Ramiel
Nakangangang nakatingin kay Dennis si Raymond. Hindi siguro nito maarok kung totoo ba ang sinabi niya o nagbibiro lang ba. Napangiwi si Dennis.
"Binebenta sa’yo ’tong baby?" hindi makapaniwalang tanong ni Raymond. Yumuko ito at tiningnan ang dalawang bata na kasa-kasama niya.
May pagkamarungis ang dalawa ngunit mukhang hindi naman sila iyong nanlilimos sa kalsada dahil iyong mga damit na suot nila, kupas man ang kulay, malinis-linis naman.
Tinuro ni Dennis ang mas malaking bata. "He’s selling him to me for five hundred pesos."
Nanlaki lalo ang mga mata ni Raymond. Ang ginawa nito, tumalungko at sinilip ang dalawang bata na nasa harapan nito. Tumingin si Raymond sa anim o pitong taong gulang na bata. "Binebenta mo siya? Bakit?"
Tumingin naman ang bata sa kasama nito at binalik kay Raymond ang tingin. "Wawa p
Meeting Nakailang buntong hininga si Dennis dahil pumasok na naman sa isip niya si Ramiel. Gustung-gusto niya itong iuwi pero hindi naman kasi pwedeng ganoon. Humabol pa talaga ang bata sa kanya habang umiiyak noong paalis na pero hindi na niya nilingon si Ramiel.Mabuti na lang at mismong magulang na ni Toto ang nagsabing pwede niyang dalawin ang bata noong nakita na attached din siya kay Ramiel. Sinunod din pala nila na Ramiel ang ipangalan sa bata dahil sabi ng pamilya ni Toto, walang birth certificate ang bata. Ipapa-late birth registration nila si Ramiel at iyon na ang ire-record na pangalan.At nakalipas na ang dalawang araw ngunit laman pa rin ng utak niya ang bata. Lagi tuloy siyang spaced out at hindi makausap nang matino. Dahil malungkot, napili na lang ni Dennis na buksan ang idle na cellphone na nakapatong sa desk niya at nag-text kay Syrius.Monday na ngayon at tapos na ang sus
Chapter Twenty Eight Babysitting "Dennis, ayos ka lang? Kanina ka pa wala sa sarili mo. Ano bang sinabi ng mama mo? Inaway ka ba?" Parang nagising si Dennis sa tanong ni Raymond. Nasa cafeteria na siya ngayon at kasama si Raymond at Syrius. Pero kahit na narito na siya, laman pa rin ng utak niya ang nangyari kanina. When he blurted out to his mother that he’s gay, he saw how his mother’s face turned pale. She didn’t say anything to him after his confession. Marissa just picked her bag and strode off the coffee shop leaving Dennis with a question bugging his mind. Tanggap ba siya ng ina o hindi? At ngayon nga, iyon pa rin ang gumugulo sa isip niya. Gusto naman niyang umamin, e. Ang kaso ay hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito kapag sinabi niyang bakla siya. Unlike his grandma and Dave that support everything he does, his mom isn’t like that. Dati pa
Phone call Tawa nang tawa si Raymond noong sinabi niya na pinauwi sa kanya ng nanay ni Toto si Ramiel. Kaya noong puntahan siya nito matapos ang ginagawa nito, kinuha kaagad nito si Ramiel mula sa kanya na sinalubong naman ni Ramiel si Raymond nang malawak na ngiti."Ang cute naman ni Baby Ramiel," tukso nito sa tumatawang bata. Pagkatapos, tumingin sa kanya si Raymond at nagpipigil ito ng ngisi."Ano ’yang itsura na ’yan?" Nakataas ang kilay niya sa mukha ni Raymond ngayon. Nilapit ni Raymond ang mukha sa kanya at hinalikan siya. Pinaikutan na lang ng mata ni Dennis ang lalaki."Ang galing lang kasi," natatawa ito habang nagsasalita. Si Ramiel naman ay nakatingin kay Raymond habang nagsasalita ito. Parang naiintindihan talaga ang sinasabi ni Raymond kaya mahina siyang napahalakhak."...Parang family talaga tayo. Ako kunwari galing trabaho tapos kayo sasalubong sa akin sa
Last wish Dennis arrived at the hospital with Raymond in tow. Iniwan nila ang nakatulog na si Ramiel sa apartment at pinabantay kay Raysen na saktong libre nang mga oras na iyon. Nagtaka pa nga ito noong sabihin nila na may bata itong babantayan at kung hindi lang gahol sa oras, alam ni Dennis na marami itong itatanong sa kanilang dalawa ni Raymond.Agad silang nagtungo sa emergency room dahil doon daw diniretso ang lola niya at hanggang ngayon ay naroon pa rin ito.Noong makarating sila sa E.R, nakita ni Dennis si Nurse Eve na nasa pasilyo maging ang isa sa security guard ng Harmonious Homes."Nurse Eve!" Mabilis ang mga hakbang na lumapit siya rito.Napatayo mula sa pagkakaupo ang nurse at sinalubong siya. "Dennis, nandito ka na.""Kumusta po si Lola? Anong sabi ng doktor? Is she okay? What is the diagnosis?"Umiling ang babae at tinanaw ang nakapinid pang pinto ng E.R. pagka
Chapter Twenty NineWill "Saan mo ba nakuha ’tong batang ’to? Anak n’yo ba ni Dennis?" ito ang naging salubong na tanong ni Raysen na may tonong panunukso.Sinamaan kaagad ni Raymond ng tingin ang kapatid at kinuha si Ramiel na bitbit nito. Agad namang sumama sa kanya si Ramiel at kumapit sa may leeg niya habang humagikgik."Aba, close ka na sa bata, ha? Konti na lang maniniwala na akong anak mo ’to. Hawig n’yo pa ni Dennis. Tell me, nagpa-IVF ba kayo?""Gag—" naputol ang murang sasabihin niya rito dahil mabilis na tumingin sa kanya si Ramiel. Napangiwi siya at ngumiti na lang sa bata. Ngumiti pabalik sa kanya si Ramiel at sinandal ang ulo sa dibdib niya. Natawa na lang siya.Amused namang tumingin sa kanya si Raysen at tumango-tango. "See? Parang anak mo nga. Grabe. Kak
Death Kahit anong pilit ni Dennis na makalapit at pumasok sa loob ng kwarto kung nasaan ang lola niya ay hindi siya pinapayagan ng mga hospital staff. Hinaharangan siya ng mga ito dahil bawal daw any ginagawa niya. Ang tanging nakikita niya lang sa harapan ay ang makailang ulit na pagdiin ng doctor sa defribillator sa dibdib ng matanda."Charge to 180 joules!""Charge!""Charge it to 200!""Fuck, let me through! My lola needs me!" Dennis’ mind shuts down hearing the doctor’s voice. His worst nightmare really happened. The only thing he wants to do right now is to go to his grandmother and hopes the he can save her even though he doesn’t know how. Maybe if he calls her name, she’ll wake up? Fuck it!"Teka, Dennis, teka lang..." Raymond tried to restrain him but he pushed him away."Let me go! She needs me!" he yelled at his face. Niyakap naman siya ni Raymond
Probe Dennis was absentminded. Ngayong nahimasmasan, hindi pa rin siya makapaniwala na niyakap siya ng babae kanina.Palihim niyang tiningnan ang direksyon ng ina at nakita niyang yakap nito si Dave na umiiyak sa bisig nito. Nag-iwas siya ng tingin at tulad kanina, mas lalo siyang binagabag ng isip.Naguguluhan pa rin siya kung paanong paglapit ang gagawin sa ina. Kung paano sasabihin dito na makikipag-ayos siya. Iyon ang naging bilin sa kanya ng lola kaya dapat niyang tuparin.Isa pa, sa yakap na ginawa ng ina kanina, hindi itatanggi ni Dennis na may parte sa kanya na umaasam pang makuha pa rin ang pagmamahal nito. Niloloko niya lang pala ang sarili sa sinabi niyang hindi na niya ito iisipin pa. Kasi noong maramdaman niya ang init ng yakap ng ina, ilang man siya at gustong bumitiw doon, bumalik iyong pagnanasa sa kanya na makuha ang approval nito.He still wants to get her love and affection, after all
Chapter ThirtyDeclined When Dennis mentioned to his mother that Raymond is his boyfriend, she didn’t say anything after that. Tumango lang ito sa kanya at wala siyang narinig na komento nito. Iyon na rin ang huling maayos na pag-uusap nila dahil pagkatapos ng dalawang araw ay ililibing na ang lola niya. Naging abala sila sa maraming bagay na kahit si Raymond ay hindi niya maasikaso.Dumating ang araw ng libing at doon nalaman ni Dennis na hindi pa rin pala niya tanggap na wala na ito. Nitong mga huling araw kasi, hindi na siya umiiyak at nakakangiti na kahit paano. Ngunit iba pa rin pala habang pinanonood niya habang binababa ang casket ng lola niya sa lupa at unti-unting tinatabunan ng lupa.Inihagis niya ang hawak na white rose at pinunasan ang mukhang basa ng luha. Tumalikod siya at sinalubong si Dave na katatapos lang din magtapon ng bulaklak. Yumakap ito sa kanya at doon sa dibd
EXTRA#5: Glimpse in the mundane life of Dennis Raymond was having a dinner with Dennis and their son at their restaurant when Den's handphone that was placed on the table suddenly rang. Agad na masamang tingin ang ipinukol niya r'on at bahagya na lang siyang nginitian ng asawa. Sinagot nito ang phone at nakita niya ang pagseryoso ng mukha ni Dennis."There's an emergency?! Is there any casualties?"Agad itong tumayo at dinampot ang mini bag nito at isinukbit iyon sa katawan."You're going to work, 'Dy? You didn't finish eating your food pa po?" tanong ni Ramiel dito at itinuro ang pinggan nito.Yinuko ni Dennis ang ulo para magtapat ang mukha nila ng anak. "Yes, I'm sorry, baby, but Daddy's gotta go to hospital. Sabayan mo na lang si Papa Raymond mong kumain, okay? Babalik din ako."Malungkot na tumango si Ramie
EXTRA #4: Wedding "Thank you so much for your help, Syrius. Kung hindi dahil sa ’yo, baka kung saan ako pinulot."Malaki ang pasasalamat niya kay Syrius. Dennis just realized, if Syrius didn’t give him an advice from time to time, he will screw things up. Kung hindi rin nito hinanap ang tatay niya, baka natagalan pa ang paghaharap nila ng ina.A lot of years already passed but Syrius remained the same. Ito pa rin ang kaibigan na matatakbuhan niya kapag may problema siya at malaki ang pasasalamat niya sa Diyos dahil hindi siya nito iniwan.Mahinang tumawa si Syrius. Kinabig siya nito para yakapin. Nakailang tapik sa likod niya si Syrius bago siya nito bitiwan."Are you happy?" tanong nito pagbitiw sa yakap. Tumango-tango siya at ngumiti rito. Syrius also smiled at him. "Iyon lang naman ang gusto
EXTRA #3: Raymond (Dreams) Tumingin si Raymond sa paligid. Pakiramdam niya, nakita na niya ang paligid kahit na sa pagkakaalala niya, hindi pa naman niya narating ang lugar na ito.Parang nasa karnibal siya na hindi. Maraming tao sa paligid at nilalagpasan lang siya.Tae. Nasaan ba siya? Nasaan si Dennis? Bakit siya nandito? Nakidnap ba siya o kaya prank ba ’to?Naglakad-lakad si Raymond para makita kung nasaan ba siyang banda ng lugar pero bukod sa mga nadadaanang mga bibilhan ng pagkain at nalalagpasang mga tao, wala siyang makitang kakilala. Saan ba siya nagsuot?Hanggang sa..."Can I have that candy, Mommy?"Mabilis na lumingon si Raymond sa pinanggalingan ng boses. Doon, nagulat siya dahil parang pinaliit na Dennis ang nasa harap niya ngayon.
EXTRA #2: Toys Dennis was kinda vexed when Raysen called nonstop and told him (when he picked the phone) to meet the other on the coffee shop where the hospital he's working is near. According to Raysen, Dennis will be surprise by the gift he'll be having.Dennis let out a sigh after the call.Raysen is such a... busybody. Really.Maybe because of the word 'gift' somewhat piqued his interest, he went to the department head to ask for an hour break. Buti na lang at walang gaanong pasyente ngayong araw.Sumaglit siya sa coffee shop na sinabi ni Raysen. Iilan na lang ang tao sa loob ng shop dahil tapos na ang peak time. Pagpasok niya pa lang, natanaw niya kaagad ito dahil sa bungad lang naman ito nakapwesto. Raysen's wearing a light blue shirt with washed grey jeans while Dennis is still in his white coat. R
EXTRA #1.2: Syrius (Part II: Woke up to the Present) Who would believe Syrius if he's going to tell them that he went back to the past? No one. They would just think he lost his marbles. Well, even himself cannot believe that this kind of thing happened to him! Noong mga unang linggo ng pagbabalik niya sa nakaraan, pakiramdam ni Syrius ay hindi iyon totoo kaya araw-araw niyang sinasapak ang sarili tuwing gigising para makumbinse na hindi siya nananaginip lang. Ngunit noong mapatunayan naman ni Syrius na totoo ang lahat, doon siya gumawa ng paraan. He finally have the chance to make things right this time. For him, for Zenon. And for Dennis. And he will start at Dennis. To change their past and got the future that he wants for them, Syrius didn’t enroll to the school he went to in h
EXTRA #1: Syrius (Part I: Retelling of the Past) The first time that Syrius got to know Dennis was when he went head to head with him for an award. Pareho kasi silang naging representative ng kanya-kanya nilang school at sila ang naging matinding magkatunggali.In the end, he won the award that when it was announced, Dennis glared at his direction. Hinding-hindi niya malilimutan ang taong ito dahil ito lang naman ang hindi siya sinabihan ng congratulations at imbes, binunggo pa siya noong pababa na ito ng stage.Nawala rin naman sa isip ni Syrius ang lalaki paglipas ng panahon. Naalala niya lang ito noong naging kaklase niya ito sa Medical School. Muli, naging rivals sila ni Dennis sa usaping academics.Wala namang kaso sa kanya iyon ngunit ramdam niya ang pagkadisgusto nito sa kanya na nilalayo na lang ni Syrius ang sari
Savior Sa huli, sinuot din nila ang mga singsing na inalok nila sa isa’t-isa. Natatawa si Dennis habang pinagmamasdan ang palasingsingan niyang may singsing na suot. Kapag magagawi ang tingin niya sa kamay ni Raymond, lumalawak lalo ang ngisi niya.Kaya kahit patapos na sila sa pagwawalis at uuwi na, energetic pa rin si Dennis. Gusto niyang ibahagi sa lahat na fiancé na niya si Raymond. Ano kaya ang magiging reaksyon ng pamilya nila kapag binalita niya ang proposal nila sa isa’t-isa? Sa hula ni Dennis, tatawanan sila ni Raysen."Congrats for the engagement. I... saw you both kasi kanina."Tumingin si Dennis sa taong bumabati sa kanya. Ito iyong babaeng kapatid ng lalaking nakaaway niya. Alam niyang may opinyon ito sa kanilang dalawa ni Raymond kaya ang tanging ginawa na lang ni Dennis ay ngitian ito nang maliit bag
In synchronization Yumakap nang mahigpit sa binti ni Dennis si Ramiel at sinilip ang batang malakas na umaatungal ngayon. Nagtinginan ang mga tao sa kanila at siguro dahil sa ingay ng batang umiiyak, natawag nito ang atensyon ng kasama. May lalaking mabilis na lumapit sa umiiyak na bata at tinayo ito mula sa pagkakaupo sa sahig. "What happened to you, Alex?" "D-Daddy! Tulak niya ako! Tapos away ako ng bata!" anito at tinuro sila Dennis. Tinago naman ni Dennis si Ramiel sa likod niya dahil bigla itong umiyak. Diretsong tiningnan niya ang lalaki at sinamaan din ito ng tingin. "He pushed my son," sagot niya. Nilingon ng lalaki ang bata at tinanong ito. "Tinulak mo ba siya, Alex?" " E kagat niya ako, e! Kaya tulak ko siya!" Tinuro ng bata ang kinagat ni Ramiel na braso nito. "Ouchie ’to, Da
Chapter FiftyBite Umayos din ang lahat pagkatapos ng naging pag-uusap nila Danilo. Hindi na muling ginulo ni Marissa sila Dennis dahil ayon sa pagkakaalam ni Dennis, bantay sarado ito ng asawa. The company was left for his dad to manage this time and the mess Marissa made, his father was the one who fixed it.Nang maayos ang gulo tungkol sa mga kumpanya, nakipag-partner daw ang Buenavista Corporation sa company ng Tito ni Raymond. Well, he doesn’t really put his mind on that news. Basta ba wala nang problema, masaya na si Dennis.Ngayon, narito siya sa bahay nila Raymond at dinalaw ang kapatid. Dahil na rin nabalitaan niya ang pagkuha nito ng entrance exam for Accountancy, Business and Management. Plano raw nito na tumulong sa kanya na mag-manage ng company sa hinaharap. But what about his dream? Gusto nitong maging writer o kaya naman painter, hindi b