"Sino yun, young master?" Isa sa mga tauhan niya ang tumingin kay Fane. Wala siyang ideya kung sino si Fane. "Yan ang batang bumugbog sa akin noong nakaraan. Bwiset, di siya makakatakas sa akin ngayon!" Galit na galit si Neil nang sabihin niya ito sa katabi niyang lalaki. "Isa itong auction house young master. Di naratapat na makipaglaban dito!" Kaagad siyang pinayuhan ng lalaki. Pagkatapos ay sina;i niya, "Kahit na makapangyarihan ako, mangangahulugan ito na binabastos ko ang boss ng auction house na ito kung gagawa ako ng eksena dito!" "Ikaw?" Tinignan ni Neil ang lalaking nakasuit. Dahil kumuha ng ilang mga bodyguard ang kanyang ama para sa kanya kailan lang, hindi niya mapigilang humagikhik at sabihin, "Kalimutan mo na yan. Wala kang laban sa kanya. Kumuha ako ng 20 sanggano noon at wala silang laban lahat sa kanya!" Pagkatapos niyang sabihin yun, kaagad siyang nagpatuloy, "Ganito gawin natin, pwede kang lumabas at ikuha ako ng 50 hanggang 60 tao. Humanap ka ng taon
"Depende yan! Ilang tao ang mag-iisip na si Selena ang pinakamaganda at pinakamaalindog kasi kapag ang babae ay tumungtong sa edad na 25 at 26, doon sila pinakakaakit-akit tignan!" "Subalit, si Rue ay isang napakainosenteng dalaga at bukod pa rito, 22 taon lamang siya at wala pang nobyo. Mula noong nalaman ng mga tao ang tungkol sa kasal ni Selena at na may anak na siya, ang mga young master na hinahabol siya noon ay lumipat kay Rue!" "Bukod pa rito, tingin ko na pareho silang mga natatangi ang kagandahan. Oo nga pala, diba yung Goddess of War na iyon ay kasalukuyang nasa Middle Province? Ang babaeng iyon ay maganda din at ang katawan niya ay napakaganda at mukhang kakaiba. Sayang at napakataas ng estado niya at napakaomposibleng makuha siya!" Isa pang mayamang mangangalakal ang nagsabi mito nang mapait ang ngiti matapos itong pag-isipan. "Uy makinig ka, may nagsasabing maganda ka daw?" Matapos marinig ni Fane ang kanilang usapan, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na as
"Hay, siguro ang babaeng ito ay asawa ng isang mayamang mangangalakal ano? Ang relo sa kanyang braso ay nangangahalaga ng higit sa isang milyon. Subalit, ang tanging bagay na gusto kong malaman ay kung bakit siya nakasuot ng maskara at salamin?" Suminghal si Ken bago sabihin, "Naniniwala ako na kahit di ako magtanong, kahit sino ay may isip naman na mahulaan ang relasyon niyong dalawa diba?" "Imposible diba? Talagang si Fane ang asawa ni Selena? Imposible yan diba? May kapal siya ng mukha na maghanap pa ng ibang babae kahit na napakaganda na ni Selena?" Nang marinig ito ng isang matandang mangangalakal, nabigla ito. "Sinong makakaalam kung anong dahilan. Tignan mo ang mayamang babae na yan, di naman siya matanda, atsaka napakakakaiba ng katawan niya. Pre, para sa isang mayamang babaeng tulad niya, kahit na di niya ako bigyan ng pera, gugustuhin ko pa rin gumawa ng ibang bagay kasama siya! Lalo na kung binibigyan siya nito ng pera!" Isa pang matandang lalaki ang hindi mapigil
"Heheh, alam niyo naman dalawa kung paano mag-alala, ano!" Tumawa si Fane at sinabi kay Ken, "Ken, alam mo ba ang kasabihang 'matuto kang lumugar'? Dapat mo talagang matuto doon. Naniniwala ako na pinaalalahanan ka ni Dennis noong nakaraan na huwag susubukang pwersahang ipagiba ang bahay namin diba? Sigurado ka bang… gusto mo pa rin akong banggain?" Nang marinig ni Ken ang kanyang pagbabanta, kaagad na nagdilim ang kanyang mukha at nagsimulang mag-alala. Dahil sa lakas ni Fane, maging ang kanilang Prime Fighter Dan ay walang laban sa kanya kapag siya ay talagang nagalit at binalak na patayin ang Clark family. Labis na masama ito para sa kanila! Nang maisip lang niya iyon nasabi, "H-hindi kita babanggain at di din kita papahirapan. Subalit, nandito lang ako para payuhan ka. Napakabait ni Selena sa'yo ngunit may lakas ka pa ng loob na gawin ito para sa pera…." "Young Master Ken, parang ramdam ko na medyo takot ka ata sa kanya?" Hindi tanga si Michael at kaagad na napansin ang p
Tinignan ni Grayson ang matabang babae sa tabi niya at kaagad na natulala. Talagang pataba nang pataba ang babaeng ito. Kung magpapatuloy ito, mahihirapan siyang makapag-asawa. Subalit nang lumingon siya para tignan si Rue sa kabila, pakiramdam niya na kaagad ma umayos ang pakiramdam niya. Tila ba maganda sa mata si Rue dahil mas gumaganda ito habang lalo niya itong tinititigan. "Heheh, sige pala. Ang pangunang halaga para sa bagay na ito ay nagsisimula sa 10 milyon! Syempre ang halaga nito ay higit sa 10 milyong dolyar at tingin ko alam iyon ng lahat ng nandito. Kaya ang patakaran namin sa bidding ay hindi ito pwedeng bumaba sa isang milyon!" Tumawa ang matanda sa entablado at inihampas ang kanyang malyete nang magpatuloy siya, "Ang auction na ito ay opisyal nang mag-uumpisa ngayon na. Ang kayamanang ito ay mapupunta sa highest bidder!" "Isang milyon? Maging ako ay nahihiya na maglabas ng isang milyong dolyar!" Isang mayamang mangangalakal ang kaagad na tumayo at sinabi, "An
"Bakit di ka magbid para sa akin mamaya? Magtaas ka lang ng kahit anong numero. Iisipin ng mga tao na tauhan kita. Sa gayon, di mabubunyag ang pagkatao mo!" Sinabi ni Lana kay Fane matapos mag-isip. Tumango si Fane at sinabi, "Sige, gusto ko naman inisin yung dalawang yun!" Pagkatapos niyang sabihin iyon, kaagad na itinas ni Fane ang kanyang kamay at sinabi, "51 milyon!" Sa isang iglap, tumingin ang lahat sa kanya dahil itinaas lamang ng mokong na ito ang halaga ng isang milyon. Maging si Lana ay nahiya sa kanya dahil lahat ay itinataas ang bid ng 10 milyon at ang lalaking ito ay sinira ang daloy sa pagtaas lamang ng isang milyon. "Wow Fane. Di ko inasahang mayaman talaga ang babaeng kasama mo. Talagang nakikilahok siya sa auction!" Nagulantang si Michael. Tapos ay nakangiti siyang nagsalita, "Kaming mga miyembro ng mayayamang pamilya ay nagsimula nang magpasiklaban sa isa't isa. Kaya, kalimutan niyo na lang ito mga mangangalakal. Itabi niyo na lang yang mga pera niyo at ma
Inirapan ni Sharon si Fane, tumalikod, at nagsabing, "Itataas ko 'to ng 120 million! Bibilhin ko 'to para sa lolo ko. Mukhang nahihirapan siyang makatulog." "150 million!" Sa sandaling iyon, ang kanina pa nananahimik na Roy family ay kaagad na tumayo at tinaas ang kanyang kamay. Sabi niya, "Itataas ko ang bid sa 150 million bucks!" "Interesado rin ang Roy family rito para gawin ang ganitong bid!" "Ang laki nito masyado! Galing talaga siya sa isang first-class aristocratic family. Gagastos siya ng 150 million bucks para sa luminous pearl na 'yan? Malapit na 'to sa original price!" "Hindi ko sigurado kung mayroon pang lalaban para rito?" Marami sa mga mayayamang merchant and sobrang nagulat. Ilang minuto lang ang nagdaan para umabot ang presyo mula sa 10 million papunta sa 150 million bucks. Nang maisip ni Michael na makukuha niya ang loob ni Selena at kung baka yakapin siya nito pagkatapos magbigay ng napakamahal na regalo, tumayo siya habang nagngingitngit ang ngipin at
"Diyos ko, mali ba ko ng pagkakarinig? Mula 200 million tapos naging 300 million, hindi ba pambihira 'yon?" "Hindi naman siguro siya nagkakamali, di ba? Kahit na nagdagdag siya ng isandaang milyon nang walang pag-aalinlangan, isandaang milyon pa rin yun. Kahit na first-class aristocratic family pa ang gumawa nito, pag-iisipan pa rin nila ang paggastos nang ganoon karaming pera!" "Oo, mukhang sapat na ang 210 million bucks para manalo sa bid. Hindi ba maganda na nakatipid siya ng 90 million?" Maraming mga mayayamang merchant at second-class aristocratic family ang talagang nagulat sa nangyari. Syempre, ang Roy family, ang Four Major Families, at si Timothy na hindi pa nakakapagbigay ng offer ay nabigla rin sa mga pangyayari. Ang hindi nila inaasahan ay ang taong nagbigay ng bid ay walang iba kundi si Fane. "Fane, sigurado ka ba sa 300 million bucks? Natanong mo ba yung katabi mo? Hindi ka naman siguro magsasabi ng kung ano-anong numero, hindi ba? Kapag nagbigay ka ng bid at
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin