Parang may hinahanap siya. Napanganga siya habang nakatingin sa lahat ng naroroon. Gayunpaman, pagkatapos niyang maghanap kung saan-saan, hindi niya nakita ang kanyang hinahanap, at bigla siyang naghinala.Kumunot ang noo niya bago siya tumingin kay Graham. Hindi ganoon kaganda ang kalagayan ni Graham, halatang nagpapagaling pa si Graham mula sa matinding pinsala.Lalong kumunot ang noo ng First Elder ng Corpse Pavilion. “Nasaan siya?”Lumingon ang elder kay Lennon. Nang marinig iyon ni Lennon, agad siyang namutla habang nanginginig ang kanyang mga kamay. Sa sandaling iyon, nalagay siya sa isang napakahirap na sitwasyon..Kapag sinabi niya sa First Elder na patay na ang lalaking nakamaskara, posibleng sisihin siya ng First Elder. Kapag hindi siya nagsalita, imposibleng malaman nila ito.Ilang beses siyang huminga ng malalim, namutla ng husto ang kanyang mukha. Lalong naguluhan ang mga elder sa mga kilos niya. Siyempre, walang ideya ang mga elder na iyon kung ano ang nangyari.Par
Noong sandaling sinabi iyon ni Skylar sumama ang ekspresyon ng mukha ng First Elder ng Thousand Leaves Pavilion. Napansin na niya kanina na nasa anim o pito na lang ang natitira sa singkwenta na ipinadala nila.Kahit na buhay pa si Graham, ang mga wala doon ay kabilang din sa mga elite. Kung may nangyari talagang masama sa kanila, malaking dagok pa rin ito sa clan.Malamig na tiningnan ni Skylar ang First Elder ng Thousand Leaves Pavilion. "Mukhang may masamang nangyari. Tama ka, napakalakas ni Royce. Kahit na may nangyari sa iba, malabong may nangyaring masama sa kanya."Gayunpaman, maaari ngang malakas siya habang ang iba naman ay malayo sa lebel niya. Ang katotohanang wala sila rito ay nangangahulugan na posibleng may nangyari ngang masama sa kanila. Hindi mo ba iniisip iyon, Elder Zayne?"Zayne ang pangalan ng First Elder ng Thousand Leaves Pavilion. Ang tanging dahilan kung bakit ang Thousand Leaves Pavilion at ang Corpse Pavilion ay nanatiling payapa sa loob ng matagal na pan
Gayunpaman, hindi sila makapagsalita noong mga sandaling iyon. Kung sabagay, wala namang pumapansin kay Fane.Nagulat si Elder Godfrey noong napagtanto niya na pumunta sa likod niya si Fane. May nangyari ba?“May nangyari ba?” Ang bulong ni Elder Godfrey.Dahil alam ni Fane na hindi niya malulusutan ito, tumango siya sa elder. “Hindi mo kailangang magtanong sa ngayon. Malalaman mo din maya-maya.”Nang marinig niyang sinabi iyon ni Fane, lalong nalito si Elder Godfrey, ngunit hindi na siya nagtanong pa tungkol sa bagay na ito. Unti-unting bumilis ang paghinga ni Lennon habang hawak ni Skylar ang kanyang kwelyo..Pakiramdam niya ay papatayin siya kaagad ni Skylar kapag hindi niya nilinaw ang mga bagay, kaya itinuro niya ang tuktok ng Divine Void Slope."Ang huling labanan sa pagitan ng dalawang pinakamalakas sa amin. Hindi nakayanan ni Royce si Fane, at napatay siya ni Fane sa isang atake lang." Sinabi ni Lennon ang pinaka-pinaikling bersyon ng lahat ng nangyari.Gayunpaman, nagul
Nakapasok si Royce sa Hidden Place for resources sa tulong ng pag-inom ng mga gamot upang mapigilan ang kanyang lakas. Hindi isang ordinaryong tao si Royce na nasa innate stage.Kahit na ang isang chosen disciple na mula sa isa pang fourth-grade clan na gaya ni Graham ay walang laban kay Royce. Ang malaking dahilan kung bakit nagkaroon ng napakaraming problema ang Thousand Leaves Pavilion ay dahil ay nasa Corpse Pavilion si Royce.Higit pa rito, alam nilang may gamot ang Corpse Pavilion na kayang pigilan ang lakas ng isang tao. Kaya naman, ang pagkuha ng Scarlet Case ay mangangailangan ng isang taong napakalakas upang pumasok sa Hidden Place for Resources.Iyon ang dahilan kung bakit namomroblema ang Thousand Leaves Pavilion. Bukod sa inilabas nila ang impormasyon, nagbigay din sila ng mga participation badge.“Imposible! Napakaimposible! Ganun ka ba talaga kalakas? Pinatay mo si Royce?!” Muntik nang makagat ni Elder Sayer ang kanyang dila.Hindi siya naniniwala na ganoon kalakas
Bahagyang umiling si Nelson habang nakatingin siya kay Fane. Naiipit na sa isang mapanganib na sitwasyon si Fane.Kakailanganin ni Fane na isuko ang Scarlet Case kung gusto pa niyang mabuhay. Tila napakahalaga ng Scarlet Case.“Hindi ko alam kung anong mangyayari kay Fane, pero dahil pinatay niya si Royce, hindi siya tatantanan ng Corpse Pavilion. Gayunpaman, kung matalino si Fane, magiging ayos lang siya!”Noong sinabi niya iyon, pasugod na si Skylar kay Fane. Subalit, habang pasugod siya, sumugod din si Zayne at ang iba pa, humarang sila sa harap niya.Syempre, ayaw nilang mapunta ang Scarlet Case sa mga taong iyon.Tumawa ng malamig si Skylar, “Huwag ka nang magpanggap na isa kang mabuting tao, Zayne. Dahil nasa mga kamay ng batang ‘yan ang Scarlet Case, ang case lang ang pinoprotektahan mo, hindi siya.”Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Zayne, binalewala niya ang mga salitang iyon. "Kay Fane ang Scarlet Case, at maaari niya itong ibigay sa kung kanino niya ito gustong ib
Baka matulungan pa ni Fane ang Dual Sovereign Pavilion na maging isang fourth-grade clan. Gayunpaman, hindi maganda ang relasyon niya kay Fame. Maaari siyang puntiryahin ni Fane kapag lumakas ito sa hinaharap. Talagang isa itong malaking kawalan. Malinaw na ganito rin ang naiisip ng Second Elder. Higit sa lahat, may sama ng loob sila ni Fane sa isa't isa. Kapag lumakas si Fane, siguradong maapektuhan ang kanyang posisyon sa hinaharap. Higit pa rito, siguradong may mga lihim si Fane para makapagpamalas ng ganitong husay at potensyal. Kung gusto niyang protektahan si Fane, problema na ang bigat na kailangan niyang tiisin, ngunit bukod pa dito ay hindi nila alam kung magiging problema ba si Fane sa hinaharap. Nang maisip ito ng Second Elder, tumahimik siya, napagpasyahan niyang ibigay na lang ang desisyon sa First Elder. Kung gustong protektahan ng First Elder si Fane, ganito rin ang gagawin niya. Kung gustong ipatapon ng First Elder si Fane, hindi siya kokontra. Nang tingnan
Nagdilim ang mukha ni Elder Godfrey. "First Elder, hindi ka ba nahihiya sa sinasabi mo? Tingin mo ba mga bata kami? Kapag nakuha ni Skylar si Fane, mamamatay siya! "Baka pahirapan pa siya doon. Bilang First Elder ng Dual Sovereign Pavilion, iba pa ang tinutulungan mo sa halip na pumanig sa sarili mong disipulo…" Sumama ang mukha ng First Elder. "Eleventh Elder, hindi mo dapat sabihin 'yan. Tingin mo ba ayaw kong tulungan si Fane? Dahil nagkamali siya, hindi tama ang protektahan siya."Kalokohan ang mga salitang iyon, at nagalit si Elder Godfrey nang marinig niya ito. Lumingon siya at siya na mismo ang nagpasya para sa sarili niya. Kung gustong iabot ng mga taong ito si Fane kay Skylar, siya mismo ang gagawa ng daan para makatakas si Fane, kahit mamatay pa siya dahil dito. Hindi niya hahayaang mamatay ang kanyang disipulo para lang sa iba! Tumawa nang malakas si Skylar sa sitwasyon. Sa sandaling iyon, alam niyang sigurado na ang kamatayan ni Fane. Lumapit siya at sinabi, "Dahil
Kahit na gumagana na ang transporter, kailangan pa rin nito ng oras. Kalmadong naghintay si Fane, at tulad ng inaasahan niya, lumipat siya ng lugar bago pa makaatake si Skylar. Naririnig niyang dumadaan ang ihip ng hangin sa kanyang tainga, at ang tanawin sa harapan niya ay umiikot. Ito ay makikita lamang sa mga malalayong transporter. Hindi makagalaw ang katawan ni Fane, at hindi ito maganda sa pakiramdam. Habang nagtataka siya kung saan siya ipapadala, narinig niya ang isang pamilyar na boses ng matanda at sinabi, "Ikaw ang pinakanararapat, kaya bibigyan kita ng huling handog." Napahinto si Fane sa mga sinabi nito. Isang malakas na bugso ng enerhiya ang tumagos sa balat ni Fane, diretso sa kanyang katawan. Sobrang nakakalunod ang enerhiyang ito. Sa sandaling makapasok ito ng katawan ni Fane, kaagad na nalaman ni Fane kung ano ang regalong ito. Ang kapangyarihang nasa katawan ni Fane ay tinatawag na Formational True Energy. Ang Formational True Energy ay isang tunay na k