Andrea took a very deep breath. Kailangan niya na magsalita. Galit sa kanya si Martin. Kahit kinakabahan at natatakot siya ay kailangan niya na magsalita. Kailangan niya malaman kung bakit ganoon sa kanya si Martin. Magsasalita na sana siya nang muling magsalita si Martin sa kanya."O, bakit hindi ka makapagsalita, Andrea? Mahirap ba 'yon na intindihin na sinabi ko, huh? Andrea, bakit hindi mo sinabi sa akin na—""Na ano?" malakas na tanong ni Andrea kay Martin na napamura pa sa harapan niya. "Sabihin mo na kasi sa akin ang gusto mo na sabihin kahit alam ko man 'yon o hindi. Please lang, Martin. Sabihin mo na sa akin."Sinabi ni Martin ang lahat ng gusto niyang sabihin kay Andrea. Wala na siyang itinira pa. "Bakit mo inilihim ang lahat ng 'yon, huh? Matagal mo na palang alam na hindi naman ako gusto ni Ella Marie ngunit hindi mo naman pinaalam kaagad 'yon sa akin. Bakit mo nagawa 'yon sa akin? Akala ko pa naman ay may pag-asa na maging kaming dalawa ni Ella Marie ngunit wala naman pala
"Paano na ang pagdo-donate mo sa akin ng sperm cells mo, huh?" lumuluhang tanong ni Andrea kay Martin. Masamang tingin ang ipinukol ni Martin sa kanya. Walang naisagot si Martin sa tanong na 'yon ni Andrea sa kanya. "Mahal kita, Martin. Ngayon ay alam mo na ang totoong nararamdaman ko para sa 'yo. Kung nagawa ko man 'yon sa 'yo na nagsinungaling ako pero itong nararamdaman ko sa 'yo ay hindi kasinungalingan. Totoong minamahal kita, Martin. Mahal kita at ayaw ko na—""Kung mahal mo ako hindi mo gagawin 'yon, Andrea. Kung mahal mo ako ay hindi ka magsinunggaling sa akin. Sasabihin mo ang lahat ng nararapat ko na malaman. Hindi mo magagawang magsinunggaling sa akin. Hindi mo ba ako naiintindihan, huh?" singhal pa ni Martin sa kanya."Inaamin ko naman sa 'yo ang pagkakamali ko na 'yon, 'di ba? Humingi ako sa 'yo ng tawad. Nagsinungaling ako. Hindi ko sa 'yo sinabi ang nararapat mo na malaman pero patawarin mo sana ako sa nagawa kong 'yon. Malabong-malabo na mangyari pa ang mapalapit ka ka
"Kumusta? Nakausap mo na ba si Andrea? Ano'ng sinabi niya sa 'yo? Umamin ba siya ng totoo sa 'yo, bro?" tanong ni Johnny kay Martin nang dumating ito sa bar kung saan siya naghihintay. Um-order muna siya ng iinumin niya na alak.Kita sa mga mata ni Martin ang lungkot matapos ang pag-uusap nila ni Andrea kanina. Nakikita 'yon ni Johnny ngunit hindi na siya nagsalita. Naiintindihan naman niya ang nangyayari ngayon sa best friend niya at alam niya na kailangan siya sa panahon na kagaya nito. Nakangusong tinapunan niya ng kanyang mga mata ang best friend niya na si Johnny."Nagkita kaming dalawa kanina. Nagkausap kami ni Andrea," mahinang sagot ni Martin sa best friend niya. Mababakas sa tono ng pananalita nito ang pait at sakit ng mga nalalaman niya na revelations. Napasinghap si Johnny bago nagsalita sumunod sa best niya."Ano'ng nangyari sa pagkikita n'yong dalawa ni Andrea, bro? Sinabi mo ba ang gusto mong sabihin sa kanya, huh? Narinig mo rin ba sa kanya ang gusto mong marinig na pal
Masakit man ang nangyaring 'yon ay wala naman na magagawa pa si Andrea. Nalaman na ni Martin ang lahat. Tinapos na nga nito ang ano man na naging kasunduan nila. Malinaw na sa kanya na hindi na magdo-donate si Martin ng kanyang sperm cells sa kanya. Sa naging desisyon niya na 'yon ay nawala lang sa isang iglap ang lahat ng mga plano niya. Sinabi kaagad niya ang nangyari na 'yon sa kaibigan niya na si Gretta. Umiiyak siya habang kinukuwento ang lahat. "Ano na ang gagawin ko ngayon, Gretta? Nangyari na nga ang kinakatakutan ko. Hindi pa nga tayo nagtatagumpay nawala na ang lahat ng 'yon. Akala ko pa naman magiging matagumpay tayo ngunit hindi naman pala. Sinabi ko na rin sa kanya ang totoong nararamdaman ko kahapon. Alam na niya na mahal ko siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Gretta. Nauwi sa lahat ang mga nasimulan ko dahil lang sa desisyon ko na 'yon. Kasalanan ko siguro ang lahat, 'di ba?" lumuluhang wika ni Andrea sa harap ni Gretta na kaibigan niya na hinihimas-himas ang likod.
Masama ang pakiramdam ni Andrea nang magising siya sumunod na araw. Para bang nahihilo siya na hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam kung pagod lang ba 'yon sa ilang araw niyang pagtatrabaho o lalagnatin siya. Dumiretso siya sa banyo at napasuka siya. Pagkahilamos niya ng kanyang mukha ay humarap siya sa salamin na nasa harap niya. Natigil na siya sa pagsusuka. Naalala niya ang sinabi sa kanya ng kaibigan niya na si Gretta tungkol sa sintomas ng pagbubuntis. Hindi kaya totoong buntis siya? Pinag-uusapan pa lang nila 'yon ng isang araw ngunit ngayon ay nangyayari na kung saan nahihilo at nasusuka siya. Masama ang kanyang pakiramdam at para bang tinatamad siyang gumalaw. Gusto lang niya ang humilata sa kama.Dahil sa nararamdaman niya ay nagpasya siyang lumiban muna sa trabaho para makapagpahinga kung kailangan 'yon niya. Hindi naman siya palaging um-absent kaya wala namang problema kung hindi muna siya papasok ngayon. Wala rin naman siyang urgent na gagawin. Sinabihan rin niya ang mga
"Where's your husband, anyway?" tanong ni Doc. Ramirez kay Andrea makalipas ang ilang minuto. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang narinig na sinabi ng doctor. Buntis na nga siya. Inunahan ni Gretta na magsalita ang kaibigan niya na si Andrea sa tanong na 'yon ni Doc. Ramirez dahil sigurado siya na hindi alam nito kung ano ang isasagot sa tanong na 'yon."Nasa abroad po ngayon ang asawa niya kaya hindi po siya nasamahan ngayon dito sa clinic n'yo po kaya ako na lang po ang sinama niya. Magkakilala naman po tayong dalawa, Doc," sagot ni Gretta kay Doc. Ramirez bilang dahilan niya. Ayaw naman niya na sabihin kay Doc. Ramirez ang totoo kaya nagsinungaling na lang siya. Tumango-tango si Doc. Ramirez pagkasagot ni Gretta sa kanya. Naniwala naman ito sa kasinungalingan na 'yon. "O, talaga ba? Wala pala ang asawa mo ngayon kaya sinamahan ka na lang ng kaibigan mo," sabi ni Doc. Ramirez na tumingin muli kay Andrea na pilit naman na tumango sa harap niya. "O-opo, doc. Nasa abroad po nga
Tahimik lang ang magkaibigan na sina Andrea at Gretta na naglalakad palayo sa clinic ni Doc. Ramirez. Pinakiramdaman lamang ni Gretta ang kaibigan niya na mukhang malayo ang iniisip. Sigurado siya na iniisip nito ang sinabi ni Doc. Ramirez na buntis na nga siya at ang lalaking tinitibok ng puso nito na walang iba kundi si Martin. Halu-halong emosyon ang nararamdaman nito."Ayos ka lang ba, Andrea?" malumanay na tanong ni Gretta sa kaibigan niya na si Andrea. Tumigil sila sa paglalakad at humarap sa isa't isa. Kitang-kita ni Gretta ang lungkot sa mga mata ni Andrea kahit nalaman nilang dalawa na magkaanak na siya. Alam ni Gretta kung bakit malungkot ito ngayon.Napanguso si Andrea sa tanong niya. Ilang minuto muna ang lumipas bago ito nagsalita sa kanya. Nagpakawala muna ito ng malalim na buntong-hininga."Ayos lang naman ako, Gretta. Mukha ba akong hindi ayos ngayon, huh? Ano ba'ng napapansin mo sa akin ngayon?" tanong ni Andrea kay Gretta na seryosong tinitigan siya sa mga mata. Hina
Pinaalam na ni Andrea sa kanyang mga magulang ang tungkol sa pagbubuntis niya. Tuwang-tuwa naman ito nang malaman nila 'yon. Walang inilihim si Andrea sa harap ng mga magulang niya. Lahat niya sinabi kahit ang tunay niyang nararamdaman para kay Martin. Hindi naman nagtaka pa o nagulat ang mga magulang niya matapos niyang sabihin 'yon. Expected na 'yon ng mag-asawang sina Merla at Roberto. Bago nagsalita ang isa sa mga magulang niya ay nagkatitigan muna ito."Ang mahalaga ngayon ay magkakaroon ka na ng baby, Andrea. Magkakaroon na naman kami ng panibagong apo ng papa mo. Mahal mo nga siya ngunit ang problema ay hindi ka naman niya mahal. Hindi ka naman niya gusto, 'di ba? Wala tayong magagawa kundi tanggapin kung ano lang ang mayroon tayo dahil mahirap maghanap ng wala. Kung ano'ng mayroon tayo ay maging kuntento na tayo. Mahirap naman na maghahangad tayo ng wala, 'di ba? Baka sa paghahangad pa natin ay mas lalong mapasama tayo o kaya ay malagay sa hindi magandang sitwasyon. Hindi nama