Ang mga huling salita ni Lennon ay parang isang napakalaking bato na inihagis sa kalmadong tubig. Natigilan ang lahat nang marinig ang mga katagang iyon at bakas sa mukha nila na parang gusto na nilang mamatay.Namumutla ang mukha ni Zamian, at may mga ugat na lumitaw sa kanyang mga mata, "Lennon... Hindi mo ba masyadong pinalalaki ang mga bagay-bagay? Ang taong ito ay kayang pag-isahin ang West Cercie State?"Talaga bang may kakayahan siyang gawin iyon? Napakaraming taon na ang lumipas, at tiyak na may mga henyo ang mga angkan sa hilaga. Gayunpaman, walang sinuman sa mga henyo ang naging napakalakas! Isang bagay na walang nagawa sa loob ng maraming taon, Sigurado ka bang kaya ng lalaking ito?"Napatingin si Lennon kay Zamian. Normally, hindi siya magsasawang magpaliwanag ng ganito kay Zamian. Gayunpaman, ito ay isang espesyal na oras, at kung hindi niya linawin ang mga bagay, hindi mauunawaan ng mga taong iyon ang kalubhaan ng sitwasyon.Napakalalim ng boses ni Lennon, na para ban
Ito ang unang beses na nakita ni Fane ang isang pill na may ganitong grado. Kapag dinala niya ito sa angkan kapalit ng pintos, siguradong makakakuha siya ng mahigit sampung libong puntos. Higit sa lahat, ang paggawa ng ganitong pill ay hindi lamang mangangailangan ng ninth-grade spirit grasa at ibang mamahaling natural na sangkap, kakailanganin din ng isang alchemist na mataas ang ranggo. Kailangan pa itong patibayin sa loob ng maraminf araw, af ganito ito kahalaga! Nagsimulang umilaw ang nagagalak na mata ni Fane. Tiniis niya ang sakit ng kanyang buto habang sinusubukang tumayo. Lumapit siya doon sa pill na lumulutang sa ere. Ang pill ay mas mahalaga kay Fane kumpara sa iba. Ang isang spirit refining pill ay nangangahulugang makatutulong itong sanayin ang kanyang kaluluwa, at pataasin ang kakayahan ng tanong gumamit ng kaluluwa! Habang naiisip ito, nanginig ang kamay ni Fane. Huminga siya nang malalim habang pinipilit niyang kumalma. Kumuha siya ng isang jade na kahon mula sa
Sa sandaling iyon, mas sugatan na siya kaysa sa lalaking nakamaskara. Sinubukan niyang gamitin ang kanyang braso para piliting umupo, ngunit pagkatapos subukan nang ilang beses, bumagsak siya ulit sa sahig. Naririnig niya ang sigaw ng ahas sa kabilang dako. Alam niyang aatakihin na siya ulit ng eight-tailed demonic snake! Malubha siyang napuruhan, ngunit ang kanyang isip ay malinaw. Kahit na tapos nang magsalita su Fane, paulit-ulit niyang naririnig sa isipan niya ang sinabi ni Fane. Nang muli nang aatake ang eight-tailed snake, ginamit ni Graham ang natitira niyang lakas para isigaw, "Suko na ako!" Sa totoo, hindi niya alam na titigil sa pag-atake ang eight-tailed demonic snake pagkatapos niyang sumuko. Higit sa lahat, sinabi ng matandang boses na may kamatayan sa blood world. Subalit, kailangan niya pa ring sumugal kahit anong mangyari! Sa sandaling iyon, napahinto ang tibok ng puso ng lahat ng mga disipulo ng northern clan. Ayaw nilang makita ang duguang katawan ni Graham.
"Nababaliw ka na ba Graham? Alam mo namang wala kang laban dito, kaya bakit nagpatuloy ka pa? Napuruhan ka tuloy nang malala, siguradong maapektuhan nito ang kinabukasan mo… "Huwag mong kakalimutan, wala tayo sa clan ngayon. Hindi pa natin alam kung anong panganib ang haharapin natin sa lugar na ito. Napaka iresponsable na ipahamak mo nang ganito ang sarili mo!" Nang sabihin niya ito, nanginginig nang bahagya ang labi ni Benjamin. Malinaw na sinabi niya kay Graham na huwag magpupumilit kapag hindi ito mananalo. Ang pagsuko ang tanging paraan. Ngunit mukhang nalimutan ni Graham ang pangakong iyon. Nang labanan ni Graham ang eight-tailed demonic snake, mukhang kinalimutan na niya ang lahat, at balak niyang lumaban hanggang kamatayan! Huminga nang malalim si Graham, hindi nagsasalita. Alam niyang makatwiran ang sinabi ni Graham, at nagpadalos-dalos siya. Sa sandaling iyon, sinabi ni Fane nang mahina, "Ikaw ang chosen disciple ng fourth-grade clan, maraming responsibilidad ang pa
Subalit, sa pagkakataong ito, wala na sa isang daan ang natitira mula sa naunang isandaan at walompung disipulo! Halos lahat ng namatay ay mula sa northern clan! Pagbalik nila sa dati nilang pwesto, lumingon si Fane. Biglang nagkaroon ng malaking espasyo sa gitna ng maraming tao. Ang mga disipulo ng northern clan ay hindi na masyadong kampante kaysa dati. Nababahala na sila, at nakatitig sila nang masama sa disipulo ng ibang clan! Kung hindi nila alam ang pinagkaiba ng dami nila, naglaban na siguro ang dalawa! Suminghal si Fane at tumingin kay Graham na nasa tabi niya. Wala sa magandang kalagayan si Graham at mukhang gusto niyang iwasan ang lahat sa pamamagitan ng pagpikit. Umupo si Graham habang ginagamot niya ang kanyang sariling sugat. Hindi rin maganda ang lagay ng lalaking nakamaskara. Ang mga sugat ng lalaking nakamaskara ay medyo mas mababaw kumpara kay Graham. Napuruhan rin talaga si Fane, ngunit kumpara sa dalawa, wala lang ang mga sugat na ito. Uminom rin siya ng
Malakas na sinabi ng lalaking nakamaskara, "Huwag mong aakalaing matatalo ako sa'yo dahil lang mas maganda ang resulta mo! Sinasabi ko sa'yo… kapag nasa pinakamagandang kalagayan ako, o kung mapagpasyahan kong ilaan ang buhay ko, hindi mo ako matatalo!" Maaaring hindi alam ng iba ang lihim na mensahe ng lalaking nakamaskara, ngunit naintindihan nang malinaw ni Fane ang mensahe nito. Higit sa lahat, nasaksihan na niya ang tunay na lakas nito noon. Bilang isang taong nakarating na ng spring solidifying realm, siguradong uminom ng gamot ang lalaking nakamaskara para ibaba ang kanyang lakas! Tama nga siya, kapag hindi limitado ang kanyang kapangyarihan, walang laban si Fane. Ngunit si Fane ay nasa intermediate stage lamang ng innate level. Kapag nakarating si Fane sa spring solidifying realm, hindi na siya mag-aabala sa taong ito! Huminga nang malalim si Fane, kumikislap ang kanyang mata habang malalim ang kanyang iniisip. Bigla siyang nabahala sa loob niya. Kapag pinilit ng taong
Magiging mahirap na inumin ang spirit refining pill nang walang paghahanda, iyon ang alam ng lahat. Ngunit hindi nila alam na sobrang lakas ng epektong medisinal ng spirit refining pill. Pinapalakas nito ang kaluluwa sa pamamagitan ng medisinal na epekto para baklasin ang kaluluwa at muli itong buoin, at mahahasa ang kaluluwa! Tuwing nababaklas at nabubuo ang kaluluwa, mas nagiging matibay ito at nawawalan ng dumi! Unti-unti itong magiging isang matalim na espada! Ang sakit kapag binabaklas ang kaluluwa ay hindi kakayanin ng isang karaniwang tao. Ang iba ay nababaliw sa sobrang sakit. Kailangan nito ng sobrang tibay na kaluluwa para kayanin ito. Tumawa nang malakas ang lalaking nakamaskara habang sinasabi, "Mokong! Mukhang hindi na natin kailangang maglaban, ikaw mismo ang papatay sa sarili mo!" Hindi makasagot si Fane sa sandaling iyon. Kahit na kaya niya, hindi naman siya sasagot. Nakation sa sarili niyang katawan ang kanyang atensyon. Mula nang makapasok sa kanyang kataw
"Kahit ang isang taong nasa spring solidifying realm o kaya divine solidifying realm ay hindi ito basta susubukan. Tingin niya ba kaya niya? Nagpapakamatay siya!" Tiningnan ni Graham ang lalaking nakamaskara. Nasa punto na si Graham na sobrang tindi na ng poot niya sa taong ito. Kahit anong mangyari, sobrang laki ng problemang binigay nito kay Graham at pumatay pa ito ng maraming disipulo ng Thousand Leaves Pavilion. Balak niya sanang hindi pansinin ang lalaking nakamaskara, ngunit pagkatapos niyang marinig ang mayabang na salita nito, hindi mapigilan ni Graham na sabihin, "Laging ganyang ang sinasabi mo tungkol kay Fane, pero diba ikaw naman ang laging talo? Huwag kang basta namumuna nang ganyan!" Biglang namula sa galit ang mukha ng lalaking nakamaskara at gusto niyang magsimula na agad ng away kay Graham! Nang sasagot na sana ito, hindi na mapigilan ni Fane na sumigaw sa sakit, "Ahhh…" Ngunit ang sigaw na ito ay napigilan ni Fane sa kalagitnaan. Tinikom niya nang maigi ang k