Biglang naalala ni Fiona ang narinig niya kanina bago umalis sina Ben at Xena. May sinabi si Selena sa telepono tungkol sa pagkain sa labas at paggastos ng tatlong daang libo. Mukha ngang lumabas sila para kumain ng hapunan. "'Wag mo nang pansinin 'yon, ma. Ang gulo ng pangyayari. At iyon rin ang unang beses ko na makakain sa isang six-star hotel! Lahat ng iyon ay dahil sa Procurement Department Head---si Sonia Neal!" Bumuntong hininga muna si Selena bago sinabi kay Fiona ang dahilan kung bakit niya kailangang manlibre sa ganoong klaseng lugar. "Napakaoportunista naman ng department head na 'yon. Gumagawa lang siya ng dahilan para mawala ka kasi ayaw ka niyang maging bagong manager!' sabi ni Fiona. "Tutulungan kita sa hapunan na iyon. Dapat ipakita mo sa lahat kung anong kaya mong gawin! Kapag talagang nilibre mo sila ng hapunan, tiyak na nakikinig sa'yo ang iba mong mga katrabaho mula ngayon!" Nagalit si Fiona para sa kanyang anak nang marinig niya ito. Kaagad na kumunot ang kan
Nagalit si Fiona nang maisip niyang nawalan na naman siya ng 1.4 million pero wala na siyang magagawa kasi wala na ang pera. Sa huli, wala siyang magawa kundi tumigil at umuwi. Nakahinga nang maluwag si Joan nang makita niyang nakauwi na ang kanyang anak at bumalik sa kanyang bahay. "Tara na, dear. Amoy alak tayo. Bakit di tayo maligo nang sabay?" Nagsilab ang pagnanasa sa kalooban ni Fane habang tinitigan niyang maigi ang katawan ni Selena na nadidiliman sa gitna ng mga poste ng ilaw. Kahit na isa siyang taong may prinsipyo, bata-bata pa rin siya at nasa dalawampung taon pa lamang. Maliban roon, asawa niya rin si Selena. Natural na mapagpapantasyahan niya ang babae pagkatapos niya itong hindi mahawakan ng limang taon. "Ikaw kamo---naging mabuti lang ako sa'yo nang konti tapos bigla kang sumosobra!" Inirapan ni Selena si Fane. "Maliban roon, hindi naman tayo ganoon kalapit sa isa't isa noon pero gusto mo na akong hawakan ngayon. Managinip ka na lang!" sabi niya. "Matatawag mo
"Limang taon na naging sundalo ang mokong na 'yon, Scar. Tinuturing siya na isang beterano. Sobrang husay. 'Wag mo siyang maliitin!" Pagpapaalala ni Ned nang maisip niya kung paanong maski si Dan ay natatakot na humarap kay Fane. Sinasabi ni Dan na kaya niyang tumalo ng isang daang tao nang mag-isa, kahit na iniisip ni Ned na Isa lang itong pagmamayabang. Kahit na ganoon, para maging ganoon kataas ang tingin sa kanya ni Dan, nahihinuha niya na mayroong lebel ng kakayahan si Fane. "Huwag kang mag-alala. Marami tayong taong kasama. May nakasalubong nga akong pakialamerong mokong nitong nakaraang araw at ngayon patay na siya dahil sa'kin! At saka, ang dami-dami natin dito!" Tumawa si Scar, sabay malamig na tumingin kay Ned. "Sa tingin mo ba talaga magkasing lebel lang tayo pagkatapos mong maging isa sa mga high rank assistant ni Master Howard? Hah! Napatunayan ko na ang aking lakas gamit ng mga kamao ko!" Nagpatuloy silang dalawa na mag-usap. Mga ilang sandali muna ang nakalipas b
"Yung asawa niya, si Selena Taylor, napakaganda noon!" Sa tabi nila, malamig na tumawa si Scar pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Ned. "Hoy, hoy. Gusto mo rin bang maglaro, Brother Scar?" Ngumisi si Ned at nagsalita. "Bahala na, hindi ako interesado sa mga babae!" Malamig na ngumiti si Scar at tumingin kay Fane. "Bata, tutuparin ko ang hiling mo at susundan ka namin sa abandonadong gusali. Hindi masaya kung hindi kita tatapusin sa libingan na pinili mo." "Haha, tara na!" Tumawa si Fane at naglakad papunta sa abandonadong gusali. Sumunod sa kanya sina Scar at naglakad nang may sabay-sabay na bilis. Nagporma pa sila ng kalahating bilog para pigilan si Fane na makatakas. Hindi nagtagal, pumasok ang grupo ng tao sa isang abandonadong gusali. "Bata, ganto na lang. Bibigyan kita ng pagkakataon ngayon base sa katotohanan na pinagsilbihan mo ang Cathysia ng limang taon!" Pinalibutan si Fane ng grupo ng mga tao sabay ngumisi si Ned at nagsabing, "Pwede mong tawagin ang asawa
Hindi nagpadalos-dalos si Scar at handa na gamitin ang sabay-sabay na atake pagkatapos niyang makita kung gaano nakakatakot si Fane. "Atake!" Sumugod ang iba at pinalibutan si Fane sa gitna ng hindi matinag na grupo ng tao. Napakabilis ni Fane. Kahit na ang daming taong sumugod sa kanya, wala sa kanila ang makalapit sa kanya. Isa-isa silang sumugod pero ang bawat isa sa kanila ay tinapos ng kutsilyo ni Fane. Ang ilan sa kanila, tanging ang kislap lang ng kutsilyo ang nakita bago namatay at wala na ang kanilang ulo sa kanilang leeg. "Hindi… hindi maaari!" Wala pang dalawang minuto ang nakakalipas, ang buong lugar ay napuno ng mga bangkay at umalingasaw sa ere ang amoy ng dugo. Habang nakatayo sa isang tabi, pinanood nila Ned at ng kanyang mga tagasunod ang palabas at nakangiti silang lahat sa umpisa. Sa kanilang mga mata, kumikilos lang si Fane dahil nasa pahamak ang kanyang buhay at mamatay siya sa isang grupong labanan. Unti-unting nawala ang mga ngiti sa kanilang mga mu
"Ah!" Lumuhod si Ned sa lapag at sumigaw nang malakas sa sobrang sakit, basa ng pawis ang kanyang noo. Isa sa kanyang mga binti ay nakaluhod sa lapag at ang isa ay nakatupi. Sinubukan niyang tumayo pero nanginginig ang binti niya sa sakit at hindi siya nagtatagumpay kahit ilang beses niyang subukan. Nagngitngit ang kanyang ngipin, tumalikod siya at tumingin. Kumilos nang napakabilis si Fane na para ba siyang naging maraming anino, ang mga tagasunod sa kanyang likuran ay sunod-sunod na pinagpapatay. Ang abandonadong gusali ay naging impyerno sa mundong ibabaw. "Ah!" Para makaligtas, pinagkiskis ni Ned ang kanyang ngipin at buong lakas na binunot ang kutsilyo sa kanyang binti. Napakasakit nito na muntikan nang huminto ang kanyang utak at halos himatayin. Nabasa na ng dugo ang kanyang pantalon pagkatapos niyang bunutin ang kutsilyo. Pagkatapos niyang magpahinga sandali, nagawa ni Ned na makatayo at nagpaika-ika para makatakas palabas. Subalit, napakabilis na nagsibagsakan an
Tanong ni Ben pagkatapos niyang mapansin na mayroong mali. Mapait na ngumiti si Xena bago nagsalita nang nakakunot ang noo, "Sinermonan ko ang brother-in-law mo kahapon. Sa sandaling iyon ay nag-aalala ako sa pamilya ninyo. Sinabi ko ang mga salitang iyon dahil natatakot ako na baka napasama niya ang loob ng Drake Family. Natatakot ako na baka magtanim siya ng galit at ibunton ito sa'kin sa pagdating ng panahon!" "Gagawin niya ba yun? Hindi naman siya mukhang ganoong klaseng tao. At saka, bakit niya tatangkaing pagbuntunan ka ngayong marami siyang kasalanan sa pamilya namin?" "Higit pa roon, isang hindi pagkakaunawaan lamang ang nangyari kahapon at naiintindihan naman na natatakot tayo na baka gumawa siya ng problema para sa Taylor Family. Hindi mo 'yon kasalanan!" Tiwalang sabi ni Ben. "Natatakot ako na magalit siya at mawala ang pangako niya na bibigyan ka ng kotse!" Sinabi ni Xena ang kanyang saloobin. "Ay, wala lang 'yun!" Kaagad na sabi ni Fiona, "Huwag niyong alalahanin
"Sino ba ang taong iyon? Napakalakas niya na napatay niya si Scar!" Kumunot ang noo ng isang matabang lalaki at mukhang seryoso. "Napakaraming tao ang naroon, napagod siguro siya dahil dito. Alam na alam ko ang kakayahan ni Scar! Mayroon siyang espesyal na trick na sa sobrang lakas ay walang nakakatakas mula rito!" Mukhang seryoso rin ang isa pang lalaki. "Ang pokus ngayon, nakasara ang lugar na iyon at nililipat na ang mga katawan. Dahil dito, hindi natin maiimbestigahan ang lugar na pinangyarihan nito. At kapag hindi natin ito maimbestigahan, hindi natin malalaman kung ano talagang nangyari!" Huminto siya bago nagpatuloy, "Posible kaya na hindi nag-iisa ang lalaki?" "Hindi natin alam iyan!" Pinag-isipan ni Master Howard ang tungkol dito at mayroon siyang malungkot na ekspresyon sa kanyang mukha. "Hindi ko pa rin alam kung sino ang taong iyon. Ang alam ko lang ay lumabas sila Ned at ang iba pa kahapon para magsaya at isang beterano ang umatake sa kanya. Sabi ni Ned ay napakalaka