"Oh, gising ka pa ngayon, Ella Marie. Bakit ka nga pala napatawag?" nakangising tanong ni Andrea sa kabilang linya kay Ella Marie nang sagutin niya ang tawag nito. Nawala ang antok niya dahil sa pagtawag na 'yon ng katrabaho niya. Humugot nang malalim na buntong-hininga si Ella Marie bago sumagot sa kanya.
"Wala lang. Gusto ko lang tawagan ka, eh. Nakahiga na ako ngayon sa kama ko kaso hindi pa ako makatulog, eh,'' mahinang sagot ni Ella Marie sa kanya. "Ewan ko ba kung bakit hindi ako makatulog ngayon.""Ah, ganoon ba?" sabi naman ni Andrea."Oo. Kahit ano'ng gawin ko ay hindi ako makatulog kaya naisipan ko na tawagan ka ngayon. Hindi rin kasi ako sinasagot ng kaibigan ko na si Clarissa. Nakailang tawag na ako ngunit wala talaga, eh. Mukhang busy siguro kasama ang boyfriend niya.""Alam mo ba na kapag hindi ka raw makatulog sa gabi ay may taong nag-iisip sa 'yo," wika ni Andrea kay Ella Marie sa kabilang linya."Talaga ba? Totoo ba 'yon? Maraming beses ko nang nMinuto muna ang lumipas bago sumagot si Andrea kay Martin sa kabilang linya. "Hindi ko alam kung pupunta ako sa bar," nakangusong sagot niya kay Martin na narinig niya na nagpakawala ng malalim na hininga."Bakit naman? Tayong dalawa lang naman ang pupunta, eh. Hindi ko naman isasama ang mga pinsan ko kahit ang best friend ko kapag pumunta tayong dalawa. 'Wag mong sabihin na hindi ka pa nakakapunta sa bar and you haven't experienced being there," mabilis na sagot ni Martin kay Andrea."Totoo ang sinasabi mo, Martin. Hindi pa talaga ako nakakapunta sa bar at hindi ko na-experience na mag-enjoy sa kahit saan pa man na bar 'yan. Umiinom naman ako ng alak pero 'yung tama lang naman, hindi 'yung sobra-sobra na parang wala na ngang bukas," paliwanag ni Andrea kay Martin at inamin niya mismo rito na hindi pa siya nakakapunta sa bar at hindi pa niya na-experience na mag-enjoy kahit saan pa man na bar 'yan."Seriously? Hindi ka pa nakakapunta sa bar, huh? Akala ko ay nakapun
"Yes, exactly. That's what I want to say to you, Andrea. May pagtingin ka kay Martin at 'yon ang totoo. Tama ba ako sa mga sinasabi ko, huh?" nakangising tanong ni ni Gretta kay Andrea na napapakamot ng kanyang ulo."Wala. Hindi 'yan totoo na sinasabi mo, okay? Walang katotohanan 'yan, Gretta. Alam mo nagpapaniwala ka naman sa mga sabi-sabi na 'yan ng mga matatanda. 'Wag ka ngang maniwala sa mga paniniwala na 'yan. Wala akong pagtingin kay Martin. Hindi mo ba ako naiintindihan, huh? Hindi ko siya gusto, okay?" naiinis na sagot ni Andrea kay Gretta."Talaga ba? Mamatay ka man ngayon, huh? Wala ka talagang pagtingin sa kanyang kahit kaunti, ha? As in wala talaga?" tanong pa ni Gretta kay Andrea na mabilis naman siya na tinanguan."Oo. Kahit mamatay pa ako ngayon, wala akong pagtingin sa kanya kahit katiting pa 'yan. Wala talaga as in wala talaga, Gretta. Hindi ko siya gusto. Paulit-ulit na lang ako nito sa 'yo ngunit hindi ka pa rin ba naniniwala sa sinasabi ko na wala ako
"Napakawalang hiya talaga ng Clarissa na 'yan! Buwisit talaga sa buhay. Napakasama talaga ng bruha na 'yan. Ba't hindi na lang niya gayahin ang kaibigan niya na si Ella Marie. Napakabait na para bang isang anghel, hindi kagaya niya. Napakasama niya. Ako tuloy ang nahihiya kay Ella Marie sa ginawa niya na paghingi ng sorry sa atin sa ginawa ng kaibigan niya na bruha," inis na inis na wika ni Gretta kay Andrea habang kumakain sila ng dinner sa isang fast-food chain pagkalabas nila sa opisina. Gabi na rin naman na kaya nag-dinner na silang dalawa bago umuwi sa kani-kanilang mga bahay na madalas na ginagawa nilang dalawa. Parehas silang dalawa inis na inis kay Clarissa na ang sarap ingundngod ang nguso sa sahig sa kanilang opisina."Sinabi mo pa 'yan. Ganyan rin naman ang nararamdaman ko sa kanya. Nahihiya ako para kay Ella Marie sa ginawa niya na paghingi ng sorry sa 'tin dahil sa kawalang-hiyaan ng kaibigan niya na si Clarissa. Hindi naman niya kailangan na gawin 'yon, 'di ba? Wal
Andrea shrugs her shoulders as she speaks to her friend. "Hindi ko alam sa lalaki na 'yon. Ang sabi niya lang sa akin ay mamaya na lang niya sasabihin ang gusto niya na sabihin kapag nasa bahay na ako kaya i-text ko raw siya 'pag nasa bahay na ako. Baka raw nakakaistorbo siya sa atin sa pagkain ng dinner ngayon," sagot ni Andrea kay Gretta na napatango-tango pagkasabi niya."Ganoon ba ang sinabi niya sa 'yo?" ani Gretta. Tumango naman si Andrea sa kanya. "Oo. Iyon ang sinabi niya sa akin. Wala akong ideya kung ano ang sasabihin niya na 'yon mamaya, eh. Puwede naman na sabihin niya ngayon. Nag-iinarte pa siya sa akin," nakangusong sagot ni Andrea."Hayaan mo na si Martin. Intindihin mo na lang siya baka gusto niya na kayong dalawa lang ang makakaalam ng sasabihin niya. Alam kasi niya na kasama mo ako, 'di ba? Baka magtatapat na siya sa 'yo ng feelings niya," sagot ni Andrea na may kasamang biro sa bandang huli sa sinabi niya. Her eyes got bigger as she heard her friend's answ
"Oo. Nandito na nga ako sa tapat ng coffee shop. Naghihintay na ako sa 'yo. Matagal ka pa ba d'yan, huh?" kaagad naman na sagot ni Martin kay Andrea. "Hindi. Ilang minuto lang ay nand'yan na ako, okay? Palabas na ako sa bahay namin. Kaunting hintay lang talaga, Martin. 'Wag ka munang mainip. Maaga pa naman, eh," nakangiwing sagot ni Andrea."E, kung puntahan na lang kita ngayon d'yan sa bahay n'yo. Puwede ba, huh?" "'Wag na huwag ka na pupunta dito sa bahay namin. Malalagot tayo nito sa mga magulang ko. Malalaman nila na hindi naman tayo pupunta sa birthday party kundi sa bar. Ang alam nila na makakasama ko sa birthday party ay ang kaibigan ko at hindi ikaw. 'Pag nakita ka nila na sinundo mo ako sa tapat ng bahay namin ay baka maghinala na sila at malaman nila ang totoo na sa bar tayo pupunta. Hintayin mo na lang ako d'yan please. 'Wag ka nang mainip. Ilang minuto lang ay nand'yan na ako, okay?" pakiusap ni Andrea na natataranta na dahil mukhang naiinip na si Martin ka
Andrea bit her lips and sighed heavily before she speaks to him. Inilayo naman kaagad ni Martin ang mukha niya kay Andrea dahil napapansin niya ang pagkakailang nito sa kanya."So totoo nga na mayaman ka, huh? Sagutin mo na sana ako sa tanong ko na 'yon. Wala akong masyadong alam sa 'yo lalo na sa katayuan mo sa buhay. Hindi ko talaga alam dahil hindi ka naman nagsasabi sa akin, eh. Hindi ka rin naman nagsasabi kung ano ang trabaho mo. Alam na alam mo kung ano at saan ako nagtatrabaho samantalang ikaw ay hindi ko malaman kung, eh," reklamo ni Andrea kay Martin na napakagat ng kanyang labi at humugot nang malalim na buntong-hininga."Ano ba sa tingin mo, huh? Ano ang unang tingin mo sa akin, huh? Mayaman ba ako o hindi? What do you think, Andrea? Gusto ko na marinig 'yon sa 'yo," tanong ni Martin kay Andrea. She rolled her eyes and let out a deep sigh."Kapag ba sinabi ko sa 'yo ang unang tingin ko sa 'yo kung ano ka ba talaga ay aaminin mo ngayon sa harap ko ang totoo, h
Hindi inaasahan ni Martin na hahalikan siya ni Andrea habang nag-uusap sila sa gitna ng dance floor. Naisipan ni Martin na kaya siguro nagawa 'yon ni Andrea dahil sa espiritu ng alak na dahan-dahan na nagbibigay init nito sa katawan. Alam niya 'yon. Hinalikan na rin niya ang dalaga na si Andrea dahil sa ginawa nito. Hiyawan na rin ang mga taong nakakakita sa kanilang naghahalikan na dalawa. Kinukunan pa nga sila ng larawan at videos ng iba na sigurado na ipo-post nito online. Nakapikit ang dalawang mga mata nilang dalawa habang patuloy pa rin sila sa paghahalikan sa harap ng mga tao na panay pa rin ang hiyawan sa kanilang dalawa."Bakit mo ako hinalikan?" tanong ni Martin kay Andrea nang maghiwalay ang mga labi nila. Ngumiti lang si Andrea sa kanya. Kung hindi nakainom si Andrea ay sigurado siya na hindi talaga nito gagawin 'yon na halikan siya sa harap ng maraming mga tao. "Gusto mo ba ang ginawa ko sa 'yo, huh?" nakangisi pang tanong ni Andrea kay Martin."Of course I
"What are you doing, huh?" wala sa sariling tanong ni Andrea kay Martin. Lasing siya kaya wala siyang magawa kundi ang hintayin ang susunod na gagawin ng guwapong si Martin. Humugot nang malalim na buntong-hininga si Martin at saka sumagot sa kanya."Gusto mo ba 'to na gagawin natin? Alam ko lasing ka pero kung ayaw mo naman ay hindi na natin gagawin 'to,'' bulong ni Martin kay Andrea na mariing ngumiti sa kanya."Oo. Gawin na natin 'to," nakangising sagot ni Andrea palibhasa ay lasing kaya sige lang nang sige. Huminga nang malalim si Martin sa kanya."Talaga ba? Sigurado ka, huh? Hindi mo pagsisisihan ang gagawin natin na 'to?" mahinang tanong ni Martin kay Andrea na mabilis naman na tumango sa kanya."Hindi, 'no? Bakit ko naman pagsisisihan 'to? Gusto naman natin 'to, 'di ba? Magse-sex tayo para magkaroon ako ng anak. I need you sperm to reach my egg, remember?" papikit-pikit ang mga mata na sagot ni Andrea sa kanya. Nasinghap si Martin sa sinabi ni Andrea. Hindi n
Nalaman ng lahat ang nangyari kay Clarissa. Walang natuwa sa sinapit nito kahit na nga ay maraming nagalit sa kanya dahil sa ginawa niyang kasamaan. Inoperahan si Clarissa sa kanyang ulo at pinutol ang isa niyang binti. Sa nangyaring 'yon sa kanya ay marami siyang na-realize sa buhay niya lalo na ang mga kasalanan niyang nagawa sa mga taong sinaktan niya. Pinatawad naman na siya nina Andrea, Gretta at Ella Marie sa mga kasalanan niya kahit hindi siya humingi ng tawad dito. Pinakilala na rin ni Martin si Andrea sa mga magulang niya na hindi makapaniwala sa nalaman nila na si Andrea lang pala ang babaeng minamahal ng kanilang anak. Kilalang-kilala na nila si Andrea kaya naman natuwa sila nang malaman na siya pala ang babaeng napupusuan ng anak nila. Tanggap na tanggap nila si Andrea sa pamilya nila at para na rin sa anak nila na si Martin. Sinabi nila na nagdadalang-tao na si Andrea at magkakaroon na sila ng apo. Labis ang tuwang nararamdaman nito."Kailan n'yo balak na magpakasal na da
Nagbihis muna silang dalawa ni Martin sa loob ng kuwarto niya bago bumaba para kumain ng dinner. Magkahawak-kamay silang dalawa ni Martin nang bumaba sila mula sa kuwarto niya patungo sa dining room. Nagkatinginan lang ang mag-asawa na sina Merla at Roberto sa nakikita nila. Mukhang may good news na sasabihin ang dalawa sa kanila. Iyon ang nasa isipi nilang mag-asawa habang pinagmamasdan ang dalawang kababa pa lang mula sa taas.Bago umupo ang dalawa sa upuan para kumain ay sinabi na nga nila ang magandang balita na 'yon sa mga magulang ni Andrea. Inanunsiyo na nilang dalawa na magkasintahan na sila. Tuwang-tuwa naman ang dalawang mag-asawa sa nalaman nila na 'yon mula sa kanila. "Masayang-masaya kami para sa inyong dalawa. Wala kaming ibang nasabi kundi ang maging maligaya kayo sa isa't isa. Magmahalan kayo na para bang wala nang bukas pa," nakangising wika ni Merla sa kanilang dalawa na magkasintahan na. Nandoon sa dining room ang mga kapatid ni Andrea kaya narinig nila ang good ne
Pinuntahan ni Martin si Andrea sa bahay nito. Hindi sana siya papasukin ni Andrea sa bahay nito ngunit dahil sa pakiusap ng mga magulang niya ay pinapasok na niya ito sa bahay nila. Nagpaliwanag si Martin sa mga magulang ni Andrea kung bakit nagkakaganoon ang anak nila."Nagseselos lang 'yang anak namin na si Andrea kaya nagkakaganyan 'yan," sabi ni Merla kay Martin pagkapasok nito sa loob ng bahay.Tumango naman si Martin sa ina ni Andrea at ngumiti bago nagsalita. "Oo nga po, eh. Wala naman po siyang kailangan na ipagselosan o ikagalit. Siya lang naman ang mahal ko po. Hindi ko na po mahal ang babaeng nakita niya kanina na kayakap ko, eh. Siya na po ang mahal ko ngayon at wala nang iba pa. Alam n'yo naman po 'yan, 'di ba po? Akala niya po siguro ay niloloko ko siya. Hinding-hindi ko magagawa 'yon sa kanya. Hinding-hindi ko gagawin 'yon kailan pa man sa babaeng mahal ko. She's the only one for me," sagot naman ni Martin sa harap ng mga magulang ni Andrea. Ngumiti naman ito sa kanya a
Mag-iisang oras na ngunit hindi pa rin umuusad ang mahabang pila ng mga sasakyan sa kalsada. Traffic na naman. Naipit sa mahabang traffic si Andrea patungo sa restaurant na kakainan nila ng dinner ni Martin. Napapamura na lang sa inis si Andrea. Naiinip na siya. Tinatawagan niya rin si Martin ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Gusto lang niya na sabihin dito na naipit siya sa mahabang traffic ngayong gabi. Siguradong-sigurado siya na nandoon na sa restaurant na 'yon si Martin at naghihintay na ito sa kanya. Hindi na siya mapakali."Manong, ano po ba'ng nangyayari at parang hindi umuusad ang mga sasakyan?" tanong ni Andrea sa taxi driver na nasakyan niya. "Ma'am, pasensiya na po kung hanggang ngayon ay hindi pa rin umuusad ang mga sasakyan na nasa unahan natin dahil may bangaan po kasi doon sa unahan natin," sagot ng taxi driver sa kanya. Napatango na lang siya at napabuntong-hininga nang marinig niya ang sinabi na 'yon ng taxi driver. Hindi naman nagreklamo pa si Andrea
Inihatid muna ni Martin si Andrea sa kompanyang pinagtatrabauhan nito bago siya tumungo sa mansion nila kinabukasan. Pinapapunta siya ng mga magulang niya. Hindi niya alam kung bakit. Pumasok kaagad siya sa mansion nila. Naghihintay na ito sa loob sa kanya. Bumeso muna siya sa mga magulang niya. Umupo siya sa harap nito."May importante po ba kayong sasabihin sa akin ngayong umaga na 'to?" tanong niya sa mga magulang niya na nagkatinginan muna bago nagsalita ang isa sa kanila. Sabay na tumango ito sa kanya."Oo. May importante kaming sasabihin ng daddy mo ngayon kaya ka namin pinapunta dito sa mansion natin," malumanay na sagot ni Aurora na mommy niya sa kanya."Ano po 'yon na sasabihin n'yo sa akin na importante?" mabilis naman na tanong niya. Sinenyasan ni Antonio ang asawa niya na si Aurora na sabihin na nito ang sasabihin nila. Huwag na nilang patagalin pa 'yon. "Ikatutuwa mo siguro ang sasabihin namin na 'to, Martin. Siguradong-sigurado kami ng daddy mo," sabi nito sa kanya na h
"Nagtapat siya ng kanyang nararamdaman sa akin kanina," sabi ni Andrea kay Martin sa kabilang linya. Ilang minuto na rin silang magkausap. Martin wasn't surprised as he heard that from her. He's expecting that he would confess his feelings for her. Wala naman siyang takot sa ginawang 'yon ng best friend niya. Alam niya naman na sa kanya lang si Andrea at kailanma'y hindi ito makukuha kahit sino pa man 'yan."I'm expecting for that he would confess his feelings for you, honey. Wala namang problema 'yon sa akin dahil alam ko na sa akin at isa pa ay best friend ko siya at hindi niya gagawin na agawin ka sa akin. Kahit naman agawin ka niya sa akin ay hindi naman niya makukuha ang puso mo because it's mine already," sabi ni Martin sa kanya sa kabilang linya. Kampanteng-kampante ito na hindi mawawala sa kanya si Andrea dahil mahal siya nito at mahal niya rin ito. Kahit sabihin na hindi pa naman sila magkasintahan na dalawa ay panatag ang loob niya na hindi mapupunta sa iba ang babaeng minam
Andrea shared to her friend Gretta about what really happened last night. Masayang-masaya ito na kinukuwento ang lahat ng mga nangyari kagabi sa kaibigan niya kinikilig rin kagaya niya. "Akala ko pa naman ay sasagutin mo na siya kagabi. 'Yung ginawa niya kagabi ay para bang magkasintahan na kayong dalawa. Napaka-romantic sa totoo lang. Kahit hindi ko nakikita ang nangyari sa inyo kagabi ay masasabi ko na punong-puno ng pag-ibig ang gabing 'yon sa inyong dalawa ni Martin. Sinagot mo na dapat siya," masayang wika ni Gretta kay Andrea."Hindi ko pa naman siya sasagutin kagabi, eh. May tamang panahon para d'yan, Gretta. 'Wag muna tayong magmadali, okay?" sagot ni Andrea sa kaibigan niya. Tumango-tango si Gretta pagkarinig ng sinabi niya. "E, kayong dalawa ng boyfriend mo? Kumusta ang dinner n'yo kagabi?""Okay naman ang naging gabi namin ng boyfriend ko. We had sex last night, Andrea. Naka-ilang rounds nga kami. E, kayo did you have sex last night?" nakangising sagot ni Gretta kay Andre
"Para sigurado ako sa gabing 'to ay nakiusap ako sa kanila na ipaghanda ako nila ng mga dresses na babagay sa 'yo para kapag nagreklamo ka o gusto mo na magpalit ng damit ay hindi imposible 'yon, honey. Dahil gusto mo na magpalit ng isusuot mo na damit ay sasama ka sa kanila ngayon sa dressing room na nandito sa loob. They'll assist you there. Aayusan ka nila para magmukha kang mas maganda sa gabing 'to. Tutulungan ka rin nila na mamili ng dress na gusto mong isuot. Sumama ka na muna sa kanila. Maghihintay lang ako sa 'yo. Maghihintay ako sa prinsesa ko. Kahit ano'ng gusto mo ay sabihin mo lang sa kanila. Wala kang dapat na ipag-alala pa, honey. Bayad ko ang lahat. Gumastos lang naman ako ng mahigit isang milyon sa gabing 'to kaya wala kang dapat na ipag-alala. Do you understand me, honey?" paliwanag ni Martin sa kanya. Hindi nakapagsalita si Andrea sa sinabing 'yon ni Martin sa kanya lalo na nang sabihin nito na gumastos lang naman siya ng mahigit isang milyon sa gabing 'to."Nilalan
Nalaman na ni Gretta kung bakit pinatawag si Andrea dahil sinabi 'yon nito pagkarating sa department nila. Tahimik lang silang dalawa na nag-uusap doon habang nagtatrabaho. Sinabi rin niya na may dinner date sila mamayang gabi ni Martin."So iniingit mo na ako ngayon na may dinner date kayong dalawa ni Martin?" wika ni Gretta sa kanya. Nagbibiro lang naman siya sa kaibigan niya. Napakagat labi tuloy si Andrea."Of course not. Hindi kita iniingit, 'no? Maiinggit ka pa ba n'yan sa amin, eh, may boyfriend ka naman, 'di ba?" tugon ni Andrea sa kanya. "Hindi naman kainggit-inggit ang gagawin namin na dinner date, eh. Kayo ang nakakainggit n'yan ng boyfriend mo at hindi kami." Tumawa tuloy si Gretta sa kanya. "Alam ko naman 'yon. Nagbibiro lang naman ako, eh. May date rin kaming dalawa ng boyfriend ko mamaya. Hindi ka lang ang may date mamaya. Meron din ako, 'no?" nakangising sagot ni Gretta sa kanya. Tumawa lang si Andrea sa kanya."Baka bukas n'yan ay malaman ko na sinagot mo na siya. Ma