Bahagyang tinaas ni Fane ang kanyang kilay habang sinasabi niya na, "Kahit na napakalakas ng eight-tailed snake, may kahinaan pa rin ito. Tutal handa ka na, tara na."Nang marinig niya ang mga sinabi ni Fane, hindi maganda ang ekspresyon sa mukha ni Graham. Pakiramdam niya ay masyadong mapagpanggap si Fane at paulit-ulit na lang ang mga sinasabi niya. Para bang pinaparating ni Fane na isa siyang napakalakas na indibidwal. Dumilim ng kaunti ang mukha ni Graham, at wala siyang ibang gustong gawin kundi ang murahin si Fane.Gusto niyang tumigil si Fane sa pagyayabang na para bang siya ang pinakamagaling sa lahat. Gayunpaman, alam niya na hindi ito palalampasin ni Fane, at posibleng manlaban siya.Kapag nangyari iyon, kalimutan na lang nila ang pagtutulungan. Dahil dito, pinigilan ni Graham ang inis niya habang naglalakad siya palapit sa eight-tailed demonic snake kasama si Fane.Nakita ng lalaking nakamaskara at ng iba pa na kumilos na si Fane at nanlaki ang kanilang mga mata. Nagsimu
Sa sobrang galit ng lalaking nakamaskara ay padabog siyang tumayo, kahit na nahirapan siya noong ginawa niya iyon, gusto niyang labanan ang mga northern disciple, kahit na ibuwis pa niya ang kanyang buhay.Sa huli, hindi pa gumagaling ang mga sugat niya at hindi siya makatayo.Nagmadali ang mga disipulo na tulungang makatayo ang lalaking nakamaskara, at sinubukan ding pagaanin ni Zamian ang kanyang loob, at sinabing, “Huwag kang magalit, mga walang kwentang komento lang ito ng mga walang kwentang tao. Kung hindi ka sugatan, hindi sila mangangahas na sabihin ang lahat ng iyon. Siguradong gagaling ka din, at maipapakita mo sa kanila kung sino ang pinakamalakas pagkatapos nun!”Sa sobrang galit ng lalaking nakamaskara ay nanginginig ang buong katawan niya. Nag-aalab ang galit sa kanyang puso, at muli siyang sumuka ng dugo.Kumibot ang mga labi ni Fane sa nakita niya.Kahit na napakalakas at napakahusay ng lalaking nakamaskara, medyo mahina ang pag-iisip niya. Sapat na ang ilang salit
Matagumpay na naiwasan ni Fane ang atake ng eight-tailed demon snake at tila binuhay nito ang dugo ng eight-tailed demon snake. Lalong bumilis ang ahas, at kumikislap ang galit sa mga mata nito.Ito ang unang pagkakataon na nakakita si Fane ng galit sa mga mata ng isang halimaw. Kasabay nito, wala siyang ideya kung bakit…galit na galit ito.Syempre, hindi masasagot ng eight-tailed demon snake si Fane. Isang nakakabinging tunog ang kanyang narinig noong tinaas ng eight-tailed demon snake ang buntot nito at inatake si Fane ng may bilis na hindi makita ng ilang mga tao.Ang paulit-ulit, at walang katapusan na pag-atake ay nagbigay ng sakit ng ulo kay Fane. Noong mga sandaling iyon napagtanto ni Fane kung bakit malubhang nasugatan ang lalaking nakamaskara.Ang mga atake ng eight-tailed demon snake ay hindi isang bagay na kayang harapin ng isang ordinaryong tao. Higit pa dito, mukhang bihasang-bihasa sa pakikipaglaban ang eight-tailed demon snake; bawat atake nito ay may pagnanais na pu
”Sabi ko na nga ba may diperensya sa utak si Fane!”Sa sandaling iyon, itinaas ni Fane ang itim na espada at nagpakawala siya ng isang atake papunta sa likod ng eight-tailed demon snake, at nagbabago ang mga ekspresyon ng mga nanonood habang pinagmamasdan nila ang mga pangyayari ng may komplikadong ekspresyon.Inisip ng ilan sa kanila na parang kulang sa kaalaman si Fane. Hindi ba niya alam na ang mga halimaw na tulad ng eight-tailed demonic snake, na malakas sa depensa at umaasa sa pisikal nitong lakas, ay may pinakamalakas na depensa sa kanilang likuran?Iniisip ba niya na nalampasan na ng atake niya ang mga limitasyon ng kanyang lebel at magagawa nitong butasin ang depensa ng eight-tailed demonic snake?Sa pagkakataong ito, maging ang mga mula sa mga northern clan na umaasa kay Fane ay hindi alam kung ano ang kanilang sasabihin."Anong ginagawa ni Fane? Bakit niya binuwis ang buhay niya para lang atakihin ang likod ng eight-tailed demonic snake?! Sinusubukan ba niyang sayangin
Habang iniisip ng lahat na wala talagang utak si Fane, muling huminga ng malalim si Fane habang gumagawa siya ng ilang mga seal sa kanyang kamay. Muli niyang ginamit ang laws of space, at ginamit niya ito ng husto.Mula sa pagpapalutang-lutang sa likod ng dzeight-tailed demonic snake, bigla siyang sumulpot sa harap nito, dahilan upang magulat ang eight-tailed demonic snake. Hindi tumigil sa pag-atake kay Fane ang eight-tailed demonic snake mula pa kanina, inisip nito na walang utak si Fane. Siguradong hindi nito inasahan na biglang susulpot si Fane sa harap nito.Tumalim ang mga mata ni Fane, mabilis na sinuri ni Fane ang ahas habang ang mga mata niya ay nakapako sa isang lugar sa ilalim ng noo ng ahas.Sumigaw si Fane ng may mababang boses, “Dalawang metro sa baba ng ulo ng ahas! Nandoon ang kaliskis!”Sa sandaling sinabi niya iyon, sumugod siya na parang bala at pinuntirya niya ang posisyong tinutukoy niya. Sa sandaling iyon, wala siyang ibang nasa isip, ni hindi niya iniisip k
Naririnig niya pa rin ang masakit na dagundong ng ahas na may walong buntot sa kanyang tainga. Nanginginig ang mga kamay ni Fane, pansamantalang nakakalimutan ang sakit na dulot ng kanyang mga sugat mula sa buntot. Sa halip, tumingala siya sa walong buntot na demonyong ahas na nagpupumiglas.Sa sandaling iyon, winasak ng Destroying the Void ang karamihan sa kaluluwa ng walong-buntot na demonyong ahas. Hindi na ito makapag-isip at makapumiglas na lamang sa kanyang instincts.Nagpupumiglas laban sa sariling buhay na dumudulas, ang mga dagundong nito ay yumanig sa tenga ni Fane. Gayunpaman, hindi tinakpan ni Fane ang kanyang mga tainga at tinitigan lamang ng nanlalaki ang mga mata sa may walong buntot na demonyong ahas.Pagkaraan ng ilang sandali, ang kaluluwa ng demonyong ahas na may walong buntot ay tuluyang napatay. Tumigil bigla ang mga dagundong nito habang nakatingin ang mga manonood, natulala.Sa ilalim ng mga tingin ng lahat, ang dambuhalang eight-tailed demonic snake ay bumag
Pagkatapos niyang magsalita, umiling siya, bumuntong-hininga. Naramdaman niya ang paglaki ng pagitan nila ni Fane. Sa simula, naisip ni Benjamin na nakakatuwa ang mga kilos ni Fane at siya ay walang karanasan.Gaano man siya kalakas, maaaring magkaroon pa rin siya ng mga sandali ng pagkabigo. Sa halip, tila ang inaakala niyang kawalan ng karanasan ni Fane ay hindi niya lubos na kilala si Fane.Ang mga alagad ng northern clan ay puno ng matinding paghanga kay Fane sa kabila ng kanilang pagtataka. Composed pa rin sila, tutal nasa iisang kampo naman sila ni Fane. Gayunpaman, iba ang Corpse Pavilion.Bakas sa mukha ng mga alagad ng Corpse Pavilion ang panlulumo. Mahigpit na nakakuyom ang mga kamay ng lalaking nakamaskara. Dahil sa lakas na ginagamit niya ay umbok na rin ang kanyang mga kalamnan. Sa sandaling iyon, siya ay nabigyan ng matinding suntok.Maging si Nelson ay nakita na ang nangyari, lalo pa ang lalaking nakamaskara. Natural na nakita ng lalaking nakamaskara na ang mga kilos
Ang mga huling salita ni Lennon ay parang isang napakalaking bato na inihagis sa kalmadong tubig. Natigilan ang lahat nang marinig ang mga katagang iyon at bakas sa mukha nila na parang gusto na nilang mamatay.Namumutla ang mukha ni Zamian, at may mga ugat na lumitaw sa kanyang mga mata, "Lennon... Hindi mo ba masyadong pinalalaki ang mga bagay-bagay? Ang taong ito ay kayang pag-isahin ang West Cercie State?"Talaga bang may kakayahan siyang gawin iyon? Napakaraming taon na ang lumipas, at tiyak na may mga henyo ang mga angkan sa hilaga. Gayunpaman, walang sinuman sa mga henyo ang naging napakalakas! Isang bagay na walang nagawa sa loob ng maraming taon, Sigurado ka bang kaya ng lalaking ito?"Napatingin si Lennon kay Zamian. Normally, hindi siya magsasawang magpaliwanag ng ganito kay Zamian. Gayunpaman, ito ay isang espesyal na oras, at kung hindi niya linawin ang mga bagay, hindi mauunawaan ng mga taong iyon ang kalubhaan ng sitwasyon.Napakalalim ng boses ni Lennon, na para ban
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin