Yumuko si Fane sa harapan ng matanda, puno ng paggalang. Taos-puso niyang sinabi, "Ginoo, maaari mo bang sabihin sa akin kung bakit naiwan ang lugar na ito? Anong nangyayari sa eksenang nasaksihan ko?" Hindi lumingon ang matanda para tumingin kay Fane, at hindi rin nito sinagot nang direkta ang tanong ni Fane. Basta na lamang itong sumagot, "Malalaman mo rin sa hinaharap." Kumirot ang labi ni Fane. Sa sandaling iyon, gusto talaga niyang itanong ang lahat ng nasa loob niya. Ngunit nag-aalala siya na baka magtaka ang matanda kapag basta na lang niya itong sinabi. At kapag nagduda sa kanya ang matanda, baka mawala pa sa kanya ang lahat. Kaya ang magagawa na lamang niya ay pigilan ang kanyang pagtataka. Hindi alam ng matanda kung anong nasa isip ni Fane. Nagpatuloy na lang ito sa pagsasalita, "Kailangan pa ng susi ng kahong hawak mo. Ang susi ay nasa Wild Gorge Pass. Kung gusto mong buksan ang kahon, kailangan mong magpunta doon. Pagkatapos, ihahatid na kita palabas." Tumaas ang
Bago pa siya makapagtanong, nagsalita ang matanda, "Transporter, start."Kasunod nito, nagsimulang lumabo ang paningin ni Fane. Noong bumalik ang paningin niya, nakabalik na siya sa tuktok ng Divine Void Slope. Noong sandaling iyon, wala pa ring pinagbago ang Divine Void Slope. Nakahandusay sa lupa abg bangkay ng lalaking nakamaskara, at nanlalaki ang mga mata ng lahat habang nakatingin sila kay Fane! Habang pinag-iisipan ni Fane ang mga sinabi ng matanda, pinalibutan siya ng isang pamilyar na enerhiya. Nagsimulang kumilos ng mabilis ang buong katawan niya sa ilalim ng kontrol ng enerhiya. Sa isang iglap, nakarating siya sa plaza kung nasaan sila bago sila nagsimulang umakyat sa Divine Void Slope. Napakalaki ng plaza. Kahit na noong mayroong isang daan at walumpung kalahok dito, hindi ito napuno, lalo na ngayong patay na ang kalahati sa kanila. Halos nasa isang daan na lang ang natira sa kanila, kaya mistulang napakalawak ng paligid nila. Nakabalik na ang lahat sa plaza, mal
Tumawa ng malamig si Fane. Kahit na hindi niya lalabanan ang mga disipulo ng southern clan, may problema pa siyang kailangang tapusin. Patuloy na gumawa ng problema si Griffin para sa kanya. Tiniis lamang ito ni Fane noon, hindi dahil sa natatakot siya kay Griffin, kundi dahil lamang sa pakiramdam niya na hindi pa iyon ang tamang oras. Ngunit, wala na siyang pakialam dun ngayon. Kung hindi niya pinatay ang lalaking nakamaskara, posibleng makaligtas pa si Griffin! Sa Divine Void Slope, hindi siya makakilos dahil sa mga barrier. Kung wala ang mga harang na iyon, natural hindi pipigilan ni Fane ang sarili niya. Kinumpas niya ang kanang kamay niya, at lumitaw ang isang itim na espada. Nagsimulang bumuo ng animnapung Soul Sword ang kanyang kaliwang kamay. Tila napansin ni Griffin na may hindi tama, at nanlaki ang mga mata niya habang umaatras siya. Kahit na hindi nakatutok sa kanya ang espada ni Fane, alam ni Griffin na siguradong siya ang puntirya ni Fane. "Anong ginagawa mo? H
Base sa suot nila, alam ni Fane na mula sila sa Thousand Leaves Pavilion. Siguradong hindi sila mula sa baba ng totem pole. Nakita niya na nasa likod nila si Elder Godfrey, kasama ang First at Second Elder.Naisip niya na mula sa Thousand Leaves Pavilion ang mga elder na ito, at ang mga taong nakatayo sa likod nila ay malamang mula sa Dual Sovereign Pavilion at Muddled Origin Clan!May nasasabik na ekspresyon sa mga mukha ng mga elder ng Thousand Leaves Pavilion, ni-hindi nila maitago ang saya nila. Masaya silang tumingin sa lahat ng tao doon.Para bang gusto nilang basahin ang mga isip ng lahat! Nagbigay galang ang lahat ng mga disipulo ng northern clan sa mga elder, at bahagyang tumango ang lahat ng mga elder.Masayang ngumiti ang First Elder ng Thousand Leaves Pavilion. “Mahusay ang ginawa niyong lahat. Hindi niyo kami binigo, at nagawa niyong makuha ang mga kayamanan.”Pagkatapos niyang sabihin iyon, tumingin sa tuktok ng Divine Void Slope ang First Elder ng Thousand Leaves Pa
Parang may hinahanap siya. Napanganga siya habang nakatingin sa lahat ng naroroon. Gayunpaman, pagkatapos niyang maghanap kung saan-saan, hindi niya nakita ang kanyang hinahanap, at bigla siyang naghinala.Kumunot ang noo niya bago siya tumingin kay Graham. Hindi ganoon kaganda ang kalagayan ni Graham, halatang nagpapagaling pa si Graham mula sa matinding pinsala.Lalong kumunot ang noo ng First Elder ng Corpse Pavilion. “Nasaan siya?”Lumingon ang elder kay Lennon. Nang marinig iyon ni Lennon, agad siyang namutla habang nanginginig ang kanyang mga kamay. Sa sandaling iyon, nalagay siya sa isang napakahirap na sitwasyon..Kapag sinabi niya sa First Elder na patay na ang lalaking nakamaskara, posibleng sisihin siya ng First Elder. Kapag hindi siya nagsalita, imposibleng malaman nila ito.Ilang beses siyang huminga ng malalim, namutla ng husto ang kanyang mukha. Lalong naguluhan ang mga elder sa mga kilos niya. Siyempre, walang ideya ang mga elder na iyon kung ano ang nangyari.Par
Noong sandaling sinabi iyon ni Skylar sumama ang ekspresyon ng mukha ng First Elder ng Thousand Leaves Pavilion. Napansin na niya kanina na nasa anim o pito na lang ang natitira sa singkwenta na ipinadala nila.Kahit na buhay pa si Graham, ang mga wala doon ay kabilang din sa mga elite. Kung may nangyari talagang masama sa kanila, malaking dagok pa rin ito sa clan.Malamig na tiningnan ni Skylar ang First Elder ng Thousand Leaves Pavilion. "Mukhang may masamang nangyari. Tama ka, napakalakas ni Royce. Kahit na may nangyari sa iba, malabong may nangyaring masama sa kanya."Gayunpaman, maaari ngang malakas siya habang ang iba naman ay malayo sa lebel niya. Ang katotohanang wala sila rito ay nangangahulugan na posibleng may nangyari ngang masama sa kanila. Hindi mo ba iniisip iyon, Elder Zayne?"Zayne ang pangalan ng First Elder ng Thousand Leaves Pavilion. Ang tanging dahilan kung bakit ang Thousand Leaves Pavilion at ang Corpse Pavilion ay nanatiling payapa sa loob ng matagal na pan
Gayunpaman, hindi sila makapagsalita noong mga sandaling iyon. Kung sabagay, wala namang pumapansin kay Fane.Nagulat si Elder Godfrey noong napagtanto niya na pumunta sa likod niya si Fane. May nangyari ba?“May nangyari ba?” Ang bulong ni Elder Godfrey.Dahil alam ni Fane na hindi niya malulusutan ito, tumango siya sa elder. “Hindi mo kailangang magtanong sa ngayon. Malalaman mo din maya-maya.”Nang marinig niyang sinabi iyon ni Fane, lalong nalito si Elder Godfrey, ngunit hindi na siya nagtanong pa tungkol sa bagay na ito. Unti-unting bumilis ang paghinga ni Lennon habang hawak ni Skylar ang kanyang kwelyo..Pakiramdam niya ay papatayin siya kaagad ni Skylar kapag hindi niya nilinaw ang mga bagay, kaya itinuro niya ang tuktok ng Divine Void Slope."Ang huling labanan sa pagitan ng dalawang pinakamalakas sa amin. Hindi nakayanan ni Royce si Fane, at napatay siya ni Fane sa isang atake lang." Sinabi ni Lennon ang pinaka-pinaikling bersyon ng lahat ng nangyari.Gayunpaman, nagul
Nakapasok si Royce sa Hidden Place for resources sa tulong ng pag-inom ng mga gamot upang mapigilan ang kanyang lakas. Hindi isang ordinaryong tao si Royce na nasa innate stage.Kahit na ang isang chosen disciple na mula sa isa pang fourth-grade clan na gaya ni Graham ay walang laban kay Royce. Ang malaking dahilan kung bakit nagkaroon ng napakaraming problema ang Thousand Leaves Pavilion ay dahil ay nasa Corpse Pavilion si Royce.Higit pa rito, alam nilang may gamot ang Corpse Pavilion na kayang pigilan ang lakas ng isang tao. Kaya naman, ang pagkuha ng Scarlet Case ay mangangailangan ng isang taong napakalakas upang pumasok sa Hidden Place for Resources.Iyon ang dahilan kung bakit namomroblema ang Thousand Leaves Pavilion. Bukod sa inilabas nila ang impormasyon, nagbigay din sila ng mga participation badge.“Imposible! Napakaimposible! Ganun ka ba talaga kalakas? Pinatay mo si Royce?!” Muntik nang makagat ni Elder Sayer ang kanyang dila.Hindi siya naniniwala na ganoon kalakas