Baka matulungan pa ni Fane ang Dual Sovereign Pavilion na maging isang fourth-grade clan. Gayunpaman, hindi maganda ang relasyon niya kay Fame. Maaari siyang puntiryahin ni Fane kapag lumakas ito sa hinaharap. Talagang isa itong malaking kawalan. Malinaw na ganito rin ang naiisip ng Second Elder. Higit sa lahat, may sama ng loob sila ni Fane sa isa't isa. Kapag lumakas si Fane, siguradong maapektuhan ang kanyang posisyon sa hinaharap. Higit pa rito, siguradong may mga lihim si Fane para makapagpamalas ng ganitong husay at potensyal. Kung gusto niyang protektahan si Fane, problema na ang bigat na kailangan niyang tiisin, ngunit bukod pa dito ay hindi nila alam kung magiging problema ba si Fane sa hinaharap. Nang maisip ito ng Second Elder, tumahimik siya, napagpasyahan niyang ibigay na lang ang desisyon sa First Elder. Kung gustong protektahan ng First Elder si Fane, ganito rin ang gagawin niya. Kung gustong ipatapon ng First Elder si Fane, hindi siya kokontra. Nang tingnan
Nagdilim ang mukha ni Elder Godfrey. "First Elder, hindi ka ba nahihiya sa sinasabi mo? Tingin mo ba mga bata kami? Kapag nakuha ni Skylar si Fane, mamamatay siya! "Baka pahirapan pa siya doon. Bilang First Elder ng Dual Sovereign Pavilion, iba pa ang tinutulungan mo sa halip na pumanig sa sarili mong disipulo…" Sumama ang mukha ng First Elder. "Eleventh Elder, hindi mo dapat sabihin 'yan. Tingin mo ba ayaw kong tulungan si Fane? Dahil nagkamali siya, hindi tama ang protektahan siya."Kalokohan ang mga salitang iyon, at nagalit si Elder Godfrey nang marinig niya ito. Lumingon siya at siya na mismo ang nagpasya para sa sarili niya. Kung gustong iabot ng mga taong ito si Fane kay Skylar, siya mismo ang gagawa ng daan para makatakas si Fane, kahit mamatay pa siya dahil dito. Hindi niya hahayaang mamatay ang kanyang disipulo para lang sa iba! Tumawa nang malakas si Skylar sa sitwasyon. Sa sandaling iyon, alam niyang sigurado na ang kamatayan ni Fane. Lumapit siya at sinabi, "Dahil
Kahit na gumagana na ang transporter, kailangan pa rin nito ng oras. Kalmadong naghintay si Fane, at tulad ng inaasahan niya, lumipat siya ng lugar bago pa makaatake si Skylar. Naririnig niyang dumadaan ang ihip ng hangin sa kanyang tainga, at ang tanawin sa harapan niya ay umiikot. Ito ay makikita lamang sa mga malalayong transporter. Hindi makagalaw ang katawan ni Fane, at hindi ito maganda sa pakiramdam. Habang nagtataka siya kung saan siya ipapadala, narinig niya ang isang pamilyar na boses ng matanda at sinabi, "Ikaw ang pinakanararapat, kaya bibigyan kita ng huling handog." Napahinto si Fane sa mga sinabi nito. Isang malakas na bugso ng enerhiya ang tumagos sa balat ni Fane, diretso sa kanyang katawan. Sobrang nakakalunod ang enerhiyang ito. Sa sandaling makapasok ito ng katawan ni Fane, kaagad na nalaman ni Fane kung ano ang regalong ito. Ang kapangyarihang nasa katawan ni Fane ay tinatawag na Formational True Energy. Ang Formational True Energy ay isang tunay na k
"Huwag kang mag-alala, naibigay ko na ang mga pills. Nagpasalamat ang lahat. Hindi muna ako babalik sa Mustard Seed sa mga susunod na araw. Hayaan mo akong alagaan ka dito, kung hindi ay hindi ako mapapanatag."Suminghal si Fane. Sa katotohanan, ayaw niyang samahan siya ni Selena sa kakaibang lugar na ito. Higit sa lahat, napuruhan siya nang husto, at hindi niya alam kung nasaan sila. Kapag nagkaroon ng panganib, hindi siya sigurado kung maililigtas niya ang kanyang sarili, lalo na si Selena. Nagsalubong ang kilay ni Selena habang nakatingin siya sa enerhiya sa loob ni Fane. "Diba dapat pinapataas ng Formational True Energy ang lebel mo? Bakit mukhang nasa initial stage ka ng innate level ngayon tulad ko?" Suminghal si Fane habang nagpapaliwanag, "Talagang pinapataas ng Formational True Energy ang realm ko. Ang totoo ay nasa late stage na ako ng innate level, at kaunti na lamang ay nasa spring solidifying realm na ako. "Sadyang masyadong malakas ang Formational True Energy. Ka
Nang marinig ito, sumagot si Maynard nang nababahala, "Sir, mas mabuting huwag na tayong mangialam. Hindi natin alam kung saan galing ang taong ito. Kapag nagkatagpo tayo mamaya, baka saktan niya tayo."Suminghal si Chandler, tumango nang bahagya habang biglang nagkaroon ng determinasyon sa kanyang mata. "Tama ka. Delikado ang Sunset Valley nitong nakaraan, at dumadaan lamang tayo dito dahil kulang tayo sa oras. "Kapag may nangyari, kahit paano ay magkakaroon tayo ng katulong. Kahit na mahirap na malaman kung anong kalooban ng mga tao, isa pa rin itong tao. Halos lahat ng panganib sa Sunset Valley ay ang mga fiend. Siguro hindi naman niya tayo sasaktan." Hindi talaga napanatag si Maynard sa paliwanag ni Chandler, ngunit nakikita ni Maynard na gusto talagang tulungan ni Chandler ang lalaki. "Sir, pakiusap pag-isipan mo ito," iginiit ni Maynard, nag-iingat sa kanyang pananalita. "Kahit na isa siyang tao tulad natin at maaaring hindi niya tayo atakihin, baka tagain niya tayo nang p
Ngumiti nang maamo ang lalaki. "Ginoo, bakit ka nasa Sunset Valley? Hinahabol ka ba ng mga kalaban?" Sa sitwasyong ito, hindi sana magtatanong nang ganito si Chandler ngunit nababahala siya, kaya hindi siya nagpigil sa pagtatanong. Kumunot ang noo niya, at nagkaroon ng bakas ng inis sa kanyang mukha. Tumango siya kay Chandler. "Walang humahabol sa akin. Nasugatan lang ako habang nagsasanay." Hindi nagsisinungaling si Fane. Sa sandaling sabihin niya ito, hinawakan ni Fane ang tungkol at naghandang dumistansya sa karwahe. Nakita na niya ang lebel ng lalaking nasa karwahe. Sa edad nito, nasa late stage na ito ng innate level. Siguro isa itong disipulo ng isang angkan. Kahit na hindi niya alam kung kaibigan ba o kalaban ang taong ito, walang balak si Fane na makipagkaibigan. Nang makitang aalis na si Fane, nagmamadaling sinabi ni Chandler, "Pakiusap maghintay ka. Sugatan ka na. Sa Sunset Valley, mataas ang posibilidad na mamatay ka." Tumaas ang kilay ni Fane, at bigla niyang na
Nanlaki ang mata ni Maynard sa sinabi ni Fane. Tinignan ng iba si Fane nang nagtataka, at tinikom ni Fane ang kanyang bibig. Karaniwan, isasarili na lang niya ito. Subalit, ang mga tao sa harapan niya ay hindi naman malakas. Kahit na magbalak ang mga ito ng masama sa kanya, hindi mapipigilan ng mga ito si Fane na makatakas. Ito ang dahilan kung bakit mas matapat si Fane ngayon. Lumapit si Maynard at sinuri si Fane, para bang may gusto siyang tingnan sa damit ni Fane. Malinaw na wala siyang alam sa West Cercie State at hindi niya ito matukoy. Makalipas ang ilang sandali, sinabi niya, "Saan ka nagmula noon?" Inayos ni Fane ang kanyang sarili, walang balak na magpaliwanag. "Ito ang unang beses kong makapunta ng Middle Province." Kumunot ang noo ni Maynard at sinabi nang parang naiinis, "Huwag kang mag-alala, wala kaming balak na saktan ka. Gusto ka lang yayain ng master namin na sumama sa amin. Gusto niyang magdagdag ng tao. Masyadong mapanganib dito. Kapag nanatili kang mag-isa
Gayunpaman, hindi nagkaroon ng pagkakataon si Maynard na tapusin ang kanyang mga sinasabi, dahil pinigilan siya ni Chandler, at sinabing, "Ayos lang, wala naman talagang dahilan para sabihin niya sa'tin e. Magkasama lang kami na papunta sa iisang direksyon. Sir, sugatan ka na. Halika maupo ka sa karwahe kasama ko, magkakaroon ka ng mas maayos na oras para gumaling."Sa sobrang pagkadismaya ni Maynard ay nanginig ang buong katawan niya. Walang magawa si Maynard kundi ang umiling, hindi niya napigilan si Fane.Pagkasakay niya sa karwahe, nakipag-usap si Fane kay Chandler saglit, at sa wakas ay nalaman niya kung nasaan siya. Napakalaki ng Middle Province, at ito ang pinakamalaking landmass sa Kontinente ng Hestia.Napakasimple ng pagkakahati sa mga teritoryo ng Middle Kingdom. Hinati ito batay sa lugar na sakop ng impluwensya ng iba't ibang angkan. Halimbawa, may tatlong angkan sa timog ng Middle Province, kaya hinati ito sa tatlong teritoryo.Ang kasalukuyang lokasyon ni Fane ay mas