Nagtaka sila Graham, at ang ilan sa kanila ay hindi mapigilang magtanong kaagad, "Anong hula mo?" "Oo nga! Anong gusto ng taong 'yun?" Suminghal si Fane habang nakatingin siya sa direksyon sa likod ng puno. Nababalot pa rin ng pula ang Netherworld Mountain mula sa malayo. Parang hindi ito magagalaw. Gumalaw nang bahagya ang kanyang mata habang sinasabi niya, "Ang layunin niya sa ngayon ay makapasa kaagad, at ang pangalawang layunin niya ay pigilan kaming dalawa na makapasa. Hindi siya isang taong hindi alam ang kanyang kinatatayuan; alam niya ang hindi niya kayang gawin. "Kaya gumagamit siya ng ibang paraan para pigilan tayo. Gusto niyang hindi tayo umabot sa oras para makapasa! Matagal nang inihanda ang lahat ng ito: nililinis niya ang lahat ng balakid dito, at nag-iiwan siya ng marka para makausad siya nang walang sagabal." Naguluhan ang lahat nang marinig ang paliwanag ni Fane, ngunit naunawaan ito ni Graham. Nagbago ang kanyang mukha, nagkiskisan ang kanyang ngipin haba
"Ngayong alam na nating kaya siya nag-iwan ng marka ng Evil Blood Thunder para makapasa siya, bakit hindi natin ito gamitin para sa sarili natin?" Huminto si Graham, biglang nanlaki ang mata niya habang masaya siyang napasigaw, "Tama ka! Dahil binura na niya ang mga fiend sa daang ito, sundan na natin ito! Pag-isipan na lang natin ang iba kapag nakapasa na tayo!" Pagkatapos magpasya, hindi na nagsayang pa ng oras si Graham. Lumingon siya at nagsimulang sumigaw nang malakas para utusan ang mga nasa likuran niya. "Ito ang espesyal na markang iniwan ng lalaking nakamaskara ng Corpse Pavilion. Ngayon, kailangan nating sundan ang mga markang ito para makausad at masigurong ligtas ito. Alam kong lahat kayo ay pumasok ng blood world sa pag-asang makapatay ng mga fiend at makakuha ng mga kayamanan, pero iba na ang sitwasyon ngayon. "Kapag hindi tayo kumilos nang magkakasama, mapapatay tayo ng Corpse Pavilion. "Hindi ko kayo pipilitin sa sumunod sa amin. Kung ayaw niyo at mas gusto ni
Huminto si Zamian sa kanyang pagsasalita, hindi siya nagtapang na magpatuloy. Higit sa lahat, hindi talaga mahaba ang pasensya ng lalaking nakamaskara. Kung tinapos niya ang kanyang pagsasalita, magmumukhang pinagdududahan niya ang kakayahan ng lalaking nakamaskara. Seryosong ngumiti ang lalaking nakamaskara, nakatingin sa eight-tailed snake na napatay niya, habang nanginginig nang bahagya ang kanyang kamay. "Ito ang huling fiend at ang huling pagsubok ko bago ako makapasa. Nakakapagtaka naman kung hindi ganito kalakas ang fiend na ito." Napalunok ang lalaking nakamaskara nang maalala niya ang malubhang laban na pinagdaanan niya. Kung hindi dahil sa mas malakas siya sa karaniwang tao at nakarating na siya sa spring solidifying realm noon, baka hindi niya napatay ang eight-tailed snake. Kumunot ang noo ni Zamian, suminghal nang bahagya bago sabihin, "Kakaiba ang pagkakabuo sa pulang munding ito. Hinayaan nila tayong pumasok, pero sa huling laban, nagtayo sila ng isang pader, pinig
Tumango si Rufus. Samantala, si Lennon ay tumayo sa tabi at nagsalita, kahit na nababahala, "Hindi sila makakarating sa lugar na ito. Sobrang ganda ng paghahanda mo, at siguradong nahuli sila ng plano mo." Tumango ang lalaking nakamaskara, inaakalang hindi makakarating sa lugar nila si Fane at Graham. Planado niya ito mismo; imposibleng hindi sila mahuhuli nito. Atsaka, may balak pa siyang makuha bukod dito. Papatayin niya ang dalawang ito at gagawa siya ng daan para sa sarili niya, walang kahit anong harang. Nang oras na, dinala niya ang mga disipulong sumama sa kanya at naglakad sa daang walang sagabal, at nakarating sila sa paanan ny Netherworld Mountain. Natuwa siya nang sobra sa sarili niya nang maisip ito. Ngumiti si Zamian. "Siguradong hindi nila matutukoy na hindi mo talaga planong patayin ei Fane at Graham! Ang pagpatay ng ganito karaming tao ay para lamang kunin ang atensyon nila. "Ito ay para abalahin sila! Kapag tumagal ang oras, hindi sila maitutuon ang pansin
Ang nakamaskarang lalaki at ang mga tauhan niya ay napakapamilyar sa mga taong naroon. Naroon sila: sina Fane, Graham, at Benjamin, lahat sila ay nakatayo nang diretso sa harapan nila. Para bang kalmadong-kalmado si Fane habang simple siyang nakatingin sa kanila nang hindi man lang nababahala. Sa kabilang banda, puno ng galit ang mga mata nina Graham at Benjamin, at nabigla ang nakamaskarang lalaki sa eksena. Ngunit hindi lang siya—pati ang iba ay nabigla rin. Kanina lang ay nanlalait sila, kinukutya nila ang mga lalaking ito. Siguradong-sigurado silang nasa labas pa sila. Lahat ng iyon at bigla silang lumitaw sa eksena! Nanigas ang mga labi ni Zamian at nanginig ang boses niya, "Paanong nangyari yun? Paano silang napunta rito?! Hindi ba dapat nasa labasan sila?" Alam siguro nilang maraming tao ang namatay at nagsayang sila dapat ng napakaraming oras para tipunin ang lahat. Higit pa roon, ang napakaraming halimaw na kailangan nilang patayin ay magpapatagal sa kanila nang so
Suminghal si Graham. "Ang dami mong pinatay na kapwa natin disipulo kaya hindi ka rin namin palalampasin! Kahit na hindi ka namin kayang patayin ngayon, pagbabayarin ka namin sa hinaharap!" Walang masyadong pakialam si Fane sa sinasabi ng nakamaskarang lalaki, ngunit napataas ang kilay niya sa mga salita ni Graham. Medyo interesante si Graham. Simpleng tinali ng lalaking ito ang sarili niya kay Fane sa isang pangungusap na iyon, na para bang nakatali silang dalawa sa iisang angkan. Hindi inisip ni Fane na seryoso si Graham sa sinabi niya. Naiintindihan niyang nakatayo lang silang dalawa sa magkaparehong panig dahil pansamantala silang nakikinabang sa isa't-isa. Dahil pareho silang nagmula sa northern clans, kailangan nilang magtulungan laban sa Corpse Pavilion. Gayunpaman, sa sandaling umalis sila sa Divine Void Slope, hindi na magpapakita ng awa si Graham. Hindi man lang gusto ni Fane na tiyaking hindi makikipagtulungan si Graham sa nakamaskarang lalaki laban sa kanya. Tum
Suminghal si Graham sa naisip niya. Samanatala, isang pamilyar na boses ang biglang narinig. "Fane, wag mong pilitin. Lalo na't basta't buhay ka pa, wala kang hindi magagawa. Wag mong ipahamak ang sarili mo para lang sa pagkapanalo." Hindi pa gumagaling si Nelson sa mga sugat niya sa sandaling iyon. Tumango si Fane, alam niyang seryoso si Nelson sa sinabi niya. Sa Dual Sovereign Pavilion, maliban sa traydor na si Griffin, tatlo na lang sa kanila ang natitira. Nagmadaling dumagdag si Isaiah, "Tama si Nelson. Hindi madaling talunin ang eight-tailed demonic snake, kaya kapag nilabanan mo to, gawin mo to nang may plano!" Iniunat ni Fane ang kamay niya at nilapag ito sa balikat ni Nelson. "Wag kang mag-alala. Tayong tatlo na lang ang natitira mula sa Dual Sovereign Pavilion. Kahit na anong mangyari, sisiguraduhin kong maipapadala ko kayo sa ligtas na lugar." Kahit na wala siyang masyadong positibong intensyon para sa Dual Sovereign Pavilion, aaminin niyang nagbuhos ng oras at si
Bahagyang tinaas ni Fane ang kanyang kilay habang sinasabi niya na, "Kahit na napakalakas ng eight-tailed snake, may kahinaan pa rin ito. Tutal handa ka na, tara na."Nang marinig niya ang mga sinabi ni Fane, hindi maganda ang ekspresyon sa mukha ni Graham. Pakiramdam niya ay masyadong mapagpanggap si Fane at paulit-ulit na lang ang mga sinasabi niya. Para bang pinaparating ni Fane na isa siyang napakalakas na indibidwal. Dumilim ng kaunti ang mukha ni Graham, at wala siyang ibang gustong gawin kundi ang murahin si Fane.Gusto niyang tumigil si Fane sa pagyayabang na para bang siya ang pinakamagaling sa lahat. Gayunpaman, alam niya na hindi ito palalampasin ni Fane, at posibleng manlaban siya.Kapag nangyari iyon, kalimutan na lang nila ang pagtutulungan. Dahil dito, pinigilan ni Graham ang inis niya habang naglalakad siya palapit sa eight-tailed demonic snake kasama si Fane.Nakita ng lalaking nakamaskara at ng iba pa na kumilos na si Fane at nanlaki ang kanilang mga mata. Nagsimu