Slap!Sa kasamaang palad, malakas na sinampal ni Roy ang mukha ni Neil, "Sino ang sinisigawan mo? 'Di mo ba nakikita na nagbibiro lang si Fane?" "Dad, siya ay…" Nagalit si Neil. Gusto niyang pagpunit-punitin si Fear. Tinitigan siya ni Roy nang masama. Pagkatapos, tumalikod siya at hinawakan ang kanyang kamay pagkasabing, "Brother Fane, nakakatawa talaga mga biro mo. Ako na ang mauuna, at pasensya na sa pang-iistorbo!" "Sa uulitin!" Kalmadong sabi ni Fane. Di nagtagal, umalis na ang mga tao mula sa Hugo family. Nagalit at nainsulto si Neil sa daan nila pabalik. Nang makarating na sila sa bakuran ng villa, hindi na napigilan ni Neil ang kanyang sarili, "Dad, bakit ka nanahimik habang trinato akong ganun? Isa tayong second-class aristocratic family, paano mo hinayaang pagtripan tayo ng isang sundalo? 'Di ko 'to matatanggap!" Doon lamang lumingon si Roy at tinignan ang kanyang anak. Bumuntong hininga siya nang may emosyon. "Hah, hindi 'yon dahil sa mahina ako, ginagawa k
Malamig pa rin ang mukha ni Selena habang tinitigan niya nang masama ang kanyang ina, "Ma, di ba ang bilis naman magbago ng isip mo? Kahit na patitirahin mo siya dito, hindi siya pwedeng matulog sa kwarto kasama ako. Galit pa rin ako! Three million lang 'yan. Hindi ko pagkakatiwalaan ang sinungaling na 'to nang dahil lang sa pera." Masakit ang mga sinabi ni Selena kay Fane kanina. Imposible na magbago ang ugali niya nang biglaan. Masyado itong nakakahiya para sa kanya. "Saan mo pala siya gustong patulugin kung di kayo magkasama matulog? 'Wag mo pala siya patulugin sa kama mo, maglatag ka sa lapag!" Nakampante si Fiona hawak ang tatlong milyon, "Wag kang mag-alala, 20 days na lang at birthday na ng lolo mo. Kung hindi niya tayo mabibigyan ng forty million, papalayasin natin siya. Malalaman rin natin kung nagsisinungaling siya o hindi!" "Forty million? Di ba ang usapan thirty million lang?" Nagulat ang katulong na si Jenny. "Bakit biglang tumaas ng ten million?" "Tumaas na an
Hindi inaasahan ni Fane na sasabihin iyon ni Selena sa ganitong pagkakataon. Tinignan niya muna ang kanilang anak na natutulog nang mahimbing sa kama bago tumango si Fane. "Syempre, gusto kitang halikan!" Namula ang pisngi ni Selena habang naglakad siya papalapit kay Fane. Kasunod nito ay nagsalita siya, "Pwede mo kong halikan kung sasabihin mo ang totoo!" "Sigurado ka? Pwede kitang halikan kapag sinabi ko ang totoo?" Kumunot ang noo ni Fane. Pakiramdam niya ay mas magulo pa ito kumpara sa unang tingin. "Syempre! Hindi ako bumibitaw sa mga sinabi ko!" "Sige, sasabihin ko sa'yo ang totoo!" Tinaas ni Fane ang kanyang kamay at nangako. "Sabihin mo sa'kin ang totoo, ang Goddess of War ba talaga ang babaeng nakamaskara na 'yon?" Tanong ni Selena. Tumango si Fane. "Syempre. Siya si Lana, ang nag-iisang Goddess of War. Totoo 'yon!" "Kaibigan mo ba talaga siya? Wag kang magsinungaling sa'kin!" Tinitigan ni Selena si Fane na para bang gusto niyang makita ang nasa likod n
"Mm!" Bago siya matapos magsalita, binaba ng lalaki ang kanyang ulo at hinalikan ang kanyang mapupulang labi. Kaagad na nanlaki ang mga mata ni Selena. Natulala siya. Hindi niya inasahan na ganito katapang si Fane at hinalikan siya nang ganito. Bumilis ang tibok ng kanyang puso at nanghina ang kanyang mga tuhod! "Lumayo ka sa'kin!" Tinulak niya si Fane nang mawala siya sa pagkakatulala. Kasunod nito ay galit siyang nagsalita, "Ikaw, paano, paano mo nagawang halikan ako nang ganun… Hindi na sana kita pinayagang matulog sa kwarto kasama ko!" "Nangako ka kanina. Ngayon na sinabi ko sa'yo ang totoo, kailangan mong tuparin ang pangako mo!" Dinilaan ni Fane ang kanyang labi at naglakad pabalik sa kanyang kama. Humiga siya at ninamnam ang sandali. "Hindi ako magsisipilyo bukas. Malamang maganda ang panaginip ko mamaya!" Nainis si Selena. Hindi niya alam na tuso pala si Fane minsan. Parehong walang pasok si Selena at Fane sa sumunod na araw. Naghahanda silang dalawa para da
Nagdilim ang mukha ni Selena nang marinig niya ang sinabi ni Rachel. Masaya siya na nagkataong nakasalubong niya ang isa sa mga dati niyang kaklase, pero hindi niya inaasahan na mamatahin siya nito. Nakakilala at kinasal si Rachel sa isang mayamang lalaki sa kanilang pangalawang taon sa kolehiyo. Hindi nagtagal pagkatapos nilang makapagtapos, nabuntis siya at nagkaanak. Base roon, anim na taong gulang na ang kanyang anak at nasa senior class na ng kindergarten. "Magkano ang tuition fee dito?" Hindi sigurado si Selena tungkol sa tuition fee; narinig niya lang na ito ang pinakamagandang kindergarten. "Haha, nasa hundred and twenty thousand ito kada taon kasama na ang living expenses. So? May pera ka ba?" Tumawa si Rachel at nagsabing, "Selena, ikaw ang pinakamaganda sa klase natin noon. Sabi rin ng iba na nanggaling ka sa isang mayamang pamilya. Naiinggit sayo ang buong klase!" Saglit na huminto si Rachel pagkatapos ng kanyang mga sinabi. Kasunod nito ay nagpatuloy siya, "Y
Hindi na siya pinansin ni Selena. Hindi niya alam na ganoon pa rin pala kamateryoso ni Rachel pagkaraan ng maraming taon. "Tara na!" Sabi ni Fane habang mabilis siyang lumapit nang nakangiti. "Hindi sapat ang pera ko. Nakasalubong ko lang kanina ang dati kong kaklase. Nag-aaral ang anak niya sa kindergarten. Sabi niya sa'kin na 180,000 raw ang taunang fees! Kulang ako ng twenty thousand!" Kumunot ang noo ni Selena, "Nahulog na kaya nila ang pera sa bangko? Kapag natapos na sila, sasabihan ko sila na magpadala ng twenty thousand sa'kin!" "Tara na! Gagamitin lang natin ang card mo!" Nang makitang nakasimangot si Selena, hindi mapigilan ni Fane hawakan ang kanyang kamay at hilahin siya. "Ah!" Sa sandaling napansin na ni Selena kung anong nangyayari, nahila na siya ni Fane ng maraming hakbang. Ito ang unang beses na nagkahawak sila ng kamay ng ganito at namula ang kanyang pisngi. Ang kabilang kamay ni Fane ay nakahawak sa maliit na kamay ni Kylie. Pagkapasok nila sa kin
"Ikaw, sino ka ba? Ang kaklase ko ang kausap ko, 'wag kang sumabat!" Nainis ang babae. Ngunit, kaagad siyang suminghal at mapangmaliit na nagsalita, "Hay naku, Selena, ito ang lalaki mo? Hindi lang siya mahirap, mukhang wala rin siyang modo. Napakabastos niya magsalita, para bang may pinagmamayabang sjya sa kanyang kahirapan. Namamangha ako!" "Hehe, sinong may sabing mahirap ako?" Tumawa si Fane, pagkatapos ay naglabas siya ng isang ATM card at inabot ito sa assistant ng kindergarten principal na may hawak sa bayarin. "Ganda, card ang gagamitin namin. Hindi nito kailangan ng password!" "Tsk… tsk… nagawa mong manghiram ng hundred and twenty thousand nang ganoon kadali? Ang hirap siguro nun! Siguro naubos lahat ng naiisip niyong paraan para makuha 'to!" Suminghal na naman si Rachel. "Hundred and twenty thousand lang naman 'yun. Bakit kailangan kong manghiram?" Walang ibang masabi si Fane. Masyadong mapangmata ang babaeng ito. "Huhu!" Sa sandaling iyon ay biglang umiyak
Umiyak si Kylie habang nagpapaliwanag. Hinimas ni Selena ang ulo ni Kylie. "Good girl, wag ka na umiyak, wag na umiyak!" Pagkatapos niyang aluhin si Kylie ay tumayo si Selena at kaagad na naging malaking ang kanyang ekspresyon. "Rachel Linsay, sumosobra ka na! Tumumba mag-isa ang anak mo tapos sisisihin mo ang anak ko? At saka hindi b*stardo si Kylie. May tatay siya!" "Isa siyang b*stardo. Talagang b*stardo. Sabi ni Mommy, eh. Ang batang walang tatay ay isang b*stardo!" "Namatay sa giyera ang tatay niya. Kung hindi siya b*stardo, eh ano siya?" Hindi naniwala ang anak ni Rachel at nagsimulang sumigaw. "Sinong may sabing wala siyang tatay? Siya ang tatay niya. Bumalik na siya mula sa giyera." Ito ang unang beses ni Fane na makitang magalit si Selena. Ang kanyang anak ang kanyang mundo. Kaya niyang tiisin ang away-bata, pero kung matanda na ang kabilang partido at tinulak si Kylie nang walang katwiran, iyon ang hindi niya papalagpasin. "Sinong nakakaalam kung nagsisinungal