Share

Chapter 19

Pakanta-kantang naglalakad papalapit si Andrea sa desk nila ng kaibigan niya na si Gretta kinabukasan. Naunang dumating ang kaibigan niya sa opisina. Ten minutes lang naman ang pagitan nila ng kaibigan niya. Maaga pa naman kaya kaunti pa lang ang tao sa loob ng opisina nila.

"Ang ganda naman siguro ng gising mo ngayon, Andrea. May pakanta-kanta ka pang nalalaman d'yan," kaagad na sabi ni Gretta kay Andrea. "O kaya ay napakaganda siguro ng panaginip mo. Tama ba ako, Andrea?"

Tumigil si Andrea sa pagkanta-kanta at hinarap ang kaibigan niya na si Gretta na hindi na naman mapakaling kakatingin sa kanya.

"Kumakanta-kanta kaagad ibig sabihin ay maganda na ang panaginip, huh? Hindi ba puwedeng nasa mood lang?" nakangiwing sagot ni Andrea kay Gretta.

"Oo. Iyon ang batayan, Andrea. So totoo na maganda ang panaginip mo o kaya ang gising mo kaya ka pakanta-kanta ngayon? Ganoon ba, huh?" sagot ni Gretta kay Andrea.

"Hindi. Hindi 'yon ang dahilan kung bakit ako pakanta-kant
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status