"Sino ba ang taong iyon? Napakalakas niya na napatay niya si Scar!" Kumunot ang noo ng isang matabang lalaki at mukhang seryoso. "Napakaraming tao ang naroon, napagod siguro siya dahil dito. Alam na alam ko ang kakayahan ni Scar! Mayroon siyang espesyal na trick na sa sobrang lakas ay walang nakakatakas mula rito!" Mukhang seryoso rin ang isa pang lalaki. "Ang pokus ngayon, nakasara ang lugar na iyon at nililipat na ang mga katawan. Dahil dito, hindi natin maiimbestigahan ang lugar na pinangyarihan nito. At kapag hindi natin ito maimbestigahan, hindi natin malalaman kung ano talagang nangyari!" Huminto siya bago nagpatuloy, "Posible kaya na hindi nag-iisa ang lalaki?" "Hindi natin alam iyan!" Pinag-isipan ni Master Howard ang tungkol dito at mayroon siyang malungkot na ekspresyon sa kanyang mukha. "Hindi ko pa rin alam kung sino ang taong iyon. Ang alam ko lang ay lumabas sila Ned at ang iba pa kahapon para magsaya at isang beterano ang umatake sa kanya. Sabi ni Ned ay napakalaka
Tinignan ni Ivan ang paligid at naglakad papasok habang nagsasalita. Hindi nagtagal ay nakita niya ang manager's office."So ikaw si Young Master Taylor. Hayaan mong ipaalam ko ito sa manager!" Naintindihan ito ni Sonia at nagsalita. "Hindi mo na kailangang gawin 'yan, nahanap ko na. Hindi ba ito ang manager's office? Magandang dalaga, 'wag ka nang mangialam, papasok ako mag-isa!" Ngumiti si Ivan, tumalikod, at inutusan ang kanyang mga bodyguard, "Hintayin niyo ako sa may entrance!" Pagkatapos niyang magsalita, binuksan niya ang pinto, pumasok, at kaagad itong sinara. "Bakit hindi ka kumatok?" Tanong ni Selena nang nakayuko dahil aligaga siya sa trabaho. Nang iniangat niya ang kanyang tingin ay nabigla siya. "Ivan Taylor, bakit ka nandito?" Wala siyang espesyal na nararamdaman para kay Ivan. Ilang taon ang nakakaraan, nagalit at nag-alala ang kanyang Lolo para sa reputasyon ng Taylor Family noong pinalayas ang buo niyang pamilya mula sa Taylor Family. Hindi sinisi ni Sele
"Pinapunta ka ni Lolo rito? Imposible."Kumunot ang noo ni Selena at nagtataka kung mali ba ang kanyang narinig. "Syempre. Hindi ako narito para sa sarili ko, narito ako para sa Taylor Family. Narito rin ako bilang proxy ni Lolo para pirmahan ang kontratang ito kasama mo!" Malaki ang ngiti sa mukha ni Ivan at sabi kay Selena, "Syempre, nagiging considerate lang ako. Para umangat ka pa sa Drake Family, hindi kita papahirapan sa profit share!" "Imposible!" Nagdilim ang mukha ni Selena. "Nagsisinungaling ka. Sinabi sakin ni Lolo na hindi niya ako pipiliting makipagtrabaho sa Taylor Family ngayong kakasimula ko pa lang magtrabaho rito. Kapag nalaman ito ng mga Drake, mawawalan sila ng tiwala sa akin." Higit pa roon, kilalang kilala ni Selena ang garapal na ugali ni Ivan. Posible na nagsisinungaling lang siya para sa kikitain nito. "Haha, kung hindi ka naniniwala, pwede mo siyang tawagan ngayon din. Hindi ko kailangang magsinungaling sayo sa mga bagay na ganito." Tumawa si Iv
Ngumisi si Ivan. "Selena, napakamangmang mo. Dapat lumuhod siya sa harapan ko at mapalayas sa Taylor family kung di siya makapaglabas ng sapat na pera. Sa gayon, di na siya ang asawa mo at wala na siyang kinalaman sa kahit na sino sa atin. Kukuha ako ng tao para bugbugin siya at gagawin ko ang kahit na anong gusto ko." Huminto muna si Ivan bago magpatuloy, "Alam kong malambot ang puso mo at siguradong maaawa ka sa kanya. May mungkahi ako para dito. Kung pipirmahan mo ang kontrata kasama ko, ipapawalangbisa ko ang sampung milyong kabayaran, pwede kitang bigyan ng dalawampung milyon para tulungan si Fane na bayaran ang sampung milyong halaga ng dote. Ang matitirang sampung milyon ay magagamit niya para bumili ng regalo ng old master para matanggap siya ng mga Taylor." Talagang nakakaakit ang alok ni Ivan at natukso si Selena. Subalit umiling siya. "Hindi maaari, di ko ito maipapangako sa iyo. Di ko ito maaaring gawin bilang isang miyembro ng Procurement Department ng Drake Group. K
Kumirot ang sulok ng bibig ni Selena at nagdilim ang mukha niya. "Ivan, nilinaw ko na sayo. Di mo ba naiintindihan na di yun tungkol sa tiyempo? Tungkol ito sa prinsipyo. Di ba dapat nating isipin ang pangmatagalang benepisyo ng Taylor family at wag madaliin ang mga bagay?" "Hoy, naglakas-loob na mag-alok ang old master kasi kampante siya sa kalidad ng mga materyales na panggawa ng Taylor family! Isa ka sa mga Taylor kaya alam mo nang husto ang kalidad ng mga materyales sa panggawa natin! Napanatili naman nating malinis ang reputasyon natin diba? Kakailanganin mo pa ding makipagtrabaho sa isang kompanya. Ang makipagtrabaho sa amin ay walang pinagkaiba. Bukod pa rito, dapat mas may tiwala ka sa pamilya mo!" Ngumiti si Ivan at mas naging malinaw ang sinseridad niya. Nagdalawang-isip si Selena dahil totoo ang sinabi ni Ivan. Kung di lang niya papansinin ang magiging usap-usapan ng Drake Group kapag nakatalikod siya… may tiwala siya sa kalidad nh mga materyales ng Taylor Group. "Sele
Nagsimulang magtsismisan si Sonia at Felicia pagpasok ni Ivan sa opisina ni Selena. "Sonia, kilala mo ba kung sino yun? Napakayabang niya na dumiretso siya mismo sa opisina. Nagdala pa siya ng mga bodyguard kasama niya!" Tumingin si Felicia sa opisina bago tanungin si Sonia. Ngumisi si Sonia. "Sino pa ba? Siya ang young master ng Taylor family, si Ivan Taylor! Isa siya sa mga palikero. Siya ang namamahala sa Taylor Group ngayon at hinuhuthot ang pera ng kompanya!" "Talaga?" Sumimangot si Felicia. "Eh bakit siya nandito? Balita ko di magkasundo si Ivan at si Selena dahil ayaw niya dito dahil pinalayas ito sa Taylor family! "Tingin ko alam ko na! Nandito si Ivan dalawang araw pa lang makalipas mula noong maging Procurement Manager si Selena. Malinaw na gusto niyang papirmahin ng kontrata si Selena at ibigay ang malaking proyekto na ito sa Taylor family!" Lumiwanag ang mga mata ni Felicia at nagpatuloy, "Kung ganon edi nakakabigla! Di ba inaabuso niya ang kapangyarihan niya bila
"Makipag-usap sayo?" Sumimangot si Ivan at tinimbang ang babae sa harap niya. Nasa mga 20 taong gulang ang babae, nakasuot ng propsyonal na damit pang opisina, at nakasalamin. Mukha siyang matalino at may kakayahan. Tumingin nang maigi si Ivan at napansin na medyo maganda ito. "Tama, ako ang supervisor dito at medyo maimpluwensya ako!" Ngumiti si Sonia at nagpatuloy, "Napakaraming tao dito. Bakit di ka pumasok sa opisina ko at mag-usap tayong dalawa!" "Sige!" Palihim na masaya si Ivan nang marinig niya ito. Malinaw na may mahalaga itong sasabihin sa kanya kung nagpumilit ito na makipag-usap nang pribado. May gusto ba ang magandang babae na ito sa kanya? Mabuti kung ganon! Kaagad silang pumasok sa opisina ni Sonia at ikinandado nito ang pinto. "Sabihin mo, anong kailangan mo sa akin?" Ngumiti si Ivan at umupo sa sofa sa gilid. "Young Master Taylor, kung tama ang hula ko, siguro nandito ka para sa proyektong matatagpuan sa South City noh? Mukhang maraming nakakaalam na na
Bahagyang huminto si Sonia bago siya magpatuloy magsalita, "Young Master Taylor, may sasabihin ako sayo. Noon, ang mga taong nakaatas sa mga materyales na panggawa ay di na sinasabi ang mga bagay na ito nang direkta sa manager. Sa halip ay ako ang pinupuntahan nila, ang supervisor, at sinasabi muna ito sa akin!" "Sayo? Kaya mong magdesisyon bilang isang supervisor at mapapapirmahan namin ang kontrata?" Lumiwanag ang mga mata ni Ivan sa isang iglap at nasasabik na nagsalita. "Miss Neal, siguradong pasasalamatan kita sa hinaharap kung pipirmahan mo ang konratang ito para sa akin! Kaya kitang bigyan ng dalawampu hanggang tatlompung milyon!" Hiss! Napahikbi si Sonia nang marinig niya ito. Gusto niya talagang tanggapin ang pera, ngunit walang kapangyarihan ang mga supervisor na gumawa ng ganitong desisyon. Kaya, nakatanggap lamang siya ng maliliit na handog gaya ng mga dahon ng tsaa sa mga nagdaang taon bilang isang supervisor. Napigilan siya ng posisyon niya na makatanggap ng ganit