Tinago ni Fane ang pagkagulat niya."Saang mundo galing ang Wild Gorge Pass? Bakit magkakaroon ng daanan ang Middle Province papunta sa Wild Gorge Pass? Kung may gustong pumasok sa Wild Gorge Pass, paano nila ito gagawin?"Napataas ang kilay ni Chandler dahil sa kagustuhan ni Fane na malaman ang tungkol dito. "Siguro naman wala kang planong pumasok sa Wild Gorge Pass, hindi ba? Huwag mong iisipin na gawin ‘yun. Kahit na mayroon kang siyam na ninth-grade crystal, mamamatay ka lang sa loob."Halatang sumama ang loob ni Fane sa mga sinabi ni Chandler; parang hindi niya ito gaanong pinag-isipan. Naisip niya na nasa isang lugar ito na gaya ng Hidden Place for Resources.Kahit na marami siyang hinarap na panganib doon, nagawa niyang gawing oportunidad ang panganib dahil sa kanyang talento at kakayahan. Gayunpaman, pagkatapos niyang makinig sa simpleng paliwanag ni Chandler, nalaman ni Fane kung ano ang kakaiba sa Wild Gorge Pass.Kung ang mga fiend sa Hidden Place for Resources ay nasa
Natuwa si Chandler habang iniisip niya ang tungkol dito. Kahit na ang mga napiling disipulo sa kanyang clan ay hindi makakapasok dito. Hindi lang sila kulang sa pera, kulang din sila sa kakayahan.Isang lalaking nasa innate level na mula sa West Cercie State na gaya ni Fane ay hinding-hindi ito magagawa.Tinikom ni Chandler ang kanyang mga labi at pinayuhan niya si Fane, "Dahil nasa Middle Province ka na, dapat humanap ka ng matutuluyan mo kung wala kang planong bumalik agad. Malawak ang Middle Province, at ang mga resources nito ay mas maganda kaysa sa kung ano ang mayroon kayo sa West Cercie State."Tumango si Fane, makahulugan ang tingin niya kay Chandler. Kahit na kakakilala lang niya kay Chandler, nakikita ni Fane na si Chandler ay isang tao na hindi interesado sa mga masasamang balak o panlilinlang. Si Chandler ay isang taong karapat-dapat na kaibiganin.Dahan-dahang ibinaba ni Fane ang mga pader na kanyang itinayo."Talagang mayaman ang Middle Province sa mga resources. Pwe
Sinulyapan ni Chandler si Fane nang magsalita siya, at gaya ng inaasahan, may malungkot na ekspresyon sa mukha ni Fane.Bahagyang tumawa si Chandler habang nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Ang pangatlo ay walang mga restriksyon pagdating sa lakas, ngunit hindi ito isang bagay na magagawa mo."Kumunot ang noo ni Fane, huminga siya ng malalim at nagtanong, "Anong trabaho ‘yun?"Dahan-dahang nagsalita si Chandler, "Isang alchemist."Noong sandaling marinig ni Fane ang mga salitang iyon, agad na umayos si Fane, at may kakaibang ekspresyon sa kanyang mukha. Tila biglang naglaho ang kawalan ng pag-asa na makikita sa kanyang mukha kanina, at para bang nagkaroon pa siya ng bagong pag-asa.Tumingin si Chandler kay Fane at nagtanong, "Isa ka bang alchemist?"Pagkatapos niyang sabihin iyon, hindi niya naiwasang ilayo ang kanyang ulo, umatras siya habang tinitingnan niya ng maigi si Fane. Para bang may nakita siya sa katawan ni Fane. "Anong grade ka bilang isang alchemist?"Hindi itinago ni
"Maaaring isa kang fifth-grade alchemist, ngunit kailangan mong maging isang sixth=grade alchemist upang kumita ka ng maraming spirit crystal. Marami-rami pa ang kailangan mong gawin."Mabuti ang intensyon ni Chandler sa mga sinabi niya. Gusto niyang tulungan si Fane na gumawa ng isang malinaw na landas para sa kanyang sarili, ayaw niyang mabulag si Fane sa pangangailangan na makakuha ng mga spirit crystal. Baka walang marating si Fane sa huli kapag ganun ang nangyari.Kahit na si Chandler ay isa lamang informal disciple sa Rosefinch Pavilion, matagal na siyang nasa loob ng mga teritoryo ng Rosefinch Pavilion. Marami siyang kaalaman.Noon, gusto niyang maging isang alchemist. Kung sabagay, hahangaan siya ng mga tao kapag nagtagumpay siya na maging isang sixth-grade alchemist, at kikita rin siya ng malaki.Gayunpaman, pagkatapos niyang maunawaan kung gaano kahirap maging isang alchemist, tinalikuran niya ang ideyang ito. Ang pagiging isang sixth-grade alchemist ay hindi lamang nanga
Habang nakatingin siya sa seryosong ekspresyon ni Fane, medyo nainis si Chandler. Umikot siya, at humarap siya kay Fane."Tingnan mo kung gaano ka kasaya. Mukhang malaki ang tiwala mo sa sarili mo. Gayunpaman, pinayuhan lang kita dahil naawa ako sa’yo. Kung gusto mong maging isang sixth-grade alchemist, kailangan mong malampasan ang isang napakalaking pagsubok, isang pagsubok na hindi kayang lampasan ng walo sa sampung mga alchemist. Kailangan maging handa ka."Tumango si Fane. Talagang pinaghandaan na niya ito. Ang alaala ng dakilang master na kanyang hinigop ay maraming alaala tungkol sa mga alchemist.Ang mga alchemist ng Divine Void World ay hindi gaanong naiiba sa mga nasa Hestia Continent. Gayunpaman, ang mga alchemist ng Divine Void World ay nasa mas mataas na antas, at kailangan din ng mga alchemist na matutunan ang Way of the Pill.Habang iniisip niya iyon, napangiti siya. Buti na lang, mayroon siyang gamit sa pagdaraya. Ang soul-gathering crystal ay matagal nang nasa loob
Mukhang nakalunok si Chandler ng dalawang bote ng lason pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon.Nagmadaling tumakbo si Maynard papunta sa karwahe. "Anong gagawin natin? Tatlong mga halimaw na nasa late-stage ng innate level! Anong laban natin sa kanila? May oras pa ba tayong tumakas?"Kahit na mukhang nagalit ang mga torong ito, wala tayong ginawa para galitin sila. Sa tingin mo ba hahabulin nila tayo kung tatakbo tayo ngayon?!" Natataranta na sii Maynard sa puntong iyon.Sinulyapan ni Fane si Maynard bago niya sinabing, "Kung aatras man tayo ngayon, aatake agad ang mga toro. Huwag mong isipin na magpapakita sila ng awa sa atin."Kahit na hindi pa umaatake ang mga toro, malinaw na naramdaman ni Fane na ang mga toro ay nasa limitasyon na ng kanilang galit. Para silang itinapon sa gitna ng apoy."Kung ganoon, anong gagawin natin?!" Tarantang-taranta si Maynard, hindi na siya makapag-isip ng tama.Napabuntong-hininga si Fane habang kinukuha niya ang isang kulay-abo na espad
Kahit na ang Blazing One-Eyed Bull ay nasa late stage na ng innate level, para kay Fane, hindi nakakatakot ang mga ito. Sa kabilang banda, halos malaglag na ang mata nila Chandler at Maynard nang marinig nila ang mga salitang iyon, akala nila nagkamali sila ng dinig kay Fane. Paanong ganito siya katapang? Akala niya ba nasa acquired realm lang ang mga ito at gusto niyang lumaban sa dalawa nang mag-isa? Lalabanan niya ang dalawa kahit na nasa initial stage lang siya ng innate level? Hinawakan ni Maynard ang braso ni Fane. "Nababaliw ka na ba?!" Sa huli, hindi tumunganga ang mga ito kay Fane. Paghuko nito, naghanda itong sumugod, at pagkatapos ay sumugod ito nang napakabilis. Nagdilim ang mukha ni Chandler. Kahit na isa lamang siyang informal disciple ng Rosefinch Pavilion, malaki na ang karanasan niya sa pakikipaglaban. Alam niyang hindi makakaligtas ang mga tagapagsilbi sa paligid niya kapag sinugod ito ng Blazing One-eyed Bull. Sumugod siya na parang isang palaso. Nang ila
Ngunit huli na ang lahat. Kahit gaano pa kalakas ang Blazing One-Eyed Bull, nasa initial stage lamang ito ng innate realm. Ang gamit ni Fane ay isang ultimate god-level skill. Maging ang pinakamalakas na disipulo ng isang fourth-grade clan ay walang laban sa kanya, lalo na ang isang fiend na nasa late stage ng innate realm. Sumigaw si Fane nang saksakin niya ito, at ang dulo ng kanyang spada ay muling bumaon sa mata nito. Nasira ng espada ang mata nito, at kumalat ang dugo sa paligid. Kasunod nito ay narinig ang mga sigaw na namimilipit. Hindi ang pisikal na katawan ang inaatake ng Destroying the Void. Sa umpisa pa lang ay mas mahina naman talaga ang mga fiends kaysa sa mga tao. Kahit ang mga taong kapareho ng lebel ng mga hayop na ito ay hindi makakaligtas sa atake ni Fane. Hindi na makatayo nang maayos ang toro. Tulad ng isang toro na bumagsak sa sahig, bumagsak ito na parang nababaliw at gumulong sa sahig at sumigaw sa sakit. Laging mabilis si Fane sa pag-atake para walang m