Sa sandaling iyon, mas sugatan na siya kaysa sa lalaking nakamaskara. Sinubukan niyang gamitin ang kanyang braso para piliting umupo, ngunit pagkatapos subukan nang ilang beses, bumagsak siya ulit sa sahig. Naririnig niya ang sigaw ng ahas sa kabilang dako. Alam niyang aatakihin na siya ulit ng eight-tailed demonic snake! Malubha siyang napuruhan, ngunit ang kanyang isip ay malinaw. Kahit na tapos nang magsalita su Fane, paulit-ulit niyang naririnig sa isipan niya ang sinabi ni Fane. Nang muli nang aatake ang eight-tailed snake, ginamit ni Graham ang natitira niyang lakas para isigaw, "Suko na ako!" Sa totoo, hindi niya alam na titigil sa pag-atake ang eight-tailed demonic snake pagkatapos niyang sumuko. Higit sa lahat, sinabi ng matandang boses na may kamatayan sa blood world. Subalit, kailangan niya pa ring sumugal kahit anong mangyari! Sa sandaling iyon, napahinto ang tibok ng puso ng lahat ng mga disipulo ng northern clan. Ayaw nilang makita ang duguang katawan ni Graham.
"Nababaliw ka na ba Graham? Alam mo namang wala kang laban dito, kaya bakit nagpatuloy ka pa? Napuruhan ka tuloy nang malala, siguradong maapektuhan nito ang kinabukasan mo… "Huwag mong kakalimutan, wala tayo sa clan ngayon. Hindi pa natin alam kung anong panganib ang haharapin natin sa lugar na ito. Napaka iresponsable na ipahamak mo nang ganito ang sarili mo!" Nang sabihin niya ito, nanginginig nang bahagya ang labi ni Benjamin. Malinaw na sinabi niya kay Graham na huwag magpupumilit kapag hindi ito mananalo. Ang pagsuko ang tanging paraan. Ngunit mukhang nalimutan ni Graham ang pangakong iyon. Nang labanan ni Graham ang eight-tailed demonic snake, mukhang kinalimutan na niya ang lahat, at balak niyang lumaban hanggang kamatayan! Huminga nang malalim si Graham, hindi nagsasalita. Alam niyang makatwiran ang sinabi ni Graham, at nagpadalos-dalos siya. Sa sandaling iyon, sinabi ni Fane nang mahina, "Ikaw ang chosen disciple ng fourth-grade clan, maraming responsibilidad ang pa
Subalit, sa pagkakataong ito, wala na sa isang daan ang natitira mula sa naunang isandaan at walompung disipulo! Halos lahat ng namatay ay mula sa northern clan! Pagbalik nila sa dati nilang pwesto, lumingon si Fane. Biglang nagkaroon ng malaking espasyo sa gitna ng maraming tao. Ang mga disipulo ng northern clan ay hindi na masyadong kampante kaysa dati. Nababahala na sila, at nakatitig sila nang masama sa disipulo ng ibang clan! Kung hindi nila alam ang pinagkaiba ng dami nila, naglaban na siguro ang dalawa! Suminghal si Fane at tumingin kay Graham na nasa tabi niya. Wala sa magandang kalagayan si Graham at mukhang gusto niyang iwasan ang lahat sa pamamagitan ng pagpikit. Umupo si Graham habang ginagamot niya ang kanyang sariling sugat. Hindi rin maganda ang lagay ng lalaking nakamaskara. Ang mga sugat ng lalaking nakamaskara ay medyo mas mababaw kumpara kay Graham. Napuruhan rin talaga si Fane, ngunit kumpara sa dalawa, wala lang ang mga sugat na ito. Uminom rin siya ng
Malakas na sinabi ng lalaking nakamaskara, "Huwag mong aakalaing matatalo ako sa'yo dahil lang mas maganda ang resulta mo! Sinasabi ko sa'yo… kapag nasa pinakamagandang kalagayan ako, o kung mapagpasyahan kong ilaan ang buhay ko, hindi mo ako matatalo!" Maaaring hindi alam ng iba ang lihim na mensahe ng lalaking nakamaskara, ngunit naintindihan nang malinaw ni Fane ang mensahe nito. Higit sa lahat, nasaksihan na niya ang tunay na lakas nito noon. Bilang isang taong nakarating na ng spring solidifying realm, siguradong uminom ng gamot ang lalaking nakamaskara para ibaba ang kanyang lakas! Tama nga siya, kapag hindi limitado ang kanyang kapangyarihan, walang laban si Fane. Ngunit si Fane ay nasa intermediate stage lamang ng innate level. Kapag nakarating si Fane sa spring solidifying realm, hindi na siya mag-aabala sa taong ito! Huminga nang malalim si Fane, kumikislap ang kanyang mata habang malalim ang kanyang iniisip. Bigla siyang nabahala sa loob niya. Kapag pinilit ng taong
Magiging mahirap na inumin ang spirit refining pill nang walang paghahanda, iyon ang alam ng lahat. Ngunit hindi nila alam na sobrang lakas ng epektong medisinal ng spirit refining pill. Pinapalakas nito ang kaluluwa sa pamamagitan ng medisinal na epekto para baklasin ang kaluluwa at muli itong buoin, at mahahasa ang kaluluwa! Tuwing nababaklas at nabubuo ang kaluluwa, mas nagiging matibay ito at nawawalan ng dumi! Unti-unti itong magiging isang matalim na espada! Ang sakit kapag binabaklas ang kaluluwa ay hindi kakayanin ng isang karaniwang tao. Ang iba ay nababaliw sa sobrang sakit. Kailangan nito ng sobrang tibay na kaluluwa para kayanin ito. Tumawa nang malakas ang lalaking nakamaskara habang sinasabi, "Mokong! Mukhang hindi na natin kailangang maglaban, ikaw mismo ang papatay sa sarili mo!" Hindi makasagot si Fane sa sandaling iyon. Kahit na kaya niya, hindi naman siya sasagot. Nakation sa sarili niyang katawan ang kanyang atensyon. Mula nang makapasok sa kanyang kataw
"Kahit ang isang taong nasa spring solidifying realm o kaya divine solidifying realm ay hindi ito basta susubukan. Tingin niya ba kaya niya? Nagpapakamatay siya!" Tiningnan ni Graham ang lalaking nakamaskara. Nasa punto na si Graham na sobrang tindi na ng poot niya sa taong ito. Kahit anong mangyari, sobrang laki ng problemang binigay nito kay Graham at pumatay pa ito ng maraming disipulo ng Thousand Leaves Pavilion. Balak niya sanang hindi pansinin ang lalaking nakamaskara, ngunit pagkatapos niyang marinig ang mayabang na salita nito, hindi mapigilan ni Graham na sabihin, "Laging ganyang ang sinasabi mo tungkol kay Fane, pero diba ikaw naman ang laging talo? Huwag kang basta namumuna nang ganyan!" Biglang namula sa galit ang mukha ng lalaking nakamaskara at gusto niyang magsimula na agad ng away kay Graham! Nang sasagot na sana ito, hindi na mapigilan ni Fane na sumigaw sa sakit, "Ahhh…" Ngunit ang sigaw na ito ay napigilan ni Fane sa kalagitnaan. Tinikom niya nang maigi ang k
"Sa oras na maubusan ng spiritual energy si Fane upang suportahan ang muling pagbuo sa kanyang kaluluwa, mawawasak ang kaluluwa niya! Kapag nangyari ang bagay na iyon, hindi lang siya magtatamo ng malubhang pinsala, maaaring mamatay si Fane."Nagsilbing paalala sa lahat ang mga sinabi ni Benjamin. Kung sabagay, karamihan sa kanila ay hindi alam ang tungkol sa spirit refining pill. Hindi lang isang mahusay na mandirigma si Benjamin, isa rin siyang future alchemist. Mas marami siyang alam tungkol sa mga pill kaysa sa mga ordinaryong tao, kaya natural na mapagkakatiwalaan ang mga salita niya. Mukhang mamamatay na ang buong pamilya ni Isaiah sa ekspresyon niya. "Anong gagawin natin?!" Noong mga sandaling iyon, hindi niya alam kung ano pa ang magagawa niya maliban sa sabihin iyon. Makikita din ang pag-aalala sa mukha ni Nelson. Mula noong nilunok ni Fane ang spirit refining pill, hindi na tumigil sa pag-aalala si Nelson. Umiling siya, hindi niya masagot ang tanong ni Isaiah. Maliban
Pagkatapos nun, tumingin siya sa iba pang tao sa paligid niya. Maliban sa mga disipulo mula sa mga northern clan, nandoon din ang mga disipulo ng southern clan, na nakatingin sa kanya ng may ngiti sa kanilang mga mukha gaya ng lalaking nakamaskara. Hinihintay nilang lahat na mabigo si Fane sa muling pagbuo sa kanyang kaluluwa at mamatay! Suminghal si Fane at tumango, sumang-ayon siya sa lalaking nakamaskara. Biglang nagsigawan ang ibang mga tao noong nakita nila na sumang-ayon si Fane. Nagsimulang magkwentuhan ng masaya ang mga disipulo ng southern clan na may ayaw kay Fane. "Diyos ko! Ilang oras pa lang lumipas, at naubos na agad ang true energy niya. Tingnan niyo si Fane, nanginginig ang buong katawan niya. Halatang patuloy pa ring pinupunit at binubuo ang kaluluwa niya.“Kung wala ang true energy niya bilang suporta, hindi na magagawang buuin ni Fane ang kanyang kaluluwa! Wala na siyang magagawa kundi panoorin ang pagkawasak ng kanyang kaluluwa. Paano niya ito malalampasan?
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin