Share

Kabanata 133

Author: Moneto
Biglang naalala ni Fiona ang narinig niya kanina bago umalis sina Ben at Xena. May sinabi si Selena sa telepono tungkol sa pagkain sa labas at paggastos ng tatlong daang libo. Mukha ngang lumabas sila para kumain ng hapunan.

"'Wag mo nang pansinin 'yon, ma. Ang gulo ng pangyayari. At iyon rin ang unang beses ko na makakain sa isang six-star hotel! Lahat ng iyon ay dahil sa Procurement Department Head---si Sonia Neal!"

Bumuntong hininga muna si Selena bago sinabi kay Fiona ang dahilan kung bakit niya kailangang manlibre sa ganoong klaseng lugar. "Napakaoportunista naman ng department head na 'yon. Gumagawa lang siya ng dahilan para mawala ka kasi ayaw ka niyang maging bagong manager!' sabi ni Fiona. "Tutulungan kita sa hapunan na iyon. Dapat ipakita mo sa lahat kung anong kaya mong gawin! Kapag talagang nilibre mo sila ng hapunan, tiyak na nakikinig sa'yo ang iba mong mga katrabaho mula ngayon!"

Nagalit si Fiona para sa kanyang anak nang marinig niya ito. Kaagad na kumunot ang kan
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 134

    Nagalit si Fiona nang maisip niyang nawalan na naman siya ng 1.4 million pero wala na siyang magagawa kasi wala na ang pera. Sa huli, wala siyang magawa kundi tumigil at umuwi. Nakahinga nang maluwag si Joan nang makita niyang nakauwi na ang kanyang anak at bumalik sa kanyang bahay. "Tara na, dear. Amoy alak tayo. Bakit di tayo maligo nang sabay?" Nagsilab ang pagnanasa sa kalooban ni Fane habang tinitigan niyang maigi ang katawan ni Selena na nadidiliman sa gitna ng mga poste ng ilaw. Kahit na isa siyang taong may prinsipyo, bata-bata pa rin siya at nasa dalawampung taon pa lamang. Maliban roon, asawa niya rin si Selena. Natural na mapagpapantasyahan niya ang babae pagkatapos niya itong hindi mahawakan ng limang taon. "Ikaw kamo---naging mabuti lang ako sa'yo nang konti tapos bigla kang sumosobra!" Inirapan ni Selena si Fane. "Maliban roon, hindi naman tayo ganoon kalapit sa isa't isa noon pero gusto mo na akong hawakan ngayon. Managinip ka na lang!" sabi niya. "Matatawag mo

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 135

    "Limang taon na naging sundalo ang mokong na 'yon, Scar. Tinuturing siya na isang beterano. Sobrang husay. 'Wag mo siyang maliitin!" Pagpapaalala ni Ned nang maisip niya kung paanong maski si Dan ay natatakot na humarap kay Fane. Sinasabi ni Dan na kaya niyang tumalo ng isang daang tao nang mag-isa, kahit na iniisip ni Ned na Isa lang itong pagmamayabang. Kahit na ganoon, para maging ganoon kataas ang tingin sa kanya ni Dan, nahihinuha niya na mayroong lebel ng kakayahan si Fane. "Huwag kang mag-alala. Marami tayong taong kasama. May nakasalubong nga akong pakialamerong mokong nitong nakaraang araw at ngayon patay na siya dahil sa'kin! At saka, ang dami-dami natin dito!" Tumawa si Scar, sabay malamig na tumingin kay Ned. "Sa tingin mo ba talaga magkasing lebel lang tayo pagkatapos mong maging isa sa mga high rank assistant ni Master Howard? Hah! Napatunayan ko na ang aking lakas gamit ng mga kamao ko!" Nagpatuloy silang dalawa na mag-usap. Mga ilang sandali muna ang nakalipas b

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 136

    "Yung asawa niya, si Selena Taylor, napakaganda noon!" Sa tabi nila, malamig na tumawa si Scar pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Ned. "Hoy, hoy. Gusto mo rin bang maglaro, Brother Scar?" Ngumisi si Ned at nagsalita. "Bahala na, hindi ako interesado sa mga babae!" Malamig na ngumiti si Scar at tumingin kay Fane. "Bata, tutuparin ko ang hiling mo at susundan ka namin sa abandonadong gusali. Hindi masaya kung hindi kita tatapusin sa libingan na pinili mo." "Haha, tara na!" Tumawa si Fane at naglakad papunta sa abandonadong gusali. Sumunod sa kanya sina Scar at naglakad nang may sabay-sabay na bilis. Nagporma pa sila ng kalahating bilog para pigilan si Fane na makatakas. Hindi nagtagal, pumasok ang grupo ng tao sa isang abandonadong gusali. "Bata, ganto na lang. Bibigyan kita ng pagkakataon ngayon base sa katotohanan na pinagsilbihan mo ang Cathysia ng limang taon!" Pinalibutan si Fane ng grupo ng mga tao sabay ngumisi si Ned at nagsabing, "Pwede mong tawagin ang asawa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 137

    Hindi nagpadalos-dalos si Scar at handa na gamitin ang sabay-sabay na atake pagkatapos niyang makita kung gaano nakakatakot si Fane. "Atake!" Sumugod ang iba at pinalibutan si Fane sa gitna ng hindi matinag na grupo ng tao. Napakabilis ni Fane. Kahit na ang daming taong sumugod sa kanya, wala sa kanila ang makalapit sa kanya. Isa-isa silang sumugod pero ang bawat isa sa kanila ay tinapos ng kutsilyo ni Fane. Ang ilan sa kanila, tanging ang kislap lang ng kutsilyo ang nakita bago namatay at wala na ang kanilang ulo sa kanilang leeg. "Hindi… hindi maaari!" Wala pang dalawang minuto ang nakakalipas, ang buong lugar ay napuno ng mga bangkay at umalingasaw sa ere ang amoy ng dugo. Habang nakatayo sa isang tabi, pinanood nila Ned at ng kanyang mga tagasunod ang palabas at nakangiti silang lahat sa umpisa. Sa kanilang mga mata, kumikilos lang si Fane dahil nasa pahamak ang kanyang buhay at mamatay siya sa isang grupong labanan. Unti-unting nawala ang mga ngiti sa kanilang mga mu

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 138

    "Ah!" Lumuhod si Ned sa lapag at sumigaw nang malakas sa sobrang sakit, basa ng pawis ang kanyang noo. Isa sa kanyang mga binti ay nakaluhod sa lapag at ang isa ay nakatupi. Sinubukan niyang tumayo pero nanginginig ang binti niya sa sakit at hindi siya nagtatagumpay kahit ilang beses niyang subukan. Nagngitngit ang kanyang ngipin, tumalikod siya at tumingin. Kumilos nang napakabilis si Fane na para ba siyang naging maraming anino, ang mga tagasunod sa kanyang likuran ay sunod-sunod na pinagpapatay. Ang abandonadong gusali ay naging impyerno sa mundong ibabaw. "Ah!" Para makaligtas, pinagkiskis ni Ned ang kanyang ngipin at buong lakas na binunot ang kutsilyo sa kanyang binti. Napakasakit nito na muntikan nang huminto ang kanyang utak at halos himatayin. Nabasa na ng dugo ang kanyang pantalon pagkatapos niyang bunutin ang kutsilyo. Pagkatapos niyang magpahinga sandali, nagawa ni Ned na makatayo at nagpaika-ika para makatakas palabas. Subalit, napakabilis na nagsibagsakan an

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 139

    Tanong ni Ben pagkatapos niyang mapansin na mayroong mali. Mapait na ngumiti si Xena bago nagsalita nang nakakunot ang noo, "Sinermonan ko ang brother-in-law mo kahapon. Sa sandaling iyon ay nag-aalala ako sa pamilya ninyo. Sinabi ko ang mga salitang iyon dahil natatakot ako na baka napasama niya ang loob ng Drake Family. Natatakot ako na baka magtanim siya ng galit at ibunton ito sa'kin sa pagdating ng panahon!" "Gagawin niya ba yun? Hindi naman siya mukhang ganoong klaseng tao. At saka, bakit niya tatangkaing pagbuntunan ka ngayong marami siyang kasalanan sa pamilya namin?" "Higit pa roon, isang hindi pagkakaunawaan lamang ang nangyari kahapon at naiintindihan naman na natatakot tayo na baka gumawa siya ng problema para sa Taylor Family. Hindi mo 'yon kasalanan!" Tiwalang sabi ni Ben. "Natatakot ako na magalit siya at mawala ang pangako niya na bibigyan ka ng kotse!" Sinabi ni Xena ang kanyang saloobin. "Ay, wala lang 'yun!" Kaagad na sabi ni Fiona, "Huwag niyong alalahanin

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 140

    "Sino ba ang taong iyon? Napakalakas niya na napatay niya si Scar!" Kumunot ang noo ng isang matabang lalaki at mukhang seryoso. "Napakaraming tao ang naroon, napagod siguro siya dahil dito. Alam na alam ko ang kakayahan ni Scar! Mayroon siyang espesyal na trick na sa sobrang lakas ay walang nakakatakas mula rito!" Mukhang seryoso rin ang isa pang lalaki. "Ang pokus ngayon, nakasara ang lugar na iyon at nililipat na ang mga katawan. Dahil dito, hindi natin maiimbestigahan ang lugar na pinangyarihan nito. At kapag hindi natin ito maimbestigahan, hindi natin malalaman kung ano talagang nangyari!" Huminto siya bago nagpatuloy, "Posible kaya na hindi nag-iisa ang lalaki?" "Hindi natin alam iyan!" Pinag-isipan ni Master Howard ang tungkol dito at mayroon siyang malungkot na ekspresyon sa kanyang mukha. "Hindi ko pa rin alam kung sino ang taong iyon. Ang alam ko lang ay lumabas sila Ned at ang iba pa kahapon para magsaya at isang beterano ang umatake sa kanya. Sabi ni Ned ay napakalaka

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 141

    Tinignan ni Ivan ang paligid at naglakad papasok habang nagsasalita. Hindi nagtagal ay nakita niya ang manager's office."So ikaw si Young Master Taylor. Hayaan mong ipaalam ko ito sa manager!" Naintindihan ito ni Sonia at nagsalita. "Hindi mo na kailangang gawin 'yan, nahanap ko na. Hindi ba ito ang manager's office? Magandang dalaga, 'wag ka nang mangialam, papasok ako mag-isa!" Ngumiti si Ivan, tumalikod, at inutusan ang kanyang mga bodyguard, "Hintayin niyo ako sa may entrance!" Pagkatapos niyang magsalita, binuksan niya ang pinto, pumasok, at kaagad itong sinara. "Bakit hindi ka kumatok?" Tanong ni Selena nang nakayuko dahil aligaga siya sa trabaho. Nang iniangat niya ang kanyang tingin ay nabigla siya. "Ivan Taylor, bakit ka nandito?" Wala siyang espesyal na nararamdaman para kay Ivan. Ilang taon ang nakakaraan, nagalit at nag-alala ang kanyang Lolo para sa reputasyon ng Taylor Family noong pinalayas ang buo niyang pamilya mula sa Taylor Family. Hindi sinisi ni Sele

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status