Noon lamang pinakita ni Fane ang tunay niya kakayahan napagtanto ng lalaking nakamaskara na halos kalebel na niya si Fane! Subalit, habang iniisip niya ito, lalo lamang siyang naguguluhan at naiinis. Iyon ang dahilan kung bakit nagtanong ang lalaking nakamaskara. Hindi lang ang lakaking nakamaskara ang naguguluhan, maging ang lahat ng tao na nandoon noong panahon na iyon ay nakatingin din Kay Fane ng may pagtataka. Kumibot ang mga labi ni Fane habang hawak niya ang kanyang ilong. Noon, labinlimang mga Soul Sword pa lang ang kaya niyang gawin! Totoong tumatakbo siya para mabuhay siya dahil imposible para sa kanya na labanan ang lalaking nakamaskara noon. Ngunit, isa itong bagay na hindi niya kayang ipaliwanag, kaya pinilit niyang gumawa ng palusot. "Hindi iyon ang tamang lugar para maglaban tayo!" Napahinto ang lahat dahil sa mga sinabi niya. Napaisip ang lalaking nakamaskara. Anong ibig niyang sabihin na hindi iyon ang tamang lugar? Mahalaga ba talaga ang lokasyon? "Anong i
Maging si Fane ay binabalot ng kulay lila at pulang liwanag. Gamit na ng lalaking nakamaskara ang buong lakas niya sa mga sandaling iyon. “Ayaw kong mag-aksaya ng maraming oras sa’yo! Papatayin kita sa isang atake lang!”Pagkatapos niyang sabihin iyon, gumawa siya ng mga seal. Patuloy na dumaloy ang kidlat sa Purple Thunder Ring!“Wala akong ililihim sa’yo. Hahayaan kitang mamatay ng may malinaw na isipan! Ang Evil Blood Thunder na sinasanay ko ay isang middle-tier Earth rank technique! Higit pa dito, nasa proficient level na ako! Kaunti na lang ay perpekto na ito!”Tinaas ni Fane ang kanyang kilay pagkatapos niyang marinig iyon. Wala siyang gaanong naging reaksyon dito, dahil inasahan na niya ito. Naghinala na siya sa lebel ng lalaking nakamaskara noon.Pagkatapos niyang pag-aralan ito, natukoy niya na siguradong napakalakas ng lalaking nakamaskara dahil nasa spring solidifying realm na siya. Siguradong ang lalaking nakamaskara ang pinakamalakas sa lahat ng taong nandoon. Ngunit,
Noong una, tingin ni Fane isa itong ultimate god realm skill. Pagkatapos itong isipin nang maigi, natukoy niyang isa pala itong upper-tier ultimate god level! Isang upper-tier ultimate god level skill laban sa isang earth rank skill. At perpekto na ni Fane ang skill na ito! Mas mataas ng isang realm ang kanyang skill at mas mataas rin ang stage nito! Kahit na hindi kapantay ni Fane ang lalaking nakamaskara, ang skill na gamit ni Fane ay mas malakas kaysa sa ginagamit nito! Kung ikukumpara ito, hindi natatakot si Fane sa lalaking nakamaskara! Suminghal siya nang itaas niya ang kanyang espada gamit ang dalawang kamay. Habang inaasinta ang paparating na kidlat, humawi siya! Narinig ng lahat ang banggaan ng mga atake habang nababalot ng liwanag mula sa blood-red lighting ang buong paligid! Naghiwalay ang kidlat, at sumayaw ito sa rurok ng Divine Void Slope! Napakaganda talaga nitong tingnan, ngunit kahit na ang ganda ng kulay nito, walang tumingin dito. Lahat sila ay nakatuon kun
Pakiramdam ni Graham nakadagan sa kanya ang maraming bato nang maisip niya ito! Sa sandaling iyon, narinig ang isang sigaw mula sa kidlat! Dahil sa lakas ng banggaan, walang makatukoy kung kanino ito nanggaling. Habang nababahala na ang lahat, naglaho na ang kidlat sa buong paligid at nagsimula itong humina. Dalawang tao ang nakatayo sa gitna ng rurok ng Divine Void Slope. Ang isa ay nakatayo sa kanluran at ang isa ay nasa silangan. Ang nasa kaliwa ay may hawak na espada, na nakatusok sa dibdib ng nasa silangan! Ang nakatayo sa kanan ay nakahawak pa rin sa Purple Thunder Rings. Nalaglag ang panga ng lahat sa eksenang ito. Maging ang lalaking nakamaskara ay nakatingin kay Fane nang hindi makapaniwala! Tumulo ang dugo sa bibig nito. Ang mukha sa likod ng maskara ay kanina pa nabalot ng gulat. "Bakit? Hindi talaga kita matalo! Sino ka ba? Imposible! Imposible talaga!"Ang Evil Blood Thunder ay isang middle-tier earth-level technique! Anong klaseng skill ba ang ginagamit mo? Talag
Pagkatapos umubo nang husto, namutla nang sobra ang kanyang mukha. Walang-tigil na ang pagtulo ng dugo sa kanyang bibig. "Malapit na akong mamatay. Pwede mo bang sabihin sa akin kung sino ka bago ako mamatay? Paano mo nagamit ang isang ultimate god level technique?" ginamit ng lalaking nakamaskara ang natitira niyang lahat para sabihin ito. Huminga nang malalim si Fane. Maraming bagay ang gusto niyang ilihim hanggang kamatayan, at hindi niya ito kailanman sasabihin. Pero tama ang lalaking nakamaskara. Mamamatay na siya, wala na siyang magagawa dito. Tumawa nang mahina si Fane, bumulong siya para silang dalawa lamang ang makarinig, "Tama ka. Gumamit nga ako ng isang ultimate god technique. Hindi rin ito pangkaraniwan, isa itong top-tier!" Nanlaki ang mata ng lalaking nakamaskara na para itong sinampal nang sabihin niya ito. Tumingin ito kay Fane nang hindi makapaniwala. Talaga ngang gumamit si Fane ng isang ultimate god level technique. Bakit? Bakit niya natutunan ang ganitong b
Hindi niya tinapos ang sinasabi niya, ngunit alam ng lahat ang gusto niyang sabihin. Huminga nang malalim si Benjamin habang gulat na gulat ang kanyang mga mata. "Hindi ako makapaniwalang sobrang lakas niya. Mukhang ang technique ni Fane ay mas mataas ng isang lebel sa top disciple ng Corpse Pavilion! Baka nga isang realm pa ang lamang nito." Ngunit si Fane ay malinaw na nasa intermediate stage lamang ng innate realm. Sa ganito kaunting lakas, paano niya nagamit ang isang ultimate god technique? Masyado itong hindi kapani-paniwala! Naunawaan ng lahat, na kung hindi ganito ang nangyari, imposibleng maipaliwanag ang nakita nila. Higit sa lahat, talagang hindi minaliit ng lalaking nakamaskara ang kanyang kalaban. Ginamit nito ang pinakamalakas nitong technique, ngunit natalo pa rin sa huli. Napatunayan nito na ang technique na ginamit ni Fane ay mas mataas sa Evil Blood Thunder ng lalaking nakamaskara. Sa sandaling iyon, hindi man lang kailangang lumingon ni Fane para maramdaman
Nasaan ba siya? Isa ba itong pantasya? May kinalaman ba ang lugar na ito sa Hidden Place For Resources? Nagkaroon ng mga tanong sa kanyang isipan, ngunit walang sagot sa mga ito! Huminto ang dalawa nang ilang daang metro ang layo. Hindi makita ni Fane ang itsura ng lalaking nakaitim dahil sa dami ng baluti nito, ngunit hindi naman nakabalot ang lalaking nakaputi. Ngunit malabo ang mukha nito, para bang may hamog sa paligid nito at hindi makita nang maayos ang kanyang mukha. Sino ang mga taong ito? Bakit sila nandito? Bakit siya nakatingin sa lahat ng ito? Sa sandaling iyon, sinabi ng lalaking nakaputi, "Hindi ka lang malupit, kundi napakasama mo rin! Lahat ng tagumpay mo ngayon ay dahil sa iyong mentor." Ngumiti ang lalaking nakaitim at sinabi, "Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang mga peke at mapagpanggap na taong tulad mo. Kung ikaw ang nasa posisyon ko, baka mas malala pa ang ginawa mo! Tigilan mo ang kasasalita na para bang ikaw na ang pinakamalinis na tao sa buong mundo."
Pagkatapos itong sabihin, narinig ang mga pagsabog mula sa malayo. Para bang may sumabog. Tumingin si Fane sa direksyon nito at nakita ang isang malakas na liwanag! Nakakarinig siya ng mga panaghoy. Nataranta nang husto ang lalaking nakaputi. Lumingon siya at sumigaw nang malakas, "Paano mo nagawa ito?!" Naglaho ang ngiti ng lalaking nakaitim at sinabi nang seryoso, "Bakit hindi ko gagawin? Ikaw lang ba ang nagbalak laban sa akin?" Medyo nabahala si Fane, ngunit nagtataka siya. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Bakit naglalaban ang dalawa? Ngunit naririnig niya sa mga sinasabi nila na masyadong malupit ang nakaitim at gumawa ito ng nakakasuklam na bagay. Ngunit parang hindi rin naman isang santo ang lalaking nakaputi. Ngunit dahil hindi niya alam ang detalye, hindi niya pwedeng husgahan basta ang dalawang ito. Tumingin na lamang siya sa lalaking nakaputi na mukhang nalinlang. Puno ng pagkabahala ang mukha nito na para bang gusto na agad nitong umalis. Ngunit mukhang nag