para sa kanyang negosyo. Pagdating ng oras, kahit ang kanyang boss ay papayuhan siya na pigilan si Fane na sumali sa laban. Ngunit pagkatapos niya itong pag-isipan ay kaagad siyang ngumiti. "Hehe, paano kung ganito na lang. Pwede tayong mag-compromise. Masyadong mataas ang expenses ninyo. Ang lahat ng gumastos ng pera dito, pati ang mga customer na nag-book sa private luxury hall, ay magbabayad lang ng isa o dalawang milyon. Hindi ba sumosobra naman kung hindi namin pagbabayarin ng napakalaking bill ang isang bagong customer?" Pagkasabi nito, huminto siya saglit bago nagpatuloy, "Ganito na lang, bibigyan kita ng 50 percent discount. Ang bill niyo ay lagpas 14 mil
"Hindi patas?"Kumibot ang kilay ni Fane. "Sa harap ng lahat, ang daming nakakita, sinasabi mo na hindi yun patas?" Hindi inaasahang sumagot ang general manager, "Malamang hindi yun patas. Isang marshal si Dennis Howard. Matagal siyang nakipaglaban kay O'Neal. Kahit na nanalo si O'Neal, nagtamo pa rin siya ng malalang pinsala. Baka nahuli lang ang reaksyon ng kanyang mga internal injury…" Sa puntong iyon, huminto muna saglit ang manager bago nagpatuloy. "Ikaw naman, maayos ang kondisyon mo at nilabanan mo ang isang sugatang lalaki. Sa tingin mo patas yun? Di mo siya mapapatay kung hindi pa siya sugatan!" Walang masabi si Fane. Mapamaraan ang taong nasa kanyang harapan, kung hindi ay hindi siya magiging isang general manager. Mas tuso siya kumpara sa ibang tao, kaya nagagawa niyang gawing katotohanan ang kasinungalingan. Sinampal ni Neil ang kanyang noo, nalinawan siya. "Tama, yun na nga. Sinuwerte lang ang batang to! Kagaya ng sabi ko, isa lang siyang pangkaraniwang sundalo. P
Inirapan ni Selena si Fane bago kausapin ang general manager. "Pwede naming palampasin ang tatlong milyong dolyar, pero ang bill na ito ay dapat mapawalang-bisa!" "Tama yan. Paano mo nagagawang talikuran ang salita mo Boss?" Nagsalita ang isa sa mga mayayaman matapos makita ang kaakit-akit na ngiti sa mukha ni Selena, di mapigilang ipagtanggol ito. "Tama. Kahit na maswerte lang ang asawa niya, siya pa rin ang nakapatay kay O'neal. Para lang itong kill-stealing sa isang laro. Kung siya ang huling tumira, sa kanya mapupunta ang kill. Kaya sa kanya din dapat mapunta ang premyo." Isa pang lalaki ang nakisali, "Ang laki ng kinikita niyo dito araw-araw. Bakit ganito kayo kakuripot?!" "Tama. Kung walang integridad ang bar niyo, bakit pa kami babalik dito sa hinaharap?" "Higit pa rito, kahit anong nangyari sa ikalawang laban, isa itong bagay na napagkasunduan niyo. Dahil sumang-ayon ka dito, ibig-sabihin na ayon pa rin ito sa patakaran!" Sinabi ng isang magandang babae habang nakatup
Huminga nang malalim si Fane a mukhang kalmado. Nang marinig ang pahayag na ito, walang masabi ang iba. 'Masyadong kampante ang taong ito. Higit 10 milyong dolyar yun, di yun maliit na halaga. Maraming tao ang di man lang nagkakaroon ng ganon kalaking pera sa buong buhay nila.' Kahit na mayaman ang Roy family, di nila kawalan na magtipid. Higit pa rito, hindi kayang bayaran ng batang ito ang sarili niyang bill pero minamaliit niya ang 10 milyong dolyar. Di nila alam kung saan niya kinukuha ang kayabangan niya. Tinignan ni Fane ang oras at sumimangot. "Ang bilis ng oras. Malapit nang mag 11:30pm. Bibigyan ko ng 10 minuto ang boss niyo. Kapag di siya dumating sa loob ng 10 minuto, aalis na ako. Kailangan ko pang matulog!" Nang sabihin ito, nag-inat si Fane bago magpatuloy, "Kung hindi, baka ma-late ako sa trabaho ko bukas. Kakayanin niyo ba ang ganong responsibilidad?" Natulala ang lahat. 'Masyadong magaling ang batang ito sa pagmamatigas, talagang talentado siya. Paano niya na
Ngunit hindi umatras si Selena. Sa halip ay hinila niya si Fane at nag-aalalang sinabi, "Pakiusap wag ka nang lumaban. Ang boss nila ay mula sa isang first-class aristocratic family. Kapag ginalit natin sila, katumbas ito ng paggalit sa isang first-class aristocratic family!" Pilit na ngumiti si Fane, tapos tinignan ang mga tao sa likod niya bago magsalita, "Honey, tingin mo ba posible pang di ako lumaban ngayon? Kusa sila mismong lumalapit sa atin. Dapat bang tumayo na lang ako dito at hayaan silang patayin ako?" Napagtanto ni Selena na huli na ang lahat. Inutos na ng general manager na itumba ng mga ito si Fane. Di sila basta tutunganga na lang. Pinag-isipan niya ito, tapos umatras ng ilang hakbang. "Mag-ingat ka pala. Kahit na matalo mo sila, pakiusap wag mo silang papatayin. Pag nangyari yun, di na maisasalba ang sitwasyon!" Tumango si Fane. "Kalma, inutusan lang sila. Syempre di ko sila papatayin!" "Nakakatawa kayong dalawa. Nagsasagawa ba kayo ng dula para sa amin sa ga
Sumipa nang dalawang magkasunod si Fane at tumalsik ang kalaban niya bago ito bumagsak sa sahig. Bang, bang! Inatras niya ang kanyang kamay para sa dalawang suntok at tumalsik ang dalawa pang lalaki. Ngunit kaagad silang nakabangon ulit. "Mas mahina ang taong ito kay Dennis!" Sigaw ng isa. "Tama. Kung may lakas siya ni Dennis, ang limang yun ay di na makakatayo ulit. Baka sumusuka na sila ng dugo ngayon!" Sumali si Britney, "Maswerte lang si Fane kanina. Talagang natakot niya ako nung inakala ko na may lakas siya ng isang King of War. Lumalabas na nagpapanggap lang siya na malakas!" "Oo. Sa pagsubok na ito, di magtatagal ay mabubunyag din ang tunay niyang lakas!" Tumango din si Matt. "Kung di dahil sa paglaban ni Marshal Dennis kay O'Neal, kaagad sigurong namatay si Fane!" "Kayo, sumali din kayo!" Tinignan ng general manager ang isa pang malaking lalaki at sinabi, "Sabay-sabay niyo siyang sugurin. Di ako makakapayag na matalo tayo sa lalaking ito!" "Ah!" Sa sand
"Diyos ko, kinukuha siya nito para maging arena champion!" Ilang tao ang napasigaw nang maunawaan na nila kung ano ang nangyayari. "Delikado ang maging arena champion. Ang makaharap ang isang eksperto ay parang kamatayan na din. Kahit na hindi siya patayin ng kalaban, malamang na mababaldado siya!" Sinabi ng isa pang nakatambay. "Pero ang pagiging arena champion ay isang posisyon na malaki ang kita. Hindi bawat buwan ang bayad pero sa halip ay bawat laban. Kapag may nagprehistro lang sa hamon magkakaroon ng laban!" Sabi ng iba. "Napakaswerte. Di na niya kailangang bayaran ang bill niya, nakakuha ng tatlong milyong dolyar at higit pa rito, nakahanap pa siya ng trabaho!" Walang masabi si Matt. Noong una inasahan niya na tatanggapin ni Fane ang hamon at mapapatay siya ni O'Neal para lang madagdagan ang pagdurusa ni Selena. Hindi niya inasahan na ganito ang kalalabasan! "Pasensya na pero hindi ako interesado!" "Atsaka, pinapayuhan kita na itigil ang ganitong gawain, kung hindi…
"Kapatid, bakit ka nandito? Nagkamali talaga ako ng akala sa'yo kanina. Akala ko na dahil hindi ka issng doktor, hindi mo rin alam kung paano gamutin ang anak ko. Sa hindi inaasahan, magaling na ang binti ng anak ko ngayon at nakakatakbo at nakakatalon na siya!" Dinala niyang Mrs. Roy ang kanyang anak kay Fane, tapos inudyok ang kanyang anak, "Magpasalamat ka sa uncle mo. Kung hindi sa kanya, baka namatay ka na!" "Salamat uncle, napakagaling mo! Gusto kong maging kasinlakas mo sa hinaharap!" "Maraming salamat sa pagtaboy sa mga tigre kung hindi namatay na ako!" Tinignan ni Jake si Fane, puno ng paghanga at paggalang ang kanyang mga mata. "Ano?!" Huminga nang malalim si Keaton at nababahalang nagtanong, "Honey, s-s-siya ba yung sinasabi mong taong humawak sa dalawang Siberian tiger gamit ng bawat kamay niya?" Kinakabahan nsng sobra si Keaton, sa puntong nanginginig na ang boses niya. "Tama. Di ko inakalang pupunta siya dito. Anong nangyayari?" Nagtatakang nagtanong si Mr