Bahagyang huminto si Sonia bago siya magpatuloy magsalita, "Young Master Taylor, may sasabihin ako sayo. Noon, ang mga taong nakaatas sa mga materyales na panggawa ay di na sinasabi ang mga bagay na ito nang direkta sa manager. Sa halip ay ako ang pinupuntahan nila, ang supervisor, at sinasabi muna ito sa akin!" "Sayo? Kaya mong magdesisyon bilang isang supervisor at mapapapirmahan namin ang kontrata?" Lumiwanag ang mga mata ni Ivan sa isang iglap at nasasabik na nagsalita. "Miss Neal, siguradong pasasalamatan kita sa hinaharap kung pipirmahan mo ang konratang ito para sa akin! Kaya kitang bigyan ng dalawampu hanggang tatlompung milyon!" Hiss! Napahikbi si Sonia nang marinig niya ito. Gusto niya talagang tanggapin ang pera, ngunit walang kapangyarihan ang mga supervisor na gumawa ng ganitong desisyon. Kaya, nakatanggap lamang siya ng maliliit na handog gaya ng mga dahon ng tsaa sa mga nagdaang taon bilang isang supervisor. Napigilan siya ng posisyon niya na makatanggap ng ganit
Sumimangot si Sonia at sumagot, "Paano kung ganito, pipigilan ko ang mga supplier na mas magaling sa kompanya mo. Magsisinungaling ako sa kanila na inabot ko ang mga proposal nila. Sa huli, iaabot ko lamang ay ang proposal mula sa Taylor family at mula sa ibang mga maliit na kakompetensiya. Sa gayon, wala siyang ibang pipiliin kundi ikaw diba?" Nagliwanag ang mga mata ni Ivan. Tumayo siya at nagagalak na nagsalita, "Sige ba, napakaganda talaga ng ideya mo! Sa gayon, di na matatakot si Selena na pag-uusapan siya nang iba patalikod. Sa tulong mo di na siya mahihirapan!" "Tama. Paano yan? Sabi ko sayo matutulungan kita," bahagyang ngumiti si Sonia at sinabi. "Halika, heto ang 200 libo!" Ngumiti si Ivan at inialok ang 200 libo na inihanda niya para kay Selena. Inilapag niya ito sa lamesa. "Ang pera na ito ay bilang pagtanaw ng utang na loob. Kahit na wala sayo ang huling pagpapasya at di mo mapipirmahan ang kontrata, babayaran pa rin kita ng sampung milyon bilang pagtanaw ng utang
"Diba mayroong ibang mga kakompetensiya na may gusto ng proyekto?" Halatang nag-aalala ang old master. Sumagot si Ivan, "Lolo wag kang mag-alala. Sasali lamang bilang pormalidad ang ibang mga supplier. Siguradong makukuha natin ang kontrata!" … Kasabay nito, si James at ang pamilya niya ay nag-uusap sa sala ng Drake family mansion. Habang nagsasalita sila, pumasok anh Drake family butler. "Master, may nangyaring malaki kagabu!" "Malaki? Anong nangyari? Maraming mga makapangyarihang tao sa Middle Province kaya di nakakapagtakang may nangyayari!" Walang-bahalang ngumiti si James at inisip na pangkaraniwan lang iyon. "Dalawandaang tao mula sa Dragon God clan ang namatay kagabi sa loob ng isang abandonadong gusali!" Nagsalita ang butler nang maglakad ito palapit. "Ano? Ganun karami ang namatay?" Si Tanya Drake, ang ikalawang anak ng Drake family ay napahikbi dahil nabigla siya. Normal lang na mamatay ang mga tao sa pagbangga sa mga pwersang di nila dapat banggain. Subalit,
"Siguradong magaling siya!" Ngumiti si Timothy nang tignan niya si Fane at sinabi, "Sino kayang mananalo kapag ang mga nangangahalagang 20 milyon na mga bodyguard natin ay nilabanan ang bayaning ito?" Halatang di pa lubusang tanggap ni Timothy si Fane at inakalang masyadong mataas ang tingin ng kanyang ama sa kakayahan ni Fane. Sinubukan niyang umasa na ayos ang kalalabasan ni Fane pero naisip niya na si Fane ay isa lamang pangkaraniwang tao matapos niyang makilala ito. Noon pa niya pakiramdam na sa halip na si Fane, bakit di na lang nila kunin ang loob ng mga God of War gamit ng yaman ng kanilang pamilya. Halatang ang ama niya ay patungo sa maling direksyon. "Oo, tingin mo ba mananalo ka? Gusto kong malaman kasi natalo mo si Harvey!" Biglang naging interesado si Tanya. Tinignan niya si Fane at nagagalak na nagtanong. Nahiya si Fane. Pinapahirap nila ito para sa kanya nang pakiusapan nila siya ka kalabanin ang kanyang sarili. "Kailangan ko siyang makatagpo para mabigyan ko
"Tama yun!" Nang marinig niya na kumampi sa kanya si James, inirapan ni Tanya ang kapatid niya at sinabi, "Sinagot lang niya yung tawag. Siguro may emergency kaya bigla siyang umalis. Hindi naman siguro siya basta na lang aalis ng walang dahilan di ba?" Pagdating ni Fane sa pintuan, tumayo siya doon sandali bago ang isang itim na sports car ang sumugod sa kanya at huminto kung nasaan siya. Isang magandang babaeng nakasuot ng sumbrero at nakasuot ng shades ang nakaupo sa loob ng kotse. Medyo maistilo iyo manamit. "Master…" Nagagalak na tumawag si Lana nang makita niya si Fane. "Anong tinawag mo sa akin?" Nagdilim ang ekspresyon ni Fane dahil parang mahina ata ang memorya ng batang ito. Buti na lang walang ibang taong nandoon kundi nabuking na ang kanyang pagkatao. "Pasensya na, kasi, tuwang-tuwa ako. Kaya…" Naiilang na tumawa si Lana. Pagkatapos nito sinabi niya, "Ehem, ehem. Mr. Fane, dalian mo at pumasok ka, mag-uusap tayo habang bumibiyahe!" "Sige!" Kaagad na pu
"Tama, tama, tama. Ngayong payapa na tayong lahat, dapat magpahinga na kayo at maglibang kahit paano!" Mahinhing tumawa si Fane at sinabi, "Nagpadala ng mensahe sa akin ang Brother Abner mo na nagsasabing bagot na bagot daw siya at gusto niyang magbakasyon." "Talaga? Noong makabalik si Brother Johnson, dinumog siya ng mga tao sa lugar niya. Balita ko napakaraming tao ang naghihintay na makakuha ng pirma niya. Diyos ko, ang eksena na yun…" Tumawa si Lana at sinabi, "Oo nga pala, Brother Fane, ikaw? Alam na ba ng asawa mo at ng iba ang tunay mong pagkatao?" "Hindi!" Ang bakas ng matamis na ngiti ay makikita sa mukha ni Fane. Wala pang nakakakita sa kanyang ngumiti nang ganon noon. Sinabi niya, "Ayaw ko munang ipaalam sa kanila ngayon. Ikinatatakot ko na baka di nila matanggap ang pagkatao ko kapag binigla ko sila. Bukod pa rito, gusto ko ng payapa at tahimik na buhay." "Hay!" Nagdalamhati muli si Lana matapos marinig ang pahayag ni Fane. Sinabi niya, "Oh inggit na inggit ak
"Heheh, kaya para di mabuking ang pagkatao ko, dapat bilisan mong magbid para sa maliwanag na perlas na yun!" Sinabi ni Fane habang humahagikhik. "Oo!" Nang sabihin niya ito, mapait na tumawa si Lana. Sa sandaling ito, may mga nasa pitompu hanggang walampung mga bodyguard na nakasuot ng itim na suit ang nakatayo sa pintuan ng auction house. Mukhang masigla sila at matikas silang nakatayo. Mukha silang malalakas. "Pareho ba kayong narito para sa auction?" Tanong ng isang bodyguard nang makita nila si Fane at Lana. "Syempre!" Ngumiti si Lana nang basta siya maglabas ng isang black card at iwinagayway ito sa harap nito. "Pasok kayo!" Sa sandaling mapansin ito ng bodyguard, kaagad itong umastras at pinayagan silang pumasok. Pagdating nila sa auction, napakarami na kaagad tao sa loob. Nakahanap si Fane at Lana ng pwesto sa likod sa may sulok at nakaupo. "Anong ginagawa nung Fane na yun dito?" Sa sandaling ito na sk Young Master Clark, na nakaupo at naghihintay para
"Oo. Nagtataka din ako dito. Anong ginagawa niya dito!" Kalmadong ngumiti si Ken at sinabi, "Young Master Wilson, tignan mo ang babaeng nasa tabi ng batang yun. Halatang isa siyang mayaman na babae! Alam mo ha kung bakit siya nakasuot ng ganyan, may shades at naka face mask?" "Takot siya na makikilala siya ng mga tao malamang!" Humagikhik si Michael. Hindi siya tanga, kaya bakit pa ito nagtanong nang ganito? "Isipin mo, bakit siya natatakot na makilala ng mga tao?" "Dahil isa siyang mayamang babae, syempre natatakot siya na makikilala siya ng asawa niya!" "Dahil takot siya na makikilala siya ng asawa niya, anong ibig-sabihin nun? Edi, ibig-sabihin nito na ang relasyon niya kay Fane ay hindi lantad!" Sinuri nang maigi ni Ken ang lahat. "Oo, hindi ko inasahan na ganitong palikero pala ang Fane na to. Gawa siya nang gawa ng kung anu-ano para kay Selena pero ngayon, di natin inakalang mangangaliwa siya kay Selena para sa isang mayamang babae!" Tinikom ni Michael ang kayan