Nang marinig ito, sumagot si Maynard nang nababahala, "Sir, mas mabuting huwag na tayong mangialam. Hindi natin alam kung saan galing ang taong ito. Kapag nagkatagpo tayo mamaya, baka saktan niya tayo."Suminghal si Chandler, tumango nang bahagya habang biglang nagkaroon ng determinasyon sa kanyang mata. "Tama ka. Delikado ang Sunset Valley nitong nakaraan, at dumadaan lamang tayo dito dahil kulang tayo sa oras. "Kapag may nangyari, kahit paano ay magkakaroon tayo ng katulong. Kahit na mahirap na malaman kung anong kalooban ng mga tao, isa pa rin itong tao. Halos lahat ng panganib sa Sunset Valley ay ang mga fiend. Siguro hindi naman niya tayo sasaktan." Hindi talaga napanatag si Maynard sa paliwanag ni Chandler, ngunit nakikita ni Maynard na gusto talagang tulungan ni Chandler ang lalaki. "Sir, pakiusap pag-isipan mo ito," iginiit ni Maynard, nag-iingat sa kanyang pananalita. "Kahit na isa siyang tao tulad natin at maaaring hindi niya tayo atakihin, baka tagain niya tayo nang p
Ngumiti nang maamo ang lalaki. "Ginoo, bakit ka nasa Sunset Valley? Hinahabol ka ba ng mga kalaban?" Sa sitwasyong ito, hindi sana magtatanong nang ganito si Chandler ngunit nababahala siya, kaya hindi siya nagpigil sa pagtatanong. Kumunot ang noo niya, at nagkaroon ng bakas ng inis sa kanyang mukha. Tumango siya kay Chandler. "Walang humahabol sa akin. Nasugatan lang ako habang nagsasanay." Hindi nagsisinungaling si Fane. Sa sandaling sabihin niya ito, hinawakan ni Fane ang tungkol at naghandang dumistansya sa karwahe. Nakita na niya ang lebel ng lalaking nasa karwahe. Sa edad nito, nasa late stage na ito ng innate level. Siguro isa itong disipulo ng isang angkan. Kahit na hindi niya alam kung kaibigan ba o kalaban ang taong ito, walang balak si Fane na makipagkaibigan. Nang makitang aalis na si Fane, nagmamadaling sinabi ni Chandler, "Pakiusap maghintay ka. Sugatan ka na. Sa Sunset Valley, mataas ang posibilidad na mamatay ka." Tumaas ang kilay ni Fane, at bigla niyang na
Nanlaki ang mata ni Maynard sa sinabi ni Fane. Tinignan ng iba si Fane nang nagtataka, at tinikom ni Fane ang kanyang bibig. Karaniwan, isasarili na lang niya ito. Subalit, ang mga tao sa harapan niya ay hindi naman malakas. Kahit na magbalak ang mga ito ng masama sa kanya, hindi mapipigilan ng mga ito si Fane na makatakas. Ito ang dahilan kung bakit mas matapat si Fane ngayon. Lumapit si Maynard at sinuri si Fane, para bang may gusto siyang tingnan sa damit ni Fane. Malinaw na wala siyang alam sa West Cercie State at hindi niya ito matukoy. Makalipas ang ilang sandali, sinabi niya, "Saan ka nagmula noon?" Inayos ni Fane ang kanyang sarili, walang balak na magpaliwanag. "Ito ang unang beses kong makapunta ng Middle Province." Kumunot ang noo ni Maynard at sinabi nang parang naiinis, "Huwag kang mag-alala, wala kaming balak na saktan ka. Gusto ka lang yayain ng master namin na sumama sa amin. Gusto niyang magdagdag ng tao. Masyadong mapanganib dito. Kapag nanatili kang mag-isa
Gayunpaman, hindi nagkaroon ng pagkakataon si Maynard na tapusin ang kanyang mga sinasabi, dahil pinigilan siya ni Chandler, at sinabing, "Ayos lang, wala naman talagang dahilan para sabihin niya sa'tin e. Magkasama lang kami na papunta sa iisang direksyon. Sir, sugatan ka na. Halika maupo ka sa karwahe kasama ko, magkakaroon ka ng mas maayos na oras para gumaling."Sa sobrang pagkadismaya ni Maynard ay nanginig ang buong katawan niya. Walang magawa si Maynard kundi ang umiling, hindi niya napigilan si Fane.Pagkasakay niya sa karwahe, nakipag-usap si Fane kay Chandler saglit, at sa wakas ay nalaman niya kung nasaan siya. Napakalaki ng Middle Province, at ito ang pinakamalaking landmass sa Kontinente ng Hestia.Napakasimple ng pagkakahati sa mga teritoryo ng Middle Kingdom. Hinati ito batay sa lugar na sakop ng impluwensya ng iba't ibang angkan. Halimbawa, may tatlong angkan sa timog ng Middle Province, kaya hinati ito sa tatlong teritoryo.Ang kasalukuyang lokasyon ni Fane ay mas
Ang walang habas na pagpatay ay magiging dahilan lamang upang magalit ang kabilang partido, at magdudulot lamang ito ng isang pagdanak ng napakaraming dugo. Kahit na hindi sila magkita, hahanapin nila ang kabilang partido upang patayin.Hindi maiwasan ni Chandler na magalit nang maisip niya ito. "Kayang tumalikod at umalis ng mga fighter na ‘yun, nagyayabang pagkatapos nilang pumatay, ngunit kaming mga nagsisimula pa lang at mga mandirigma ang nagdurusa."Ginalit nila ang mga fiend, at ang mga tao na inaatake nila ay ang mga taong gaya namin. Ang daanan na ito sa Sunset Gorge ay ang dating pinakaligtas na daan dito, at kadalasan ay kakaunti lang ang mga halimaw dito."Kahit na makatagpo kami ng malalakas na fiend, hindi nagkakaroon ng anumang gulo. Ngayon, dahil sa nangyaring pagpatay, nagalit ang lahat ng mga fiend na ‘yun. Nagmadali silang lumabas mula sa loob at sinalakay ang sinumang tao na nakikita nila!"Bumuntong-hininga si Chandler, makikita ang pagkadismaya sa kanyang mukh
Tinago ni Fane ang pagkagulat niya."Saang mundo galing ang Wild Gorge Pass? Bakit magkakaroon ng daanan ang Middle Province papunta sa Wild Gorge Pass? Kung may gustong pumasok sa Wild Gorge Pass, paano nila ito gagawin?"Napataas ang kilay ni Chandler dahil sa kagustuhan ni Fane na malaman ang tungkol dito. "Siguro naman wala kang planong pumasok sa Wild Gorge Pass, hindi ba? Huwag mong iisipin na gawin ‘yun. Kahit na mayroon kang siyam na ninth-grade crystal, mamamatay ka lang sa loob."Halatang sumama ang loob ni Fane sa mga sinabi ni Chandler; parang hindi niya ito gaanong pinag-isipan. Naisip niya na nasa isang lugar ito na gaya ng Hidden Place for Resources.Kahit na marami siyang hinarap na panganib doon, nagawa niyang gawing oportunidad ang panganib dahil sa kanyang talento at kakayahan. Gayunpaman, pagkatapos niyang makinig sa simpleng paliwanag ni Chandler, nalaman ni Fane kung ano ang kakaiba sa Wild Gorge Pass.Kung ang mga fiend sa Hidden Place for Resources ay nasa
Natuwa si Chandler habang iniisip niya ang tungkol dito. Kahit na ang mga napiling disipulo sa kanyang clan ay hindi makakapasok dito. Hindi lang sila kulang sa pera, kulang din sila sa kakayahan.Isang lalaking nasa innate level na mula sa West Cercie State na gaya ni Fane ay hinding-hindi ito magagawa.Tinikom ni Chandler ang kanyang mga labi at pinayuhan niya si Fane, "Dahil nasa Middle Province ka na, dapat humanap ka ng matutuluyan mo kung wala kang planong bumalik agad. Malawak ang Middle Province, at ang mga resources nito ay mas maganda kaysa sa kung ano ang mayroon kayo sa West Cercie State."Tumango si Fane, makahulugan ang tingin niya kay Chandler. Kahit na kakakilala lang niya kay Chandler, nakikita ni Fane na si Chandler ay isang tao na hindi interesado sa mga masasamang balak o panlilinlang. Si Chandler ay isang taong karapat-dapat na kaibiganin.Dahan-dahang ibinaba ni Fane ang mga pader na kanyang itinayo."Talagang mayaman ang Middle Province sa mga resources. Pwe
Sinulyapan ni Chandler si Fane nang magsalita siya, at gaya ng inaasahan, may malungkot na ekspresyon sa mukha ni Fane.Bahagyang tumawa si Chandler habang nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Ang pangatlo ay walang mga restriksyon pagdating sa lakas, ngunit hindi ito isang bagay na magagawa mo."Kumunot ang noo ni Fane, huminga siya ng malalim at nagtanong, "Anong trabaho ‘yun?"Dahan-dahang nagsalita si Chandler, "Isang alchemist."Noong sandaling marinig ni Fane ang mga salitang iyon, agad na umayos si Fane, at may kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha. Tila biglang naglaho ang kawalan ng pag-asa na makikita sa kanyang mukha kanina, at para bang nagkaroon pa siya ng bagong pag-asa.Tumingin si Chandler kay Fane at nagtanong, "Isa ka bang alchemist?"Pagkatapos niyang sabihin iyon, hindi niya naiwasang ilayo ang kanyang ulo, umatras siya habang tinitingnan niya ng maigi si Fane. Para bang may nakita siya sa katawan ni Fane. "Anong grade ka bilang isang alchemist?"Hindi itinago ni