Share

Chapter 26.3: Text greeting

Text greeting

Natatawa si Raymond sa pagsesermon ni Dennis sa kanya habang inaasikaso ang sugat niya. Lalo pang sumama ang mukha nito nang malaman na binuhusan niya lang ng agua oxinada ang sugat at hinayaan na. Ayaw niya kasing takpan ang sugat dahil tingin niya, hindi kaagad matutuyo iyon. Ayun, nakatikim siya ng panibagong round ng sermon ni Dennis.

Nang ma-disinfect at mabalutan ng plaster ang sugat niya, nakita ni Raymond na malapit na ang oras ng pasok ni Dennis sa susunod nitong subject.

"Malapit na pala ang pasok mo. Tara na?" tanong niya. 

Tumango si Dennis at inayos ang gamit. Tutulong sana siyang ayusin ang mga lunchbox kaso ay sinamaan siya ng tingin ng kasama. 

"Kakabalot ko lang sa sugat mo tapos igagalaw mo na naman ’yang kamay mo? Tatamaan ka sa akin, Raymond," banta ni Dennis. Natatawang tinaas niya na lang ang dalawang kamay at hinayaang si Dennis na ang magpasok ng lunchboxes sa thermal

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status