"Kahit ang isang taong nasa spring solidifying realm o kaya divine solidifying realm ay hindi ito basta susubukan. Tingin niya ba kaya niya? Nagpapakamatay siya!" Tiningnan ni Graham ang lalaking nakamaskara. Nasa punto na si Graham na sobrang tindi na ng poot niya sa taong ito. Kahit anong mangyari, sobrang laki ng problemang binigay nito kay Graham at pumatay pa ito ng maraming disipulo ng Thousand Leaves Pavilion. Balak niya sanang hindi pansinin ang lalaking nakamaskara, ngunit pagkatapos niyang marinig ang mayabang na salita nito, hindi mapigilan ni Graham na sabihin, "Laging ganyang ang sinasabi mo tungkol kay Fane, pero diba ikaw naman ang laging talo? Huwag kang basta namumuna nang ganyan!" Biglang namula sa galit ang mukha ng lalaking nakamaskara at gusto niyang magsimula na agad ng away kay Graham! Nang sasagot na sana ito, hindi na mapigilan ni Fane na sumigaw sa sakit, "Ahhh…" Ngunit ang sigaw na ito ay napigilan ni Fane sa kalagitnaan. Tinikom niya nang maigi ang k
"Sa oras na maubusan ng spiritual energy si Fane upang suportahan ang muling pagbuo sa kanyang kaluluwa, mawawasak ang kaluluwa niya! Kapag nangyari ang bagay na iyon, hindi lang siya magtatamo ng malubhang pinsala, maaaring mamatay si Fane."Nagsilbing paalala sa lahat ang mga sinabi ni Benjamin. Kung sabagay, karamihan sa kanila ay hindi alam ang tungkol sa spirit refining pill. Hindi lang isang mahusay na mandirigma si Benjamin, isa rin siyang future alchemist. Mas marami siyang alam tungkol sa mga pill kaysa sa mga ordinaryong tao, kaya natural na mapagkakatiwalaan ang mga salita niya. Mukhang mamamatay na ang buong pamilya ni Isaiah sa ekspresyon niya. "Anong gagawin natin?!" Noong mga sandaling iyon, hindi niya alam kung ano pa ang magagawa niya maliban sa sabihin iyon. Makikita din ang pag-aalala sa mukha ni Nelson. Mula noong nilunok ni Fane ang spirit refining pill, hindi na tumigil sa pag-aalala si Nelson. Umiling siya, hindi niya masagot ang tanong ni Isaiah. Maliban
Pagkatapos nun, tumingin siya sa iba pang tao sa paligid niya. Maliban sa mga disipulo mula sa mga northern clan, nandoon din ang mga disipulo ng southern clan, na nakatingin sa kanya ng may ngiti sa kanilang mga mukha gaya ng lalaking nakamaskara. Hinihintay nilang lahat na mabigo si Fane sa muling pagbuo sa kanyang kaluluwa at mamatay! Suminghal si Fane at tumango, sumang-ayon siya sa lalaking nakamaskara. Biglang nagsigawan ang ibang mga tao noong nakita nila na sumang-ayon si Fane. Nagsimulang magkwentuhan ng masaya ang mga disipulo ng southern clan na may ayaw kay Fane. "Diyos ko! Ilang oras pa lang lumipas, at naubos na agad ang true energy niya. Tingnan niyo si Fane, nanginginig ang buong katawan niya. Halatang patuloy pa ring pinupunit at binubuo ang kaluluwa niya.“Kung wala ang true energy niya bilang suporta, hindi na magagawang buuin ni Fane ang kanyang kaluluwa! Wala na siyang magagawa kundi panoorin ang pagkawasak ng kanyang kaluluwa. Paano niya ito malalampasan?
Ginawa ang mga magkakahiwalay na espasyo upang pigilan sila na labanan ang isa’t isa. Subalit, sa mga sandaling iyon, hindi alam ni Graham kung anong gagawin niya. Kahit na iniisip ng lahat na siguradong mamamatay si Fane, walang gaanong emosyon sa mukha ni Fane.Dahan-dahan niyang kinuha ang isang kulay itim na kristal mula sa Mustard seed. Mukhang isang ordinaryong, makulay na kristal ang kristal na ito. Napaka ordinaryo ng itsura nito, at mayroong enerhiya na bumubugso sa loob nito.Nakita ng lahat na kinuha ito ni Fane, at nagsimulang maipon ang itim na enerhiya sa dulo ng mga daliri niya. Nagpadaloy siya ng enerhiya sa kristal, at kasabay ng isang malakas na tunog, nabasag ito.Nagsimulang dumaloy palabas ang enerhiya sa loob nito, at huminga ng malalim si Fane. Nakatutok ang palad niya sa mismong pinagmumulan ng enerhiya at sinimulan niyang higupin papasok ng katawan niya ang enerhiya!Higit na mas malaki ang Shattered Soul Crystal na iyon kaysa sa nakuha niya noon. Espesyal
Iyon ang pinakamatibay na pruweba ng mga kakayahan ni Fane. Pakiramdam nila ay magiging patas ang laban ni Fane sa lalaking nakamaskara.Masayang nakangiti ang lahat ng mga disipulo ng northern clan. Ang iba sa kanila ay nagsimulang isigaw ang pangalan ni Fane, ngunit agad silang pinatigil ni Benjamin.Kung sabagay, hinihigop pa rin ni Fane ang soul refining pill. Kapag naistorbo siya ng mga sigaw na iyon, baka makasama ito sa kanya. Gayunpaman, hindi pa rin niya napigilan ang damdamin ng lahat.“Napakagaling ni Fane. Wala talaga akong alam. Minaliit ko si Fane. Akala ko nasa panganib na si Fane, pero yung totoo pinaghandaan niya ang lahat ng ito!”“Masyado siyang kahanga-hanga. Pagkatapos niyang higupin ang spirit refining pill, siguradong lalo pa siyang lalakas. ‘Yun nga lang, hindi ko alam kung sino ang mas malakas sa kanila ng lalaking nakamaskara!”“Sa tingin ko si Fane ang mananalo. Kailanman hindi niya tayo binigo. Sa pagkakataong ito, mapupunta kay Fane ang lahat ng mga ka
"Higit na mas malakas pa rin siya kaysa sa sinumang ordinaryong tao na nasa kate stage ng innate level. Kahit na nasugatan siya noon, hindi ibig sabihin nun na mas mahina siya kay Fane. "Hindi ka bulag. Siguradong alam mo na kaya madaling natalo ni Fane ang eight-tailed demonic snake ay dahil sa nalaman niya ang kahinaan nito. "Kung alam ng lalaking nakamaskara ang kahinaan ng eight-tailed demonic snake, siguradong hindi siya masusugatan. Maswerte lang si Fane, hindi mo dapat pagdudahan ang kakayahan ng lalaking nakamaskara, siguradong tatalunin niya si Fane!" Sinigaw ni Zamian ang mga huling salitang iyon gamit ng buong lakas niya. Nais niyang gamitin ang mga salitang iyon upang patunayan na hindi matatalo ang lalaking nakamaskara!Nagbago ang ekspresyon ng mga disipulo ng northern clan. Kung tama ang mga sinabi ni Zamian, hindi magagawang talunin ni Fane ang lalaking nakamaskara. Kung sabagay, nasa spring solidifying realm na noon ang lalaking nakamaskara. Higit na mas mataa
Nagulat ang lahat sa mga sinabi niya. Walang gaanong kumibo noong sinabi ng lakaking nakamaskara na gusto niyang patayin si Fane, ngunit noong sinabi ni Fane na nais din niyang patayin ang lalaking nakamaskara, nagulat ang lahat. Kung sabagay, tila lamang ang lalaking nakamaskara kaysa kay Fane sa maraming bagay, ngunit noong sinabi niya ang mga salitang iyon, napakamahinahon ng tono ni Fane, at walang emosyon sa kanyang mukha. Base sa kilos niya, ibig sabihin nito na ang mga sinabi niya ay hindi lamang para sa karangalan niya, kundi dahil ito sa gusto niya talagang patayin ang lalaking nakamaskara! Huminga ng malalim si Graham at sinabing, "Oras na para tumigil kayong dalawa sa pagtatalo."Ayaw na niyang pakinggan ang pag-uusap ng dalawa. Kung sabagay, pakiramdam niya ay wala siya sa lebel nila kapag nagtatalo sila. Pagkatapos magsalita ni Graham, muling narinig ang matandang boses, "Mangyaring umakyat sa tuktok ang dalawang nakapasa!" Noong sandaling sinabi niya iyon, humi
Noon lamang pinakita ni Fane ang tunay niya kakayahan napagtanto ng lalaking nakamaskara na halos kalebel na niya si Fane! Subalit, habang iniisip niya ito, lalo lamang siyang naguguluhan at naiinis. Iyon ang dahilan kung bakit nagtanong ang lalaking nakamaskara. Hindi lang ang lakaking nakamaskara ang naguguluhan, maging ang lahat ng tao na nandoon noong panahon na iyon ay nakatingin din Kay Fane ng may pagtataka. Kumibot ang mga labi ni Fane habang hawak niya ang kanyang ilong. Noon, labinlimang mga Soul Sword pa lang ang kaya niyang gawin! Totoong tumatakbo siya para mabuhay siya dahil imposible para sa kanya na labanan ang lalaking nakamaskara noon. Ngunit, isa itong bagay na hindi niya kayang ipaliwanag, kaya pinilit niyang gumawa ng palusot. "Hindi iyon ang tamang lugar para maglaban tayo!" Napahinto ang lahat dahil sa mga sinabi niya. Napaisip ang lalaking nakamaskara. Anong ibig niyang sabihin na hindi iyon ang tamang lugar? Mahalaga ba talaga ang lokasyon? "Anong i