Inaakala ni Martin na magiging masaya na siya dahil maisasakatuparan na niya ang nais niyang mangyari nang magdesisyon siya na sundan si Ella Marie sa loob ng coffee shop na 'yon dahil makakausap na rin niya ito at masasabi ang nararamdaman niya ngunit kabaliktaran ang nangyari. Umalis siya ng coffee shop na durog ang puso at bigo sa nais niyang mangyari. May tumulong luha sa mga mata niya habang nagmamaneho siya pabalik sa condo unit niya. Sinusubukan niya na tawagan si Andrea ngunit hindi nito 'yon sinasagot. Nakailang tawag siya pero wala pa rin. Inis na inis siya kay Andrea. Kailangan nitong magpaliwanag sa kanya. Naglihim ito sa kanya. Akala niya ay tutulungan siya nito ngunit hindi naman ginagawa nito ang naging kasunduan nilang dalawa."This can't be. Kailangan na maging akin pa rin si Ella Marie. She should be mine. Magiging akin siya," bulong ni Martin sa sarili niya habang pinupunasan niya ang luha sa mga mata niya.Diretso siya pumupunta sa best friend niya at sinabi ang na
Andrea clears her throat before she speaks to him. "Napansin ko po na hindi mo po ako binati noong isang araw. Hindi ka naman po ganoon, eh. Nararamdaman ko po na galit kayo that time sa akin dahil sa iniasta n'yo po na 'yon. Iyon po ba ang dahilan kung bakit ganoon po ang iniasta n'yo sa akin? Ibig pong sabihin ay galit kayo sa akin dahil doon," tanong ni Andrea kay Mr. Rodriguez. He quickly nodded at her."Oo. Galit ako sa 'yo dahil doon, Andrea. Galit ako dahil patuloy mo pa rin na binibigyan si Ella Marie ng mga bagay na hindi naman dapat na ibigay sa kanya dahil sa may boyfriend na siya at ako 'yon. Ngayon ay gusto ko na malaman sa 'yo na gusto ko malaman kung sino ang nagpapabigay ng mga 'yon sa girlfriend ko! Please tell the name of that jerk!" tiim-bagang na sagot nito sa kanya. "Hindi naman po galing 'yon sa akin. Napag-utusan lang naman ako na ibigay 'yon kay Ella Marie. Sorry po sa nagawa ko na 'yon, sir. Hindi naman na mauulit pa 'yon, eh. I promise you that," sabi ni Andr
"Where are you, Andrea?" matigas na tanong ni Martin kay Andrea sa kabilang linya. Nagtataka si Andrea kung bakit ganoon ang tono ng pananalita ni Martin sa kanya. "Nandito ako sa opisina. Bakit mo tinatanong, huh?" tanong rin ni Andrea kay Martin sa kabilang linya. Nagtatanungan lang silang dalawa sa isa't isa. Marahas na bumuntong-hininga si Martin bago muling nagsalita sa kanya."Puwede ba tayong magkita mamaya paglabas mo? May sasabihin akong importante sa 'yo, Andrea. Hindi ka ba busy?" tanong ni Martin sa kanya. Andrea clears her throat before she speaks to him."Hindi naman ako busy. Puwede naman tayong magkita mamaya, Martin. Mukhang importante ang sasabihin mo sa akin, 'no?" sagot ni Andrea kay Martin. "Hindi lang 'yon basta importante, Andrea. May kailangan kang malaman," matigas na sabi nito na pinagtataka niya talaga. Napasinghap si Andrea at saka nagsalita, "'Wag kang mag-alala magkikita tayo mamaya, Martin. Pupunta ka ba dito sa—""Hindi na, Andrea," sabi nito. "Magkit
Andrea took a very deep breath. Kailangan niya na magsalita. Galit sa kanya si Martin. Kahit kinakabahan at natatakot siya ay kailangan niya na magsalita. Kailangan niya malaman kung bakit ganoon sa kanya si Martin. Magsasalita na sana siya nang muling magsalita si Martin sa kanya."O, bakit hindi ka makapagsalita, Andrea? Mahirap ba 'yon na intindihin na sinabi ko, huh? Andrea, bakit hindi mo sinabi sa akin na—""Na ano?" malakas na tanong ni Andrea kay Martin na napamura pa sa harapan niya. "Sabihin mo na kasi sa akin ang gusto mo na sabihin kahit alam ko man 'yon o hindi. Please lang, Martin. Sabihin mo na sa akin."Sinabi ni Martin ang lahat ng gusto niyang sabihin kay Andrea. Wala na siyang itinira pa. "Bakit mo inilihim ang lahat ng 'yon, huh? Matagal mo na palang alam na hindi naman ako gusto ni Ella Marie ngunit hindi mo naman pinaalam kaagad 'yon sa akin. Bakit mo nagawa 'yon sa akin? Akala ko pa naman ay may pag-asa na maging kaming dalawa ni Ella Marie ngunit wala naman pala
"Paano na ang pagdo-donate mo sa akin ng sperm cells mo, huh?" lumuluhang tanong ni Andrea kay Martin. Masamang tingin ang ipinukol ni Martin sa kanya. Walang naisagot si Martin sa tanong na 'yon ni Andrea sa kanya. "Mahal kita, Martin. Ngayon ay alam mo na ang totoong nararamdaman ko para sa 'yo. Kung nagawa ko man 'yon sa 'yo na nagsinungaling ako pero itong nararamdaman ko sa 'yo ay hindi kasinungalingan. Totoong minamahal kita, Martin. Mahal kita at ayaw ko na—""Kung mahal mo ako hindi mo gagawin 'yon, Andrea. Kung mahal mo ako ay hindi ka magsinunggaling sa akin. Sasabihin mo ang lahat ng nararapat ko na malaman. Hindi mo magagawang magsinunggaling sa akin. Hindi mo ba ako naiintindihan, huh?" singhal pa ni Martin sa kanya."Inaamin ko naman sa 'yo ang pagkakamali ko na 'yon, 'di ba? Humingi ako sa 'yo ng tawad. Nagsinungaling ako. Hindi ko sa 'yo sinabi ang nararapat mo na malaman pero patawarin mo sana ako sa nagawa kong 'yon. Malabong-malabo na mangyari pa ang mapalapit ka ka
"Kumusta? Nakausap mo na ba si Andrea? Ano'ng sinabi niya sa 'yo? Umamin ba siya ng totoo sa 'yo, bro?" tanong ni Johnny kay Martin nang dumating ito sa bar kung saan siya naghihintay. Um-order muna siya ng iinumin niya na alak.Kita sa mga mata ni Martin ang lungkot matapos ang pag-uusap nila ni Andrea kanina. Nakikita 'yon ni Johnny ngunit hindi na siya nagsalita. Naiintindihan naman niya ang nangyayari ngayon sa best friend niya at alam niya na kailangan siya sa panahon na kagaya nito. Nakangusong tinapunan niya ng kanyang mga mata ang best friend niya na si Johnny."Nagkita kaming dalawa kanina. Nagkausap kami ni Andrea," mahinang sagot ni Martin sa best friend niya. Mababakas sa tono ng pananalita nito ang pait at sakit ng mga nalalaman niya na revelations. Napasinghap si Johnny bago nagsalita sumunod sa best niya."Ano'ng nangyari sa pagkikita n'yong dalawa ni Andrea, bro? Sinabi mo ba ang gusto mong sabihin sa kanya, huh? Narinig mo rin ba sa kanya ang gusto mong marinig na pal
Masakit man ang nangyaring 'yon ay wala naman na magagawa pa si Andrea. Nalaman na ni Martin ang lahat. Tinapos na nga nito ang ano man na naging kasunduan nila. Malinaw na sa kanya na hindi na magdo-donate si Martin ng kanyang sperm cells sa kanya. Sa naging desisyon niya na 'yon ay nawala lang sa isang iglap ang lahat ng mga plano niya. Sinabi kaagad niya ang nangyari na 'yon sa kaibigan niya na si Gretta. Umiiyak siya habang kinukuwento ang lahat. "Ano na ang gagawin ko ngayon, Gretta? Nangyari na nga ang kinakatakutan ko. Hindi pa nga tayo nagtatagumpay nawala na ang lahat ng 'yon. Akala ko pa naman magiging matagumpay tayo ngunit hindi naman pala. Sinabi ko na rin sa kanya ang totoong nararamdaman ko kahapon. Alam na niya na mahal ko siya. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Gretta. Nauwi sa lahat ang mga nasimulan ko dahil lang sa desisyon ko na 'yon. Kasalanan ko siguro ang lahat, 'di ba?" lumuluhang wika ni Andrea sa harap ni Gretta na kaibigan niya na hinihimas-himas ang likod.
Masama ang pakiramdam ni Andrea nang magising siya sumunod na araw. Para bang nahihilo siya na hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam kung pagod lang ba 'yon sa ilang araw niyang pagtatrabaho o lalagnatin siya. Dumiretso siya sa banyo at napasuka siya. Pagkahilamos niya ng kanyang mukha ay humarap siya sa salamin na nasa harap niya. Natigil na siya sa pagsusuka. Naalala niya ang sinabi sa kanya ng kaibigan niya na si Gretta tungkol sa sintomas ng pagbubuntis. Hindi kaya totoong buntis siya? Pinag-uusapan pa lang nila 'yon ng isang araw ngunit ngayon ay nangyayari na kung saan nahihilo at nasusuka siya. Masama ang kanyang pakiramdam at para bang tinatamad siyang gumalaw. Gusto lang niya ang humilata sa kama.Dahil sa nararamdaman niya ay nagpasya siyang lumiban muna sa trabaho para makapagpahinga kung kailangan 'yon niya. Hindi naman siya palaging um-absent kaya wala namang problema kung hindi muna siya papasok ngayon. Wala rin naman siyang urgent na gagawin. Sinabihan rin niya ang mga
Nalaman ng lahat ang nangyari kay Clarissa. Walang natuwa sa sinapit nito kahit na nga ay maraming nagalit sa kanya dahil sa ginawa niyang kasamaan. Inoperahan si Clarissa sa kanyang ulo at pinutol ang isa niyang binti. Sa nangyaring 'yon sa kanya ay marami siyang na-realize sa buhay niya lalo na ang mga kasalanan niyang nagawa sa mga taong sinaktan niya. Pinatawad naman na siya nina Andrea, Gretta at Ella Marie sa mga kasalanan niya kahit hindi siya humingi ng tawad dito. Pinakilala na rin ni Martin si Andrea sa mga magulang niya na hindi makapaniwala sa nalaman nila na si Andrea lang pala ang babaeng minamahal ng kanilang anak. Kilalang-kilala na nila si Andrea kaya naman natuwa sila nang malaman na siya pala ang babaeng napupusuan ng anak nila. Tanggap na tanggap nila si Andrea sa pamilya nila at para na rin sa anak nila na si Martin. Sinabi nila na nagdadalang-tao na si Andrea at magkakaroon na sila ng apo. Labis ang tuwang nararamdaman nito."Kailan n'yo balak na magpakasal na da
Nagbihis muna silang dalawa ni Martin sa loob ng kuwarto niya bago bumaba para kumain ng dinner. Magkahawak-kamay silang dalawa ni Martin nang bumaba sila mula sa kuwarto niya patungo sa dining room. Nagkatinginan lang ang mag-asawa na sina Merla at Roberto sa nakikita nila. Mukhang may good news na sasabihin ang dalawa sa kanila. Iyon ang nasa isipi nilang mag-asawa habang pinagmamasdan ang dalawang kababa pa lang mula sa taas.Bago umupo ang dalawa sa upuan para kumain ay sinabi na nga nila ang magandang balita na 'yon sa mga magulang ni Andrea. Inanunsiyo na nilang dalawa na magkasintahan na sila. Tuwang-tuwa naman ang dalawang mag-asawa sa nalaman nila na 'yon mula sa kanila. "Masayang-masaya kami para sa inyong dalawa. Wala kaming ibang nasabi kundi ang maging maligaya kayo sa isa't isa. Magmahalan kayo na para bang wala nang bukas pa," nakangising wika ni Merla sa kanilang dalawa na magkasintahan na. Nandoon sa dining room ang mga kapatid ni Andrea kaya narinig nila ang good ne
Pinuntahan ni Martin si Andrea sa bahay nito. Hindi sana siya papasukin ni Andrea sa bahay nito ngunit dahil sa pakiusap ng mga magulang niya ay pinapasok na niya ito sa bahay nila. Nagpaliwanag si Martin sa mga magulang ni Andrea kung bakit nagkakaganoon ang anak nila."Nagseselos lang 'yang anak namin na si Andrea kaya nagkakaganyan 'yan," sabi ni Merla kay Martin pagkapasok nito sa loob ng bahay.Tumango naman si Martin sa ina ni Andrea at ngumiti bago nagsalita. "Oo nga po, eh. Wala naman po siyang kailangan na ipagselosan o ikagalit. Siya lang naman ang mahal ko po. Hindi ko na po mahal ang babaeng nakita niya kanina na kayakap ko, eh. Siya na po ang mahal ko ngayon at wala nang iba pa. Alam n'yo naman po 'yan, 'di ba po? Akala niya po siguro ay niloloko ko siya. Hinding-hindi ko magagawa 'yon sa kanya. Hinding-hindi ko gagawin 'yon kailan pa man sa babaeng mahal ko. She's the only one for me," sagot naman ni Martin sa harap ng mga magulang ni Andrea. Ngumiti naman ito sa kanya a
Mag-iisang oras na ngunit hindi pa rin umuusad ang mahabang pila ng mga sasakyan sa kalsada. Traffic na naman. Naipit sa mahabang traffic si Andrea patungo sa restaurant na kakainan nila ng dinner ni Martin. Napapamura na lang sa inis si Andrea. Naiinip na siya. Tinatawagan niya rin si Martin ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Gusto lang niya na sabihin dito na naipit siya sa mahabang traffic ngayong gabi. Siguradong-sigurado siya na nandoon na sa restaurant na 'yon si Martin at naghihintay na ito sa kanya. Hindi na siya mapakali."Manong, ano po ba'ng nangyayari at parang hindi umuusad ang mga sasakyan?" tanong ni Andrea sa taxi driver na nasakyan niya. "Ma'am, pasensiya na po kung hanggang ngayon ay hindi pa rin umuusad ang mga sasakyan na nasa unahan natin dahil may bangaan po kasi doon sa unahan natin," sagot ng taxi driver sa kanya. Napatango na lang siya at napabuntong-hininga nang marinig niya ang sinabi na 'yon ng taxi driver. Hindi naman nagreklamo pa si Andrea
Inihatid muna ni Martin si Andrea sa kompanyang pinagtatrabauhan nito bago siya tumungo sa mansion nila kinabukasan. Pinapapunta siya ng mga magulang niya. Hindi niya alam kung bakit. Pumasok kaagad siya sa mansion nila. Naghihintay na ito sa loob sa kanya. Bumeso muna siya sa mga magulang niya. Umupo siya sa harap nito."May importante po ba kayong sasabihin sa akin ngayong umaga na 'to?" tanong niya sa mga magulang niya na nagkatinginan muna bago nagsalita ang isa sa kanila. Sabay na tumango ito sa kanya."Oo. May importante kaming sasabihin ng daddy mo ngayon kaya ka namin pinapunta dito sa mansion natin," malumanay na sagot ni Aurora na mommy niya sa kanya."Ano po 'yon na sasabihin n'yo sa akin na importante?" mabilis naman na tanong niya. Sinenyasan ni Antonio ang asawa niya na si Aurora na sabihin na nito ang sasabihin nila. Huwag na nilang patagalin pa 'yon. "Ikatutuwa mo siguro ang sasabihin namin na 'to, Martin. Siguradong-sigurado kami ng daddy mo," sabi nito sa kanya na h
"Nagtapat siya ng kanyang nararamdaman sa akin kanina," sabi ni Andrea kay Martin sa kabilang linya. Ilang minuto na rin silang magkausap. Martin wasn't surprised as he heard that from her. He's expecting that he would confess his feelings for her. Wala naman siyang takot sa ginawang 'yon ng best friend niya. Alam niya naman na sa kanya lang si Andrea at kailanma'y hindi ito makukuha kahit sino pa man 'yan."I'm expecting for that he would confess his feelings for you, honey. Wala namang problema 'yon sa akin dahil alam ko na sa akin at isa pa ay best friend ko siya at hindi niya gagawin na agawin ka sa akin. Kahit naman agawin ka niya sa akin ay hindi naman niya makukuha ang puso mo because it's mine already," sabi ni Martin sa kanya sa kabilang linya. Kampanteng-kampante ito na hindi mawawala sa kanya si Andrea dahil mahal siya nito at mahal niya rin ito. Kahit sabihin na hindi pa naman sila magkasintahan na dalawa ay panatag ang loob niya na hindi mapupunta sa iba ang babaeng minam
Andrea shared to her friend Gretta about what really happened last night. Masayang-masaya ito na kinukuwento ang lahat ng mga nangyari kagabi sa kaibigan niya kinikilig rin kagaya niya. "Akala ko pa naman ay sasagutin mo na siya kagabi. 'Yung ginawa niya kagabi ay para bang magkasintahan na kayong dalawa. Napaka-romantic sa totoo lang. Kahit hindi ko nakikita ang nangyari sa inyo kagabi ay masasabi ko na punong-puno ng pag-ibig ang gabing 'yon sa inyong dalawa ni Martin. Sinagot mo na dapat siya," masayang wika ni Gretta kay Andrea."Hindi ko pa naman siya sasagutin kagabi, eh. May tamang panahon para d'yan, Gretta. 'Wag muna tayong magmadali, okay?" sagot ni Andrea sa kaibigan niya. Tumango-tango si Gretta pagkarinig ng sinabi niya. "E, kayong dalawa ng boyfriend mo? Kumusta ang dinner n'yo kagabi?""Okay naman ang naging gabi namin ng boyfriend ko. We had sex last night, Andrea. Naka-ilang rounds nga kami. E, kayo did you have sex last night?" nakangising sagot ni Gretta kay Andre
"Para sigurado ako sa gabing 'to ay nakiusap ako sa kanila na ipaghanda ako nila ng mga dresses na babagay sa 'yo para kapag nagreklamo ka o gusto mo na magpalit ng damit ay hindi imposible 'yon, honey. Dahil gusto mo na magpalit ng isusuot mo na damit ay sasama ka sa kanila ngayon sa dressing room na nandito sa loob. They'll assist you there. Aayusan ka nila para magmukha kang mas maganda sa gabing 'to. Tutulungan ka rin nila na mamili ng dress na gusto mong isuot. Sumama ka na muna sa kanila. Maghihintay lang ako sa 'yo. Maghihintay ako sa prinsesa ko. Kahit ano'ng gusto mo ay sabihin mo lang sa kanila. Wala kang dapat na ipag-alala pa, honey. Bayad ko ang lahat. Gumastos lang naman ako ng mahigit isang milyon sa gabing 'to kaya wala kang dapat na ipag-alala. Do you understand me, honey?" paliwanag ni Martin sa kanya. Hindi nakapagsalita si Andrea sa sinabing 'yon ni Martin sa kanya lalo na nang sabihin nito na gumastos lang naman siya ng mahigit isang milyon sa gabing 'to."Nilalan
Nalaman na ni Gretta kung bakit pinatawag si Andrea dahil sinabi 'yon nito pagkarating sa department nila. Tahimik lang silang dalawa na nag-uusap doon habang nagtatrabaho. Sinabi rin niya na may dinner date sila mamayang gabi ni Martin."So iniingit mo na ako ngayon na may dinner date kayong dalawa ni Martin?" wika ni Gretta sa kanya. Nagbibiro lang naman siya sa kaibigan niya. Napakagat labi tuloy si Andrea."Of course not. Hindi kita iniingit, 'no? Maiinggit ka pa ba n'yan sa amin, eh, may boyfriend ka naman, 'di ba?" tugon ni Andrea sa kanya. "Hindi naman kainggit-inggit ang gagawin namin na dinner date, eh. Kayo ang nakakainggit n'yan ng boyfriend mo at hindi kami." Tumawa tuloy si Gretta sa kanya. "Alam ko naman 'yon. Nagbibiro lang naman ako, eh. May date rin kaming dalawa ng boyfriend ko mamaya. Hindi ka lang ang may date mamaya. Meron din ako, 'no?" nakangising sagot ni Gretta sa kanya. Tumawa lang si Andrea sa kanya."Baka bukas n'yan ay malaman ko na sinagot mo na siya. Ma